Chapter 19: Basted

Akin Ka Na Lang
Please Subscribe to read the full chapter

Sabado ngayon, pero nandito ako sa campus. Napag-usapan kasi ng group namin na ngayon tapusin ‘yung final presentation namin. Actually, hindi na raw ‘to iprepresent sa klase. Kailangan lang namin gumawa ng PPT presentation. Mas mataas daw ang grade kapag may voice over.

 

Maaga ako pumunta ngayon. 10am pa talaga ‘yung napag-usapang oras, pero wala pang alas otso nandito na ako. Nabanggit ko kasi kay Somi kagabi na pupunta ako dito sa school ngayon. Pinilit niya naman ako na mag-jogging dito sa acad oval.


 

“Punta kang school bukas?” Sumandok si Somi sa ice cream namin na hawak ko. Isang double scoop na lang kasi ang inorder namin at nag-share na lang kami.

 

Nakaupo lang kami ngayon dito sa upuan sa outdoor space dito sa UPTC.

 

“Oo. Para matapos na sana group req.” Mahirap kasi kapag ito pa iniwan ko. Mas maganda na una ko ‘tong matapos para puro individual requirements na lang kailangan kong asikasuhin. Tsaka ito na lang yata ‘yung tugmang free time namin ng mga ka-grupo ko.

 

“Jogging kaya tayo bukas sa oval,” random niyang yaya sakin. Hindi ako mahilig mag-exercise.

 

“Sa lahat ng activities na maiisip mo, ‘yan pa talaga.”

 

“Bakit? Masaya kaya,” excited niyang sabi.

 

Anong masaya dun? Magpapagod at magpapawis ka lang. Parang di pa sapat ‘yung pagod sa pag-aaral.

 

“Ayoko ng physical activities.”

 

“Ayan kaya ka nagkakasakit. Galaw galaw para iwas panaw.” Napahagalpak naman ako sa sinabi ni Somi. “Totoo kasi. Stress management technique din ‘yun.”

 

“Sige na nga.” Pumayag na lang din ako. Kailangan ko rin magpahangin ngayong tapos na rin ‘yung sem. Napaisip rin ako na wala nga talaga akong physical activities maliban sa paglalakad dito sa school, at yung isang oras kong PE twice a week.



 

 

Kaya ito kami ngayon, mga naka-workout attire dito sa acad oval. Nagdala na lang ako ng pamalit para hindi ako amoy pawis mamaya sa group meeting namin.

 

Nag-uunat muna kami para mag warm-up. Tinali din muna namin buhok namin, para less haggard.

 

“Lakad na lang muna tayo isang ikot? Para hindi rin mabigla… Kaka-breakfast lang natin eh,” sabi ni Somi na nag-strestrech ng paa niya ngayon sa isang bench dito sa Sunken Garden.

 

“Okay… Ready na ako. Ikaw ba?” Tinignan ko si Somi, at tinanguan niya lang ako.

 

Marami-rami ring tao ngayon dito ngayon, mga joggers din at may iba rin na nag-bibike. Ang calming lang tignan. Tumigil ako saglit sa paglalakad para kumuha ng litrato na pang-IG story. Ito kasi first time kong mag-jogging dito sa oval.

 

“Ano na, Winter? Wag mo sabihing pagod ka na agad.” Nilingon ako ni Somi noong napansin niya siguro na hindi niya na ako kasabay maglakad.


“Nag-picture lang ako… Pose ka dali.” Sunod-sunod naman ‘yung poses na ginawa ni Somi, kaya instead na picture i-take, ginawa ko na lang video habang naglalakad ako papunta sa kanya. Inupload ko na sa stories ko, at tinag siya.

 

Bago ko ibalik phone ko sa bulsa ko, tinignan ko muna ulit inbox ko. Hindi nag-reply sakin si Karina kagabi. Sinabihan ko rin kasi siya na wag nang pumunta sa groupings kung hindi niya kaya, at tutulungan ko na lang siya sa part niya.

 

Ano kaya nangyari sa kanya? Gusto ko sana siyang puntahan sa condo niya mamaya pagkatapos ng groupings kaso nga lang baka umuwi rin siya sa kanila. Itetext ko na lang siguro siya ulit mamaya kapag hindi siya nakapunta sa meeting namin.

 

“Sarap ng hangin,” sabi ko. Ang refreshing naman pala talaga ng ganito. Siguro gagawin kong once a month routine ‘tong mag-jogging o maglakad man lang dito sa oval.

 

“Anong lasa?” Natawa lang ako nang slight kay Somi.

