Engaged

Your Highness

After 2 weeks...


"Engagement? Seriously?" galit na tanong ko sa aking amang hari the moment na nakaalis na ang royalties sa room matapos iannounce ni Dad ang tungkol sa nalalapit na pagpapakilala sa akin sa taong bayan kasabay ng pagpapakilala ng aking mapapangasawa. Eto pala yung big news na sinasabi nila. Tama ang kutob ko na masamang balita ito. 


"Yes Princess" the King answered with full authority. 


"Pero bakit parang ang bilis naman ata? I still have 1 and a half year left bago ako mag twenty five and that's our tradition right?" naguguluhang tanong ko. 


"I can broke our tradition anytime I want, princess" he defended. 

 

I just shook my head. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko.

 

"But aren't you gonna ask me first about this?How would I feel about it?" 

 

"Hindi na kita tinanong dahil alam kong hindi ka papayag" he said which made me laugh sarcastically. 

 

"Kaya kayo na lang yung nagdecide para sakin? Don't you think it's unfair for me?" sagot ko. 

 

I am almost shouting at him. 

 

"Jennie kailangan ka ng bansa natin" 

 

"Naiintidihan ko na man yun Dad pero bakit ang bilis. Parang ang bilis naman masyado?" tanong ko sa kanya.

 

"You have to understand Jennie. I am only doing this for you" 

 

I shook my head.

 

"No! You're not doing this for me. Hindi ko maintindihan kung paanong para sa akin to?" sabi ko sabay alis sa harapan niya at hindi ko na naiwasan ang pagtulo ng mga luha ko dahil wala akong magawa. 

 

Dumiretso ako sa kwarto ko at doon ko ibinuhos ang lahat ng frustrations ko. Alam ko namang darating tong araw na to pero hindi pa ko handa. At kahit kelan hindi ako magiging handa dahil yung taong gusto kong makasama habang buhay ay wala dito.

 

Iniangat ko ang ulo ko ng maramdam ko ang mga brasong yumayakap sa akin. 

 

"He's so unfair Chu! He's so unfair!" iyak ko kay Jisoo. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at doon ako umiyak ng todo habang hinahaplos niya naman ang likod ko. 

 

"I don't want to marry anybody else Chu. Siya lang ang gusto ko, siya lang Chu!" I said in between my sobs.

 

"I know. I know. Gagawan natin ng paraan Jen. I promise" 

 


Jisoo


Hinalikan ko siya sa noo nung masigurado kong nakatulog na siya. Awang awa na ko sa kapatid ko dahil sa sobrang sakit na dinadala niya dahil sa hindi pakikinig sa kanya ni Lisa, tapos ngayon sumabay pa tong engagement niya. Simula ng umuwi kami dito sa Korea wala na siyang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak. Nangangayayat na rin siya dahil hindi siya kumakain ng maayos. Wala na rin yung dati niyang sigla. Pansin ko ring balisa siya nitong mga nakakaraang araw. Sobrang nagaalala na ko para sa kalusugan niya. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ng hari at minamadali niya si Jen na magpakasal. Hindi na tama ang mga nangyayari. May mali dito kaya lang hindi ko mapinpoint kung ano at isa lang ang paraan para malaman kung ano yun. Hindi na ko kumatok dahil nakita ko namang bukas ang pinto ng study room. Tahimik akong pumasok at nakita kong may kausap sa phone ang hari kaya hindi na muna ako nagsalita. Nakaharap siya sa malaking bintana habang nakatalikod naman siya sa akin.

 

"I trust you on this. Okay, thank you" sabi ng hari sa kusap niya sa phone. 

 

Ilang segundo pa ay ibinaba na ng hari ang phone niya at humarap na. Medyo nagulat pa siya sa presensya ko pero agad din naman niyang naiayos ang kanyang sarili.

 

"Kanina ka pa dyan?" tanong niya sa akin. 

 

Agad akong naglakad papalapit sa kanyang table.


"Naparito ka?" 

 

Kinakabahan ako dahil alam kong andito ako para kwestiyunin ang desisyon ng hari pero ito lang ang magagawa ko para kay Jennie kaya bahala na kung anuman ang magiging reaksyon niya. Alam kong ampon lang ako pero para sakin tunay kong kapatid si Jennie at gagawin ko ang lahat makita ko lang siyang masaya.

