Worried

Your Highness

Naglalakad kami pauwi ng bahay ni Seulgi galing sa isang party ng makita namin yung grupo nila Hanbin na mukhang may binibiktima na naman. Hindi pa rin talaga sila nadala. Pinagmasdan namin sila at habang papalapit kami ay parang namumukhaan ko kung sino yung mga babaeng pinagtitripan ng mga mokong na to.

 

"Lisa mukhang may pinagtitripan na naman ang grupo nina Hanbin ah. Talagang walang kakupas kupas sa pambabastos ng mga babae ang mga yun, di na talaga natuto. Tara lapitan natin" sabi ni Seulgi habang umiiling ang ulo. 

 

Isa ang grupo nina Hanbin sa problema ng isla na ito. Mahilig kasi silang mantrip at mambastos ng mga kababaihan dito lalo na kapag naiimpluwensyahan ng alcohol. Ilang beses na naming nakasagupa ang grupo nila dahil sa pagtatanggol namin sa mga babaeng binabastos nila dito. Akala ko nanahimik na sila nung huling basag ulo namin kaso mukhang hindi talaga sila natututo. Talagang naghahanap ng sakit ng katawan ang mga to. 

 

Sumunod ako kay Seulgi na papunta sa direksyon nila at napahinto naman siya kaya napatingin ako sa kanya. Nakita kong nagngangalit ang bagang niya sa galit. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit.

 

"Lisa diba't si Irene at si... si Jane yun?"

 

Napakunot noo naman ako ng marinig ko yung pangalan ni Jane. Anong ginagawa niya dito sa labas ng ganitong oras at bakit sila magkasama ni Irene?

 

Napatingin ako muli sa direksyon nila at nagpuyos naman ako sa galit ng makumpirma kong si Jane nga yung babaeng hawak hawak ni Hanbin at si Irene naman yung hawak nung dalawang alipores niya. 

 

"Please Hanbin let her go. Wag ka nang humanap ng sakit ng katawan" dinig kong pakiusap ni Irene kina Hanbin pero tinawanan lang sila ng mga ito. 

 

Nanggigil ako sa galit ng makita kong napakunot noo si Jane sa sakit dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Hanbin sa kanya.

 

"Bakit Irene sino bang pinagmamalaki niyo ha? Sa tingin mo ba may babangga sakin dito ha!" sigaw ni mokong kay Irene.

 

"Ano! Sino?!" sigaw pa rin niya sa dalawang babae. 

 

"AKO!" sigaw ko naman ng makalapit na kami sa kanila. 

 

Napatingin silang lahat sa akin at kita ko yung galit sa mga mata ni Hanbin. We are both sending daggers towards each other but I don't feel any threat with his stares. 

 

"Ikaw na naman Lisa! Don't tell me mangingialam ka na naman? Bakit ba palagi kang umeepal kapag nagkakatuwaan kami?" sigaw niya sa akin pero hindi ako nagpatinag sa galit niya instead napatuon ang atensyon ko sa babaeng hawak hawak niya ngayon. 

 

"Katuwaan? Sa tingin mo nakakatuwa tong ginagawa mo Hanbin? Hanggang ngayon pa rin pala? Hindi ka pa rin nadadala? Let them go!" sigaw ko rin sa kanila. 

 

Pansin kong dumadami na ang taong nanunuod sa amin ngayon kaya pinipigilan ko ang sarili kong mag cause ng gulo o manakit dahil may mga batang nanonood. 

 

"Ate Jane!" kita kong sigaw ni Leo na ngayon ay umiiyak habang nakahawak sa kamay ng kanyang ina. 

 

I don't know how did he knew Jane pero isa lang ang gusto ko ngayon and that is to take this girl from him in peace ng hindi gumagawa ng kahit na anong gulo pero kung magmamatigas siya, wala akong magagawa kundi ang kuhanin si Jane gamit ang dahas. 

 

"Sino ka sa tingin mo para utusan ako ha?"

 

"Hanbin I don't want to make a scene here, not at least in front of the kids" pakiusap ko sa kanya. Kung wala lang mga batang nanonood inupakan ko na talaga to. 

 

"Hindi! Masyado kang nagmamagaling Lisa! If you want this girl so bad, come and get her" he lifted Jane's hand in a harsh way that caused her to wince in pain. 

