Chapter 6: UP Fair

Akin Ka Na Lang
Please Subscribe to read the full chapter

ningning na may tililing [7:10 a.m.]: tot ano oras tayo pupuntang diliman?

ningning na may tililing [7:23 a.m.]: hoy gumising ka dyan

ningning na may tililing [7:46 a.m.]: uy ano na

ningning na may tililing [7:53 a.m.]: pst san ka

 

 

Kakagising ko lang at pagkabukas ko ng phone, messages kaagad ng best friend ko ang bumungad sakin. Masyado kasi siyang excited para sa UP Fair.

 

wintot na mabantot [10:07 a.m.]: ayos wala man lang good morning

ningning na may tililing [10:10 a.m.]: good morning bat ngayon ka lang nagreply

wintot na mabantot [10:11 a.m.]: baka kasi alas syete ka nagmessage baka kasi tulog pa ko kanina

ningning na may tililing [10:14 a.m.]: so ano oras tayo alis

wintot na mabantot [10:15 a.m.]: taeng tae lang? maya mga 3 punta ka dito sa bahay

ningning na may tililing [10:16 a.m.]: oki doks lodicakes

 

Kakaiba ang UP Fair ngayong taon. Usually kasi Tuesday to Saturday lang naman ang UP Fair, pero this year may Monday na rin. At dahil Monday ako walang pasok, ngayon ko niyaya mga barkada ko. Gusto ko sana Friday kaso natapat yun na Valentine's Day. No thanks na lang. Puro naglalampungan na mag-jowa lang makikita ko dun. Biyernes pa naman tutugtog 'yung Autotelic. Sayang.

 

Kasama ko mamaya sila Ningning, Yujin, at Beomgyu. Masyado na kasing busy 'yung iba sa amin. Actually, ako rin naman busy na. May mga long exams na ako sa major subjects, pero ano bang pake ko? UP Fair 'to. Once a year lang 'to pero ang exam twice a month. Edi syempre UP Fair na ang priority ko.

 

Excited na excited si Ning dahil tutugtog 'yung paborito niyang Up Dharma Down mamayang gabi. Christmas break pa lang ayaw na akong tantanan ni gaga. Siguraduhin ko daw na makakakuha ako ng tickets, at araw-araw niya akong chinachat para i-remind. Nung nakabili naman na ako ng ticket namin, araw-araw niya naman akong tinatanong kung nasaan ko nilagay tickets namin. Ingatan ko daw na wag ma-misplace. Sabi ko siya na lang magtago, pero sabi niya mas secured daw pag ako na naghawak.

 

Tinanghali ako ng gising ngayon kasi busy ako mag-review. May long exams na kasi kami next week. O diba? Isang buwan pa lang pero welcome to hell na kaagad. Tapos sa Comparative Vertebrate Anatomy class naman namin, may moving exam na kami. Gusto kong ma-maintain ang pagiging university scholar ko, kaya nag-start na akong mag-review nitong weekend.  

 

 

ningning na may tililing [11:15 a.m.]: tot sigurado ka ba 3 pa tayo aalis? baka matraffic tayo

wintot na mabantot [11:17 a.m.]: isa pang kulit pupunitin ko ticket mo

ningning na may tililing [11:17 a.m.]: huy joke lang eh

ningning na may tililing [11:18 a.m.]: ge punta na lang ako mamaya

 

 

 

"Good afternoon po, tita!" Bati ng best friend ko sa mama ko. Bihis na bihis ang loka. Naka-knitted na butterfly top si Ning, at meron siyang denim jacket. Akala mo Coachella ang pupuntahan. UP Fair lang tayo 'te, at malamig ang hangin sa Sunken Garden pag gabi. Bawal mag-complain mamaya.

 

"Good afternoon, Ning. Mag-meryenda muna kayo dyan ni Winter bago kayo umalis. May siopao dyan," sabi ng mama ko kay Ning. "Bunso, ikuha mo nga ng softdrinks si Ning, at kumain muna kayo dito."

 

Pumasok si Ning sa dining room namin, at kumuha ako ng softdrinks naming dalawa sa ref. Nakaugalian kasi ni mama na mag-stock ng maraming Coke, Sprite, at Royal sa ref para hindi na raw kami lumabas para bumili kapag may bisita.

 

"Parang feeling ko tuloy underdressed ako. UP Fair lang tayo pupunta ah," panloloko ko kay Ning, at hinampas lang ako ng best friend ko.

 

"Bunso, dalhin mo spare key ng bahay ah. Baka di ka namin mahintay mamaya eh," paalala sakin ng mama ko. "Ning, iha, kapag nasaraduhan ka ng bahay ninyo, dito ka na lang rin matulog."

 

"Thank you po, tita."

 

"Oh siya. Magchecheck pa ako ng mga assignments," paalam ni mama samin bago siya bumalik sa kwarto niya. "Ingat kayo mamaya."

 

"Tot, sakay tayo octopus mamaya," yaya ni Ning sakin. Maliban sa videoke, hilig din naming mag best friend ang rides.

 

"Syempre. Matik na yun," sagot ko sa kanya.

