Chapter 12: Secret Admirer

Akin Ka Na Lang
Please Subscribe to read the full chapter

Ito na siguro ‘yung isa sa mga pinaka-weird na araw ng buhay ko. Kakatapos lang ng P.E. class ko at papunta na ako sa susunod kong klase. Buti na lang maaga mag-dismiss ‘yung P.E. prof ko. Medyo malayo pa kasi sa CHK ‘yung Bio building. Kung sakto lagi end ng class ko, baka palagi akong nalelate. Actually, nalelate din ako ng mga 5-10 minutes pero mas late naman sa akin ‘yung prof namin kaya okay lang. Nakasakay rin naman agad ako ng jeep. Kahit dala ko sasakyan ko, nagjijeep lang ako papuntang PE class kasi ayaw ko na mawalan pa ng parking slot. Hassle. 

 

Anyway, weird ‘tong araw na ‘to dahil nakareceive ako ng message. From an unexpected person. Napakarandom lang kasi bihira lang kami mag-usap.


 

Yeonjun Choi [9:49 a.m.]: Winter

 

Anong trip nito? Nakakatakot naman. Ayoko talaga sa lahat ‘yung mga nagmemessage tapos pangalan mo lang isesend. Parang may problema kayo o kaya naman may bad news silang dala. Mas prefer ko pag straightforward ‘yung text. Sabihin niyo agad anong kailangan niyo. Wag na kayong magpakaba. Nireplyan ko na lang din kaagad kasi baka mamaya mahalagang org matter pala ‘to.

 

Winter Kim [9:50 a.m.]: ano yun?

Yeonjun Choi [9:50 a.m.]: Classmate mo si Karina diba

 

Paulit-ulit? Sinabi ko naman na sa kanya nung nag-samgyup kami.

 

Winter Kim [9:51 a.m.]: yep bakit?

Yeonjun Choi [9:51 a.m.]: May klase kayo ngayon?

Winter Kim [9:51 a.m.]: otw pa lang ako pa-bio galing CHK. 10am class

 

Ang dami pang paligoy-ligoy nito ni Yeonjun. Ano ba kailangan nito?

 

Yeonjun Choi [9:52 a.m.]: Pwede favor?

Yeonjun Choi [9:52 a.m.]: Papaabot lang sana ako kay Karina ng breakfast.

Yeonjun Choi [9:52 a.m.]: Binilhan na rin pala kita

 

Ayos. Gagawin lang pala akong utusan. Bakit hindi na lang siya ‘yung mag-abot? Wala ba siyang sariling kamay?

 

Winter Kim [9:53 a.m.]: bakit di na lang ikaw

Yeonjun Choi [9:54 a.m.]: Nahihiya pa kasi ako i-approach si Karina

Yeonjun Choi [9:54 a.m.]: Gusto ko talaga ako mag-abot pero wala pa akong lakas ng loob

Yeonjun Choi [9:54 a.m.]: Di naman sapilitan kung di ka pwede okay lang naman

Winter Kim [9:55 p.m.]: oks abang ka na lang sa labas ng bio. lapit na ako

 

Pumayag na lang ako sa favor ni Yeonjun. Sayang din ‘yung libreng almusal ‘no. Sakto gutom ako ngayon dahil nakakapagod ‘yung mga workout na pinagawa sa amin. PE 1 lang naman tinake ko. Sabi nila basic lang daw ‘to. More on lessons daw kaysa physical activities, pero gusto ko lang sabihin na scammer lang mga nagsasabi niyan. Tuwing PE namin lagi kaming may exercise at games. Kaya pa naman ito pinili ko dahil hindi ako mahilig gumalaw.

 

Speaking of Karina, narealize kong temporary moment of confusion lang ‘yung naramdaman ko nung birthday niya. Masyado lang siguro akong nadala sa pang-aasar ni Ning. Hindi naman na ako naiilang kay Karina after that. Actually, naging mas touchy pa nga siya, at nasanay naman ako kaagad. Unlike noong una na nabibigla pa ako kapag nakikipag-link arms sa akin si Karina, mas natural na siya sakin ngayon. At tsaka, hindi pa nga ako nakaka-get over sa heartbreak ko, so paano ako magkakagusto sa ibang tao diba?

 

At dahil nandyan na tayo sa topic na yan, since noong birthday ni Karina, nagkakaroon na ako ng urge kausapin si RJ. Syempre hindi naman kaagad back to normal na parang walang nangyari. Slowly but surely. Tanggap ko naman na wala na akong pag-asa kay Yeji, pero that does not mean na okay na ako sa ginawa ni RJ. Hindi ko lang alam paano ko lalapitan ‘yung pinsan ko.

