I like you

Your Highness

"Thank you, Jane. Thank you!" tuwang tuwang sabi ni V nung pumayag akong makipag date sa kanya. 


Sa totoo lang di ko alam kung bat ako pumayag pero nung makita ko yung babaeng parang sawang nakalingkis kay Lisa nainis ako. Umasa kong tatanggalin niya yung kamay ng babaeng yun sa kanya pero di niya ginawa. Hinayaan niya lang. 


Pero teka, ano bang pakialam ko? Bat ba ako affected?


Narinig kong inaaya siya nung babaeng yun magcelebrate ng birthday niya sa isang bar. Alam ko namang papayag siya kaya pumayag na lang den ako sa pagaaya ni V. Mabait naman si V at mukhang disente kumpara naman sa babaeng yun kaya walang masama kung pagbigyan ko siya. Besides, friendly date lang naman ang gusto niya. 


Nakarating na kami ng bahay, pagkabukas niya ng pinto ay agad kaming pumasok sa loob. Nauuna siya habang nakatingin lang ako sa likod niya. Parang wala siya sa mood. Nagulat naman ako ng bigla siyang humarap sakin at muntik na kaming magkauntugan. 


"What is he doing there?" nakasimangot na tanong niya. 


Napakunot noo naman ako sa tanong niya. 


"Who?" 


"V" 


So, she's curious. 


"He asked me, for a date" 


"And you said yes?" 


I heave a deep sigh saka ako naglakad papunta sa sofa at sinundan niya ko. I sat down and she also did without breaking the way she intensely stares at me. 


"Yes" 


Here brows furrowed even more. 


"Why?" tanong niya. 


"Why not?" 


She sarcastically laughed. 


"You don't even know him!" tumataas na ang boses niya. 


Ano naman sa kanya kung pumayag ako? Eh siya nga pumayag sumama dun sa sawa na yun eh!


Eto na naman siya, naninigaw na naman siya. Palagi na lang siyang ganyan sa di ko malamang dahilan. 


"I don't even know you too! He's your friend don't you trust him?!" at di ko na naiwasang mapasigaw na rin dahil sa inis ko. 


Halata kong nabigla siya sa pagsigaw ko. Nakita kong nagiba yung ekspresyon ng mukha niya and her shoulders fell down then she broke our eye contact saka siya tumayo. Iniwan niya ko sa salas at dire diretso siyang pumasok sa kwarto niya. Naguilty tuloy ako sa sinabi ko. Baka nasaktan ko siya. Alam kong di namin kilala ang isa't isa pero pinatuloy niya pa rin ako dito at tinanggap. 


I should say sorry. 


Kakatok na sana ko sa kwarto niya ng biglang bumukas yung pinto. Napansin kong iba na yung suot niyang damit. Pupunta na siguro siya dun sa birthday nung babaeng sawa. 


"You leaving?" tanong ko. 


Tumango lang siya nang hindi man lang tumitingin sakin at dire diretsong umalis ng bahay. 


Jeez! You really hurt her feelings Jennie!

 

 

 

 

 


Napagdesisyunan kong wag nang hintayin si Lisa at matulog na lang kaso hindi naman ako dinadalaw ng antok. Hanggang ngayon nagaalala ako sa kanya dahil alam kong nasaktan ko yung damdamin niya. Isa pa, magaalasdos na nang madaling araw pero hanggang ngayon di pa rin siya umuuwi. Baka kung ano nang nangyari dun. 


At dahil di ako mapakali ay tinext ko na si Irene. Hoping na sana gising pa siya. Buti na lang nakuha ko yung number niya kanina. 


Me: Irene are you still up?


Di naman nagtagal at may nareceive akong reply and it was from her. Buti na lang gising pa siya. 


Irene: Yes Jane why?


Me: Lisa is still not here. I'm worried. Do you know what bar they went to? 


Irene: I guess I know. We only have one bar here in this island. 


Me: Is it okay if I ask you to accompany me? I'm really worried about Lisa. 


Irene: Yeah it's fine. Besides, I am also waiting for Seulgi's text but still haven't receive one. I think they're still there. 