 

"Hindi ko alam kung bakit bigla niyo na lang ipapakasal si Jennie sa kung sinoman pero kung anumang dahilan niyo that's unfair. Sobrang unfair nun para kay Jennie Dad"

 

Tumaas naman ang kilay niya sa sinabi ko. Napalunok na lang ako sa kaba dahil sa sobrang seryoso ng tigin niya sakin. 

 

"I have my reasons Jisoo. I appreciate you taking care of Jennie. You've been a very good sister to her and I thank you for that. Pero isa lang ang masasabi ko, I won't do anything na ikakasama niya. Just trust me on this Hija" nakangiting sabi niya.

 

He tapped my shoulder before he went outside the room living me confused of everything he said.

 

 

 

 

 

 

 


Lisa

 

"!" sabi ko ng magising akong napakasakit ng ulo dahil sa dami ng alak na nainom ko kagabi. 

 

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita kong nasa loob na ko ng kwarto ko. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi at kung sinong naguwi sakin dito. Dalawang linggo na rin ang nakakalipas simula nung ibinalik ko si Jennie dun sa mga kasamahan niya. Dalawang linggo narin ng bumalik ako dito sa isla. Simula nun araw araw na akong laman ng bar para magpakalango sa alak dahil hindi ko magawang tumagal sa bahay nang magisa dahil sa bawat sulok ng bahay na yun naalala ko siya. I missed every inch of her at sa tuwing naalala ko siya, I always ended up crying kaya mas minabuti ko na lang na maglasing para kahit sandali lang makalimutan ko siya at yung sakit. I changed my phone number den para hindi niya ko macontact. Bumangon ako ng kama ko para kumuha ng tubig dahil sobrang tuyo ng lalamunan ko nang may marinig akong kumakalampag sa kusina. Nanlaki ang mata ko at dali daling tumakbo papunta roon then I saw a girl's back na busy sa pagluluto. Lumapit ako at niyakap siya mula sa likuran. 

 

"I missed you" sabi ko while sobbing on her shoulder. 

 

Nagulat naman ako nang humarap siya and I saw Irene and not Jennie. Agad akong bumitiw at lumayo sa kanya. 

 

"I-Irene... I'm sorry. I thought you're Jennie" nahihiyang sabi ko. 

 

Nginitian niya naman ako pagtapos niyang patayin yung kalan. 

 

"Okay lang" sabi niya bago siya pumunta sa lamesa para ihain yung mga niluluto niya. 

 

Tinapik niya ko sa balikat at pinaupo. Di naman nagtagal at dumating na rin si Seulgi na may dala dalang fresh milk. 

 

"Good morning!" bati niya at hinalikan sa pisngi si Irene at umupo sa tabi nito. I weakly smiled naman sa kanilang dalawa. Masaya kong makitang masaya sila sa isa't isa. 

 

"Seulgi and I decided to prepare breakfast for you bago ka pumuntang Manila" sabi ni Irene. 

 

"Hindi niyo naman kailangang gawin to guys, pero salamat" pinilit kong ngumiti. 

 

Ngumiti sila at nagsimula na kaming kumain. 

 

"Alam niyo di pa rin talaga ako makapaniwalang prinsesa yun si Jane, ay Jennie pala. Kaya pala ganun siya kumi---" napahinto naman si Seul nang sikuhin siya ni Irene at pandilatan para patahimikin. 

 

"Sorry" sabi naman ni Seulgi. 

 

Nginitian ko lang sila sabay sabing, "Okay lang" 

 

"By the way, sino nga palang naguwi sakin dito" tanong ko sa kanila.

 

Sa pagkakaalam ko kasi magisa lang akong nagpunta sa bar kagabi dahil di pwede si Seul dahil may date sila ni Irene. 

 

"May dalawang lalaking naguwi sayo rito. Sila den yung dalawang lalaking naguwi sayo nung nakaraan. Feeling ko hindi mga taga rito yun kasi ngayon ko lang sila nakita. Buti na lang sila yung nakakakita sayo" sabi ni Seul.

