Nemo

Your Highness

"Jisoo kailangan ng malaman ng mahal na hari ang pagkawala ng prinsesa. Halos dalawang linggo na siyang wala at hindi ko na alam kung ano pang idadahilan ko sa kanya. He keeps on asking me to talk to her soon!" sabi ni Kai habang naglalakad ng pabalik balik sa salas ng palasyo. 


Pinatuloy kami ng pangulo sa Malacañang para umano sa aming kaligtasan. Sabi niya mas mainam raw na narito kami habang nawawala pa si Jennie para mas madali umano nila kaming masabihan sa progress ng paghahanap sa kanya. Sa totoo lang maski ako ay nagaalala na, hindi kay Jennie kundi sa maaaring gawin ng mahal na hari kapag nalaman niyang nawawala ang kaisa isang anak niya. 


"Kapag ginawa mo yan ay siguradong magkakagulo. Baka magdeklara ng giyera ang hari laban sa Pilipinas, hindi mo ba naisip yun? Alam mo ang kaya niyang gawin, Kai. Una sa lahat desisyon ni Jennie ang tumakas kaya hindi dapat madamay sa maaring mangyaring gulo ang mga tao rito. Isa pa, malalagot ka sa mahal na hari kapag nalaman niyang may kapabayaan ka rito. Alam mong isa lang ang pwede mong kahinatnan kapag nalaman niya yun. It's either buhay mo o kung magiging mabuti ang hari ay baka tanggalan ka lang niya ng tungkulin sa palasyo. Kung handa ka na sa mga posibilidad na yun then tell him." pagbabanta ko sa kanya. 


Bigla siyang natahimik sa sinabi ko. Kilala ko si Kai, hindi niya isasaalang alang ang kanyang posisyon sa palasyo dahil takot siyang mawalan ng kangyarihan dahil ito lang ang meron siya. Alam kong gusto niya si Jennie pero mas matimbang pa rin sa kanya ang kanyang posisyon. At alam ko ring kaya gusto niyang mapangasawa si Jennie para mapamunuan niya ang aming bansa at hindi niya hahayaan na mawala ang posibilidad na yun sa mga kamay niya. 


"So, ano nang gagawin natin?" tanong niya. 


Hindi ko rin alam kung anong isasagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong plano ni Jennie. Ang usapan namin isang linggo lang ngunit dalawang linggo na ang nakakaraan at hindi pa siya nagpapasundo sakin at ang masama, wala akong ideya kung saang lupalop ng Pilipinas siya naroroon dahil ayaw niyang ipaalam ito maski sa akin. Alam ko ang tumatakbo sa isip niya. Alam kong ayaw niyang sabihin sakin hindi dahil wala siyang tiwala kundi dahil pinoprotektahan niya ko. Alam kong ayaw niyang magsinungaling ako sa kanila. Pero hindi pa rin ako mapalagay dahil kapag tumagal pa ito baka magduda na ang mahal na hari. Kapag napag alaman ito ng hari ay siguradong magkakagulo.


"Umasa na lang tayong mahanap natin siya agad bago pa to malaman ng hari" marahan kong sagot kay Kai.

 

 

 

 

 

 

 


Lisa

Nagising akong may mabigat na nakapatong sa mga hita ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay muntik na kong mapabalikwas sa kama ko dahil mukha mo agad ang nakita ko. Putek bakit ka andito? Ah oo nga pala, inaya nga pala kitang dito sa kwarto matulog. Pinagmasdan ko yung mukha mo habang natutulog ka.  Shet! Ang ganda mo talaga! Mukha ka lalong anghel dahil napaka peaceful mong tignan. Habang pinagmamasdan kita hindi oo maiwasang mapangiti kapag naaalala ko yung mga pangyayari kagabi. Hindi pa rin ako makapaniwalang gusto mo rin ako. 


Masaya akong pinagmamasdan kang natutulog ng bigla mong iminulat ang mga mata mo. Iniangat mo nang bahagya ang iyong ulo na nakapatong sa dibdib ko para makita mo ang mukha ko. 


"Good morning" nakangiting pagbati mo sakin kasabay ng biglaan mong paghalik sa dulo ng ilong ko. 


Nawiwili ka na atang magnakaw ng halik sa ilong ko. At sa tuwing ginagawa mo yan, di mo alam na halos atakihin na ako sa kaba. Pero kahit na ganun, ansarap lang gumising sa umaga kapag ikaw yung una kong makikita. 


"Go-- good morning" nauutal na sagot ko naman den sayo. 