 

Pagkatapos naming mag-meryenda, hinugasan ko muna 'yung pinagkainan namin bago ko niyaya si Ning na umalis na.

 

"Ma! Alis na kami!" Sigaw ko mula sa dining room namin.

 

"Okay. Ingat kayo! Paki-lock na lang pinto, bunso!"

 

 

 

 

 

Buti na lang medyo maaga pa kami pumunta ni Ning, dahil mamaya ubusan ng parking dito. Syempre maraming nakikidayo dito tuwing UP Fair.

 

"On the way na daw sila Beomgyu at Yujin. Nag-LRT na daw sila," sabi ni Ning habang ka-chat niya mga kaibigan namin.

 

"Okay. Sabihin mo sa may AS side entrance. Dito kamo natin sila abangan."

 

Tumambay muna kami ni Ning sa mga bench sa Sunken Garden. Hindi pa kami makapasok dahil ako may hawak ng ticket nila Beomgyu at Yujin.

 

"Tot, nakapag-decide ka na ba pala?" Tanong sakin ni Ning habang pinipicturan ko ang view ng Sunken Garden mula sa inuupuan namin.

 

"Anong decide?"

 

"Kung lilipat ka sa UPM next school year." Ah, oo nga pala. Alam ni Ning plano ko kasi sinasabi namin lahat sa isa't isa. Ganun talaga best friend eh.

 

"Di pa. Medyo okay naman ako this sem," sagot ko. "Surprisingly the situation is not as bad tulad ng iniimagine ko."

 

"Te pag deep talks, deep talks lang. Walang Englishan," pabirong sabi ni Ning.

 

"Gaga ka talaga."

 

"Joke lang. Pero buti naman. Sayang din kasi pag lumipat ka pa. Hirap kaya mag-travel papuntang UPM galing Cubao."

 

"Mas mahirap naman yatang madalas makita 'yung nang-betray sakin."

 

"Wala ka na ba talagang balak kausapin si RJ?"

 

"Sa ngayon, wala." Tumango lang si Ning.

 

"Gets naman. Pero sana magkaayos pa rin kayo. Take your time to heal lang, Tot." Sana nga.

 

After akong gawing personal photographer ni Ning, dumating na rin sila Beomgyu at Yujin kaya pumasok na kami sa Sunken Garden.

 

Medyo matao na rin nung pumasok kami kasi malapit na rin mag 6pm. Ganitong oras talaga usually dumadagsa mga tao.

 

"Tot, nagtanong ako kay kuya. Mamaya pa daw pwede mag-rides," sabi ni Ning.

 

"So kain ba muna tayo o ano?" Tanong ko sa mga kasama ko.

 

"Laro na lang tayo nun oh," tinuturo ni Beomgyu 'yung larong pamperya na magbabato ka ng piso, at kung anong square matapatan, 'yun makukuha mong premyo.

 

"G ako dyan. Baka naman mapasalubungan ko ulit si mama ng bagong plato this year." Last year kasi nanalo na si Ning ng plato at baso sa laro na 'to after niya makaubos ng 100 pesos.

 

 

 

 

"Hala, kuya ang daya mo!" Sabi ni Ningning kay kuyang nag-aassist sa batuhan ng piso. "Shoot na shoot yun sa 10 kuya eh. Saan na 10 pesos ko?"

 

"Hindi po, ma'am. May onting lagpas po yun."

 

"Daya naman nito ni kuya. Wala namang lagpas 'yun. Kinuha mo lang agad kaya mukhang lumagpas."

 

"Lagpas po talaga. Sorry po, ma'am."

 

"Kapag ako inuwi ko lahat ng baso niyo dito, who you ka sakin kuya."

 

Nagtatawanan 'yung ibang naglalaro sa paligid namin dahil masyadong g na g si Ning sa paglalaro. Hindi ko na nga mabilang kung nakakamagkano na ba best friend ko dito.

 

"Ning, umaandar na rides. Ano na?" Yaya ko sa best friend ko.

 

"Wait lang. Ubusin ko lang 'tong hawak kong piso."

 

Focused naman maglaro sila Ning. Si Beomgyu nakakuha na nga ng maliit na Winnie the Pooh stuffed toy. Si Yujin, parang may negosyo. Madalas niyang mapa-landing sa 5 ang piso niya, kaya kumita na yata siya dito.

 

After nilang maglaro, nagyaya muna si Yujin na bumili ng shake. Naiinggit daw kasi siya sa mga d

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yjmnyz
Happy 100 upvotes! I appreciate you all!

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Chapter 29: 😕
bigboy123
139 streak #2
Chapter 29: Re-reading this chapter cause… 👀👀🤭🤭
taexx_ss
#3
Chapter 29: re-reading, happy new year siguro 🤧
fanficethusiast #4
Chapter 29: hello author still waiting for next ud 🥺
xoxosonekpop
#5
Chapter 29: Hello author-sshi great storyline 👏👏👏
kwinterrr_
#6
Chapter 29: 💖
Kannakobayashi09 #7
Hi? Author?
bigboy123
139 streak #8
Chapter 29: hello? tao po? 🥹🥹
heartwaves
#9
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story
heartwaves
#10
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story