 

Mga 10:05 na ako nakarating sa Bio building, at nakita ko agad si Yeonjun na may hawak na mga paper bag ng Starbucks.

 

“Yeonjun,” tawag ko sa kanya habang papalapit ako.

 

“Winter, ito ‘yung sayo,” inabot niya sakin yung isa sa mga hawak niya. “Binili na lang kita ng cookies dahil sabi nila Sieun mahilig ka daw sa matamis… Tapos kay Karina ‘tong flatbread. Hindi ko alam anong kape iniinom niyo so parehong iced caramel macchiato ‘yung drinks.”

 

“Thank you sa libreng breakfast. Sabihin ko ba kay Karina na galing ‘to sayo?” Kinuha ko na lahat ng hawak niya.

 

“Sabihin mo na lang siguro galing sa secret admirer niya. Wag na pangalan ko,” nahihiyang sabi ni Yeonjun.

 

“Sure ka?” Paninigurado ko at tumango lang siya. “Sige, pasok na ako. Baka ma-late pa ako,” paalam ko sa kanya.

 

“Ay, Winter, wait.” Pahabol ni Yeonjun. “Pwede mo ba siya invite sa gig sa Friday? ‘Yung sa Jess and Pat’s… Baka doon ko na lang siya kausapin for the first time sa personal.”

 

Oo nga pala. May gig nga pala sa Friday. Muntik ko na makalimutan. Pupunta pa naman ‘yung idol kong The Ridleys at may open mic din. Sa pagkakaalam ko, pupunta rin ‘yung friends ko dahil matagal-tagal na kaming hindi nakakalabas na magkakasama.

 

“Sige.” Tinanguan ko si Yeonjun.

 

“Salamat talaga, Winter. Alam kong napaka-out of the blue ng paghingi ko ng favor kaya thank you talaga.” Mukhang mabait naman si Yeonjun eh, kaya pumayag na lang rin ako sa favor niya. Nakakahiya rin naman mag-maldita at humindi. Sabi nga nila Ning, isa daw akong "yes person." Bihira ako tumanggi sa favors.

 

“No prob,” sabi ko bago ako pumasok sa building at pumunta sa klase ko.

 

Pagkarating ko sa room, wala pa naman ‘yung prof namin. Nakalapag din ‘yung bag ni Karina sa katabi niyang upuan dahil sanay na siyang medyo nahuhuli akong dumadating, so lagi niya akong pinagrereserve ng upuan. Nakaupo na rin si Yeji sa tabi niya.

 

“Good morning, Winter,” bati sakin ni Karina pagtingala niya. Kinuha niya na ‘yung bag niya sa upuan, at doon na ako pumwesto.

 

“Good morning,” sabi ko sa kanilang dalawa ni Yeji. “Karina, sayo pala ‘to,” inabot ko sa kanya ‘yung pinapabigay ni Yeonjun.

 

“What is this for?” Tanong niya sa akin.

 

“Hindi ‘yan galing sakin. Galing daw ‘yan sa secret admirer mo,” sagot ko sa kanya. “Haba ng hair,” biro ko.

 

“You’re joking, right?” I shook my head. Sa ganda niyang ‘yan, bakit hindi siya naniniwala na meron siyang secret admirer? “And who’s the secret admirer?”

 

“Secret nga eh. Secret pa ba ‘yun pag alam mo na?” Pamimilosopo ko, at pinalo niya naman ako. Bad influence talaga si Ning kay Karina eh.

 

“Eh bakit may Starbucks ka rin?” Tanong niya. “It’s just from you eh.” Hindi pa rin siya convinced?

 

“Pa-service at delivery fee sakin ‘to ng secret admirer mo. Libre niya rin.”

 

“Oh Rina got a secret admirer?” Singit ni Yeji at tumango ako.

 

“I don’t believe you,” sabi ni Karina.

 

“Maniniwala ka kapag nakita mo na siya sa Friday. Punta ka daw sa gig sa Jess and Pa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yjmnyz
Happy 100 upvotes! I appreciate you all!

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Chapter 29: 😕
bigboy123
139 streak #2
Chapter 29: Re-reading this chapter cause… 👀👀🤭🤭
taexx_ss
#3
Chapter 29: re-reading, happy new year siguro 🤧
fanficethusiast #4
Chapter 29: hello author still waiting for next ud 🥺
xoxosonekpop
#5
Chapter 29: Hello author-sshi great storyline 👏👏👏
kwinterrr_
#6
Chapter 29: 💖
Kannakobayashi09 #7
Hi? Author?
bigboy123
139 streak #8
Chapter 29: hello? tao po? 🥹🥹
heartwaves
#9
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story
heartwaves
#10
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story