Me: I see. So, let's go?


Irene: Okay, I'll be there in a few.


Me: Okay, I'll wait for you.


Makalipas ang ilang minuto ay narating na rin namin yung bar na tinutukoy ni Irene. Malakas na tugtog, usok mula sa mga sigarilyo at iba't ibang kulay ng ilaw ang sumalubong samin ni Irene pagdating namin dun. Andaming tao at halata namang karamihan sa kanila ay puro lasing na coz some of them are dancing and rubbing against each other's bodies na, samantalang yung iba di na nagawang kumuha nang kwarto para dun gawin yung maiinit na make out session nila. 


Gosh! What kind of party is this?!


Agad ko namang inilibot ang mga mata ko at sa kabila ng napakaraming tao dito agad ko siyang nakita. Nakaupo sa isang bar stool mukhang lasing na lasing na habang nakikipag sayaw kay Nancy. At hindi lang basta sayaw, Nancy is literally doing a to her at mukhang enjoy na enjoy niya naman. Alalang alala pa naman ako sa kanya tapos ito lang madadatnan ko?Namumungay na ang mga mata niya pero patuloy pa rin siya sa paginom. Pinipigalan na siya ni Seulgi kaso ayaw niyang paawat. 


I furrowed my brows at the sight at gusto kong hilahin at ibalibag tong babaeng to palayo sa kanya. Pero mas lalo pa kong nanggigil nang bigla niyang sunggaban yung leeg ni Lisa na parang isang bampirang sabik sa dugo ng kanyang biktima. Nakapikit na si Lisa at parang wala na siyang alam sa mga nangyayari at ito namang babaeng to ay pinagsasamantalahan yung kahinaan niya.


With gritted teeth and balled fist, mabilis akong naglakad papunta sa kinaroroonan nila kaya lang biglang may humablot sa kamay ko. 


"Miss tara lets dance!" sabi ng isang lalaking mukhang lasing na lasing na rin. 


Agad kong binawi yung kamay ko sa kanya. 


"I not here to dance" saka ko siya tinalikuran pero hinila niya ulit yung braso ko at nagulat na lang ako ng bigla niya hawakan yung bewang ko at hilahin ako papunta sa dibdib niya.


My gosh! He smells like vomit!


"SUPLADA MO AH!" sigaw niya na umagaw naman ng atensyon ng karamihan.


"HEY! GET OFF ME!" sigaw ko ulit at saka ko hinila ang kamay ko pero di pa rin siya bumitaw. 


"Jane!" nagaalalang sigaw ni Irene. 


Nagtitimpi lang ako sa lalaking to, kapag di ako binitawan nito talagang makakatikim to sakin.


"Jane?" dinig kong tawag niya habang namumungay ang mga mata. 


"Lisa..."


Her eyes travelled from me to the man at nakita ko kung paano nagngalit ang mga bagang niya nung marealize niya kung anong nangyayari. Parang biglang nawala yung kalasingan niya. Agad niyang itinulak palayo sa kanya si Nancy para makatayo at pumunta sakin ngunit kasabay ng pagtayo niya ay yung tangkang paghalik naman sakin ng mabahong lalaking to. 


Agad ko namang inilihis ang aking ulo na naging dahilan ng paghalik nung lalaki sa hangin na ikinainis niya naman. He gritted his teeth sa inis at sinubukan niyang hilahin ulit ang kamay ko. I took that opportunity para naman iapply yung self defense na itunuro sakin sa palasyo. Agad kong hinila yung kamay niya papunta sakin. With my right arm inserted under the man's armpit, I spin around on his right foot with his chest against my back, then I lower my right shoulder and throws him over my shoulder in a circular motion. Malakas na paglagabog naman ang narinig ng lahat ng bumagsak ang lalaki sa sahig. I smirked sa masaklap na sinapit ng lalaki. Pero kasalanan niya naman dahil bastos siya. Buti na lang I'm a Judo expert. 


