Chapter 20: Freedom Wall

Akin Ka Na Lang
Please Subscribe to read the full chapter

Kakatapos ko lang sa huli kong requirement para sa sem na ‘to, at ang sarap sa pakiramdam. Pagka-save ko ng file, para akong nabunutan ng tinik. Finally, malaya na ako.

 

Nandito ngayon si Ning sa bahay. Dumiretso siya dito pagkatapos ng klase niya kasi tatamarin daw siyang gumawa ng schoolworks kung dun siya sa kanila. Baka tulugan niya lang daw.

 

Sakto rin naman kasi pwede na rin kaming makapag-plano para sa outing namin. Naipaalam ko na kay mama ‘yung resort sa Laguna, at wala pa namang naka-book sa susunod na weekend. Nag-consult na ako sa group chat namin, at pwede naman silang lahat.

 

“Ning,” tawag ko sa best friend kong hindi maistorbo. Tumaas lang kilay niya habang busy pa rin siya sa laptop niya. “Tapos na ako.”

 

“Sana all… Tapusin ko lang ‘tong isa tapos papahinga na rin ako.”

 

Hindi ko na muna siya ginulo. Pagkatapos niya na lang tsaka namin pag-usapan ‘yung outing.

 

At tsaka gusto ko na rin i-share sa best friend ko ‘yung pagkaka-crush ko kay Karina. Hindi kasi kami nagtataguan ng sikreto kaya sasabihin ko na sa kanya. Gusto ko rin ng makakausap tungkol sa feelings kong ‘to. Malupit rin mang-real talk ‘to si Ning kaya baka makatulong rin ‘to sa pag-momove on ko.

 

Nag-earphones na lang muna ako, at nag-scroll lang sa mga social media accounts ko. Hindi naman ako pala-soc med. Masyado kasing busy sa mga gawain kaya wala talaga ako masyadong time mag-online. Wala namang laman ‘yung mga timeline ko ngayon pareho sa Facebook at Twitter kung hindi mga memes tungkol sa hell week. Nag-haha react at nililike ko na lang din ‘yung mga relatable.

 

“Huy, Tot!” Medyo inis na ‘yung boses ni Ning. Mukhang kanina niya pa ako tinatawag pero hindi ko siya naririnig gawa ng naka-earphones ako.

 

“Ay, sorry. Hindi kita narinig.” Pinause ko na ‘yung sound trip ko, at tinanggal ko na earphones ko.

 

“Sabi ko tapos na ako,” sinara niya na ‘yung laptop niya. “Game. Gumawa ka na ba GC kasama sila mareng Kars?” Nilabas niya na rin phone niya.

 

Oo nga pala. Ininvite rin namin sila Karina. Kanina lang ako nag-chat tungkol sa final schedule, at pinaalam niya muna sa friends niya. Hindi pa ulit siya nakapag-message sakin kung g ba silang lahat.

 

“Ay, wala pa. Hindi pa nakakachat ulit sakin si Karina eh.”

 

“Chat mo na teh,” utos ni Ning na sinunod ko naman agad.

 

winter [7:37 p.m.]: karina may balita na ba kung sino-sino g? gawa na sana tayo ng gc

winter [7:37 p.m.]: ikaw na lang muna add ko tas ikaw na bahala mag-add sa friends mong sasama

 

Gumawa na lang muna ako ng group chat namin habang naghihintay ng reply ni Karina. Maliban sa friends ko at kay Karina, inadd ko na rin si Yeji dahil sinabi naman ni RJ na sasama rin daw ‘yung jowa niya.

 

[FORDA OUTING 🏊🏻‍♀️🌊]

 

winter [7:39 p.m.]: hi guys. ito na lang gc para sa outing

chenle [7:40 p.m.]: dagdag gc na namang imumute

ning [7:40 p.m.]: sige i-mute mo para maiwan ka 🙄

chenle [7:41 p.m.]: joke lang eh

 

“Kasali na ba dito si mareng Kars?” Tinanguan ko lang si Ning.

 

Wala pang ibang nag-rereply sa GC namin kaya naisip kong mag-open up na lang muna sa best friend ko.

 

Paano ba ‘to? Hindi ko alam paano sisimulan. Busy pa naman si Ning kakatawa sa cellphone niya. Nag-scroscroll na naman siguro ‘to sa TikTok.

 

“Ning,” huminga ako nang malalim. “May sasabihin ako.”

 

“Ano ‘yun?” Biglang binaling ng best friend ko ‘yung tingin niya sakin. “Bakit ang seryoso mo?”

