Chores

Your Highness

Usok

 

Nangangamoy usok

 

Puno ng usok ang kwarto ko. 

 

Akala ko nanaginip lang ako pero nung imulat ko ang mga mata ko ay totoo ngang puno nang usok ang kwarto ko at parang may naaamoy akong nasusunog. Mabilis akong bumangon at nanlaki yung mga mata ko ng makita kong kinain na nung apoy yung kawali at puno na nang usok ang buong bahay. 

 

"Aaaaahhh. Oh my God!" sigaw ni Jane na natataranta at di alam ang gagawin. 

 

"What the !?" sigaw ko.

 

Agad kong kinuha yung fire extinguisher sa likod ng pinto at saka ako tumakbo at pinatay yung apoy. 

 

Nakahinga naman ako ng malalim pagkatapos. Muntik nang masunog yung bahay. Kung hindi ako nagising malamang wala na kong bahay na matitirhan. Napakunot noo naman ako dahil hindi ko maiwasan yung pagkainis ko dahil sa nangyari. Malamang siya ang may kagagawan ng sunog na iyon at hindi naman ako nagkamali ng hinala. 

 

"What have you done this time huh Jane?" galit kong tanong sa kanya bago ko ibaling ang tingin ko sa kanya. 

 

"I'm sorry" sabi niya naman. 

 

"Puro ka sorry sorry sorry!" galit kong sagot habang sinusigurado kong patayin yung gasul sa ilalim

 

Nung napatangin naman ako sa kanya ay nakita ko na takot na takot pa rin siya dahil sa nangyari. Her tears are forming on the corner of her eyes and seeing her like that makes my heart soften. Nawalang bigla yung pagkayamot ko at agad akong lumapit sa kanya. I caressed her arm and I was taken aback when she suddenly hugged me. 

 

"I'm sorry. I'm sorry" she said while sobbing against my chest. 

 

I felt my body stiffened at the sudden contact. I froze in a couple of minutes bago ko nagawang gumalaw. Hinimas ko naman yung likod niya para pakalmahin siya sa kakaiyak.

 

Nung kumalma na siya at agad ko siyang pinaupo sa couch. 

 

"Sorry, Lisa. I was just planning to cook breakfast but I failed. Honestly, I don't know how to do it" nahihiyang sabi niya habang pinupunasan yung luha sa mga mata niya. 

 

She doesn't know how to cook? Eh pano siya nakakain kagabi? Does it mean simula pa kagabi siya hindi kumakain?

 

Napapikit na lang ako and I pinched the bridge of my nose dahil biglang sumakit ang ulo ko sa narinig ko. Hindi siya marunong maghugas ng pinggan, hindi rin siya marunong magluto, ano pa kayang hindi niya alam? Is she even real? Kababae niyang tao wala siyang alam gawin?

 

As usual pinigilan ko na namang mainis dahil wala rin namang maitutulong na maganda yun sakin. Isa pa medyo nakukunsensya ko dahil sa nalaman kong di pa siya kumakain simula pa kagabi. 

 

"Forget about cooking. From now on, I'll be the one to do the cooking, okay?" sabi ko sa kanya. 

 

Napagdesisyunan kong simula ngayon ako na lang yung magluluto kesa naman maulit pa yung ganito. Baka sa susunod wala na talaga kong uuwian. 

 

She pouted her lips but she nodded her head. 

 

"Pasalamat ka maganda ka" bulong ko sa sarili ko. 

 

Napatingin naman siya sa akin at hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang napangiti. 

 

"What did you just said?" tanong niya sakin. 

 

Napakunot noo naman ako. Naintindihan niya kaya yung sinabi ko? Hindi, malabong maintindihan niya yun. 

 

Iniba ko naman yung usapan at inaya na siyang tumayo. 

 

"Come on, stop crying and get up now. Help me clean the mess in the kitchen and let's cook breakfast" sabi ko sa kanya. 

 

Agad naman siyang tumayo sa kinauupuan niya at saka niya ko sinundan sa kusina. Isa isa naming nilinis yung mga naging kalat at nung matapos na naming malinis ang kusina ay inihanda ko na yung mga lulutuin. 

 

I took the bacon, hotdogs, and eggs sa loob ng ref at saka ako nagpainit ng mantika sa kawali. Kita ko namang binabantayang maigi ni Jane yung bawat kilos ko. Siguro pinagaaralan niya kung paano ang dapat niyang gawin. She's very serious at hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil tutok na tutok siya sa ginagawa ko. 

