Chapter 26: Nerbyosa

Akin Ka Na Lang
Please Subscribe to read the full chapter

“Hi, Karina,” tinaas ko pa ‘yung kamay ko, at mukha yata akong ready na mag-recite ng Panatang Makabayan ngayon dahil sa pagka-stiff ko.

 

Na-extend pa ‘yung staring contest namin. Para akong papawisan pero at the same time nilalamig dahil sa kaba ko. Hindi ko mabasa ‘yung timpla ng mukha ni Karina. Basta nakatingin lang siya sakin.

 

Ngayon ko lang napagtanto na nakataas pa rin ‘yung kamay ko. Dali-dali ko ‘tong binaba, at hindi na ako mapakali internally. Ano bang sunod kong sasabihin?

 

“Hi.” Bati niya. Walang smile. Walang anything.

 

Jusko, Winter. Bakit ka naman niya ngingitian? Ni tuldok wala akong nireply. Isang buwan akong walang kibo. Syempre hindi siya magiging friendly sakin, 'no.

 

“Mag-isa ka lang?” Obvious namang wala pero natatanga na naman kasi ako, at gusto ko lang magsalita para may ingay to mask the extremely awkward atmosphere right now.

 

“Yeah. You don't see anyone naman, diba?” Ako lang ba o masyadong malamig sa Starbucks dito ngayon?

 

Hindi na naman ako makapagsalita, at para akong tuod na nakatayo sa harap ni Karina. Tinaasan niya ako ng isang kilay bago siya nagsalita ulit.

 

“What?” Anong what? “May sasabihin ka pa ba?”

 

Marami akong gustong sabihin, pero tinatakot mo ko.

 

“Ah ano. Wala naman,” nauutal kong sagot. “Sige oorder na ako.” Tumuro ako sa may counter.

 

No reaction na naman siya, at binalik niya 'yung atensyon niya sa libro niya.

 

Tumalikod na ako para maglakad na sana papunta sa counter, pero umikot ako ulit para humarap sa kanya.

 

“Okay lang ba makishare ako ng table sayo?” Ginamit ko ‘yung katiting na lakas ng loob na naiwan sa katawan ko para magtanong kay Karina. Intense stare na naman muna bago siya tumango.

 

Karina, si Medusa ka ba? Para akong nagiging bato kapag tinitignan kita sa mata.

 

I let out a sigh of relief pagkatalikod ko ulit sa kanya.

 

Kailangan kong mag-recharge ng courage bago ako bumalik sa table namin. Universe na ‘yung gumagawa ng paraan para maayos ko ‘to. Nandito na si Karina. In flesh. Kailangan ko na lang magsalita para iparating sa kanya ‘yung mga gusto kong sabihin.

 

Umorder na ako ng caramel macchiato ko at Patty Melt para kay Karina. Tumayo na lang muna ako dito sa may gilid ng counter imbis na bumalik sa table namin para hintayin ‘yung order ko. Nilingon ko siya mula sa kinatatayuan ko, at immersed na immersed yata siya sa binabasa niya dahil medyo nakakunot ‘yung noo niya. 

 

Okay, mag-cocompose muna ako ng script sa utak ko. 

 

Start siguro ako sa sorry. Tama. Mag-sosorry muna ako for not replying. I-eexplain ko ba ‘yung dahilan ko? Baka magmukha akong gumagawa ng excuses. Pero deserve niya ng explanation, diba? Or uunahin ko ba sabihin na may gusto rin ako sa kanya bago ako magpaliwanag.

 

Bakit ba ang hirap nito? Bakit ba kasi hindi na lang ako nagreply? Hindi na sana umabot pa sa ganitong point.

 

“For Winter.” Takte. Bakit naman ang bilis ng Starbucks mag-prepare ng order today? Ngayon pa talagang kailangan ko ng maraming oras.

 

Nangangatog 'yung kaloob-looban ko pagbalik ko sa table namin. Focused lang si Karina sa binabasa niya, at hindi niya ako pinapansin. Iaabot ko na lang muna siguro ‘yung food na binili ko para sa kanya.

 

I cleared my throat to get her attention, pero dedma. Ang hirap naman magpapansin.

 

“Karina,” may pagka-squeaky pa yata ‘yung boses ko. Binaling niya na ‘yung tingin niya sakin. “Patty Melt,” tinulak ko palapit sa kanya ‘yung pagkain.

 

“Thanks, but I’m full.”

 

“Ah okay.” Hinila ko na lang ulit pabalik sakin. Kung normal na araw lang ‘to, mag-iinsist ako na tanggapin niya. Kaso hindi normal na araw ngayon. May atraso ako. Malaking atraso. Ako na lang siguro kakain nito. Baka mabwisit pa lalo sakin si Karina kapag pinilit ko siya.

 

Uminom na lang ako ng kape dahil parang nanunuyo na ‘yung lalamunan ko. Wala na namang nagsasalita samin. Paikot-ikot lang ‘yung mata ko dito. Tinitignan lahat maliban kay Karina. Dahil sa tension na nararamdaman ko ngayon, my mind is going haywire. Again. Nawala ‘yung iniisip kong script kanina.