 

I felt really angry when I saw her hurt. That's it! I've given him an option to negotiate in peace pero ayaw niya so hanggang dito na lang yung pisi ko. 

 

I looked at Seul and she nodded in agreement. Mata sa mata alam na namin ang ibig sabihin ng bawat isa. We got each other's back sa gulong to. Pasugod na sana kami ni Seul ng bigla namang may sumulpot na mga tanod. 

 

"Hoy! Ano yan?!" sigaw nila habang papalapit sa amin. 

 

Napahinto kami ni Seul at agad namang bumitiw si Hanbin kay Jane at yung dalawa niyang kasama kay Irene. Agad ko namang hinila si Jane papunta sa akin at si Seul naman ay agad na kinuha si Irene. 

 

"Ano na namang kalokohan to Hanbin?" tanong ni Kapitan Joong ki sa kanyang anak. 

 

"Wala Dad, nagkakasiyahan lang naman kami" 

 

"Kasiyahan? Totoo ba Lisa?" nakatinging tanong ni Kapitan sa akin. 

 

I looked at Hanbin and his jaw was clenched while glaring at me. 

 

"Sa tingin ko Kapitan lasing na naman ang anak niyo at wala na naman siyang magawa kundi ang mambastos ng mga kababaihan sa lugar na to. Pati si Teacher Irene hindi na nila ginalang" 

 

Agad namang lumapit si Kapitan sa kanyang anak at piningot ang tenga nito. 

 

"Hindi ka na talaga nadalang bata ka! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ang alak sa tiyan nilalagay hindi sa ulo!"

 

"Aww Dad, sorry hindi na mauulit! Dalhin niyo na sa barangay hall ang mga yan at ikulong hanggang sa magtanda!" 

 

Serves you right!

 

"But Dad!" reklamo ni Hanbin sa kanya ama. 

 

"No buts! Hindi ka lalabas sa kulungan na yun hanggat di ka nagtatanda!" 

 

At sa isang iglap ay binitbit na nang mga tanod ang mga mokong papunta sa barangay.

 

"Ayos ka lang ba mahal?" tanong ni Seulgi kay Irene. 

 

Tumango naman si Irene at agad na binatukan si Seulgi. 

 

"Mahal ka dyan!" 

 

Napatawa naman kami ni Kapitan dun sa dalawa. 

 

Napatingin naman ako kay Jane na ngayon ay tahimik lang na nakikinig sa tabi ko. Naiinis ako sa kanya dahil di niya ko sinunod na magstay sa bahay. Gusto ko siyang pagalitan pero hindi ngayon sa harap ng lahat. Mamaya na, pag kaming dalawa na lang. 

 

"Pasensya na kayo teacher Irene at Miss...?" tanong ni Kap sa dalawang binibini. 

 

"Jane" sagot niya. 

 

"Miss Jane. Pasensya na kayo sa inasal ng aking anak. Wag kayong magalala dahil tuturuan ko ng leksyon ang mga yun" tumango naman si Irene samantalang tahimik lang si Jane. 

 

"Wala yun Kap, pero sana po ay hindi na ito maulit. Dahil nakakahiya lalo na sa mga bisita ng isla katulad ni Miss Jane kung may mga ganitong pangyayari" sagot naman ni Irene kay Kap. 

 

Napatingin naman si Kap kay Jane. 

 

"She's a foreigner, kaibigan ko po" singit ko bago pa magsalita si Kapitan. 

 

Tumango siya at muling humingi ng pasensya sa aming lahat bago siya umalis. 

 

Tumakbo naman papalapit sa amin si Leo at agad na yumakap kay Jane. 

 

"Ate Jane? you okay?" cute na tanong ni Leo sa kanya. 

 

Jane smiled weakly and she knelt down to level the kid, "Yes, ate Jane is okay don't worry" 

 

Leo nodded her head while Jane kissed her forehead before we all go our way home. 

 

 

Tahimik lang kaming naglalakad pauwi ng bahay. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. I didn't even asked her if she's okay dahil until now I'm still pissed that she went out without my permission. 

 

"Are you mad?" tanong niya sa akin matapos naming makapasok sa loob ng bahay. 

 

Hindi ako nagsalita at patuloy lang akong naglakad papunta sa kusina. I was tipsy when Seulgi and I left the party pero nawala yun nung makita ko siyang binabastos nila Hanbin. She's still following me hanggang sa pagkuha ko ng tubig na maiinom. 