 

“Ano kasi…” Bakit ba ako kinakabahan? Si Ning lang naman ‘to. “Wag mo kong asarin ha,” pa-disclaimer ko muna.

 

“Wag ka na pa-showbiz, teh. Ano ba ‘yun?” Inip na yata best friend ko.

 

“Crush ko si Karina. Share ko lang,” mabilis kong pagsasalita.

 

Ineexpect akong tatawanan ako ni Ning, o kaya aasar-asarin. Naiisip ko na sasabihan niya ako ng something na tulad ng “I told you so.” Pero walang reaksyon ‘yung best friend ko. Straight face lang siya.

 

“Tot, bagal ng signal?” Nagsalita na siya.

 

“Ano?” Naputulan ba kami ng wi-fi? Parang okay naman kanina.

 

“For da late ka sa balita, teh?” Tuloy niya. “Walang bagong news?”

 

Napaalik-ik na lang ako sa sinabi ng best friend ko. “Wala. Gusto ko lang sabihin directly sayo. Syempre best friend kita.”

 

“Di mo na kailangan sabihin,” sagot niya. “Sabi mo nga best friends tayo. Kilalang kilala na kita, Tot.”

 

Isa si Ning sa mga constant sa buhay ko. Simula kabataan namin, magkakilala na kami. Alam na alam namin secrets ng isa’t isa. Sabi nga niya, walking human diary niya raw ako, at parang ganun na rin siya sakin. Kaya na lang siguro ang dali na para sa kanya na basahin ako.

 

“Gusto mo advice?” Binitawan niya na ‘yung phone niya, at umayos siya ng upo. Ito na nga. Seryoso na siya, at alam ko na next dito, real talk.

 

“Bakit? May advice ka ba?” Inirapan niya lang ako na para bang sinasabi niya na, “Duh? Ako pa ba?”

 

“Alam kong lagi kitang inaasar dati sa kanya pero bilang best friend mo who wants to look out for you lang,” simula niya. “Narinig mo naman mismo galing kay Karina na straight siya.”

 

Napatingin ako sa sahig. Alam ko namang irereality check ako nito ni Ning, pero bakit parang ang bigat pa rin sa loob?

 

“Mag-set ka ng boundaries kung ayaw mong masaktan.” Naisip ko naman na ‘yan, pero mahirap. Para namang nababasa ng best friend ko ‘yung iniisip ko. “Oo, mahirap lalo na close na rin kayo. Hindi mo naman kailangan iwasan completely eh. Bawas-bawasan mo lang siguro ‘yung pagka-clingy niyo sa isa’t isa.”

 

“Hindi naman na kami gaanong ka-touchy.” Totoo naman kasi nga hindi na kami masyadong nagkakasama.

 

“Hindi ba touchy ‘yung magka-cuddle sa pagtulog?” May hint ng sarcasm sa boses niya. “At hindi ‘yung birthday ni Karina tinutukoy ko, ha. Alam ko ‘yung nag-overnight tayo dito.”

 

“Paano mo alam?” Bumaling na tingin ko sa best friend ko. Himala, at hindi niya ako inasar about doon kaya wala akong idea na alam niya pala. Akala ko si ate Taeyeon lang nakakita sa amin.

 

“Nagising ako para umihi, kaya nakita ko kayo nun… At kaya hindi na kita inasar kasi nagsabi na si mareng Kars na straight siya. Ayaw ko naman na lalo ka pang maguluhan diyan, ‘no.” Napangiti naman ako. Kahit na malakas mang-asar si Ning, sensitive pa rin ‘tong best friend ko, at alam niya kung kailan dapat tumigil na.

 

“Makaka-get over ka rin sa kanya. Bakasyon naman na, at di na kayo masyadong magkikita. Basta wag ka na masyadong mag-dwell diyan sa feelings mo kay Karina.” Oo nga. Sana nga maka-move on na ako ngayong bakasyon. Para naman di ko na baunin ‘tong feelings na ‘to next sem.

 

“Thanks.” Gumaan-gaan na loob ko ngayong nakausap ko na si Ning tungkol dito.

 

“Paano pala ‘yung ano, ‘yung nilalakad mo ba ‘yun kay Karina? Ano nga pangalan nun?”

 

“Ah, si Yeonjun?”

 

“Oo. Tinutulungan mo pa rin? Nagpapaka-martyr ka ba diyan?” Natawa naman ako.

 

“Ano… Basted na raw siya ni Karina.” Nanlaki mata ni Ning.

