Chapter 9: Maybe

Akin Ka Na Lang
Please Subscribe to read the full chapter

Tapos na midterms season at confident naman ako na papasa ako sa lahat kaya nabawasan na ang burden na pasan ko ngayong sem. Pero 'yung isang problema ko wala pa ring sagot. Hindi ko pa rin alam kung itutuloy ko ba lumipat sa UP Manila next school year.

 

Last week na ng March, at usually May nagsisimula ang transferring and shifting process. Kinukulit nga ako ni Ning na mag BS Public Health na lang din tulad niya, dahil naririnig niyang balita sa department nila na magbubukas sila para sa transferees and shiftees ngayong taon, which is unusual. Isa kasi BS Public Health sa mga courses na hindi tumatanggap ng mga shiftees at transferees. Sabi niya pa makakapasok ako for sure dahil mataas naman ang grades ko. Chismis pa lang naman daw 'yon pero kinoconsider ko na in case na mapagdesisyunan kong lumipat.

 

Malapit na rin ang birthday ni Karina, at wala pa akong naiisip na regalo sa kanya. Thankful ako kay Karina kasi siya 'yung naging constant friend ko ngayon. Simula last week pa ako nagtatry maghanap ng regalo pero wala akong maisip. Sinubukan ko pa ngang tanungin si Ning, pero pang-aasar lang nakuha ko.

 

 

 

 

 

"Ning, lapit na birthday ni Karina," sabi ko sa best friend ko na nakahiga sa kama ko. At home talaga lagi 'to dito.

 

"Weh? Kailan birthday niya?"

 

"April 11. Wala nga akong maisip na regalo eh. Ano kaya magandang ibigay?" Tanong ko sa kanya.

 

"Ikaw."

 

"Wala nga akong maisip. Tinatanong kita kung may suggestion ka." Nagtatanong nga ako tapos ako pa rin pag-iisipin nito?

 

"Ikaw nga."

 

"Hindi ko nga alam."

 

"Tot, ang slow mo naman," napabangon best friend ko sa kama. Aba, ikaw pa naiinis sa akin? Ikaw 'tong magulo kausap. "Ikaw. Regalo mo ikaw. Meron na si Karina ng lahat. Ikaw na lang kulang."

 

Bakit ba naisipan ko pang tanungin 'tong kaibigan ko? At bakit niya ba ako laging inaasar kay Karina?

 

"Hindi mo pa rin talaga tinitigilan 'yang kalokohan mo eh 'no?" Pumulot ako ng unan para ibato kay Ning.

 

"Kilig ka naman?"

 

"Bakit ako kikiligin? Friends nga lang kami." Diniinan ko 'yung "friends" for emphasis.

 

"Sabi mo eh," sagot sakin ni Ning, at ginawa niya na naman 'yung paborito niyang meme face tuwing nang-aasar siya.

 

 

 

 

Simula hinatid namin si Karina sa condo niya after 'nung UP Fair, lagi na akong inaasar ni Ning sa kanya. Minsan nga kahit magkakasama kaming tatlo, nginingisian ako ni Ning tuwing nakatalikod si Karina sa amin. Hindi ko naman talaga crush si Karina. Hindi pa nga ako nakaka-move on kay Yeji eh. Ni hindi ko nga alam kung straight ba si Karina o hindi.

 

Hindi naman ako shunga at martyr na hahayaan sarili ko mag-suffer sa back-to-back heartbreak 'no. Mas okay pang ma-fall sa may gustong iba, kaysa ma-fall sa straight.

 

Ngayong araw, busy kami dahil sa ACLE. Mamayang hapon na kasi 'yun. Nasa kiosk kami ngayon sa labas ng library dahil nag-decide kaming pancit canton na lang lunch namin ngayon. Pareho kasi kaming kailangan magmadali ngayong tanghalian dahil magseset up pa kami para sa ACLE ng mga orgs namin. Tuwing napagdedesisyunan naming mag-pancit canton o kaya street foods, ditong kiosk na kami dumidiretso dahil nandito 'yung paboritong pusa ni Karina, si Myong.

 

"Karina, baka pala hindi kita masabay pauwi mamaya," ininform ko siya. After kasi ng ACLE, may dinner 'yung org namin.

 

"It's okay. I'm going out with my orgmates din naman after ACLE."

 

"Sige. Sorry ha," I told her, and she giggled. "Bakit ka na naman natatawa?"

 

"Why are you apologizing?"

 

"Kasi di kita masasabay?"

 

"You don't have to. It's not like you're my personal driver."

 

"Pwede naman. Magkano ba sahod pag nag-apply ako?" Tumawa lang siya, at hinampas niya ako.

 

"Ouch," pabiro kong sabi. "Napulot mo yang mang-hampas habang tumatawa kay Ning 'no?"

 

 

 

 

 

 

 

"Congrats sa atin, guys," sabi ni kuya Kyungsoo na president ng org namin after naming magligpit. "Nairaos na rin ang ACLE. Makakapagpahinga na tayo."

 

"Saan niyo gusto kumain?" Tanong sa amin ni ate Jennie.

