Chapter 15: Good Night

Akin Ka Na Lang
Please Subscribe to read the full chapter

Thank God, it’s Friday. Isa na lang ‘to sa mga huling weekend na maeenjoy ko dahil magsisimula na ‘yung buhos ng deadlines at exams dahil kulang kulang isang buwan na lang eh tapos na ang sem na ‘to.

 

Thankfully, ngayong weekend, wala akong schoolworks na kailangan tapusin. May iilang assignment lang na hindi naman mahirap gawin. Sabi nga nila, it’s the calm before the storm. 

 

Kinakabahan ako kasi hindi na ‘to katulad nung first year ako na magaan lang subjects ko. May minamaintain akong grade. Gusto ko talaga makalabas sa UP with latin honors. Actually, wala namang high expectations sakin si mama at mga ate ko. Ako lang siguro ‘yung harsh sa sarili ko pagdating sa acads dahil nasanay na akong achiever ako nung elementary at high school.

 

Anyway, tama na sa pagiging grade conscious ko. Ang hirap nitong nakaraang linggo for me, hindi academically, pero dahil sa realization kong may crush ako kay Karina.

 

Sinusubukan ko namang mag-act normal sa harap niya pero natatanga at nauutal ako all the time. Tulad na lang nung may lab activity kami nung isang araw. Wala akong focus sa ginagawa namin. Tingin kasi ako nang tingin kay Karina.

 

Cliché ‘tong sasabihin ko pero simula na-realize ko ‘yung pagkakacrush ko kay Karina, lalo pa siyang gumanda sa paningin ko. Akala ko OA lang ‘yung depiction sa mga palabas na slow motion, o kaya nagblublur ‘yung paligid kapag tinitignan nila crush nila pero legit pala yun. Sa lahat-lahat ng naging crush ko, kay Karina ko lang na-experience ‘yung ganung feeling.

 

Tinatry ko naman pigilan na tumingin nang tumingin sa kanya pero ang hirap. Kaya ayun nung may activity kami nung isang araw at partners kami ni Karina, halos siya gumawa lahat. Nakakahiya nga dahil maya’t maya niya ako tinatawag pero dahil wala ako sa hulog kakasulyap kay Karina, laging “Ano ulit yun?” lang nasasagot ko sa kanya. Buti na nga lang at patient si Karina mag-explain.

 

Isa pang nagpapahirap ng sitwasyon ay ‘yung pagiging wingwoman ko para kay Yeonjun. Lagi siyang nagkwekwento sakin tungkol sa progress nila. Alam niyo ‘yung feeling na ayaw mo marinig or malaman pero at the same time, gusto mo dahil nacucurious ka sa progress nila? Ganun ‘yung lagi kong nararamdaman tuwing nagkwekwento sakin si Yeonjun.

 

This week rin natigil ‘yung paghahatid ko kay Karina dahil lagi naman nag-ooffer si Yeonjun sa kanya. Actually, iniiwasan ko na rin gawin yun para kay Karina dahil feeling ko lalo lang mag-iintensify ‘tong crush ko sa kanya kapag tinuloy ko ‘yung mga ganung gestures lalo na at medyo touchy si Karina simula nung birthday niya.

 

Lately din, hindi na kami sabay mag-lunch ni Karina. Iniinvite naman nila ako ni Yeonjun sumabay sa kanila, pero duh may rationality pa rin naman ako at hindi ako masokista. Kaya ngayon tuwing lunch time nasa org tambayan ako. Naging close na nga yata ako sa iba naming mga seniors. Lagi lang kaming naglalaro ng Uno nila kuya Kyungsoo, kuya Jaehyun, ate Jihyo, ate Rosé, at ate Jennie sa tambayan. Sila-sila kasi ‘yung madalas na nandun tuwing break time ko.

 

“Parang napapadalas tambay mo dito ah,” sabi ni kuya Jaehyun paglapag niya ng isang card. Nasa kalagitnaan kasi kami ng paglalaro ng Uno ngayon.

 

“Sino?” Tanong ni ate Jihyo.

 

“Si Winter.”

 

“Hindi po kasi ako masyadong busy ngayong week,” sagot ko sa kanila.

 

“Tapos inagaw pa ni Jun sayo si Karina.” Nanigas naman ako sa sinabi ni ate Jennie. “Diba si Karina ‘yung friend mo na lagi mong kasabay pag lunch? Yung nililigawan ni Yeonjun ngayon?”

 

Akala ko naman halatang halata na may crush ako kay Karina, at ang ibigsabihin nila sa inagaw eh as in love triangle. Ano ba, Winter? Bakit nag-ooverthink ka na naman dyan?

 

“Opo.”

 

“Ay weh? May nililigawan pala si Yeonjun?” Gulat na tanong ni ate Rosé.