Nadestruct kasi ako sa kagandahan mo. Sabi kasi nila mas makikita mo kung maganda talaga ang isang babae pag gising nito sa umaga habang magulo pa ang buhok at walang makeup. And no doubt kung gaano ka kaganda. Mas maganda ka pa nga pag ganitong simple lang at walang kaayos ayos. You look like a baby, my baby. 


I heard you chuckle bago mo muling ibinaba ang ulo mo sa dibdib ko at niyakap ako ng napakahigpit na parang ayaw mong makawala ako. Ansarap! Ansarap sa feeling nung ganito. Naguumapaw sa saya yung puso ko. 


"How's your sleep?" tanong ko.


"It was nice and warm and comfortable" sabi mo naman while drawing small circles in my arm. 


"Mabuti naman kung ganon" sagot ko naman sayo. 


Bigla ka namang bumangon at umupo. Nakatingin ka ng seryoso sa mga mata ko.  Habang ako, eto  nagtatakang nakatingin sa kanya. 


"What did you say?" tanong mo sakin. 


Ah akala ko naman kung ano na. 


"I said that's good"


Ngumiti siya at tumango. 


"I think I have to study more tagalog words" sabi mo naman ng biglang tumunog ang sikmura mo. 


Nagkatinginan tayo at sabay na napatawa. 


"Okay. I'll teach you more tagalog words but for now let's cook breakfast first. Mahirap na baka ako pa ang kainin mo" natatawang sabi ko pagtayo ko mula sa kama. 


Pinaningkitan mo naman ako ng mata mo. 


"What did you say?" tanong mo sakin. 


Tumawa lang ako at umiling. 


"Are you making fun of me, Lisa?" nakasimangot mong  tanong sakin. 


Pinisil ko yung pisngi mo dahil napakacute mo talaga lalo kapag naiinis ka. 


"Nope. I said let's cook so we could eat" 


I extended my arm and you gladly took it at naglakad tayong magkahawak kamay papunta sa kusina. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"So, ano nang plano mo? Liligawan mo na ba?" 


"Should I?" 


"Bakit hindi?" 


"Hindi ko alam Seul. Natatakot ako eh, isa pa di ko pa siya ganun kakilala" 


"Bakit ka naman matatakot? Saka bakit di mo na lang kilalanin?" 


"Natatakot akong masaktan ulit Seul"


"Sigurado ka na ba sa nararamdaman mo para sa kanya?" 


"Oo. Alam kong gusto ko siya, sigurado ako dun" 


"Alam mo kapag nagmahal ka dapat handa kang masaktan kasi laging kaakibat ng pagmamahal yung sakit. Pero mas mabuti nang irisk mo yung puso mo in doing everything for that love, kesa naman masaktan ka dahil wala kang ginawa para sa nararamdaman mong yun" 


"Pano kung iwan niya ko? Hindi malabong mangyari yun dahil di naman siya taga rito" 


"Edi sundan mo! Alam mo Lisa, kung talagang gusto mo si Jane susugal ka. Kahit na malabo pa, kahit na mahirap pa, kahit na harangan ka pa ng napakaraming sibat. It's either you take the risk or lose the chance" 


Napatingin ako sa direksyon ni Jane na ngayon ay masayang nakikipagkwentuhan. Are you worth the risk? 


Seulgi tapped my shoulders. I looked at her and smiled. 


"Alam mo may sense ka rin naman talaga kausap minsan no?" natatawang sabi ko. 


"Samantalahin mo na, minsan lang to"


Lumapit ako sa kinatatayuan mo at mukhang amaze na amaze ka na naman sa mga umaakyat sa puno ng buko kasi nagniningning na naman yung mga mata mo. Hindi ko na talaga alam kung saang lupalop ka ba talaga nanggaling at parang ngayon mo lang nakita ang mundo. Pero kahit na saan pa, hindi mababago nun yung pagtingin ko sayo. 


"Look at them Lisa, they are like real life spiderman!" tuwang tuwang sabi mo. 


Nagtawanan naman ang mga tao sa paligid mo pero wala kang pakialam. 


"Yes, they are" nakangiting sagot ko naman sayo.


"How did they even do that without a harness on? Aren't they afraid to fall?" inosenteng tanong mo ulit. 


Para kang batang first time sumama sa fieldtrip. Nakakatuwa yung pagka inosente mo sa mga bagay bagay. 


"Don't worry about them. They are trained to do that"


"Really?" 


"Yes" 


"Wow!" sabi mo habang nakatingala ka pa rin sa mga nangunguha ng buko. 


Nakita kong pinagpapawisan ka na dahil na rin siguro sa init ng panahon. Kaya naman kumuha ako ng buko at pinagbukas kita nito. Napakasarap kasi nitong inumin lalo na kapag kakakuha lang mula sa puno. Nakakarefresh. 