 

“Ang corny. Lumang luma na ‘yang pambara na ‘yan.”

 

Siguro nakalahati na namin ‘yung isang ikot sa paglalakad kaya niyaya ko na siya mag-jogging. Nakondisyon naman na ako eh. “Takbo na tayo?” Tinanguan niya naman ako, at nag-start na kami parehong mag-jogging.

 

Grabe rin kasi mga kasabay namin dito. Mga g na g. Sa kalahating ikot namin na lakad, may isang kuya dito na tumatakbong naka-isang buong ikot na. Naalala ko lang siya dahil natandaan ko lang ‘yung jersey na suot niya.

 

Tinandaan ko talaga kung saan kami nagsimula tumakbo ni Somi. Sa Engineering ‘yun, at nandito na ulit kami ngayon so nakaisang buong ikot na kami sa pagtakbo.

 

“Wait,” hinihingal kong sabi. Tumigil muna ako para ma-relax ulit ‘yung paghinga ko. Hindi yata ako narinig ng kasama ko dahil tumuloy pa rin siya sa pagtakbo. Hindi naman siya sobrang layo sakin, at tatawagin ko pa sana siya ulit pero napakaripas ako ng takbo papunta sa kanya at hinila ko siya pagilid.

 

“Muntik ka na,” sabi ko habang nakatingin doon sa bike na muntik na makabangga sa kanya. Hindi kasi nakatingin si kuya sa daan. Ang lawak lawak na nga ng space nilang mga bike dito, magiging attentive na lang sila, hindi pa nila magawa.

 

“Okay ka lang?” Tumango lang siya sakin. Hinihingal na naman ako ngayong nakatigil na kami.

 

“Ikaw ‘yung di mukhang okay,” hingal na din 'yung tawa ni Somi. “Pagod ka na?”

 

“Medyo… Ang layo na kaya ng tinakbo natin.” Ang laki-laki nitong oval. Nakalimutan ko kung ilang kilometers nga ba ‘yung isang ikot dito. Nabanggit ‘yun samin dati nung freshie tour eh.

 

“Upo muna tayo,” hinila niya na ako papunta sa may upuan dito sa Sunken Garden.

 

Naglabas na siya ng face towel, at nagstart siyang magpunas ng pawis niya. Kinapa ko ‘yung bulsa ng windbreaker ko, at tsaka ko lang narealize na naiwan ko sa sasakyan ‘yung pamunas ko. Malayo pa naman kami nag-park dahil closed off itong acad oval tuwing umaga nang weekend para mabigyan ng space ‘yung mga tulad naming nag-eexercise.

 

Hinubad ko na lang muna windbreaker ko para mabawasan ‘yung init na nararamdaman ko.

 

“Pawis na pawis ka na. Di ka ba magpupunas?” Pinapaypayan ni Somi ‘yung sarili niya gamit ‘yung bimpo niya.

 

“Naiwan ko pamunas ko sa sasakyan.” Nararamdaman ko na tumatagaktak na lalo ‘yung pawis ko sa noo ko kaya pinunas ko muna ‘to sa sleeves ng t-shirt ko. Medyo dugyot pero wala akong choice. Magpapalit naman ako eh.

 

“Oh use this na lang,” inaabot sakin ni Somi ‘yung towel niya. Umiling lang ako.

 

“Okay lang. Wag na. Magpapalit naman akong damit mamaya.” Titiisin ko na lang ‘tong pagtulo ng pawis ko kahit na ang pangit na sa pakiramdam.

 

“Arte mo. Mabango naman ako kahit pawis, ‘no.” Dahil sa pagtanggi ko, si Somi na lang mismo nagpunas ng pawis ko gamit ‘yung bimpo niya. “Para pa akong nag-alaga ng bata.” Reklamo niya.

 

“Thank you,” pinihit ko ulo ko para tignan siya. “Daya naman. Bakit ikaw kahit pawisan, fresh at maganda pa rin? Favoritism talaga ni Lord.”

 

Napansin ko naman na namumula si Somi kaya naisipan ko na asarin na lang rin siya tulad ng ginagawa niya sakin palagi. Revenge lang. “Wag kang kiligin dyan.” Tumigil na siya sa pagpupunas sakin, at pinamalo niya sakin ‘yung face towel.

 

“Ewan ko sayo,” tumayo na siya mula sa kinauupuan namin. “Balik na tayo parking?”

 

“Suko ka na?” Actually, after naming magpahinga, doon ko lang naramdaman na medyo sore na ‘yung legs ko. Hindi ko alam kung kaya ko pa mag-isang ikot. Hindi nga naman kasi ako sanay sa ganitong activities. Baka kailangan ko na nga ‘to gawin nang mas madalas dahil ngayon ko lang narealize na ang hina na pala ng katawan ko.

