Chapter 7: Valentine's Day

Akin Ka Na Lang
Please Subscribe to read the full chapter

Ito na yata pinakabusy na linggo ng buhay ko since nagsimula ang sem. Maliban kasi sa pagpreprepare ko para sa mga exams ko next week, may org responsibilities din akong inaayos. Simula last week, busy kaming mag-practice sa UP Music Circle. Linggo kasi ng Valentine's and every year, mayroon kaming special event. Harana week.

 

Kapag week na ng Valentine's, nag-oopen ng request for harana 'yung org namin. May list kami ng songs, and pwedeng pumili ang client ng gusto nilang ipatugtog samin para sa special someone nila. Hindi naman mahal pabayad namin. Nasa 120 pesos lang kapag nasa listahan namin yung song request, pero pag wala, 160 pesos ang singil namin. Pwede rin mag-special request ng mga ipapabigay na gifts pero syempre sagot na 'yun ng client. May mga extra fees din kapag may pinagawa pa sila samin other than tumugtog at kumanta.

 

First time kong kumanta for Harana week this year. Applicant pa lang kasi ako sa org last year. Ilan sa mga kantang pina-practice nila sakin ay 'yung Best Part ni Daniel Caesar, Your Universe ni Rico Blanco, at Panalangin ng APO Hiking Society. Sa Best Part, kasama kong mag-practice si kuya Kyungsoo. Sabi kasi nila bagay daw 'yung boses naming dalawa.

 

So ngayong Friday, medyo mas hectic dahil ngayon dagsa ang song requests. Totoo palang mahirap pagsabayin ang acads at org, pero naeenjoy ko naman pareho kaya okay lang sakin. After naman ng exam week, makakapagpahinga ako saglit. Onting push na lang, Winter Kim. Lilipas na 'tong first hell week(s) mo this sem.

 

Kakagaling ko lang sa CHK. PE ko kasi dapat ngayon pero absent 'yung prof ko, kaya ngayon wala akong gagawin hanggang 10 a.m. Ang daming nagtitinda ng roses at sunflowers ngayon dito. Karamihan sa kanila nakatambay sa Sunken Garden. Ang dami ko rin namang nakakasalubong na may hawak na regalo galing sa admirer or jowa nila. Edi sana all po. Kinuha ko phone ko sa bulsa dahil may nag-notify.

 

[UP Music Circle Harana Performers]

 

Kyungsoo [9:15 a.m.]: Winter, lunch mo 11:30, right?

Winter [9:16 a.m.]: opo kuya. why po?

Kyungsoo [9:16 a.m.]: May song request mamaya dun sa inyo sa bio. Your Universe daw. G ka ba? Si Mark tutugtog ng gitara.

 

Lunch break na nga lang pahinga ko today, nanakawin pa sakin. Pero syempre ginusto ko naman sumali sa org.

 

Winter [9:17 a.m.]: sige po kuya send details na lang po

Kyungsoo [9:17 a.m.]: Your Universe for Yeji Hwang from Ryujin Shin. 11:30 a.m. daw para after class. Wala namang special requests.

 

 

Kakaiba nga naman talaga galaw ng universe. Bigla kong pinagsisisihan na um-oo ako sa harana na 'to. Parang di pa sapat 'yung kabusyhan ko at sinigurado ng universe na legit ang hell week na maiparamdam sakin. Professional ako. Kaya ko 'to.

 

Winter [9:18 a.m.]: okay po noted po

Kyungsoo [9:19 a.m.]: Punta na lang si Mark sa building ninyo mamaya.

 

Nag-like react na lang ako sa message ni kuya Kyungsoo. Bakit sa lahat ng request na mapupunta sakin, ito pa? Umagang umaga pa lang tuloy sira na araw ko.

 

 

 

 

"So basically, itong Psilotum, for aesthetic purposes lang." 

 

Nasa Bio 101 class ako ngayon, which is Plant Morphoanatomy, at actually lumilipad isip ko ngayon. Hindi ako maka-focus sa klase dahil iniisip ko pa din yung harana na naka-toka sakin after ng class kong 'to.

 

"Are you okay?" Narinig kong bulong sakin ni Karina. Halata bang lutang ako ngayon?

 

"Yep. Medyo antok lang," sagot ko sa kanya. Napansin ko na extra maganda get-up ni Karina today. May date siguro. Naka-floral dress siya pero as usual, light pa din make-up niya.

 

Bumalik lang si Karina sa pakikinig sa prof namin after kong sumagot sa kanya.

 

"Bale ano, parang jowa lang ng ibang tao, decor lang. Walang kwenta," biro ng professor ko, at natawa naman buong klase namin.

 

"That's all for today, class. Enjoy the rest of your day. We'll be having our long exam next week so mag-aral kayo."

 

Natapos na ang klase namin, at sakto rin ang notification galing kay Mark na nag-aabang na siya sa labas.

 

"Winter, sabay ka ba sa amin mag-lunch?" Tanong ni Karina. Simula last month kasi nagsasabay kami mag-lunch ni Karina, pero tahimik lang kami palagi kumain. May nagsasalita lang yata samin pag may mga pusang lumalapit.

 

"Actually, hiramin ko muna si Yeji for a bit," sabi ko sa kanila ni Karina. "Sama ka muna sakin, Yeji. Pwede ka naman sumunod, Karina."

 

Naglakad ako, at sumabay silang dalawa sakin. Paglabas namin ng building, nakita ko kaagad si Mark at pinuntahan ko siya.

 

"Game na, Mark." Tumango lang naman siya sa akin at pinrepare na gitara niya.

