Chapter 22: Outing Part 1

Akin Ka Na Lang
Please Subscribe to read the full chapter

“Wala na i-loload? Ito na lahat?” Tanong sakin ni Beomgyu na kakatapos lang mag-karga ng mga dadalhin namin sa sasakyan.

 

Tumango naman ako, at sinara na ni Beomgyu ‘yung trunk ng Terra ni ate Taeyeon na hiniram ko para sa outing. Ngayon na kasi ‘yung lakad namin, at excited na rin ako dahil deserve na deserve kong mag-unwind after ng nakakapagod na sem na ‘to.

 

“Sabihan niyo lang kami pag aalis na.” Tinanguan ko ‘yung pinsan ko na bumalik na sa sasakyan ni Soobin. Silang tatlo nila Soobin at Chenle na lang kasi magkakasama sa kabilang sasakyan.

 

Nag-overnight mga kaibigan ko samin kagabi para makatipid kami sa oras. Maaga kasi ang alis namin ngayon. Napag-usapan namin nila Boss Gi na sa may SLEX na kami magkita-kita by 7:30 a.m. para hindi na nila kailangang dumaan sa bahay namin. Doon na rin namin balak mag-breakfast sa meeting place. 

 

Sila Beomgyu, Soobin, at Chenle naki-overnight na samin dahil sumama sila sa pamamalengke kanina. Sa sasakyan na rin kasi ni Soobin ilalagay ‘yung iba pa naming mga dadalhin. Sa amin na rin sumabay si RJ na kinagulat ng lahat. Expected na kasi namin na doon siya kanila Boss Gi makikisabay dahil nandun ‘yung jowa niya. Walang halong bitterness ‘to ah. Maiintindihan naman namin if ever, pero namiss niya raw kaming kasama.

 

Sumilip ako sa loob ng sasakyan, at nakapwesto na sila Ning, RJ, Yujin, at Chaeryeong. Kasama rin namin ‘yung pinsan ni RJ na si Yuna. Magkakilala naman kami kasi nakikita ko siya kanila RJ minsan pero hindi kami gaanong close. Mas bata rin kasi siya sa amin at hindi naman siya sa Pisay nag-high school. Ngayon ko lang rin nalaman na kaya pala kilala ni RJ si Karina eh dahil magkasama pala noon sa student council sila Karina at Yuna. Doon daw sila nagtatrabaho sa bahay nila Yuna minsan kaya nag-meet na sila RJ at Karina before UPD. Small world nga naman.

 

Hindi ko mapigilan na matawa nung tinignan ko ‘yung best friend ko. Mukha kaming alalay ni Ning dahil bihis na bihis siya. Akala mo talaga tirik na ang araw at naka-sun hat at sunglasses pa sa loob ng sasakyan. May neck pillow pa siya ngayon dahil balak niya talagang matulog sa biyahe. Alas tres pa lang kasi gising na kami kanina para mamili ng mga dadalhin naming pagkain.

 

“Anong tinatawa-tawa mo dyan?” Nagtanggal ng sunglasses si Ning at tinaasan ako ng kilay.

 

“Wala naman po, madam.” Minata ko si Ning head to toe pagkasagot ko.

 

“Walang basagan ng trip. Outing naman ‘to eh.” Sinuot niya na ulit ‘yung salamin niya at nag-relax na ng upo.

 

“Okay lang kayo dyan?” Tanong ko kanila Chaeryeong at Yujin na nakaupo sa may pinakalikod. Nag-thumbs up naman si Yujin sakin.

 

“Tot, paalis na raw sila Yeji,” sabi ng pinsan kong busy mag-type sa phone niya.

 

“Ready na? Alis na tayo?” Paninigurado ko.

 

“Saan si Somi?” Sinilip ni Ning ‘yung front seat.

 

“Present.” Sakto naman na may nagsalita galing sa likod ko. “Coffee. Tinuruan ako ni ate Taeyeon gamitin ‘yung espresso machine niyo kagabi.” Inabutan ako ni Somi ng maliit na thermos.

 

“Thank you.” Kinuha ko ‘yung thermos sa kanya at nginitian niya lang ako.

 

“Paano naman kami?” Tanong ni Chaeryeong.

 

“Oo nga. Bakit si Winter lang may kape?” Panggagatong ni Yujin.