 

Hindi pa rin nag-uupdate sakin si Yeonjun. Hindi ko tuloy alam kung pangungunahan ko ba para i-comfort ko siya o ano. Syempre bilang nag-link sa kanila ni Karina, naiisip ko na kailangan ko rin siyang damayan. Siguro sa school ko na lang siya kakausapin kapag nagkasalubong kami.

 

“Ay weh? Bakit?”

 

“Hindi niya raw gusto eh.”

 

“Dali mo namang basahin, Tot,” natatawang sabi ni Ning. “Reality check ulit ah. Straight si Kars.”

 

Wala talaga akong matatago dito kay Ning eh.

 

“Wag ka na umasa diyan… Malay mo nandiyan lang sa tabi-tabi ‘yung para sayo,” nag-kibit balikat si Ning.

 

“Ayoko na muna. Laude bago landi na lang ako.” Masyado akong malas sa love life, love life na ‘yan. Taympers muna ako.

 

Bigla naman akong hinawakan ni Ning sa balikat tapos inalog-alog ako. “Sino ka? Anong ginawa mo kay Winter? Nasaan ‘yung marupokie mae kong best friend?”

 

“Gaga,” natatawa kong hinampas si Ning. “Kain muna tayo sa baba. Tagal nilang mag-reply.”

 

Inalok na kami ni mama mag-dinner kanina pero busy pa si Ning nun, kaya sinabi ko na lang kay mama na hintayin ko na muna best friend ko para may kasabay siyang kumain. Pagbaba namin, kakatapos lang rin nila mama.

 

“Kayo-kayo lang ba ulit mag-swimming sa weekend, bunso?” Tanong sa akin ni mama habang kumakain kami ni Ning.

 

“May kasama na rin pong college friends,” sagot ko.

 

“Sila Somi tsaka Karina ba ‘yun?” Tinanguan ko muna si mama dahil ngumunguya ako.

 

“Pati po friends ni Karina, tita,” pagtuloy ni Ning ng sagot para sakin.

 

“Mag-ingat kayo ha,” paalala niya samin. “Tumulong ka rin sa mga caretaker na magligpit pagkatapos niyo dun,” tinignan ako ni mama.

 

“Opo.”

 

“Wag rin kayo masyadong marami uminom... Ikaw, Winter, pababantayan kita sa mga pinsan mo,” parang may pagbabanta sa boses ng nanay ko.

 

“Hindi naman talaga ako malakas uminom,” depensa ko sa sarili ko.

 

“Hilig talaga mag-deny nitong kaibigan mo eh ‘no?” Nakatingin si mama kay Ning na nagpipigil ng tawa. “Parang hindi nagmakaawa sa inyo na tawagan ako dahil nagsusuka eh,” dagdag ni mama, at humalakhak na si Ning.

 

“Ma, naman.” Ayoko na alalahanin ‘yun. 

 

Mga December ‘yun, at kakasimula lang ng sembreak. Nag-yaya kasi ng inom si Beomgyu sa kanila, parang sem-ender party raw. Brokenhearted pa ako nun dahil kay Yeji, kaya naman g na g ako uminom.

 

Hindi sumama samin si RJ nun dahil nga hindi kami nag-uusap that time. So ayun, ako ‘yung sawing kaibigan nila nun na hayok sa alak. First and last time ko uminom nang ganun karami nun actually. Wala ako masyadong maalala sa gabing ‘yun pero sabi nila ang lala ko raw mag-maoy.

 

Naalala ko lang ako pa remind nang remind sa kanila noon na walang susuka. Pero ayun nga. Tulad ng nabanggit ni mama, ako ‘yung nagsuka.


 

Nararamdaman ko na parang may lalabas na sa lalamunan ko pero pinipigilan ko.

 

“Hoy. Pst. Walang susuka,” tinuro-turo ko pa mga kaibigan ko na tinatawanan na ako.

 

“Oo nga. Gets n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yjmnyz
Happy 100 upvotes! I appreciate you all!

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Chapter 29: 😕
bigboy123
139 streak #2
Chapter 29: Re-reading this chapter cause… 👀👀🤭🤭
taexx_ss
#3
Chapter 29: re-reading, happy new year siguro 🤧
fanficethusiast #4
Chapter 29: hello author still waiting for next ud 🥺
xoxosonekpop
#5
Chapter 29: Hello author-sshi great storyline 👏👏👏
kwinterrr_
#6
Chapter 29: 💖
Kannakobayashi09 #7
Hi? Author?
bigboy123
139 streak #8
Chapter 29: hello? tao po? 🥹🥹
heartwaves
#9
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story
heartwaves
#10
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story