 

Dapat yata nag-iced tea na lang ako kaysa kape. Nadadagdagan lang kasi 'yung nerbyos na nararamdaman ko.

 

But I need to speak. Nasasayang ang oras. Small talk na lang muna siguro.

 

“Maganda ‘yan?” Ngumuso ako sa librong binabasa niya. Actually, alam ko naman ‘yung kwento. Kinaadikan din kasi ni Ning ‘yang To All The Boys I’ve Loved Before ni Jenny Han noong high school kami. Nagpunta pa nga kami sa book signing event niya sa SM Megamall. Kailangan ko lang talaga ng icebreaker.

 

“Okay lang.”

 

Natameme na naman ako. Parang lalo lang lumamig ‘yung yelo imbis na ma-break. Ayaw niya yata maabala sa pagbabasa niya. Hintayin ko na lang ba siya matapos sa binabasa niya bago ako magsalita ulit?

 

Dahil sa nerbyos na nararamdaman ko, I started to gently drum my fingers sa table. Kailangan ko lang talaga ng kahit anong ingay o distraction para ma-ease ‘yung kaba ko. Nag-kukuyakoy na nga rin ako.

 

“Can you not?” Sabi ng katapat ko habang nakatingin sa kamay kong nasa mesa. Tinigil ko naman agad ‘yung pag-drum ko ng daliri ko.

 

“Uh, sorry. Sorry,” medyo nagpapanic kong sabi.

 

“Thanks.” Bumalik na siya sa pagbabasa.

 

Wrong move ba ako na samahan siya dito? Baka dapat chinat ko na lang muna siya imbis na inabala ko siya ngayon.

 

Walang umiimik saming dalawa. Parang hindi tuloy kami magkakilala at napilitan lang mag-share ng table dahil wala ng ibang bakante. Nag-earphones na lang muna ako habang hinihintay ko siya na matapos magbasa. Hindi ko na nga napansin na natulala na pala ako sa labas until narinig ko ulit ‘yung boses niya.

 

“Sorry. Ano ulit ‘yun?” Tinanggal ko ‘yung earphones ko. Hindi ko kasi narinig ‘yung sinabi niya.

 

“I said I’m going na.” Ha? Agad-agad? Hindi ko pa nga nagagawa ‘yung agenda ko dito.

 

“Saan ka punta?” Nag-mamalfunction na naman ako.

 

“Home. Where else pa ba?” Natatakot talaga ako sa masungit na Karina. Gabayan mo ko, Lord.

 

“Hatid na kita,” offer ko. Sa ride ko na siguro siya kakausapin tungkol sa bagay na dapat naming mapag-usapan.

 

“I booked a Grab na. On the way na siya,” pinakita niya sakin ‘yung phone niya.

 

“Oh.” Nanlumo ako. Nasa harap ko na nga mismo si Karina, tapos hindi ko pa rin nagawang mag-explain sa kanya. Nafrufrustrate na rin ako sa sarili ko.

 

“I’ll go na ah. Bye. Take care,” tumayo na si Karina, at naglakad paalis.

 

Self, galaw galaw.


 

“Karina, wait,” sabi ko pagkahawak ko sa wrist niya. Binitawan ko rin siya agad nung tinignan niya ‘yung kamay kong nakahawak sa kanya.

 

“What is it?” Bakit ba bigla akong hindi makapagsalita kapag kaharap ko na siya? “Malapit na yung Grab ko,” she said impatiently as she looked at her phone.

 

“Uhm, ano.” Wintot, umayos ka. “Birthday ni mama sa Wednesday. Pupunta friends ko. Invite lang sana kita.” She just looked at me with an expression I can’t read. “Kung gusto mo lang naman pumunta.” Nagmamadali kong dagdag.

 

“I’m not sure, but I’ll try,” she reluctantly said.

 

“Okay.” She will try daw. That's good enough para sakin.

 

“Okay.” Tumuloy na ulit sa paglalakad si Karina.

 

Kinakausap niya naman ako kahit matipid lang mga sagot niya, so medyo good sign naman siguro ‘to, ‘no?

 

Gusto ko mang mag-sorry na at sabihin na ‘yung nara

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yjmnyz
Happy 100 upvotes! I appreciate you all!

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Chapter 29: 😕
bigboy123
139 streak #2
Chapter 29: Re-reading this chapter cause… 👀👀🤭🤭
taexx_ss
#3
Chapter 29: re-reading, happy new year siguro 🤧
fanficethusiast #4
Chapter 29: hello author still waiting for next ud 🥺
xoxosonekpop
#5
Chapter 29: Hello author-sshi great storyline 👏👏👏
kwinterrr_
#6
Chapter 29: 💖
Kannakobayashi09 #7
Hi? Author?
bigboy123
139 streak #8
Chapter 29: hello? tao po? 🥹🥹
heartwaves
#9
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story
heartwaves
#10
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story