 

Simula nung umuwi ako dito at nagsimulang maginom tulad ng dati, Seulgi made sure na icheck ako araw araw. Naghihitay siya sa bahay ko hanggang makauwi ako and I couldn't thank them enough dahil sa concern nila para sakin.

 

"Baka mga turista. Ituro mo sakin pag nakita mo para makapagpasalamat ako" 

 

Tumango naman siya at bumalik na sa pagkain. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Huminga ako ng malalim bago ako bumaba ng kotse ni Babs. I can't believe andito na naman ako sa palasyo ng Malacañang. Babs, hold my hand and smiled at me. I smiled back and nodded my head. 

 

"For mom" nakangiting sabi niya. 

 

"Yeah" 

 

Kung hindi lang birthday ni Mommy hindi talaga ko uuwi dito. Tatlong birthday niya na rin kasi ang hindi ko pinupuntahan dahil sa galit ko kay Dad pero dahil my Mom and Babs begged me, wala na kong nagawa kundi pumayag. Hindi naman ako magtatagal. Magpapakita lang ako then aalis na rin ako agad.


"Bunso!" tawag ni Mommy sakin the moment na makita niya ko. 

 

Napansin kong nakanakaw kami ng atensyon ng mga bisita nila ni Dad. Everyone is looking at me, those kind of looks na 'the prodigal daughter has returned'. Hindi pa rin nagbabago and I still hate these people na tingin pa lang mapanghusga na. Pero hindi ko na lang sila inintindi coz I am here for Mom and not them.

 

"Atlast! You made it!" sabi niya while cupping and kissing both my cheeks while tears fall down on her face. 

 

"Happy Birthday Mommy" bati ko before I kissed her forehead.

 

Mom tagged me to sit with them on their table. Of course, Dad is with us pero I did my best para hindi siya tignan. Mom asked me a lot of questions at pinilit ko namang sagutin lahat coz I don't want my Mom to feel sad on her birthday. At first, all eyes are on me, mabuti na lang at tinawag na si Mom and Dad sa stage para magbigay ng speech nila para sa mga dumalo kaya naman nabaling na sa kanila ang atensyon ng lahat. 

 

"Stay here anak. Di pa tayo tapos magkwentuhan ha" mom told me which I responded with a nod.

 

I am listening to Mom who's speaking now when Babs gave me a glass of champagne. 

 

"Thank you for making mommy happy" nakangiting sabi niya. 

 

"Namiss ko rin si Mom kaya pumunta ko" 

 

Tumango siya at saka uminom sa glass niya. 

 

"How are you?" tanong niya. 

 

"Fine, I think" pinilit kong ngumiti habang sinasabi ko yun. 

 

"Lisa alam kong ayaw mo siyang pagusapan but I guess kailangan mong malaman to" 

 

Iniangat ko naman ang ulo ko mula sa glass na hawak ko papunta sa mukha ni Babs. I gave her 'what is it' look.

 

"She's callig me everyday para kamustahin ka. Wala ka ba talagang balak kausapin siya?" 

 

"Para ano pa Babs? Niloko niya na ko"

 

"I get your point pero hindi mo man lang ba siya bibigyan ng chance magexplain?" 

 

"Babs pinaniwala niya ko sa mga kasinungalingan niya and what's worst is pinaniwala niya kong mahal niya ko."

 

"Pano Lis kung totoong mahal ka niya at ayaw ka lang niyang saktan?" 

 

"Kung mahal niya ko hindi siya magsisinungaling sakin" tiim bagang kong sabi sabay tayo para umalis na sana dahil ayaw ko nang pagusapan pa siya. Pero bago pa ko makahakbang nagsalita ulit si Rosie na naging dahilan ng paghinto ko. 

 

"She's getting engaged Lisa. Can you really see her with someone else? Wala ka bang gagawin para ipaglaban siya? Ano? magpapakain ka na lang ba dyan sa galit mo at magpapakamiserable ka habambuhay?" 

 

I felt like I froze on what I've heard at biglang nagsikip at sumakit ang dibdib ko. Sa sobrang sakit, pakiramdam ko pinipiga yung puso ko. Engaged? In a span of two weeks, she's getting engaged? Bat ambilis naman ata? Hindi ko na namalayan na tumulo na ang luha mula sa mga mata ko. Just thinking about her being with someone else ay parang mababaliw na ko. Sobrang nasaktan ako sa ginawa niya pero kaya ko ba talagang ipaubaya siya sa iba? Kaya ko bang makita siyang ikinakasal sa iba? Hindi ko alam? Naguguluhan ako at sobra kong nasasaktan. Iniwan ko si Rosie at naglakad papalayo. I need some air. Kailangan kong huminga.