 

Pinipigilan ko ang sarili kong magalit pero hindi ko magawa dahil tumatakbo sa isip ko kung paano kung hindi kami dumating dun at may mangyari sa kanila? Paano kung masaktan siya? Ayokong mangyari yun. Siyempre, siyempre kargo ko siya dahil dito siya nakatira sakin. 

 

Weh? Yun nga lang ba Lisa? O ayaw mo siyang masaktan kasi you like her? 

 

I shook that thought in my mind. Gusto ko siya? Hindi ba parang masyado pang maaga para sabihing gusto ko siya? 

 

Pero why are you overreacting?  My sub-conscious mind rebutted.

 

I am not overreacting, I just don't want something bad to happen to her lalo na't nasa pangangalaga ko siya. 

 

"I'm sorry, please Lisa say something" she begged. 

 

I looked at her at mukha namang guilty siya dahil sa nangyari. Well, dapat lang naman siyang maguilty. First of all, sinuway niya ko na tumulong sa kanya. Pangalawa, muntik na kong mapaaway dahil sa kanya. 

 

"Why did you go out? Didn't I tell you to stay at home? What if something bad happens to you? What if we didn't come? I was the one responsible for your welfare while you're here. I almost drawn into a fight because of you!" I harshly remarked. 

 

She looked apologetically towards me.

 

"I'm sorry. I just got bored here alone. I saw the beautiful sunset so I went out to watch it and I played with the kids and met Irene. I really have a good time playing with the kids and talking to Irene that I didn't notice the time. I'm really sorry, it won't happen again" 

 

Habang nagkukwento siya ay dama ko yung saya sa bawat salita niya kahit na nararamdaman kong pinipigilan niya dahil ayaw niyang magalit ako. Para siyang bata na masayang nagkukwento ng tungkol sa araw niya. 

 

I heave a deep sigh and nodded my head bago ako tumalikod but I was shocked when I felt a pair of warm arms hugging my waist. She's backhugging me now. I swallowed the lump in my throat dahil sa bigla akong kinabahan sa pagkakayakap niya sakin ngayon. 

 

What is this and why am I feeling this? 

 

"I'm sorry Lisa. Please don't be mad" sabi niya habang nakadantay sa likuran ko ang kanyang ulo. I just wish na sana hindi niya naririnig kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko ngayon. 

 

Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob na meron ako bago ako humarap sa kanya. Her feline eyes met my brown orbs and her eyes expresses how sorry she is. 

 

"I'm not mad. I just don't want something bad to happen to you" sabi ko sa kanya straight into her cat eyes. 

 

Gustong gusto kong magalit sa kanya at maasar pero isang tingin niya lang sakin lumalambot na agad ako at nawawala na yung galit ko. 

 

Haaay... Jane Kim. What are you doing to me?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

----------

Oh ayan na guys double update para makabawi naman ako sa di pag update nung mga nakaraang araw... Wait lang kayo malapit na... wahaha... 


Suggestions, comments, constructive criticisms are welcome. Please let me know and please continue to watch Lili Film 3. 😁🥰

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Anyone who knows how to insert pic here sa AFF?

Comments

You must be logged in to comment
Jendeukie_16 #1
Chapter 44: Update soon author. 1 chapter only? Myghad, I'm not ready for that ? I want more chapters ?
DarkSilhouette_15
#2
Chapter 38: So hot!
Jung97 #3
Chapter 37: Wahhhh❤️❤️
yogirl_jasmin #4
Chapter 35: go go go!
erzcaps27
#5
Chapter 35: OMG!!! Lalisa is coming, wait for her Jennie
Jendeukie_16 #6
Chapter 34: We trust you author, you're the best ☺️
PinyaNiSeulgi
#7
Chapter 34: Engaged sya kay jennie oof
yogirl_jasmin #8
Chapter 34: alam ata ng daddy ni Lisa lahat pero tinago niya lang? alam ng daddy ni lisa na hawak niya sa jennie ganon? ?
Jendeukie_16 #9
Chapter 32: Author, wag naman ganyan please ? patalsikin mo na si kai ? nakakaawa naman na naiipit si jennie sa ganung sitwasyon ? napakasama ni kai ? patayin mo nalang siya ?
yogirl_jasmin #10
Chapter 33: konting sakit pala ah? ?