 

“Ayoko lang i-risk mga buhay natin sa inaantok na driver,” natatawang sagot ni Somi sa kanila at hinampas ko naman siya sa braso.

 

Uminom ako mula sa thermos na binigay sakin ni Somi, at sabihin na lang natin na it’s the thought that counts. Hindi ko malasahan ‘yung kape. Parang tubig na may kulay lang pero syempre na-appreciate ko naman ‘yung effort niya sa paggawa nito.

 

“Okay lang ba?” Parang sobrang careful nang pagkakatanong niya kaya kahit gusto ko siyang asarin, pinili ko muna maging mabait ngayon.

 

“Yep. Saktong sakto lang ‘yung timpla.” Napalitan ng malaking smile ‘yung worried look ni Somi. “Sakay ka na. Sabihan ko lang sila Soobin na alis na tayo.”

 

Pumwesto na si Somi sa front seat, at kinatok ko ‘yung bintana ng sasakyan ni Soobin.

 

“G na?” Tanong niya sa akin pagkababa niya ng bintana, at tumango ako. “Okay.”





 

Medyo nakalayo-layo na kami at sakto lang siguro na 7:30 ang dating namin sa meeting place namin nila Giselle. Masarap na tulog nila Chaeryeong at Yujin sa likod. Akala mo naman talaga mga kulang sa tulog eh sila pa nga yata pinakamahaba tulog saming lahat.

 

Sinilip ko ‘yung katabi ko, at tulog na rin siya. Nakipagtalo pa siya kagabi na siya daw uupo dito sa harap kasi dapat daw gising ‘yung katabi ng driver eh tinulugan rin naman ako.

 

“Te, kanina pa ako tinatamaan ng sumbrero mo,” reklamo ni Ryujin kay Ning na katabi niya ngayon. “Pwede ba tanggalin mo muna ‘yan, madam?”

 

“Sorry na,” nag-comply naman si Ning sa request ng seatmate niya. “Saan na pala sila Yeji?”

 

“Last chat sakin ni Yeji nakapasok na sila SLEX. Mas maaga yata silang dadating satin.” Tumango lang si Ning.

 

“Tot, ano ba ‘yang playlist mo. Nakakaantok,” angal ni Ning.

 

Nag-auto connect lang naman kasi phone ko dito sa sasakyan ni ate Taeyeon. ‘Yung pampatulog na playlist ko tuloy ‘yung nag-play kasi ito ‘yung huli kong pinatugtog sa phone ko kagabi.

 

“Eh matutulog ka naman diba?”

 

“Hindi ako makatulog eh.”

 

“Akala ko ba nakakaantok ‘yung playlist?” Minsan hindi ko talaga maintindihan ‘tong best friend eh.

 

“Eh basta. Gulo mo kausap.”

 

“Ako pa magulo kausap?” Tinawanan naman kami nila Ryujin at Yuna.

 

“Na-miss ko talaga kayong kasama,” singit ni Ryujin.

 

“Mamayang gabi ka na mag-drama. Masyado pang maaga,” sagot ni Ning.

 

Napangiti na lang ako dahil na-miss ko rin na buo ‘yung tropa namin. Akala ko kasi hindi kami magkakaayos anytime soon, at kinatakot ko rin na baka maging cause pa ako ng pag-fall apart ng tropahan namin. Pero here we are, unti-unti nang bumabalik sa normal.

 

“Pa-connect ako, Tot. Ako na lang magpapatugtog para magka-buhay naman ‘yung umaga natin,” request ni Ning. Binagalan ko naman ang pagmamaneho para i-disconnect ‘yung phone ko sa stereo para ipalit ‘yung kay Ning.

 

Bumungad agad samin ‘yung Break Free ni Ariana Grande. Bigla ngang nabuhayan ‘yung umaga ko.

 

“Di ka na matutulog?” Tanong ko ulit sa best friend ko.

 

“Hindi na.”

 

“Okay lang ba pahiram mo muna kay Somi ‘yung neck pillow mo?” Napapansin ko kasi tuwing tumitingin ako sa side mirror na nag-bubump ‘yung ulo ni Somi sa bintana. Baka sumakit ulo nito paggising. “Dahan-dahan mo lang lagay kasi baka magising.”

 

Sinunod naman agad ni Ning ‘yung request ko, at magpapasalamat na dapat ako sa kanya kaso bigla niya akong nginisian.

