Chapter 5: Treat

Akin Ka Na Lang
Please Subscribe to read the full chapter

Ito talaga pinakaayaw ko sa pagdadala ng sasakyan sa school. Mahirap maghanap ng parking lalo na pag lagpas alas otso ka na pumasok.

 

Kanina pa ako paikot-ikot sa campus kakahanap ng mapaparkingan. Buti na lang maaga ako umalis sa bahay dahil nauubos oras ko sa parking dilemma ko.

 

Actually mayroon naman sana akong connections. Yung isang tita ko kasi, yung mama ni RJ, professor ng economics dito sa school. Sabi sa akin ni Tita kapag kailangan ko ng parking spot, sabihan ko lang siya. Hindi naman kasi siya nagpapark ng sasakyan dahil hinahatid at sinusundo lang siya ni Tito. Kaso nahihiya akong tawagan siya dahil matagal na rin akong hindi nagpapakita sa kanila. Simula nag-away kasi kami ni RJ, tumigil na ako sa pagpunta sa bahay nila.

 

 

After 15 minutes ng pag-iikot, nakapag-park din ako sa may harap ng AS. Medyo may kalayuan pa ang lalakarin ko papuntang klase ko, lalo na medyo tirik ang araw ngayon, pero okay lang. Sanay naman na ako after halos 2 years nang pag-aaral ko dito.

 

Tuwing bumababa ako ng sasakyan ko, palagi talaga akong pinagtitinginan ng mga tao sa paligid. Agaw pansin yata talaga kasi 'yung sasakyan ko.

 

Naka-BMW X1 kasi ako na kulay gray. Graduation gift 'to ni papa sa akin noong SHS dahil naka-graduate ako with highest honors.

 

Tinanong kasi niya ako noon kung anong gusto kong graduation gift, at biro ko lang sana 'yung sasakyan, pero sineryoso ni papa dahil deserve ko naman daw. Nahihiya nga akong tanggapin 'yun noon dahil alam kong malaki na ginagastos ng mga magulang ko sa pagpapagamot ni papa, pero sabi ni papa kaya raw galante ang regalo niya sa akin dahil baka huli na 'yun, at tama nga siya.

 

Huling regalo niya na nga ito sakin.

 

Pero lilinawin ko lang, hindi naman kami sobrang yaman. Sadyang malaki lang ang naipon ng tatay ko na pera dahil naging kapitan siya ng barko. Seaman kasi ang tatay ko at high school teacher naman ang mama ko. Noong Grade 10 ako noong huling sumakay si papa ng barko. After nun, nag-retire na siya dahil may trabaho na pareho sila ate Taeyeon at ate Seulgi.

 

Namili na rin kasi dati ng mga lupa si papa, at mayroon na siyang naipundar na farmland. Mayroon rin silang mga property na binili ni mama na pinapaupahan nila.

 

At tsaka, hindi kami pinalaking spoiled ng mga magulang namin. Binibigay nila lahat ng needs namin, pero hindi kami maluho. Binibigyan lang kami ng reward nila mama at papa kapag may achievements kami.

 

Naka-airpods ako habang naglalakad papunta sa building ng klase ko, at nagulat ako dahil may biglang kumalabit sakin sa balikat. Napatalon ako slight, at tinignan ko 'yung nangalabit sakin.

 

"Sorry," sabi ni Karina sa akin.

 

"Okay lang medyo nagulat lang ako," sagot ko sa kanya at tumigil kami pareho sa paglalakad. Hindi ko sigurado kung inaabot niya ba sa akin yung paper bag na hawak niya pero tinapat niya kasi sa akin.

 

"It's your flannel shirt. The one you let me borrow last week." Oo nga pala. Muntik ko na makalimutan. Akala ko kung ano 'yung inaabot niya sakin. "Thank you, again."

 

"Oh. No prob." Kinuha ko 'yung paper bag at tumuloy na kami sa paglalakad.

 

"May plans ka ba mamayang lunch?" Tanong niya sa akin. Bakit niya naman ako tinatanong? Bihira lang naman kami mag-usap.

 

"Wala naman."

 

"Great. I'll treat you na lang mamaya," sabi niya. "As a thank you lang for saving me last week."

 

"No need na. Okay lang naman." Nakakahiya naman kung tatanggapin ko panglilibre niya sa akin, considering na hindi naman kami close.

 

"No, I insist. May food preference ka ba?"

 

"Okay lang talaga. Wag ka na mag-abala."

 

"Just let me. Please?" Napatingin ako sa kausap ko, at lord, sana di na lang ako tumingin. Medyo naka-pout si Karina, at parang nahihirapan na ako biglang tumanggi. Don't get me wrong. Hindi ko naman siya crush. Mabilis lang talaga ako ma-sway ng mga cute.

 

"Uh," nautal ako nang slight. "Okay sige pero ikaw na lang mamili kung saan." Pumayag na lang ako. Sayang din naman ang free food.

 

"Yay!" Nag-smile siya. "Is it okay if sumabay din satin yung friend ko?"