When I lifted my head up kita ko yung mga nakabukang bibig ng mga tao sa paligid ko. Including Irene, Seulgi, and Lisa na hindi makapaniwala sa nangyari sa lalaki. Kita kong kinusot pa ni Lisa yung mga mata niya habang nakatingin sakin. Lumapit ako sa kinaroroonan nila. Everybody moved and give me a way sa takot na matulad sa sinapit nung kawawang lalaki na hanggang ngayon di pa rin nakakatayo. 


"J-Jane" nauutal na banggit ni Lisa. 


"Let's go home" I said in my coldest tone. 


I grabbed her wrist and pulled her but Nancy stopped us. She's holding Lisa's other wrist with creased brows looking at me. Eto namang si Lisa sa sobrang kalasingan nakapikit lang yung mata at wala nang alam sa nangyayari. 


Gosh! 


"Hey! She's not leaving! Who do you think you are to boss her around?" sigaw niya sakin.


I glared at her. Pag di ako nakapagtimpi sa babaeng to itutulad ko to dun sa lalaki kanina. Alam kong napansin ni Seulgi yung inis ko. 


"Ah... Na-Nancy sa tingin ko d-dapat umuwi na kami. Lasing na si Lisa eh" nauutal niyang sabi habang sinusubukang alisin yung kamay ni Nancy kay Lisa.


"No!" sigaw niya kay Seulgi. 


Napakagat labi naman ako sa inis sa babaeng to lalo na when she caressed Lisa's cheeks right in front of my face. 


"Lisa Baby di ba you'll stay with me?" malanding sabi niya sa nakapikit na si Lisa. 


Wala namang reaksyon tong isa. 


"J-jane lesh go h-home" bigkas ni Lisa na nakapikit parin. Sinandal niya yung ulo niya sa balikat ko. Tinignan ko naman siya and jeez she's really wasted. 


Alam kong narinig yun ni Nancy kaya naman di ko na siya tinignan at muling hinila na si Lisa paalis sa magulong lugar na to pero talagang inuubos ng babaeng to yung pasensya ko ng bigla niya na namang hilahin si Lisa. 


"No! She will stay with me tonight!" galit na sabi niya sakin. 


That's it! I've had enough!


I let go of Lisa's arm and head at maingat na ipinaalalay ko siya kay Seulgi at Irene. Lumapit naman ako kay Nancy nang nanlilisik ang mga mata. 


Naglakad ako nang naglakad patungo sa kanya habang siya naman ay binitawan si Lisa at umatras ng umatras. When she reached the bar stool ay napahinto na siya dahil wala na siyang aatrasan pa. 


Her eyes widened and I saw how she gulped which made me smirk inside dahil alam kong nakakaramdam na siya ng takot. I leaned towards her and looked straight into her eyes and whispered something. 


"When I said we're leaving that means we're leaving. Don't push me to my limits girl. I am just controlling myself not to harm but if you really want" I raised my right hand at hindi pa ko natatapos magsalita ng bigla naman siyang sumigaw at tumakbo palayo. 


I smirked while looking at her na tumatakbo sa takot. 


"Let's go home" sabi ko pagharap ko kina Seulgi at Irene.

 

 

 

 

 

 

 

"Thank you Seul, Irene" sabi ko sa dalawa ng makarating na kami sa bahay at maingat na naming naihiga sa kama tong si Lisa. 


"You're welcome, Jane" sagot ni Seulgi at pagkatapos ay umalis na silang dalawa ni Irene. 


Napatingin naman ako kay Lisa and she was sleeping like a baby with slightly opened. Umupo ako sa tabi niya at inayos yung magulo niyang buhok. I saw how uncomfortable her clothes are kaya naman agad akong lumapit sa cabinet niya para kumuha ng komportableng damit. Kung meron akong isang bagay na alam gawin ito yun. Ang magalaga ng lasing. Madalas kasi kaming uminom ni Jisoo noon sa winery ng palasyo at tuwing nalalasing si Jisoo ako palagi ang nagaalaga sa kanya kaya sanay na ko. 