 

“Ano?” Lalo lang lumaki ‘yung ngisi ni Ning.

 

“Wala lang. Ikaw ha.” May laman talaga ‘yung ngisi ni Ning ngayon. Inaasar ba niya ako kay Somi?

 

“Kung ano-ano talaga naiisip mong lokaret ka.”

 

“Wala akong sinasabi ah.” Hindi naman na kailangan pang sabihin ni Ning. Alam ko na pinapahiwatig niya.

 

Hindi na lang ako sumagot at nag-focus na lang ako sa pagda-drive. Somi? I think we’re better off friends. Besides, sinabi niya naman sakin last time na may crush na siya.



 

“Sa may bandang tapat ng McDonald’s daw sila nakapark, Tot,” ininform ako ng pinsan kong kachat ang jowa niya ngayon. Nakarating na kami sa meeting place namin nila Boss Gi, at nauna silang dumating kaysa samin as expected.

 

Nakita ko naman agad ‘yung sasakyan ni Giselle. Maluwag naman ang parking kaya bakanteng bakante ‘yung mga slots sa tabi nila.

 

Pagka-park ko ng sasakyan, sabay kaming nagbaba ng bintana ni Boss Gi, at mukha ni Karina ‘yung tumambad sakin dahil siya ‘yung nakaupo sa front seat.

 

“Good morning,” nakangiting bati niya sakin. Mas maganda ka pa sa morning, Karina.

 

“Good morning rin.” Bumaling ang tingin ni Karina sa katabi ko, at nawala agad ‘yung smile niya. Napalingon rin tuloy ako sa katabi ko pero wala naman akong ibang nakita kung hindi si Somi na tulog na tulog.

 

“Hi baby,” siningit ng pinsan ko ‘yung ulo niya sa side ko para dumungaw sa bintana at batiin ang girlfriend niya na nasa kabilang sasakyan. Sumilip naman agad si Yeji para kumaway kay Ryujin.

 

“Teh, magkasama lang kayo kahapon,” puna ni Ning kay RJ. Natawa naman kami ni Yuna sa side comment ni Ning.

 

“Wala ka kasing jowa kaya di mo alam ‘yung feeling,” pabirong sagot ni RJ. 

 

Madrama namang nilagay ni Ning ‘yung kamay niya sa dibdib niya. “Ay wow. Edi ikaw na.”

 

“Where are your other friends na pala?” Nilapit ni Giselle ‘yung ulo niya sa bintana sa side ni Karina.

 

“Dito sila nakapark sa tabi namin.”

 

“Ako ‘yung nahihirapan sa inyo. Pwede naman na tayo bumaba muna ng sasakyan,” sabi ni Ning.

 

Tinapik niya naman agad sila Chaeryeong at Yujin na mahimbing ang tulog sa likod. Pagkadilat nila akala mo mga naliligaw na bata.

 

“Nasa SLEX na tayo mga beh. Rise and shine. Breakfast time na.” Nag-start na sila mag-stretch sa likod, at doon ko lang naramdaman na medyo tense na rin ‘yung balikat ko at likod. Pagbaba na lang ako ng sasakyan mag-iinat.

 

Bumaba na sila Ryujin, Yuna, Ning, Chaeryeong at Yujin. Nasa labas na rin ‘yung barkada nila Karina, at pati sila Beomgyu. Mga nagkakahiyaan pa ngayong nagkita-kita na sila sa personal samantalang ang iingay naman sa group chat nitong buong linggo.

 

Excited na yata talaga ‘yung mag-jowa na makita ‘yung isa’t isa, at nag-hug agad sila. Kinantiyawan naman sila ng mga kaibigan namin. Ang lakas pa ng boses nila Beomgyu at Ning. Nakakahiya. Kahit onti lang ‘yung tao sa paligid ngayon, pinagtinginan pa rin sila kaya napabitaw sila RJ at Yeji sa hug nila, at nag-holding hands naman sila.

 

Sana all. Me and Karina, when? Joke lang po. Asa pa, Wintot.

 

“McDo na lang breakfast. Okay lang ba sa inyo?” Si RJ na lang nagpaka-bibo kid ngayon since siya ‘yung close sa parehong friend groups. Nag-agree naman na mga kaibigan namin. “Bakit di ka pa bumababa, Tot?”