 

"You want to try?" tanong ko habang naghihiwa ng sibuyas para sa iluluto kong sinangag. 

 

Tumango naman siya at lumapit sa akin. 

 

"Do you know how to cut these?" tanong ko sabay turo sa sibuyas. 

 

Umiling siya kaya naman I made her stand in front of me habang nakatayo naman ako sa likuran niya para turuan siya kung paano. I let her hold the knife at hinawakan ko naman yung dalawang kamay niya para ituro kung paano niya hihiwain ng tama yung sibuyas. 

 

Sobrang lapit ko sa kanya ngayon to the point na parang nakayakap na ko sa likuran niya habang yung mukha ko naman a nasa kanang balikat niya. 

 

Ambango niya ! And her hands were so soft!

 

Agad naman akong umalis sa likuran niya dahil bigla akong nakaramdam ng kakaiba.

 

"Ouch!" nagulat ako ng bigla siyang sumigaw at nang mapatingin ako sa kanya ay kita ko na dumalas sa pagkakahiwa yung sibuyas na naging dahilan para mahiwa yung daliri niya. 

 

Agad naman akong lumapit sa kanya at kinuha ang kanyang kamay na nahiwa. Dahan dahan ko siyang hinila papunta sa lababo para hugasan yung sugat at para mapahinto yung dugo. Focus lang ako sa sugat niya at nung huminto na yung pagdurugo ay inilapit ko sa bibig ko yung kamay niya at saka ko yun hinipan para mapawi ang sakit. 

 

"You okay? Does it still hurt?" tanong ko sa kanya bago ako napatingin sa kanyang mga mata. 

 

She was also looking at me and my heart almost skipped a beat when she smiled lovingly towards me habang pinapanood akong hinihipan ang kanyang daliri. Agad ko namang binitawan yung kamay niya at sinabing, 

 

"Next time be careful. Move! Let me just do that!" I acted pissed but she doesn't seem bothered at all dahil nakangiti pa rin siya sakin. 

 

Matapos ang ilang minuto ay nailuto ko na yung pagkain namin. Tinulungan niya naman akong maghanda ng lamesa. Umupo kami sa magkaharap na upuan at ngumiti naman siya sakin ng makita niya how perfectly cooked the foods are in front of us. 

 

Kinuha niya naman yung plato nang kanin at nabigla ako ng bigla niyang nilagyan yung plato ko. Nakangiti pa siya habang ginagawa niya yun kaya ngumiti na lang din ako. Hindi ako sanay ng may nagsisilbi sakin pero hindi naman pala masama lalo na kung siya yung gagawa nun para sakin. 

 

Pagkatapos niyang maglagay ng pagkain sa plato ko ay saka niya naman nilagyan yung kanya. Tahimik lang kaming kumakaing dalawa habang pasulyap sulyap naman ako sa kanya hanggang sa hindi ko na maiwasang magtanong. 

 

"Be honest with me Jane, do you know any household chores?" seryosong tanong ko naman sa kanya. 

 

She lifted her head up at tumingin siya sakin. Sandali siyang natahimik bago niya iniiling ang kanyang ulo.

 

"So, you don't know? not even one?"

 

Umiling ulit siya. 

 

"I see. But why? I mean, you're a girl, you're supposed to do chores, right?" 


Marahan siyang ngumiti bago siya nagsalita. 

 

"Not in our household. We have servants to do that for us" 


"Spoiled" nakangising sabi ko. 

 

Tumingi naman siya ng masama sakin. This is the first time that she squinted her eyes on me but instead of being intimidated, I found her cute while she's doing that. 

 

"I'm not a spoiled brat!" she fired back sabay bato niya sakin ng balat ng saging. 

 

Sapol naman ako sa mukha at napatingin ako ng masama sa kanya habang nanlaki naman yung mata niya dahil sa narealize niya kung anong ginawa niya. Pero imbes na magalit ay natawa na lang ako sa ginawa niya at sinabayan niya naman ako sa pagtawa. 

 

So, that explains it. Kaya pala wala siyang alam kahit na isang gawaing bahay. Mukhang mahihirapan ako sa kanya ah. Pano ko siya pagtatrabahuhin bilang kasambahay ko kung kahit ni isang gawaing bahay wala siyang alam gawin. Mas mabuti pa siguro turuan ko na lang siya. 

