Chapter 25: Doubts

Akin Ka Na Lang
Please Subscribe to read the full chapter

“Iha, pitas ka muna sili at calamansi sa labas pang-sawsawan,” utos sa akin ni ate Dina pagkatapos ko siyang tulungan na mag-set ng lamesa.

 

Inampon kasi ako ng pamilya nila ate Dina. Nakita raw kasi nila ako sa gilid ng kalsada habang pauwi sila. Nagising na lang ako sa bahay nila, at ihahatid sana nila ako sa amin pero wala kasi akong maalala. Hindi ko matandaan pareho ang pangalan ko at kung saan ako nakatira kaya kinupkop na lang muna nila ako pansamantala.







 

Joke lang.

 

Nasa Laguna lang talaga ako ngayon para tumulong dito sa maliit na farm ng mga magulang ko. Gawain ko nga kasi ‘to kapag bakasyon. Nasobrahan nga lang ako sa panonood ng mga teleserye kasama si ate Dina, kaya kung ano-anong scenario ang pumapasok sa isip ko.

 

Naeenjoy ko rin mag-stay dito dahil mapayapa at tahimik. Tilaok lang ng mga alagang manok ‘yung ingay dito. Perfect na lugar para magnilay-nilay.

 

Mag-iisang buwan na akong nandito which means isang buwan na rin simula noong outing namin. Isang buwan na simula nung nag-chat si Karina. Para umamin.

 

I can’t believe na after kong maging hopia eh na-reciprocate ‘yung feelings ko. Ang sarap sa pakiramdam malaman na gusto ka rin pala ng taong gusto mo. It felt like a dream. It felt surreal.

 

Pero isang buwan na rin kaming hindi nag-uusap ni Karina, at aminado naman akong kasalanan ko ‘yun.

 

Hindi ko nareplyan ‘yung message niya. I left her on seen.

 

Parang tanga lang kasi nung kinaumagahan after that kiss, gustong gusto ko na siya makausap. Ayun na ‘yung hinihintay ko eh. Pero para akong nabuhusan ng malamig na tubig nung binasa ko lahat ng messages niya.

 

Masyado akong nag-dwell sa isang salita.

 

Maybe.

 

Paulit-ulit ko namang binasa ‘yung confession ni Karina, pero hindi ko maiwasan i-overthink ‘yung “maybe.” Doon palagi bumabalik ‘yung mata ko tuwing binubuksan ko ‘yung message niya.

 

Hindi siya sigurado, so paano kung mag-try kami pero bigla niyang ma-realize na hindi niya naman pala talaga ako gusto?

 

Ayokong pagdaanan ‘yun ulit. Lalong ayoko na kay Karina pa maulit ‘yun.

 

Nasa punto na ako na di ko ma-imagine na maging strangers kami ulit sa isa’t isa. Halos araw-araw ba naman kaming magkasama nitong mga nakaraang buwan. Mabilis rin akong naging komportable at nag-warm up sa kanya. Nasanay na ako sa presence niya, and I can’t afford to lose that.

 

Natauhan rin ako sa sinabi niya about putting our friendship at risk. Oo, mutual nga siguro ngayon, pero hanggang kailan? What if it ends badly? Nakakatakot.

 

Hindi naman ako usually ganito ka-pessimistic, but this scenario is just way too familiar.

 

Kahit naman after nung experience na ‘yun, tapat pa rin ako sa mga nararamdaman ko. I mean nagawa ko ngang umamin kay Yeji na kaibigan ko rin naman. Pero ngayon kay Karina, tsaka pa ako binalikan ng past memories at inatake ng pagiging overthinker.

 

Namomoblema ako dahil kailangan ko pa rin naman harapin si Karina. Aware ako sa pagiging contradicting ng actions at thoughts ko. Sinasabi ko na ayokong masira ‘yung pagkakaibigan namin pero what I am doing right now is the opposite.

 

Nag-agree pa naman ako sa kanya nung outing na mag-meet pa rin kami ngayong bakasyon, pero anong ginagawa ko? Tinataguan at iniiwasan ko siya.

 

Sabi ko sa sarili ko nung una, rereplyan ko siya kinabukasan. Gusto ko lang pag-isipan nang mabuti ‘yung sasabihin ko. Pero ‘yung isang araw naging isang linggo hanggang sa ito inabot na ako ng isang buwan na hindi ako nagpaparamdam.

