Chapter 1: Salamat UP Backwards

Akin Ka Na Lang
Please Subscribe to read the full chapter

Mataya taya mataya taya
Pagkabilang ng tatlo takbo tayo papalayo
Mataya taya mataya taya
Isa dalawa tatlo iiwanan mo ako

 

"Ha," malakas na buntong-hininga ni Winter habang labag sa loob siyang bumangon sa kanyang kama. Pinatay niya ang alarm ng cellphone niya, at naupo muna siya sa kama niya habang nakatulala.

 

Medyo okay naman ang gising ni Winter dahil sa alarm niya. Mahilig sa OPM si Winter at isa ang Autotelic sa mga paborito niyang artists. Lately LSS siya sa Laro at gumaganda mood niya pag naririnig niya 'to kaya naman sinet niya ito bilang alarm ringtone.

 

It's either masisira ang image ng kanta sa kanya dahil maaassociate niya na ito sa paggising nang sobrang aga o kaya naman gaganda ang gising niya dahil paborito niyang kanta ang una niyang maririnig sa umaga.

 

Pagkatapos ng ilang linggong sembreak at Christmas break, first day ng second sem ni Winter ngayon bilang second year student sa UP Diliman.

 

Minalas nga siya nitong enlistment period para sa second sem. Mayroon siyang isang 7am class dahil wala ng ibang bakanteng slot. Sinwerte na nga lang siya at nakuha niya ito kahit na mahigit 100 ang kaagaw niya sa nag-iisang natirang slot. Noong birthday niya, ginawa niyang birthday wish ay "Mahabaging Lord, baka naman pwedeng pabiyaya ng complete units sa CRS."

 

At ayun nga, kinabukasan, masaya si Winter dahil nakita niyang kumpleto ang units niya. Mabilis namang nawala ang kanyang ngisi noong nakita niyang alas syete nang umaga ang nakuha niyang klase. 

 

Kasalanan ko naman 'to. Hindi ko naman sinama sa wish ko na basta huwag lang yung 7am class, sabi ni Winter sa kanyang sarili kaya tinanggap niya na lang ang kapalaran niya at hindi niya na inisip na i-cancel pa ang klaseng ito.

 

Ikalawang taon niya pa lang sa UP pero miss niya na agad ang kanyang freshman priority sa enlistment ng klase. Sa UP kasi mas binibigyan ng CRS ng priority ang mga freshmen at graduating students. Ngayong hindi na siya freshman, hindi na siya privileged kid. Kahit anong schedule na lang ang makuha mo, mas mahalaga na lang na makumpleto mo ang units mo.

 

Bago tumayo si Winter para mag-prepare pumasok, binuksan niya muna ang GC nilang magkakaibigan. Gusto niya lang tignan kung may chismisan bang naganap kagabi dahil maaga siyang natulog. Mukhang wala naman siyang na-miss na chika, at malamang sa malamang eh wala pa ring gising sa mga kaibigan niya dahil alas singko pa lang nang madaling araw.

 

[dogshowerz nation]

wintot [5:07 a.m.]: tangina imagine niyo kamalasan ko? kailangan ko gumising nang 5 para sa tanginang GE class

 

As expected, walang nagseen ng message ni Winter dahil wala namang gumigising nang maaga sa mga kaibigan niya. Nilapag niya muna ang cellphone niya, at naghanda na siya ng damit na susuotin niya ngayon. 

 

First day so baka pwede medyo ayusin ko manamit ngayon, inisip ni Winter. Malamig-lamig pa ang hangin ngayon sa Pilipinas dahil January pa lang, at dahil mahilig sa flannel si Winter, ito na ang season para gamitin ang sandamakmak na flannels niya.

 

Habang kumakain ng almusal si Winter, iniisip niya na ang plano niya mag-transfer ng campus. Gusto niya sanang lumipat sa UP Manila at mag-take na lang ng ibang pre-med course.

 

Actually, mid-SHS na lamang naisip ni Winter na gusto niya maging doktor. Nag-take talaga siya ng STEM noong SHS dahil ang unang plano niya talaga ay maging isang civil engineer, pero dahil sa isang pangyayari, nagbago ang "calling" niya.

 

Worth it ba yung hassle na mag-transfer ng campus dahil lang do

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yjmnyz
Happy 100 upvotes! I appreciate you all!

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Chapter 29: 😕
bigboy123
139 streak #2
Chapter 29: Re-reading this chapter cause… 👀👀🤭🤭
taexx_ss
#3
Chapter 29: re-reading, happy new year siguro 🤧
fanficethusiast #4
Chapter 29: hello author still waiting for next ud 🥺
xoxosonekpop
#5
Chapter 29: Hello author-sshi great storyline 👏👏👏
kwinterrr_
#6
Chapter 29: 💖
Kannakobayashi09 #7
Hi? Author?
bigboy123
139 streak #8
Chapter 29: hello? tao po? 🥹🥹
heartwaves
#9
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story
heartwaves
#10
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story