Nung makapili na ko ng komportableng damit ay bumalik ako sa kama niya para naman bihisan siya. Agad kong hinubad yung jacket na suot niya at yung tshirt sa loob nun and my eyes landed on her toned abs. Agad namang naginit yung mukha ko dahil sa nakikita ng mga mata ko ngayon. Napalunok ako habang nakatingin dun. I was tempted to touch and feel that but I forced myself to stop.


What the hell were you thinking Jennie?! 


I fanned myself dahil nagsisimula nang uminit ang buong katawan ko. Mabuti pa bihisan ko na siya. Agad kong iniangat ang ulo niya at isinuot sa kanya yung oversized shirt na napili ko. Hindi ko na tinangkang palitan yung pambaba niya dahil baka mas malala pa yung maramdaman ko. 


Pagtapos ko siyang bihisan ay nagpasya na kong lumabas ng kwarto niya at matulog but when I am about to stand up ay bigla niyang hinala yung kamay ko which cause me to off balance and fell on top of her chest. I closed my eyes dahil sa takot ng pagbagsak so when I opened it, mukha niya agad yung nakita ko. Saktong sakto sa mata ko yung mapupula niyang bibig. I can also smell the mix of mint and alcohol in her breath. 


"Jane..." dinig kong bulong niya. 


I tried to stand up but she's too quick to lock me in her arms so I stay still. Nakayakap na siya sakin. 


"Wag ka nang sumama kay V kasi sobrang nagseselos ako" bulong niya ulit. 


Napakunot noo naman ako. I have no idea what she's saying. Basta ang alam ko lang nabanggit niya si V. Dapat talaga mag aral pa ko ng Tagalog ng mas mabuti para hindi ako nangangapa ng ganito. 


"Jane" tawag niya ulit sakin. 


Tumingala ulit ako sa kanya. Ang daldal pala nito kapag nalalasing. How I wish naiintindihan ko yung mga sinasabi mo Lisa. 


"I like you" 


Nanlaki yung mga mata ko. Hindi ko alam kung tama ba yung narinig ko kaya naman pinilit kong bumangon to look at her. Mukhang tulog na tulog na siya. 


Inilapit ko ang mukha ko sa kanya hanggang sa halos magtama na ang dulo ng mga ilong namin. 


Tinitigan ko yung mukha niya ng mga ilang segundo. Ang ganda niya talaga! And her lips, her lips is really tempting. 


"Do you really like me Lisa?" bulong ko sa kanya habang nakatitig sa mga labi niya. 


I was startled nang bigla niyang iminulat ang kanyang mga mata. Nagtama ang aming mga mata ngunit mas laking gulat ko at di ko na nagawang gumalaw ng biglang maglapat ang aming mga labi. 


She kissed me then she fell asleep again. Napakabilis nung pangyayari kasing bilis ng tibok ng puso ko ngayon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


-----
AYOWN!!! NAKAISA SI MANOBAN! WAHAHA!!! 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Anyone who knows how to insert pic here sa AFF?

Comments

You must be logged in to comment
Jendeukie_16 #1
Chapter 44: Update soon author. 1 chapter only? Myghad, I'm not ready for that ? I want more chapters ?
DarkSilhouette_15
#2
Chapter 38: So hot!
Jung97 #3
Chapter 37: Wahhhh❤️❤️
yogirl_jasmin #4
Chapter 35: go go go!
erzcaps27
#5
Chapter 35: OMG!!! Lalisa is coming, wait for her Jennie
Jendeukie_16 #6
Chapter 34: We trust you author, you're the best ☺️
PinyaNiSeulgi
#7
Chapter 34: Engaged sya kay jennie oof
yogirl_jasmin #8
Chapter 34: alam ata ng daddy ni Lisa lahat pero tinago niya lang? alam ng daddy ni lisa na hawak niya sa jennie ganon? ?
Jendeukie_16 #9
Chapter 32: Author, wag naman ganyan please ? patalsikin mo na si kai ? nakakaawa naman na naiipit si jennie sa ganung sitwasyon ? napakasama ni kai ? patayin mo nalang siya ?
yogirl_jasmin #10
Chapter 33: konting sakit pala ah? ?