 

Habang tumatagal, lalong nagpapatong-patong ‘yung thoughts ko tungkol sa mga posibleng mangyari. Habang tumatagal, lalo rin ako kinakain ng guilt pero hindi ko alam kung saan mag-uumpisa. Lalo pang nakakakaba dahil long overdue na ang reply ko sa kanya.

 

Baka nga galit na siya sakin dahil sa ginawa ko.

 

Kahit sa mga kaibigan ko, hindi pa ako nagpaparamdam since outing. Wala pa akong napagkwekwentuhan. Kahit si Ning, wala pang idea sa nangyari. Guilty ako sa ugali na nag-shushut off kapag may problema.

 

Naka-mute sakin ‘yung GC namin pati mga chats nila. Naka-receive rin ako ng texts galing sa kanila pero wala pa akong nababasa kahit isa. Alam naman siguro ni Ning na nandito ako sa Laguna. Isang tanong lang naman sa mama ko, malalaman niya na ‘yun.

 

Hindi muna ako nagkwento kahit kanino dahil ayoko muna ng external voices. Gusto ko muna siyang pag-isipan on my own, pero wala rin naman akong na-achieve. 

 

At alam ko nang masesermonan ako ng mga kaibigan ko pag nagkwento na ako sa kanila. Naghahanda na nga ako sa talak ni Ning dahil uuwi na rin ako sa Cubao this week. Pinapapunta kasi ako ng org seniors ko sa graduation nila dahil na-miss ko na ‘yung outing ng org. Hindi raw papayag sila kuya Kyungsoo at ate Jennie na lumabas sila sa UP nang hindi ako nagpapakita sa kanila. Special day rin talaga ‘yun kay kuya Kyungsoo dahil after niyang ma-delay for 3 years, sasablay na rin siya sa wakas.

 

Hindi na rin ako babalik ng Laguna sa tirang mga araw ng bakasyon dahil malapit na rin ang birthday ni mama, tapos mag-aasikaso na rin ako ng enlistment para sa susunod na sem.

 

Speaking of next sem, nadagdagan ‘yung kaba ko para sa pasukan dahil sa mga recent ganap. By recent ganap, I mean the whole Karina situation. Syempre, magka-course kami. Kahit na hindi kami maging classmates, we would still definitely bump into each other.

 

Kaya kailangan kong ma-sort ‘to soon. Hindi ko nga lang alam kung paano. Takot na takot akong mag-chat dahil pinatagal ko na ‘to masyado. Kung sa chat nga hindi ko kaya, mas malabong kayanin ko na in person. Alangan namang bigla ko na lang siyang bulagain after kong hindi magparamdam for one month.


 

“Sa Sabado ka na uuwi, ‘no?” Tanong sa akin ni ate Dina habang nanananghalian kami.

 

“Opo.”

 

“Babalik ka ba pagkatapos ng birthday ni mama mo?”

 

“Hindi na po. Mag-aasikaso na rin po kasi ako ng enrollment.” Tumango-tango naman sakin ang kausap ko.

 

“Mag-uwi ka ng mga prutas at gulay, ha. Wag mo rin kakalimutan ‘yung kamote ni mama mo. Favorite niya ‘yun,” pagpapaalala niya sakin. Ibinilin din kasi ni mama sakin na mag-uwi nga raw ako ng kamote.

 

“Opo.”



 

Wala naman akong masyadong ambag dito sa farm sa totoo lang. Taga-dilig lang ng ilang halaman. Nagpapakain rin ng mga manok minsan. Kaya mabilis lang lumipas ‘yung mga araw.

 

Bukas babalik na ako sa Manila. Back to reality, pero wala pa rin akong idea kung paano ko ba haharapin si Karina.

 

Anyway, dahil uuwi na ako bukas, naisipan kong magbukas na ng group chat.


 

[dogshowerz nation]

 

wintot [7:38 p.m.]: hi guys


 

At ayan na nga. Isang message lang, sunod-sunod na ‘yung vibration ng phone ko. Namiss naman yata ako masyado ng mga kaibigan ko.