 

“Bakit huli ka sa chika eh lagi ka namang nandito?” Panloloko ni ate Jennie sa kanya. “Uno!” Mabilis niyang sigaw after niya ilapag ‘yung card niya.

 

“Teka nga. Update niyo muna ako sa chika. Hirap magfocus kapag kasabay ng laro.” Nilapag ni ate Rosé ‘yung natitira niyang cards. Natawa kami sa kanya pero naglapag na ng cards ‘yung iba kong seniors kaya sumunod na lang din ako.

 

“So una kailan nag-start?” Nag-simula na mang-interrogate si ate Rosé.

 

“Last week yata? Narinig ko si Yeonjun mag-chika kanila Sieun at Isa dito nun,” sagot ni ate Jennie. “Pati chikahan nila ni Winter naririnig ko. Tulay tulay pa kayo dyan ha,” pahabol niya.

 

“Anong tulay?” Tanong ni ate Rosé.

 

“Ano nga ba ginagawa mo, Winter?” Pinasa sakin ni ate Jennie ‘yung tanong.

 

Naramdaman ko naman na nag-shift ‘yung tingin ng mga orgmates ko sakin. Nakakatawa kasi medyo sabay-sabay ‘yung pag-turn ng mga ulo nila. Ang lakas po ng atake ng chismosa virus today.

 

“Wala naman po masyado. Taga-abot lang ng mga pinapabigay ni Yeonjun last week,” sabi ko. “Ngayon, wala naman na. Direct na po sila nag-uusap eh.”

 

“Close mo ‘yung nililigawan niya?” Tumango ako kay ate Rosé. “Tingin mo may chance o wala?”

 

Bakit ako ‘yung tinatanong niyo? Hindi naman ako si Karina.

 

“Hindi ko po sure eh.”

 

“Hindi nagchichika sayo friend mo?” This time si ate Jihyo naman nagtanong.

 

“Hindi po?” I reluctantly answered. Hindi naman ako nagtatanong masyado kay Karina dahil naririnig ko na from Yeonjun ‘yung details. Itong week din naman nagkakasama lang kami ni Karina sa classroom dahil si Yeonjun na kasabay niya kumain at umuwi.

 

“Ay bad sign ‘yan para kay Jun,” sabi ni ate Jihyo.

 

“Kayo naman. Syempre kakakilala lang nila. Malay niyo naman getting to know each other stage pa lang,” singit ni kuya Kyungsoo.

 

Parang bigla akong naging interesado sa topic na ‘to. Kung may chance ba si Yeonjun o wala. Well, kahit naman wala, hindi naman nun mababago na wala pa rin akong pag-asa. At tsaka, baka kaya lang naman hindi nakakapagkwento si Karina dahil hindi pa ulit kami nakakapag-usap na kaming dalawa lang.

 

Naramdaman kong nag-vibrate ‘yung phone kong nasa bulsa ko kaya nilabas ko ‘to.

 

somi [12:31 p.m.]: winter, sa AS parking 5pm tayo magkikita, diba?

winter [12:32 p.m.]: yep see you later!

 

Kasabay ko mamaya pauwi si Somi dahil napag-planuhan naming mag-overnight sa bahay namin kasama si Ning. Ngayon lang kasi maluwag-luwag ‘yung schedule naming lahat kaya nag-decide kami na ngayong weekend na lang i-set yung catch up session namin.

 

“Sino namang ka-text mo, Winter?” Nag-try dumungaw sa phone ko si ate Jihyo pero naka-off naman na ‘yung screen pagkasilip niya.

 

“Friend ko lang po.”

 

“Weh? Di nga?” Panggagatong ni kuya Jaehyun.

 

“Opo.”

 

“Wala ka bang crush or type man lang?” Tanong ni kuya Kyungsoo. Meron pero syempre issue lang kapag shinare ko sa inyo.

 

“Wala po talaga,” pangungumbinsi ko sa kanila.

 

“Wag niyo madaliin ‘yung bata. 2nd year pa lang yan. Makakahanap din ‘yan ng bebe,” sabi ni ate Jennie.

 

Tinigilan na nila ‘yung topic, at nagyaya silang maglaro ng isa pang round ng Uno. Hindi na ako sumali dahil maglalakad pa ako papunta sa next class ko.




 

Pagdating ko sa classroom, nakita ko na nandun na agad si Karina. Medyo maaga pa. Mga 10 minutes early pa para sa next class namin.

 

Weird lang dahil nitong week, sakto lang sa oras palagi si Karina. I’m guessing dahil hindi nila namamalayan ni Yeonjun ‘yung oras. Ngayon lang ulit siya napaaga sa klase.

