Chapter 4: Sikreto

Akin Ka Na Lang
Please Subscribe to read the full chapter

"Karina, don't forget yung adobo na niluto ko para baunin mo," Karina's mom reminded her while she's packing her stuff. It's been a week simula nag-start ang semester. Habang hindi pa busy si Karina sa schoolworks, gusto niyang sulitin na mayroon pa siyang time to go home sa Mandaluyong. 

 

Time flies fast. I can't believe Sunday na ulit agad, Karina thought to herself.

 

"Yes, mom. Binalot na po ni ate Charing 'yung mga food na ipapabaon ninyo sa akin," Karina responded.

 

Ate Charing is their house helper simula kabataan ni Karina. Sabi ng mom niya, since 1 year old si Karina, siya na ang nag-aalaga sa kanya.

 

Noong first time nila inuwi si Karina sa probinsya, pinagkaguluhan ito ng mga kapitbahay dahil ang ganda niyang bata. Isa si ate Charing sa mga kapitbahay nilang tuwang tuwa sa kanya. Dahil pinagkakatiwalaan naman ito ng parents niya, inalok nila ito na maging taga-bantay ni Karina na masaya naman niyang tinanggap. Ngayong malaki na si Karina, naging all-around helper na nila siya, at pamilya na rin talaga ang turing nila Karina sa kanya.

 

"Karina, anak, sa'yo ba 'tong polo na checkered? Naisama kasi sa mga nilabhan kong damit mo. Parang wala ka naman yatang ganito na damit," tanong ni ate Charing kay Karina at nakita ni Karina sa kamay niya ang flannel shirt ni Winter.

 

"Ah opo. Kasama po yan sa pinalabhan ko. Hiniram ko po sa isang classmate. Thank you po." Kinuha ito ni Karina.

 

"Pagkatapos mo dyan, baba ka na. Maghahapunan na raw tayo." Karina politely nodded at her.

 

Tuwing umuuwi si Karina pag weekend, mayroon silang family dinner tuwing Sunday. After their family dinner at tsaka siya hinahatid ng parents niya sa Katipunan.

 

Pagkatapos ni Karina magligpit ng kanyang mga gamit, bumaba na siya at tinulungan si ate Charing na mag-set ng table.

 

 

 

 

 

 

 

 

"Ma, alam mo bang may balak yang bunso mong mag-transfer daw ng campus?" Sabi ni Taeyeon sa kanilang nanay habang naghahapunan sila. Pinandilatan naman siya ni Winter pero hindi niya pinansin ito.

 

"Aber, bakit mo naman naisipan na lumipat? Saan ka lilipat?" Tanong ng mama nila kay Winter.

 

"Plano pa lang naman po. Gusto ko po sana lumipat sa UPM. Baka po less toxic doon ang environment."

 

"Eh bakit sa UPM? Masyadong mausok at polluted doon. Paanong naging less toxic?" Natawa naman mentally si Winter sa sagot ng mama niya dahil parehong pareho sila mag-isip ni ate Taeyeon.

 

"Masyado niyo namang nililiteral si bunso. Baka naman meaning niya eh less toxic para sa mental health niya," sabat ng ate Seulgi niya. 

 

Sa wakas, may naka-gets din sa akin. May nag-iisip pa pala sa pamilyang 'to, sabi ni Winter sa sarili.

 

"Masyado bang competitive sa Diliman ngayon? Nahihirapan ka ba?" Dagdag na tanong ni Seulgi sa bunsong kapatid.

 

"Hindi naman sa ganun. Baka mas madalian lang ako sa UPM since nandun din si Ning," sagot ni Winter.

 

Hindi naman siya nahihirapan sa acads. Sa katunayan nga eh consistent University Scholar si Winter simula pumasok siya sa UPD. Pagpasok ng grades niya last sem, magna laude standing pa rin siya. Pero hindi niya naman pwede sabihin na nagkaaway kasi kami ni Ryujin, at ayoko silang nakikita ng jowa niya magkasama sa campus.

 

"Ikaw naman bahala, pero baka ma-delay ka pa pag lumipat ka," paalala ng mama ni Winter sa kanya.

 

"Kinoconsider ko pa lang naman po. Option lang. May ilang months pa naman ako para makapag-decide." Tumango lang ang mama ni Winter at tumuloy sila sa pagkain. 

 

Dinrop na nila ang topic, at nag-rant naman ang kanyang ate Taeyeon tungkol sa trabaho nito. Gusto na daw lumipat ni Taeyeon ng kumpanya dahil marami namang nag-ooffer sa kanya. Sa totoo lang, sobrang proud si Winter sa panganay nilang ate.