 

Ilang minuto ang lumipas at natapos na rin kaming kumain. Jane insisted to wash the dishes dahil sabi niya ako naman daw kasi yung nagluto kaya siya naman yung maghuhugas. Well, atleast now marunong na siyang maghugas ng pinggan. 

 

Pagtapos niyang hugasan yung mga plato ay tinuruan ko naman siya sa ibang gawaing bahay. Una, naglinis kami ng bahay at natuwa naman ako dahil wala siyang reklamo sa lahat ng mga pinagawa ko.

 

Sa kasalukuyan, ay tinuruan ko siyang maglaba. Isinama ko siya sa likod bahay dahil nawalan na naman kami ng tubig. Hindi pa rin kasi consistent ang daloy ng tubig at supply ng kuryente dito sa lugar namin. May mga pagkakataon pa ring nawawalan kami ng tubig at kuryente. At dahil nga nawalan na naman ng tubig ngayon ay minabuti ko na sa likod bahay na lang maglaba dahil meron akong poso doon. 

 

Bitbit ang palanggana at maduduming damit, ay tumungo kami sa likod bahay. At katulad nga ng inaasahan ko ay manghang mangha na naman si Jane dun sa poso. 

 

"What is this?" tanong niya habang nakahawak sa bakal na hawakan ng poso. 

 

"This... This is what we called poso. This thing brings out water" 

 

Napangiti naman ako ng makita kong nag form ng 'o' shape ang kanyang bibig dahil sa pagkamangha.

 

"How?" excited niyang tanong. 

 

Lumapit ako sa kanya at pinatayo ko siya sa gilid at ipinakita kung paano gamitin yung poso. 

 

"Wow! Fantastic!" sabi niya na parang bata habang ipinapalakpak pa yung mga kamay niya. 

 

Natawa naman ako sa naging reaksyon niya. 

 

"May I?" tanong niya. 

 

"Sure" sabi ko naman at saka ko inilagay yung palanggana sa bunganga nung poso para punuin. 

 

"Fill this up, okay?"

 

She nodded happily. 

 

Pinanood ko naman siya habang naghahanda siya sa pagiigib ng tubig. Nakahawak na siya ngayon dun sa hawakan pero hindi niya magawang ibaba yun. Medyo maganit at mabigat narin kasi yung poso dahil may katagalang hindi nagamit. 

 

"Iiihhhhh" gigil na tunog na narinig ko mula sa kanya. She gritted her teeth habang pinipilit niya ibaba yung hawakan nun. 

 

Natawa naman ako sa kanya at dahil parang hirap na hirap na siya ay tinulungan ko na siya. Tumayo ako sa likuran niya at saka ko iniangat ang kamay ko para tulungan siyang ibaba yung hawakan ng poso para lumabas yung tubig. Nahawakan ko yung mga kamay niya habang magkadikit naman yung mga katawan namin. Her back was almost press against my body at amoy na amoy ko na naman yung napakabangong pabango niya. Di ko naman maiwasang mapatingin sa kanyang batok. Nagpalit na kasi siya ng damit and she's just wearing a white shirt now habang yung buhok niya naman was formed into a messy bun kaya naman naghehello sa mga mata ko yung makinis niya batok.

 

Napakalapit sa mukha ko sa batok niya ngayon and I swear I want to press my lips onto that pero pinigilan ko ang sarili ko at inilayo ang tingin mula roon. Mabilis ko namang ibinaba yung hawakan ng poso para makaalis na ko mula sa likuran niya dahil unti unti nang nagiinit yung katawan ko. At nung naibaba ko na yung hawakan at nagawa na ni Jane na itaas baba iyon, umalis agad ako sa likuran niya at ibinaling ang aking tingin sa tubig na lumalabas na sa bunganga ng poso. 

 

"This is so much fun? I wonder why we don't have this in Korea!" tuwang tuwang sabi niya na parang bata. 

 

Tumango lang ako at pagtapos ay agad akong lumapit sa tubig para hilamusan ang mukha kong nagiinit. Alam ko at ramdam ko na rin yung pamumula ko ngayon dahil sa nangyari. 

 

"Lisa, are you okay?" tanong ni Jane sakin. 

 

"Yeah I'm fine" sagot ko naman at patuloy na naghilamos para maibsan yung init na nararamdaman ko. 

 

"You sure?" 

 

Tumango lang ako habang ngumiti naman siya. Tinuruan ko siyang maglaba at sobrang focus niya naman sa pakikinig. Mukhang interesado siya dito.