 

Oo nga pala. Gigisingin ko pa kasi si Somi.

 

“Una na kayo. Sunod kami. Gisingin ko lang ‘to.” Turo ko sa katabi ko.

 

“Ah sige.” Tumango na rin ‘yung iba naming kasama, at naglakad na sila papuntang McDo. Lumingon si Karina sakin pero umiwas agad siya ng tingin nung nagtama ang mga mata namin, at humabol na siya kay Giselle na mabilis naglakad.

 

“Somi… Gising na. Kain muna tayo,” tinapik ko ‘yung katabi ko na biglaang gumising.

 

“Omg. Nakatulog ako? Sorry.” Ngarag na ngarag niyang sabi at tinawanan ko lang siya.

 

“Okay lang. Maaga rin tayo nagising kanina eh.”

 

“Saan na sila?” Tanong niya noong napansin niya na wala na kaming kasama sa sasakyan.

 

“Nauna na sila sa McDo… Tara na?” Tumango habang humihikab si Somi.

 

“Wait,” nag-stretch muna ako pagbaba namin ng sasakyan. Pinisil pisil ko rin ‘yung likod ko sa may bandang balikat. Noong medyo na-relax na ako, tumango ako para senyasan si Somi na lumakad na kami.

 

Pinag-save naman kami ni Ning ng mga upuan. Bale napapagitnaan ako ni Ning at ni Somi ngayon. Hindi ko alam kung sinadya ba ni Ning na ito ‘yung piliin na seat na i-save para sakin dahil mahirap sulyapan si Karina mula dito. Nasa tapat namin siya na side pero nandun siya sa kabilang dulo. Halatang halata pag tumingin-tingin ako sa kanya. Katabi naman ni Karina si Yeji. Tapos si Ryujin, Yuna, at Giselle. Nasa tapat naman nila sila Chaehyun, Lia, Chaeryeong, Yujin, tapos kami na nila Ning. Bakante ngayon ‘yung nasa tapat ko dahil umoorder pa ‘yung mga lalaki.

 

“Umorder na kayo?” Tanong ni Somi sa mga kasama namin.

 

“Yeah. Kakatapos lang,” sagot ni Giselle and her friends nodded.

 

“Sinabay na kami nila Gyu. Hindi namin kayo nasabay ng order kasi di namin alam anong gusto niyong kainin,” sabi ni Yujin samin.

 

“Okay lang,” nilingon naman ako ni Somi. “Order na tayo?”

 

Tumayo na kami pareho, at pabalik na rin sila Gyu sa table namin. Hindi naman mahaba ‘yung pila. Dalawa lang ‘yung nasa harap namin ni Somi.

 

“I think mag-papancakes lang ako. Ikaw?”

 

“Sausage McMuffin with Egg na lang siguro,” sagot ko. “Ala carte lang.” Actually, gusto ko sana samahan ng brewed coffee, pero baka ma-offend si Somi dahil pinabaunan niya ako ng kape, which is more like tubig na kulay brown, bago kami umalis kanina.

 

“No drinks?”

 

“Yeah. May kape pa ako sa sasakyan eh.”

 

She smiled widely at me. “Oo nga pala.”

 

Nagtalo pa kami saglit sa counter dahil pareho kaming nag-iinsist na magbayad. Napansin kong medyo naiinip na sa amin si ateng cashier kaya gumive up na ako at hinayaan ko na si Somi magbayad.

 

Bumalik naman na sa counter sila Karina, RJ, at Chaehyun para kuhanin ‘yung mga orders nila. 

 

“Tulungan na kita,” kinuha ko ‘yung tray sa kamay ni Karina dahil nakita kong struggling siya. May mga drinks kasi sa bitbit niyang tray, pero ang unstable ng pagkakahawak niya dahil dala niya rin ‘yung phone niya.

 

“Thank you.”

 

Pagbalik namin sa table, nagdadaldalan na sila. Kanina lang para silang mga tuod dahil sa hiya nila. At least hindi na sila gaanong awkward around each other.

 

Nilapag ko ‘yung tray doon sa may pwesto ni Karina, at ang laki laki ng ngiti sakin nila Boss Gi at Yeji. Nahahalata ba nilang may something ako para sa kaibigan nila?

 

Samantalang si Ning naman tinignan ako nang masama, parang nagbabanta, habang pabalik ako sa upuan ko.