 

"Yeji, happy Valentine's from Ryujin daw. This song is for you," sabi ko. Medyo maraming nakatingin sa amin, and gumilid din si Karina para si Yeji lang ang nasa harap namin ni Mark.

 

Nagsimula mag-strum si Mark ng gitara, at medyo dumami audience namin sa paligid ngayon.

 

Tell me something

When the rain falls on my face

How do you quickly replace it

With a golden summer smile?

 

Habang kumakanta ako, tinatry ko best ko na hindi maluha. Kailangan ko lang matapos 'to. Isang kanta lang naman.

 

Tell me something

When I'm feelin' tired and afraid

How do you know just what to say

To make everything alright?

 

I don't think that you even realize

The joy you make me feel when I'm inside your universe

You hold me like I'm the one who's precious

I hate to break it to you, but it's just the other way around

You can thank your stars all you want

But I'll always be the lucky one

 

Swerte nga si RJ sayo. Kung pinagkatiwalaan lang naman sana ako ni RJ, baka support na support ko pa ang relationship ninyong dalawa.

 

Tinuloy ko lang ang pagkanta, at noong natapos na nag-palakpakan yung maliit na crowd sa paligid namin. May mga sumisigaw din ng "sana all" at "walang forever."

 

Nakita ko namang teary eyed si Yeji, at mukhang na-touch siya sa gesture ni Ryujin para sa kanya.

 

"Your voice is so nice, Winter. Thank you," sabi niya sa akin.

 

"Bakit sakin ka nag-thank you? Napag-requestan lang naman ng jowa mo org namin na haranahin ka," sagot ko sa kanya. "Sige, una na kami ni Mark. Enjoy kayo ni RJ today."

 

Naramdaman kong parang inoobserve ako ni Karina, pero tumalikod na lang kaagad ako sa kanila ni Yeji. Hirap pala magpanggap na okay ka lang 'no? Niyaya ko si Mark na umalis na, at sasabay na lang ako sa org mag-lunch.

 

At para bang gusto akong punuin ng universe ngayon, dahil pagkabukas ko ng phone ko, may unexpected message.

 

rj [11:56 a.m.]: thank you. ikaw daw pala nag-perform for harana.

winter [11:59 a.m.]: org duties lang yun

 

Nilapag ko na ulit phone ko sa table ng tambayan ng org namin, at kumain na muna ako. Maya-maya lang nag-notify na naman phone ko.

 

rj [12:15 p.m.]: punta kami mayang gabi up fair kasama friends ni yeji. may extra ticket pa ako. gusto mo bang sumama? kasali autotelic sa line-up.

 

Okay lang ba si RJ? Sa lahat ng tao na yayayain niya, ako pa talaga? Alam niya naman sitwasyon naming tatlo ng jowa niya. Hindi ko na lang siya rereplyan.

 

 

 

 

 

 

 

Saglit lang class namin ngayong hapon. Nag-review session lang kasi kami para sa long exam namin next week. Wala pa ako sa mood umuwi, kaya iniisip kong yayain na lang si Ning na gumala ulit. Pagkalabas ng room, nakita kong nakaabang si Ryujin at Yeji sa labas. Yumuko lang ako at didiretso na sana ng lakad pero pinigilan nila ako.

 

"Winter, di ka na nag-reply," sabi ni Ryujin. First time namin mag-usap ulit after ng nangyari last year. Pero ano bang ineexpect mo na isasagot ko sa napakabobong tanong mo?

 

"Ah hindi ba nag-send? Busy ako di ako pwede ngayon," palusot ko. "Exams na kasi next week." Sakto naman after ko magsalita, lumabas na rin si Karina sa room namin.

 

"Rina, are you really not joining us later?" Tanong ni Yeji sa kanya.

 

"Yeah. I need to review for my exams next week. All subjects  may long exams. Right, Winter?" Tumango lang ako kay Karina.

 

"Sayang naman, pero sige. Good luck!"

 

"Ikaw, Winter? You're not free talaga?" Ako naman tinanong ni Yeji.

 

"Yeah, sorry. Same same lang kami ni Karina. Need ko rin mag-review." Nakita ko naman na medyo disappointed si RJ. Akala niya siguro eh okay na kami porket tinanggap ko yung request na haranahin si Yeji. "Enjoy na lang kayo."

 

"Sige, next time na lang," sabi ni RJ bago sila lumakad paalis ni Yeji.

 

"Winter, magrereview ka din?" Kinausap ako ni Karina noong nakalayo na sa amin yung dalawa.

 

"Yeah. Plan ko sana tumambay muna kung saan para mag-review. Ayoko pa sanang umuwi eh."

 

"Coffee tayo? I need a smart study buddy like you. I'm struggling. Please help me."

 

"Pwede naman siguro." At least di ko na need papuntahin si Ning dito. Ililibre ko na naman 'yun pag niyaya ko.

 

"Why are you so hesitant? Ayaw mo ba akong study buddy?" Ito na naman si Karina at ang ugali niyang mag-pout.

 

"Hindi nam

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yjmnyz
Happy 100 upvotes! I appreciate you all!

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Chapter 29: 😕
bigboy123
139 streak #2
Chapter 29: Re-reading this chapter cause… 👀👀🤭🤭
taexx_ss
#3
Chapter 29: re-reading, happy new year siguro 🤧
fanficethusiast #4
Chapter 29: hello author still waiting for next ud 🥺
xoxosonekpop
#5
Chapter 29: Hello author-sshi great storyline 👏👏👏
kwinterrr_
#6
Chapter 29: 💖
Kannakobayashi09 #7
Hi? Author?
bigboy123
139 streak #8
Chapter 29: hello? tao po? 🥹🥹
heartwaves
#9
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story
heartwaves
#10
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story