"Jane, here" sabi ko sayo sabay abot ng buko. 


Agad mo namang ibinaling ang tingin mo sa akin. 


"Oh! Thank you!" nakangiting sabi mo. 


Masaya akong pinagmamasdan kang uminom ng buko ng may bigla akong may maalala. 


"Ahm... Jane?" 


"Hmm?" 


"Do you know how to swim?" 


Napatingin ka naman sakin. 


"Yes, why?" 


"Have you ever experience Kayaking or Scuba diving?"


"No. My father wouldn't allow me. He said it's too dangerous and it's not suitable for a prin... for a person like me" nauutal na sabi mo at halata ko yung lungkot sa mga mata mo. 


Ramdam kong andaming mong gustong gawin na ipinagkait sayo ng mga magulang mo. Minsan din talaga overprotective ang mga magulang ko but looking at you, mukhang mas grabe ata yung sayo. 


"Would you like to try?" tanong ko sayo. 


Agad mo naman akong nilingon. Nakita ko kung paano nanlaki ang singkit mong mga mata mula sa sinabi ko. Hindi mo rin maikubli ang mga ngiti sa mga labi mo. 


"Can we?" tanong mo at tumango naman ako. 

 

 

 

 

 

Dahil maaga pa naman, napagdesisyunan nating magkayaking at mag scuba diving. Sabi mo kasi hindi mo pa nararanasan kaya gusto kong iparanas sayo. Sobrang excited ka nung sinabi ko sayong gawin natin ang mga yun. Nung una medyo takot ka pa kasi sabi mo baka delikado, pero nung sinabi ko sayo na wala kang dapat ipagalala dahil professional scuba divers kami ni Seul eh napanatag ka na at yung kaba mo, napalitan na nang saya. 


Inaya natin sina Seul at Irene para mas masaya at agad kong inihanda ang yate para sa pagpunta natin sa diving spot. 


"Woah! I can’t believe this is real!" manghang sabi mo habang tinitignan yung napakagagandang limestone cliffs dito sa El Nido. 


Isa ito sa mga dinarayo ng mga turista. Napakaganda naman kasi talaga ng mga ito. Kung titignan mo para kang nasa isang paraiso. Pinapanood kita kung paano ka na naman mamangha sa ganda ng mga nakikita mo sa paligid. Napaka cute mo talaga. Para ka talagang batang nastuck sa katawan ng isang magandang binibini. 


Pagtapos ng ilang minutong byahe natin sa karagatan, narating na natin yung paboritong diving spot namin ni Seul. Dito kami madalas pumupunta kapag napagtitripan namin sumisid. Ito nga rin pala ang isa sa pinagkakakitaan namin ni Seulgi dito sa Palawan. May mga turistang nagpapaturo samin mag scuba diving at madalas dito namin sila dinadala. Isa kasi ito sa may pinakamagandang coral reefs at maraming sea creatures ang pwede makita rito. Siguradong maeenjoy mo to. 


"Lisa, do you think I'll be able to see Nemo there?" cute na cute mong tanong sakin habang inaayos ko yung diving gear mo. 


Di naman namin maiwasang mapatawa sa tanong mo. Para ka talagang bata! Ang sarap mong ibulsa para lagi kitang kasama. 


"I'm not sure if you'll be able to meet him but I'm sure you'll get to meet his relatives" tatawa tawang sabi ko naman sayo samantalang inirapan mo lang ako. 


Nang maiyos na namin ni Seul ang mga suot natin ay ipinaliwanag na niya ang mga dapat at di natin dapat gawin sa ilalim ng dagat, itinuro niya rin kung paano ang proper breathing. Tuwang tuwa naman ako sayo kasi titig na titig ka kay Seul at seryosong seryoso kang nakikinig. Nakakunot pa ang noo mo habang tumatango sa mga instructions niya.


Matapos ng paliwanagan ay naghanda na tayong tumalon sa karagatan. Nauna na sina Seulgi at Irene habang dinodouble check ko naman ang gear mo. Mas mainam na ang sigurado. 


Habang chinecheck ko ang gear mo, pansin kong kinakabahan ka. 


"Are you okay?" tanong ko sayo. 


Tumango ka naman pero di rin nagtagal nang magsalita ka. 


"Are you sure there's no shark in there?" nagaalalang tanong mo. 


"We're not sure about that" ngingisi ngising sagot ko sayo. 


"LISA!" sigaw mo sabay hampas sa braso ko. 


Hindi ko maiwasang matawa sa reaksyon mo. Ansarap mo kasing asarin eh. 


"Don't worry, I'll be beside you all the time. You're safe with me, okay? Do you believe me?" 


You looked into my eyes first bago ka naman tumango. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinalikan kita sa noo para iparamdam sayo na nandito lang ako. 