 

“Akala ko ba move on ka na?” Mahinang sabi ng best friend ko. Muntik ko na ngang hindi maintindihan kasi hindi binuka ni Ning ‘yung bibig niya habang nagsasalita so medyo mahirap intindihin. Para siguro walang makahalata. Nakitawa siya sa kinekwento ni Soobin habang hinihintay akong sumagot.

 

“Tinulungan ko lang naman.” Pabulong kong sagot.

 

“Tot, ano pala mga pinamalengke niyo kanina?” Tanong ni Chaeryeong. Thank you lodicakes, at sinalba mo ako sa panenermon ni Ning.

 

“Usual lang. Bigas, liempo, chicken, bangus, ground beef para sa nachos tapos sila Soobin bumili na rin ng pang-carbonara at pang-cheese dip nung nag-alcohol shopping,” ni-recall ko lahat ng mga pinamili namin. “Ay may pa-hipon pa pala si Ning. Libre niya daw.”

 

“Oh. Iihawin din ‘yung hipon?” Medyo excited na tanong ni Lia, at umiling agad si Ning.

 

“Pang-sinigang na hipon bukas.” Napalitan ng confusion ‘yung excitement ni Lia, at gets ko siya. Sino ba naman kasi talagang mag-sisinigang na hipon sa outing, di ba?

 

“Pag-pasensyahan niyo na ‘yung kaibigan naming kumakain ng sinigang sa outing,” natatawang sabi ni Chenle.

 

“Ano ba? Mahalaga ‘yun. Syempre mag-iinuman tayo mamayang gabi. Masarap mag-sinigang na hipon pagkagising.” Pag-depensa ni Ning sa mga desisyon niya sa buhay.

 

“Oh diba? Double malakas trip. Sinigang sa outing, pang-almusal pa balak.” Natawa na lang kami sa pagbabangayan nila Chenle at Ning.

 

“Uy, ano number natin? Baka ayun na ‘yung order natin,” ngumuso si Yujin sa may counter.

 

Tinignan ko rin ‘yung number sa resibo na hawak ko, at nakalagay na nga sa monitor na ready na ‘yung food namin kaya sumabay na ako sa tatlong boys para kuhain ‘yung order.  

 

Nagtuloy-tuloy lang ‘yung chikahan habang kumakain kami. Syempre ako pasimple lang ng nakaw ng tingin kay Karina habang nagkwekwentuhan. Masyado naman silang immersed sa chikahan kaya walang makakahuli sakin. Ang cute cute lang rin kasi ng mga reactions ni Karina. Lalo na kapag tumatawa siya. Mabilis ko naman naubos pagkain ko dahil McMuffin lang naman ‘to. Pati si Somi inuubos na lang ‘yung hot choco niya. 

 

“Magkano pala babayaran namin sa food?” Nilingon ako ni Chaehyun.

 

“Uhm di ko pa nacocompute.” After kasi mamalengke, nag-prepare na agad kami para sa pag-alis. “Hindi naman mahal. May pretty privilege daw ‘yung mga kasama ko eh.” Napahagikgik ako dahil naalala ko ‘yung sinabi samin ni Ning kanina habang nasa Farmer's kami: “Lahat ng Pilipino, may pretty privilege… Sa palengke. Kaya favorite task ko ‘tong pamamalengke eh. Kahit saan ka lumingon, may tatawag sayo na Ganda.”

 

“Teh, akala ko bongga na ‘yung 20 pesos off ko as pretty privilege. May super pretty privilege pa pala. Kay Somi, singkwenta ‘yung binabaw

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yjmnyz
Happy 100 upvotes! I appreciate you all!

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Chapter 29: 😕
bigboy123
139 streak #2
Chapter 29: Re-reading this chapter cause… 👀👀🤭🤭
taexx_ss
#3
Chapter 29: re-reading, happy new year siguro 🤧
fanficethusiast #4
Chapter 29: hello author still waiting for next ud 🥺
xoxosonekpop
#5
Chapter 29: Hello author-sshi great storyline 👏👏👏
kwinterrr_
#6
Chapter 29: 💖
Kannakobayashi09 #7
Hi? Author?
bigboy123
139 streak #8
Chapter 29: hello? tao po? 🥹🥹
heartwaves
#9
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story
heartwaves
#10
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story