 

Kumuha ako ng isang bote ng wine at magisang uminom sa poolside ng palasyo. Minabuti kong dito uminom dahil walang tao at dito makakapagisip isip ako. Hinubad ko ang sapatos ko at saka inilublob ang mga paa ko sa pool at nagulat naman ako ng may umupo sa tabi ko. Iniangat ko ang ulo ko at mas ikinagulat kong makita that it was my Dad who's sitting beside me. Inilahad niya sakin ang isang wine glass at humiling na salinan ko ito. I did what he asked me and we both drink. We were both very awkward and silent habang pinagmamasdan yung mga paa naming nakalublob sa pool hanggang sa nagdesisyon siyang basagin na ang katahimikang bumabalot sa aming dalawa.

 

"How are you anak?" tanong niya na ikinagulat ko. 

 

It's been so long nung huling marinig ko ang salitang anak sa bibig niya and it feels so foreign kapag sa kanya nanggagaling. Naramdaman kong namuo yung mga luha sa mga mata ko but I tried my best na pigilan yung pagbagsak nito dahil ayokong magmukhang mahina lalo na sa harapan ng tatay ko. Kaya naman iniiwas ko ang tingin ko sa kanya.

 

"I'm fine" walang emosyong sagot ko sa kanya. 

 

"I know you're not. You've been wasting your time sa bar para magpakalango buti na lang I have my men to br---" hindi ko na siya pinatapos at kunot noo ko siyang hinarap. 

 

"Your men? So, pinasusundan mo ko?" galit kong tanong sa kanya. 

 

"I just want to make sure you're okay" sagot niya naman which made me chuckle bitterly.

 

"I don't need your men para bantayan ako. Nagawa kong maging maayos ng di kita kinakailangan and I will never be okay because of you!" I lashed out before him.

 

Kita ko sa mga mata niya yung pagkagulat but he immediately composed himself. Tatayo na sana ako para iwan siya nang muli siyang nagsalita.

 

"Alam ko anak. Alam kong kaya mo na ang sarili mo. Hinayaan kitang umalis noon dahil ang sabi ko sa sarili ko hindi mo kakayanin ng wala ako at babalik ka rin samin pero nagkamali ako. Pinatunayan mo sakin na kaya mong mabuhay ng wala ako. Na kaya mong tumayo sa sarili mong mga paa. Nung mawala ka, I realized how ed up I am as a father. Magaling na ama ng bayan pero pagdating sa sarili kong anak palpak ako. Hiyang hiya ako sayo nak! Hindi ako naging mabuting ama sayo Lisa. Patawarin mo ko kung ako ang naging dahilan ng lahat ng sakit na nararamdaman mo. Patawarin mo ko kung pinilit ko sayo yung mga bagay na ayaw mo. Patawarin mo ko kung sa tingin mo niloko kita. Akala ko kasi noon tama yung ginagawa ko kasi iniisip ko lang yung mas makabubuti para sayo, pero hindi pala yun yung tama. Maling mali pala na ipilit ko sayo ang gusto ko. Patawarin mo rin ako kung palagi kitang ikinukumpara sa kakambal mo at feeling mo I'm disappointed in you. But I just want you to know na hindi ka disappointment sa akin anak. That I am so proud of what kind person you've become kahit na wala kami dun para gabayan ka. I'm sorry anak, I'm so sorry. Mahal na mahal ka ni Daddy" 

 

Pagkasabi niya nun ay agad tumulo ang luha sa mga mata niya. Parang binibiyak naman ang puso ko seeing him like this, crying in front of me for the first time. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang siya nakitang maging mahina, ngayon ko lang siya nakitang umiyak. Niyakap ko siya ng mahigpit for the first time in so many years at saka umiyak na rin ako sa mga bisig niya. I realized how I want to hear those words from him. How I want him to ask for my forgiveness and how I want to hear from him that he's proud of me. Pakiramdam ko lumambot agad ang puso ko dahil sa mga sinabi niyang yun. Now that I am in his arms, bigla kong narealized how I missed him. 