 

"G ba kayo mag-samgyup?" Suggestion ni kuya Jaehyun.

 

Mabilis kaming lahat um-oo. Syempre, sino bang may ayaw sa samgyup? Lalo na nakaka-stress na masyado 'tong sem na 'to. Deserve na deserve talaga ang samgyup.

 

Nakapag-decide kami na sa Golden Baboy sa Maginhawa na lang kumain. Hindi rin lahat nakasama sa amin dahil may prior commitments daw sila. Maliban sakin, sila kuya Kyungsoo, kuya Jaehyun, ate Jennie, ate Jihyo, kuya Taeil, Mark, Haechan, Sieun, Isa, at Yeonjun lang ang mga makakasama sa dinner.

 

Sabi ni ate Jennie, sumama na lang ako mag-commute, at wag ko na dalhin sasakyan ko dahil baka mahirapan pa ako maghanap ng parking. Tama naman siya kaya iniwan ko na lang din sa campus 'yung sasakyan ko. Pwede ko naman balikan mamaya after dinner. Mukhang maaga naman kami matatapos since wala pa namang 6 p.m. Habang papunta kaming Golden Baboy, nag-text na muna ako kay mama na hindi ako sa bahay mag-didinner.

 

 

 

 

 

 

 

Pagdating namin, hindi pa naman puno 'yung resto, at nakakuha agad kami ng table. Isang large group pa lang ang nasa loob, at may familiar akong nakita. Sakto naman lumingon siya, at kumaway sa way namin.

 

"Hi, Karina!" Bati ni Sieun sa kanya. Nag-wave naman kami ni Isa pabalik sa kanya bago kami umupo sa table namin. Bumalik na rin si Karina sa pakikipag-usap sa orgmates niya.

 

Nagulat ako dahil nagmadali si Yeonjun na tumabi sakin pagkapwesto ko sa table. Nag-uusap naman kami minsan, pero hindi kami close.

 

"Winter, kakilala mo si Karina Yu?" Bulong niya sakin pagkaupo niya sa tabi ko.

 

"Oo. Bakit?"

 

"Classmate ko 'yan dati sa Street Dance na P.E. Crush ko 'yan eh."

 

"Huy. Anong pinagbubulungan niyo dyan? Share niyo naman 'yan," sabi ni kuya Kyungsoo.

 

"Kayo ha. May sariling mundo kayo," pang-aasar ni ate Jihyo sa amin. Inasar naman kami ng iba naming kasama. Medyo naiirita ako. Mabait naman si Yeonjun, pero ayoko talaga naaassociate sa lalaki.

 

"Hindi po kami talo," sabi ko. "Hindi po ako straight."

 

"Ay sorry ka na lang, Yeonjun. Wala ka palang chance," pabirong sabi ni kuya Jaehyun.

 

"May tinatanong lang po ako kay Winter," depensa ni Yeonjun sa sarili niya.

 

"Ano nga ba 'yan? Share niyo naman samin," sabi ni ate Jennie.

 

"Ano po kasi," simula ni Yeonjun. Nakahawak si Yeonjun sa leeg niya, at hindi siya makatingin ng straight sa mga orgmates namin. "Tinatanong ko lang si Winter kung kilala niya si Karina. Crush ko po kasi siya since 1st year."

 

"Saan ba 'yang Karina? Nandito ba?" Tanong ni kuya Taeil.

 

"Sa kabilang table po. 'Yung naka-bun 'yung buhok," nahihiyang sagot ni Yeonjun.

 

"Nako, wag mong unahin 'yang landi landi na 'yan. Baka matulad ka sakin at ma-delay ka." Nagtawanan lang kami sa sinabi ni kuya Kyungsoo.

 

Tuloy-tuloy siyang inasar ng mga orgmates namin, pero natigil sila kaagad 'nung dumating na 'yung meat na inorder namin. Nagpa-picture muna kami sa staff bago kami nagsimulang mag-grill at kumain. Nakalimutan na yata nila 'yung topic kanina, at nag-rarant na lang sila tungkol sa mga profs and requirements.

 

"Winter, may number ka ba ni Karina?" Kinulit ulit ako ni Yeonjun habang busy mag-chikahan ang iba naming orgmates.

 

"Meron. Bakit?"

 

"Okay lang ba mahingi?" Ang weird naman nito. Kapag gusto mo 'yung tao, i

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yjmnyz
Happy 100 upvotes! I appreciate you all!

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Chapter 29: 😕
bigboy123
139 streak #2
Chapter 29: Re-reading this chapter cause… 👀👀🤭🤭
taexx_ss
#3
Chapter 29: re-reading, happy new year siguro 🤧
fanficethusiast #4
Chapter 29: hello author still waiting for next ud 🥺
xoxosonekpop
#5
Chapter 29: Hello author-sshi great storyline 👏👏👏
kwinterrr_
#6
Chapter 29: 💖
Kannakobayashi09 #7
Hi? Author?
bigboy123
139 streak #8
Chapter 29: hello? tao po? 🥹🥹
heartwaves
#9
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story
heartwaves
#10
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story