"Let's go?" tanong ko sayo at tumango ka naman.


Tumalon tayo sa dagat ng magkahawak kamay dahil ramdam ko pa rin na kinakabahan ka. Hindi kita binitawan hanggang sa makasisid tayo pero unti unti nararamdaman ko na nagiging at ease ka na, na nageenjoy ka na. Unti unti kong binitawan ang kamay mo para mas maramdaman mo yung fulfillment sa pagsisid magisa. Nung una nakita ko sa mga mata mo na natakot ka pero sinensyasan kita na ayos lang, na nandito lang ako sa likod mo at di kita iiwan. Tumango ka naman at alam kong agad mong naintindihan yung gusto kong iparating sayo. 


Sinusundan kita sa kung saan ka man lumalangoy. Alam kong nakangiti ka ngayon dahil kita yung saya sa mga mata mo. Habang tinitignan kita ay napansin kong parang may hinahanap ka. Hindi ko alam kung ano. Napatingin naman ako sa bandang ibaba, sa kulay puti na coral reef at biglang may lumabas na clownfish. Bigla ko tuloy naalala yung tanong mo na kung makikita mo ba dito si Nemo. Naisip ko tuloy baka ito yung hinahanap mo. Agad kong hinawakan yung kamay mo at pinisil para kuhain yung atensyon mo. Agad ka namang lumingon sa akin at kita ko sa mata mo na nagtatanong ka kung bakit. Agad kitang sinenyasan at itinuro kung nasaan si Nemo. Kita ko yung paglaki ng mata mo nung makita mo yung tinuturo ko. Sobrang saya mo. Kulang na lang pumalakpak ka sa sobrang saya. Sabi ko na nga ba si Nemo lang ang hinahanap mo. 


Napakacute mo talaga!


Agad kong kinuha yung underwater camera ko and I took photos of you, of us, kasi gusto kong palaging maaalala ang araw na to. I even took a video of your interaction with 'Nemo'. I will never ever forget this day. 


Umahon na tayo at naguumapaw yung saya mo at yun lang yung mahalaga para sakin ngayon. Nung una kasi kitang makita sa yate ko ramdam kong may bitbit kang lungkot sa loob mo kasi nagrereflect yun sa mga mata mo. Minsan nga nakikita pa kitang tulala at malayo ang tanaw. Siguro hindi talaga naging maganda yung mga karanasan mo. Pero nung dumating tayo sa isla unti unti nakita ko yung ngiti sa mga labi mo. Para kang isang ibon na nakalaya mula sa pagkakakulong sa kanyang hawla sa mahabang panahon. Hindi ko alam pero kapag nakikita kitang nakangiti napapangiti na rin ako. Yung feeling na gumagaan yung lahat kapag ngumingiti ka. Sana hindi mawawala yang mga ngiti na yan sa labi mo. Kung kaya ko lang palagi kitang papasayahin. Kung pwede lang dito ka na lang sakin, wag ka nang umalis. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

-----
Aigoo!! This chapter is so soft! Gusto ko den makapagscuba diving at mameet si Nemo kaso takot ako magsuot ng  diving gear feeling ko masusuffocate ako. 

Dapat talaga mamaya pa ko magaupdate eh, kaso nakita ko BLACKPINK is coming back na daw kaya eto ginanahan ako. I still hope for a full album tho but anyways ATLAAAAAASSSSTTTT may comebackn na!!! Good morning! 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Anyone who knows how to insert pic here sa AFF?

Comments

You must be logged in to comment
Jendeukie_16 #1
Chapter 44: Update soon author. 1 chapter only? Myghad, I'm not ready for that ? I want more chapters ?
DarkSilhouette_15
#2
Chapter 38: So hot!
Jung97 #3
Chapter 37: Wahhhh❤️❤️
yogirl_jasmin #4
Chapter 35: go go go!
erzcaps27
#5
Chapter 35: OMG!!! Lalisa is coming, wait for her Jennie
Jendeukie_16 #6
Chapter 34: We trust you author, you're the best ☺️
PinyaNiSeulgi
#7
Chapter 34: Engaged sya kay jennie oof
yogirl_jasmin #8
Chapter 34: alam ata ng daddy ni Lisa lahat pero tinago niya lang? alam ng daddy ni lisa na hawak niya sa jennie ganon? ?
Jendeukie_16 #9
Chapter 32: Author, wag naman ganyan please ? patalsikin mo na si kai ? nakakaawa naman na naiipit si jennie sa ganung sitwasyon ? napakasama ni kai ? patayin mo nalang siya ?
yogirl_jasmin #10
Chapter 33: konting sakit pala ah? ?