 

"I'm sorry for lashing out on you Dad and I love you too" sabi ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit.

 

Matapos naming magkapatawaran ni Dad ay nagstay pa kami sa poolside para magkwentuhan. I told him how I met Jennie and how we both fell in love with each other and he said he's happy that I get to love someone else again. 

 

"Bakit hindi mo bigyan ng chance na makapagpaliwanag siya sayo?" tanong ni Dad sakin habang nagsasalin ulit ng wine sa baso niya.

 

Napaisip ako at napatingin sa kanya. 

 

"Dahil nasaktan ako Dad. Dahil sinaktan niya ko" 

 

Tinignan niya ko ng malungkot sa mga mata ko. 

 

"Kasalanan ko to eh" sambit niya na ikinakunot ng noo ko. 

 

"Kasalanan ko kung bakit nahihirapan ka nang magtiwala. Dahil sinira ko ang tiwala mo. Ako sinadya kitang lokohin dahil makasarili ako, pero hindi lahat ng tao katulad ko anak. Minsan talaga nakakapagsinungaling tayo dahil sobrang mahal natin yung tao. Mali pero naiipit tayong gawin yun kasi ayaw nating masaktan yung taong mahal natin. Just give her chance to explain at kung talagang di katanggap tanggap yung explanation niya, then you're free to let her go. Pero ang tanong Lisa, are you ready to let her go?" 

 

I was caught off guard sa mga tanong niya. Handa na nga ba ko? Hindi ako nakasagot sa mga tanong niya kaya naman he tapped me on my shoulder ng may ngiti sa mga labi niya.

 

"I knew it" nakangiting sabi niya sakin habang ako confused na nakatitig lang sa kanya. 

 

"You're not yet ready to let her go. Anak wag mo sayangin yung pagkakataon mong magmahal dahil sa galit mo. Alam kong galit ka sa kanya ngayon dahil nagsinungaling siya pero yung mga mata mo kabaligtaran ang sinisigaw. Alam kong mahal na mahal mo pa rin siya anak. Nakita ko kung gaano ka kasaya nung mga panahong kasama mo siya. Ngayon ko lang ulit nakita yung mga ngiti mo na ako mismong ama mo ang nagnakaw sayo. Nang dahil sa kanya, ngumiti ka ulit ng totoo" sabi niya na mas lalong ikinaconfused ko. 

 

Nakita niya? Paano niya nakita? Pinagmasdan ko si Dad habang may kinukuha siya sa bulsa ng suit niya. May inilabas siyang isang maliit na envelope at iniabot niya yun sa akin. Napakunot noo naman ako habang tinititigan ko yun. I gave him a 'what is this look' but he just nodded his head at me signalling me to open it.

 

Kinakabahan akong binuksan ang envelope at laking gulat ko ng makita kung anong nasa loob.

 

 

 

 

 

 

 

 

-----

Ano kayang laman nun?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Anyone who knows how to insert pic here sa AFF?

Comments

You must be logged in to comment
Jendeukie_16 #1
Chapter 44: Update soon author. 1 chapter only? Myghad, I'm not ready for that ? I want more chapters ?
DarkSilhouette_15
#2
Chapter 38: So hot!
Jung97 #3
Chapter 37: Wahhhh❤️❤️
yogirl_jasmin #4
Chapter 35: go go go!
erzcaps27
#5
Chapter 35: OMG!!! Lalisa is coming, wait for her Jennie
Jendeukie_16 #6
Chapter 34: We trust you author, you're the best ☺️
PinyaNiSeulgi
#7
Chapter 34: Engaged sya kay jennie oof
yogirl_jasmin #8
Chapter 34: alam ata ng daddy ni Lisa lahat pero tinago niya lang? alam ng daddy ni lisa na hawak niya sa jennie ganon? ?
Jendeukie_16 #9
Chapter 32: Author, wag naman ganyan please ? patalsikin mo na si kai ? nakakaawa naman na naiipit si jennie sa ganung sitwasyon ? napakasama ni kai ? patayin mo nalang siya ?
yogirl_jasmin #10
Chapter 33: konting sakit pala ah? ?