 

chaeryeong [7:40 p.m.]: gaga ka bat ngayon ka lang nagparamdam

yujin [7:40 p.m.]: hi guys ka dyan? parang di mo kami dinedma nang isang buwan

soobin [7:40 p.m.]: gags musta ka na?

chenle [7:41 p.m.]: may utang ka samin

chenle [7:41 p.m.]: utang na kwento

chenle [7:41 p.m.]: akala mo makakalimutan namin porket isang buwan na 😒

beomgyu [7:42 p.m.]: update update update

wintot [7:42 p.m.]: akala ko namiss niyo ko. chika lang pala mga habol niyo

wintot [7:42 p.m.]: @soobin ayos lang ako buti ka pa nangangamusta di tulad ng iba dyan

yujin [7:43 p.m.]: wag mo kaming baliktarin. kami dapat nagtatampo sayo

wintot [7:43 p.m.]: sorry na 😓

wintot [7:44 p.m.]: uwi na ko bukas. punta kayo sa bahay may dala akong saging

chaeryeong [7:44 p.m.]: nice pero mas gusto ko ng chika

wintot [7:45 p.m.]: oo na may chika din


 

Nagtaka ako dahil hindi nag-rereply sa GC sila Ning at RJ, pero nag-send pala sila sakin ng messages individually.

 

ningning na may tililing [7:42 p.m.]: hoy

ningning na may tililing [7:44 p.m.]: wag mo kong i-ignore 🙂

wintot na mabantot [7:46 p.m.]: kita mong nagchachat pa ako sa gc eh. arte kasi hihiwalay pa ng message

 

Inuna ko nang replyan si Ning bago ko buksan ‘yung chat namin ni RJ.

 

rj [7:43 p.m.]: may alam ako kahit hindi mo pa kinukwento sakin

rj [7:43 p.m.]: gagi ka gigripuhan ka talaga ni yeji

 

Kinabahan na naman ako dahil sa sinabi ni RJ. Ano pa bang ineexpect ko? Syempre ikwekwento ni Karina ‘yun sa mga kaibigan niya.

 

tot [7:46 p.m.]: ge di na lang ako uuwi. dito na ako forever

rj [7:46 p.m.]: ge palalain mo pa

tot [7:47 p.m.]: joke lang eh

rj [7:47 p.m.]: abangan talaga kita bukas sa inyo. mag-usap tayo nang masinsinan

tot [7:48 p.m.]: bat mo ko tinatakot lods 😢

rj [7:48 p.m.]: dcerb

rj [7:48 p.m.]: sira ulo ka kasi

rj [7:49 p.m.]: at kung natatakot ka na sakin, mas matakot ka sa mga kaibigan ni karina

rj [7:49 p.m.]: pero seryoso usap tayo bukas. ano oras ka uwi?

tot [7:50 p.m.]: before lunch dyan na ko

 

Nag-like na lang ‘yung pinsan ko sa huli kong message. Nakwento na siguro ni Yeji kay RJ ‘yung ginawa ko sa kaibigan nila. Walang halong biro, natatakot talaga ako. Pero kasi kasalanan ko naman ‘to. Binalikan ko naman ‘yung chat ni Ning.

 

ningning na may tililing [7:46 p.m.]: bat di ka nagpaparamdam

ningning na may tililing [7:48 p.m.]: bat nawala ka na naman

ningning na may tililing [7:50 p.m.]: ge winter kim wag kang mag-reply. magtutuos pa rin tayo bukas. may malaki kang utang sakin

wintot na mabantot [7:51 p.m.]: kausap ko lang si rj

wintot na mabantot [7:51 p.m.]: may utang ka ring singkwenta sakin di naman na kita siningil. pwede bang quits na

ningning na may tililing [7:52 p.m.]: di ako nakikipagbiruan 🙃

ningning na may tililing [7:52 p.m]: di ko alam anong sinabi ni kars sayo pero alam kong nagchat siya sayo

ningning na may tililing [7:53 p.m]: baka may balak kang magkwento

 

Paano naman nalaman ni Ning? Kinwento kaya ni RJ sa kanya? Pero malabo. Kung si RJ man source niya, sasabihin naman sakin ng pinsan ko ‘yun.

 

wintot na mabantot [7:53 p.m.]: san mo naman napulot yan

ningning na may tililing [7:54

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yjmnyz
Happy 100 upvotes! I appreciate you all!

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Chapter 29: 😕
bigboy123
139 streak #2
Chapter 29: Re-reading this chapter cause… 👀👀🤭🤭
taexx_ss
#3
Chapter 29: re-reading, happy new year siguro 🤧
fanficethusiast #4
Chapter 29: hello author still waiting for next ud 🥺
xoxosonekpop
#5
Chapter 29: Hello author-sshi great storyline 👏👏👏
kwinterrr_
#6
Chapter 29: 💖
Kannakobayashi09 #7
Hi? Author?
bigboy123
139 streak #8
Chapter 29: hello? tao po? 🥹🥹
heartwaves
#9
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story
heartwaves
#10
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story