 

Hinahangaan talaga ni Winter ang ate Taeyeon niya dahil alam niya paano ito nagsimula. Noong bata pa si Winter, pa-minsan minsan ay sinasama siya ng ate niya sa opisina nito tuwing Sabado. Nag-oovertime noon si Taeyeon para naman tumaas kahit kaunti ang sahod niya. Naaalala ni Winter na tuwing kasama siya noon, nagrereklamo ang ate Taeyeon niya dahil nauubos daw sa pambili ng Pringles at iba pang snacks ni Winter ang overtime pay niya. Pero dahil love na love siya ng ate niya, madalas pa rin siyang isama nito. Kaya noong nakita ni Winter sa UPCAT form niya na 6 digits na ang sahod ni Taeyeon, sobrang proud siya.

 

"Bunso, kailan mo pala papapuntahin mga kaibigan mo dito para sa late birthday celebration mo?" Tanong ng mama ni Winter sa kanya.

 

"Kailangan pa po ba 'yun? Nasa kalagitnaan na tayo ng January," sagot ni Winter.

 

January 1 kasi ang birthday niya. Saktong sakto sa New Year kaya palaging nahuhuli ang celebration niya kasama ang kanyang mga kaibigan. Nagtatampo nga si Winter tuwing nauuna siyang batiin ng "Happy New Year" kaysa "Happy Birthday." Parang feeling niya hindi siya bida sa birthday niya.

 

"Once a year lang ang birthday. Pwede ba sila bukas nang gabi?"

 

"Laging pwede yung mga yun pagdating sa libreng pagkain. Ichachat ko na lang po sila."

 

[dogshowerz nation]

 

wintot [7:48 p.m.]: pwede daw ba kayo bukas nang gabi? late bday celeb

ning [7:49 p.m.]: g ako agad miss ko na shanghai ni ate taeyeon

chenle [7:50 p.m.]: nice libre hapunan ok na ok tayo dyan idol

beomgyu [7:52 p.m.]: go ako!!! miss ko nachos ni ate seulgi 🤤

soobin [7:52 p.m.]: sabay-sabay na tayo punta bukas, chenle at beomgyu

yujin [7:53 p.m.]: pwede din ako! diretso ako after class

chaeryeong [7:53 p.m.]: ako din pupunta!! miss ko na kayo

 

 

"Ma, punta daw silang lahat bukas. Ano pala mga handa?"

 

"Magluluto ako carbonara, si ate Taeyeon mo oorder ng pizza at gagawa daw ng shanghai. Di ko pa alam ano kay ate Seulgi mo."

 

wintot [7:56 p.m.]: carbonara, shanghai, pizza pa lang sure food bukas kita-kits

 

Sa totoo lang, may isa pang hindi nagrereply sa group chat nila. Pero pagkatapos nila mag-away last year, alam naman ni Winter na wala yung balak pumunta. Nag-seen lang si Ryujin sa kanilang group chat, at hindi na nag-bother si Winter na tanungin pa siya.

 

Nabuo ang Dogshowerz Nation noong high school sila. Unlike Ningning na social butterfly, medyo tahimik lang si Winter. Ang mga original na kakilala niya lang sa grupo nila ay si Ningning, Beomgyu, at Ryujin. Kababata ni Winter si Ningning habang pinsan niya naman sila Beomgyu at Ryujin. Madalas silang mapagkamalan noon na magkapatid ni Beomgyu dahil magkamukha raw sila.

 

Nakilala niya si Chenle at Yujin dahil naging mga kagrupo ito ni Ningning noon at naging ka-close niya. Taga-Cubao din si Yujin kaya sabay-sabay silang umuuwi noon nila Ningning. Si Soobin naman ang laging kasama ni Beomgyu noon sa Pisay kaya nakakasama ng grupo nila ito kumain pag lunch time, at naging permanenteng parte na siya ng grupo. Si Chaeryeong naman ang childhood BFF ni Ryujin. Sobrang naappreciate siya ni Winter dahil lagi pa rin siyang kinakausap nito after nilang mag-away ni Ryu

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yjmnyz
Happy 100 upvotes! I appreciate you all!

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Chapter 29: 😕
bigboy123
138 streak #2
Chapter 29: Re-reading this chapter cause… 👀👀🤭🤭
taexx_ss
#3
Chapter 29: re-reading, happy new year siguro 🤧
fanficethusiast #4
Chapter 29: hello author still waiting for next ud 🥺
xoxosonekpop
#5
Chapter 29: Hello author-sshi great storyline 👏👏👏
kwinterrr_
#6
Chapter 29: 💖
Kannakobayashi09 #7
Hi? Author?
bigboy123
138 streak #8
Chapter 29: hello? tao po? 🥹🥹
heartwaves
#9
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story
heartwaves
#10
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story