 

Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na kaming maglaba at sa ngayon ay pinagmamasdan ko naman siya habang nagpipiga at nagsasampay ng mga damit. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinapanood siyang gigil na nagpipiga. 

 

Ang cute niya talaga! 

 

 

 

"HUY!" halos mapatalon ako nung biglang may gumulat sakin. 

 

Alam ko na kung sino yung dumating kaya sinamaan ko agad siya ng tingin. 

 

"Buwisit ka Seulgi! Papatayin mo ko sa takot!"

 

"Ano ba kasi yang pinapaanood mo at napaka seryoso mo pangiti ngiti ka pa dyan?" tatawa tawa niyang sabi sakin. 

 

Napatingin naman siya sa direksyon na tinitignan ko and she saw Jane na seryoso sa pagsasampay. 

 

"Ah kaya pala" nakangising sabi niya sakin. 

 

I rolled my eyes on her. 

 

"Anong ginagawa mo dito?" iritadong tanong ko sa kanya.

 

Umupo naman siya sa bangko bago nagsalita. 

 

"Kasi pinapatawag ka ni nanay sa bahay. May sasabihin daw siya sayo. Dun ka na rin daw maghapunan" 

 

I heave a deep sigh bago ako nagsalita. 

 

"Kung dahil na naman to sa Flores De Mayo, Seul pakisabi kay Nanay Esther, ayoko. A.YO.KO! Hindi niya ko mpapasama sa parada na yun no!" sabi ko bago ko siya tinalikuran para iligpit yung mga palanggana at timba na ginamit namin. 

 

Ilang araw na kasi akong pinipilit ng nanay ni Seul na mag Reyna Elena para sa darating na Flores de Mayo na gaganapin kasabay nung fiesta dito sa baryo. Alam naman nila yung preference ko and that I am into girls pero sabi ni Nanay Esther hindi naman daw mahalaga yun dahil ako pa rin yung gusto niyang mag Reyna Elena regardless of my uality. Pero ayoko talaga. Gowns, heels, and parada is not my thing. 

 

"Basta pumunta ka na lang sa bahay. Ikaw na mismo ang tumanggi kay Nanay dahil hindi naman yun makikinig sakin. Isa pa bagay naman talaga sayo yun Lisa!" tatawa tawa niya pang sabi kaya naman agad ko siyang binatukan. 

 

"Ba't kaya hindi ikaw!" banat ko naman sa kanya. 

 

"Alam ko maganda ko pero hindi ako pwede. Alam mo namang napaka selosa ni Irene at hindi ako papayagan nun sa mga ganun!" 

 

"Ulul! Nangarap ka na naman! Hindi mo jowa si Irene uy!" basag ko sa imahinasyon niya sabay saboy ng tubig sa mukha niya. 

 

Sinimangutan niya ko at akmang gaganti sakin ng biglang may nagsalita. 

 

"Oh! Hi Seulgi!" nakangiting pagbatin naman ni Jane

 

Sabay naman kaming napatingin ni Seulgi kay Jane at napakunot noo naman ako ng makita ko yung paniningkit ng mga mata ni Seul habang nakatingin kay Jane ng may nakakalokong ngiti. 

 

"Hi Jane!"

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Anyone who knows how to insert pic here sa AFF?

Comments

You must be logged in to comment
Jendeukie_16 #1
Chapter 44: Update soon author. 1 chapter only? Myghad, I'm not ready for that ? I want more chapters ?
DarkSilhouette_15
#2
Chapter 38: So hot!
Jung97 #3
Chapter 37: Wahhhh❤️❤️
yogirl_jasmin #4
Chapter 35: go go go!
erzcaps27
#5
Chapter 35: OMG!!! Lalisa is coming, wait for her Jennie
Jendeukie_16 #6
Chapter 34: We trust you author, you're the best ☺️
PinyaNiSeulgi
#7
Chapter 34: Engaged sya kay jennie oof
yogirl_jasmin #8
Chapter 34: alam ata ng daddy ni Lisa lahat pero tinago niya lang? alam ng daddy ni lisa na hawak niya sa jennie ganon? ?
Jendeukie_16 #9
Chapter 32: Author, wag naman ganyan please ? patalsikin mo na si kai ? nakakaawa naman na naiipit si jennie sa ganung sitwasyon ? napakasama ni kai ? patayin mo nalang siya ?
yogirl_jasmin #10
Chapter 33: konting sakit pala ah? ?