 

Nagphophone siya at pag-upo ko sa tabi niya, napalingon siya sa akin. Babatiin ko dapat siya pero bumalik lang kaagad sa phone niya ‘yung atensyon niya. Hindi man lang ako nginitian. Ni simpleng hi, wala.

 

Galit ba siya sakin? Bad mood ba siya?

 

Sakto naman sa timing, naka-receive ako ng message galing kay Yeonjun.

 

jun [12:52 p.m.]: Winter, galit yata si Karina sakin

 

Ah kaya pala masungit today. Sa ilang months din kasi na naging magkaibigan kami ni Karina, ngayon ko lang siya nakitang ganito.

 

winter [12:52 p.m.]: bakit? anong nangyari?

jun [12:53 p.m.]: Di ko sure kung bakit pero parang nawala siya sa mood after kong matalsikan ‘yung laptop sleeve niya ng sauce

 

Sinilip ko ‘yung laptop ni Karina na nakapatong sa desk niya, at napansin niya yatang nakatingin ako dahil tinakpan niya bigla ng kamay niya ‘yung spot na may stain.

 

jun [12:53 p.m.]: May groupings pa ako mamaya pagkatapos ng klase ko. Okay lang ba sayo muna sumabay si Karina? Hindi rin pala siya kumain. Baka pwede kayo mag-drive thru o ano man mamaya. Babayaran ko na lang.

winter [12:54 p.m.]: okay ako na bahala. usap kayo kapag di ka na busy. halatang bad mood ngayon eh

 

Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko, pero pagkasend ko ng message kay Yeonjun, tumayo agad ako, at nagmadaling pumunta sa pinakamalapit na tindahan na alam ko. Hanggang alas singko pa klase namin kaya kailangan merong laman ‘yung tiyan ni Karina kahit na snacks lang.

 

Inabot yata ng 10 minutes ‘yung back and forth kong lakad. Actually, hindi lakad. Takbo na yata ‘yung ginawa ko. Bumili na lang ako ng iba’t ibang biscuits dahil ‘yun na yung pinakaconvenient ngayon.

 

Maswerte naman ako at wala pa ‘yung prof namin pagkabalik ko sa room. Umupo agad ako, at medyo tinignan ako ng ilang classmates namin dahil pawis ako. Nilapag ko kaagad sa desk ni Karina ‘yung plastic ng mga binili ko.

 

“Kumain ka. Ilang oras pa ‘tong class,” sabi ko habang pinupunasan ko ‘yung pawis ko. Buti na lang ugali ko maglagay palagi ng bimpo sa bag ko.

 

“Thank you,” mahina niyang sagot. Tumango lang ako, at nag-ready na dahil dumating na rin ‘yung prof namin.










 

“Karina, sabay ka na sakin pauwi,” sabi ko sa katabi kong nagliligpit na ng gamit niya. “May groupings pa raw kasi si Yeonjun.”

 

“It’s okay. Magcocommute na lang ako,” pag-decline ni Karina sa offer ko. Bad mood pa rin ba siya?

 

“Sumabay ka na. Mahihirapan ka mag-abang ng jeep.”

 

“I can walk.”

 

Kinuha ko ‘yung laptop ni Karina. “Sumabay ka na lang. Okay lang naman.”

 

Wala na siyang nagawa kaya sumunod na siya sakin ng lakad. Tahimik lang kami pareho habang papunta sa parking lot, at ngayon, parang bumalik kami sa awkward silence phase.

 

“Gusto mo bang sumama muna sa bahay namin?” Wow. Way to go, Winter. Parang lalo mo lang pina-awkward. Kitang kita ko ‘yung confusion sa mukha ni Karina.

 

“I mean para mapalinis ko na kay Ning ‘to,” tinuro ko ‘yung mantsa sa laptop sleeve niya. “Actually, kahit pala di ka sumama. Basta ‘yung laptop sleeve mo ipadala mo sakin.” Nag-papanic ko na sabi.

 

Parang halatang halata naman yatang natatanga ako sa harap ni Karina.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yjmnyz
Happy 100 upvotes! I appreciate you all!

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Chapter 29: 😕
bigboy123
139 streak #2
Chapter 29: Re-reading this chapter cause… 👀👀🤭🤭
taexx_ss
#3
Chapter 29: re-reading, happy new year siguro 🤧
fanficethusiast #4
Chapter 29: hello author still waiting for next ud 🥺
xoxosonekpop
#5
Chapter 29: Hello author-sshi great storyline 👏👏👏
kwinterrr_
#6
Chapter 29: 💖
Kannakobayashi09 #7
Hi? Author?
bigboy123
139 streak #8
Chapter 29: hello? tao po? 🥹🥹
heartwaves
#9
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story
heartwaves
#10
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story