 

"Sure. Okay lang."

 

Sakto naman nakarating na kami sa classroom namin. Bio 120 ang subject namin ngayon, which is Microbiology. Ito talaga 'yung subject na inaabangan ko. Ewan ko ba, nafafacinate lang ako sa microorganisms.

 

"Saan mo ba prefer umupo?" Bigla akong tinanong ni Karina.

 

"Sa gitna lang." Naglakad na si Karina papunta sa isang seat sa gitna. Sinundan ko lang siya at tumabi na lang ako sa kanya.

 

May mga 10 minutes pa bago mag-start ang class, at habang wala pa prof namin, nag-scroll na lang muna ako sa Twitter. Puro rants lang ni Ning ang nakikita ko dahil first week pa lang daw, pero sobrang dami ng pinapagawa sa kanila.

 

"Good morning, class." Natahimik bigla ang classroom namin pagdating ng prof namin. Tinignan ko sa RUPP ang reviews sa kanya bago ako nag-enlist, at mabait naman raw siya. Mahilig nga lang sa surprise quiz.

 

"Did you all check the material I sent sa e-mail ninyo?" Tanong niya sa amin, at nag-hesitate naman sumagot ng oo ang karamihan. "Okay, good. Since na-check niyo naman, maglabas kayo ng 1/2 crosswise na yellow paper at mag-quiz tayo."

 

Hoy, teka lang naman. Hindi ako prepared. Bakit surprise quiz kaagad eh 2nd meeting pa lang? Wala ka pa ngang natuturo.

 

"Hey, Winter. Hati na lang tayo. Here oh," binigay sakin ni Karina 'yung kalahati ng papel niya at bumulong ako ng thank you.

 

"Don't worry. Multiple choice lang naman. Just consider this a pre-assessment." Anong don't worry ka diyan? Nangwawarshock ka tapos gusto mo di kami mag-alala?

 

"Did you read ba, Winter?" Umiling lang ako kay Karina at natawa kami pareho. "We can do this." Tinaas niya fist niya, at nag-scrunch siya ng ilong. Cute.

 

"Good luck talaga satin," mahina kong bulong.

 

Medyo madali nga lang 'yung quiz namin. Karamihan sa mga tinanong niya nabasa ko na dati kapag nagsesearch ako ng mga random na bagay sa Google. Meron lang mga tatlong tanong na hindi ko sigurado ang sagot ko. Nag-exchange na kami ng papel para mag-check ng aming quiz.

 

"What the hell, Winter!" Pabulong pero aggressive na sabi sa akin ni Karina. Nagulat naman ako kasi wala akong ginagawa sa kanya? Binibilang ko lang naman score niya.

 

"Huh?" Tinignan ko siya dahil confused ako sa nangyayari.

 

"You told me you didn't read, but you got a perfect score," sagot niya sakin. Medyo nandilat mata ko dahil hindi ko inexpect 'yun.

 

"How did you do that?" I just shrugged at Karina kasi di ko rin alam kung paano. "You're so smart."

 

"Ikaw rin naman. Apat lang mali mo oh," sabi ko sa kanya habang pinapakita ko paper niya.

 

"Eh ikaw wala kang mali. That's really amazing. Congrats," I thanked her naman at binalik na namin sa isa't isa ang mga quiz namin. Tinignan ko ulit ang papel ko, at parang bigla namang gumanda mood ko dahil dito.

 

"So? Maganda ba nakuha ninyong score?" Natawa lang klase namin, at natawa din prof namin. "Did anyone get a perfect score or 1 mistake?"

 

Nahihiya akong magtaas ng kamay dahil tahimik lang ang class namin habang tinitignan ng iba kung may magtataas ba ng kamay. Nagulat naman ako noong biglang tinaas ng Karina 'yung kamay ko.

 

"Miss," sabi ng prof ko habang tinititigan niya ako. "What's your name nga again, iha? Sorry medyo mahina ang memory ko."

 

"Winter po. Winter Kim."

 

"Okay. Why did you raise your hand, Winter?" Tanong ni Ma'am Bernardino sakin.

 

"Uhm. Perfect score po," medyo mahina kong sabi. Narinig ko naman na napa-wow ang iba kong kaklase at may narinig rin akong nagsabi na idol talaga si Winte

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yjmnyz
Happy 100 upvotes! I appreciate you all!

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Chapter 29: 😕
bigboy123
138 streak #2
Chapter 29: Re-reading this chapter cause… 👀👀🤭🤭
taexx_ss
#3
Chapter 29: re-reading, happy new year siguro 🤧
fanficethusiast #4
Chapter 29: hello author still waiting for next ud 🥺
xoxosonekpop
#5
Chapter 29: Hello author-sshi great storyline 👏👏👏
kwinterrr_
#6
Chapter 29: 💖
Kannakobayashi09 #7
Hi? Author?
bigboy123
138 streak #8
Chapter 29: hello? tao po? 🥹🥹
heartwaves
#9
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story
heartwaves
#10
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story