 

“Hindi. Kaso di kita kayang buhatin pag bumigay ka dyan,” humahagikgik niyang sabi.

 

“Aba,” mabilis akong tumayo, at pabiro kong inambaan si Somi pero tumakbo siya agad palayo sakin. Hinabol ko siya, at mahina ko siyang pinalo sa braso noong naabutan ko na siya.

 

Sa Film Center kami nag-park. Pareho kaming nagdala ng sasakyan, dahil ayoko na magpahintay kay Somi. For sure, may mga gagawin rin siyang schoolworks.

 

“Bili tayo,” ngumuso siya sa direksyon ng isang cart ng tusok-tusok.

 

“Naka-isang ikot ka lang sa oval tapos kakain ka agad after? Tusok-tusok lang pinunta mo dito, hindi exercise ‘no?” Panloloko ko sa kanya.

 

“Edi wag,” nagtampu-tampuhan naman 'yung kasama ko. Medyo nilakasan niya padyak ng lakad niya habang naka-pout. Pabebe lang.

 

“Tara na. Libre ko na.” Nilabas ko ‘yung wallet ko mula sa windbreaker ko.



 

 

Naglalakad na kami pabalik ng parking ngayon habang kinakain ‘yung binili namin. Nag-fishball at kikiam lang ako. Si Somi naman nag-squid balls at kwek-kwek.

 

Tinitignan ko ngayon ‘yung baso ni Somi. Gusto ko rin ng kwek-kwek. Dapat pala bumili na rin ako ng para sakin.

 

“Gusto mong kwek-kwek?” Alok niya sakin. Napansin niya na siguro kakatingin ko sa baso niya. Tsaka alam niya na rin naman na favorite ko kwek-kwek dahil pareho kami. Kapag magkasabay kami nag-lulunch, automatic na kakain kami ng kwek-kwek after mag-kanin.

 

“Isa lang,” kukuha na dapat ako sa baso niya pero nauna na siyang tumusok, at tinapat niya na sa bibig ko. “Dalian mo isubo mo na tumutulo ‘yung sauce.” Sinahod niya na rin ‘yung baso niya para doon na lang tumulo ‘yung sauce. Sinunod ko na rin siya, at sinubo ko na ‘yung kwek-kwek.

 

Pagkarating namin sa parking, kinuha ko agad ‘yung tumbler at bimpo ko sa loob ng sasakyan ko. Kanina pa rin kasi ako nauuhaw. Ayoko naman bumili ng palamig kanina kasi matamis ‘yun at lalo lang ‘yun nakakauhaw.

 

Nag-punas ulit ako ng pawis. Medyo tirik na rin kasi ‘yung araw ngayon. Malayo-layo rin ‘yung nilakad namin ni Somi.

 

“Thanks sa libre,” tinaas niya ‘yung baso niya ng tusok-tusok na wala ng laman kung hindi sauce. “Nabusog ako.”

 

“Wala lang ‘yan compared sa ginawa mo para sakin ngayong linggo. Thanks din.” Medyo breath of fresh air sakin ‘tong linggong ‘to, at thankful talaga ako sa pagiging mabuting kaibigan ni Somi sakin.

 

Nilagay ko muna 'yung towel ko sa balikat ko, at uminom ako ng tubig. Nakasandal lang ako ngayon sa sasakyan ko.

 

“Bakit hindi ka pa nagjojowa?” Muntik kong mabuga ‘yung tubig na iniinom ko. Natawa lang ako sa napaka-random na tanong ni Somi.

 

“Random mo naman,” matawa-tawa kong sabi. Medyo tumulo tuloy ‘yung tubig sa baba ko. Pinunasan ko na lang gamit ng kamay ko. “Pero to answer your question, malas lang sa crush.”

 

“Bakit naman?” Tuloy niyang pang-iintriga. Sumandal na rin siya sa sasakyan niya at magkatapat kami ngayon.

 

“Alam mo na usual. Unrequ

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yjmnyz
Happy 100 upvotes! I appreciate you all!

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Chapter 29: 😕
bigboy123
138 streak #2
Chapter 29: Re-reading this chapter cause… 👀👀🤭🤭
taexx_ss
#3
Chapter 29: re-reading, happy new year siguro 🤧
fanficethusiast #4
Chapter 29: hello author still waiting for next ud 🥺
xoxosonekpop
#5
Chapter 29: Hello author-sshi great storyline 👏👏👏
kwinterrr_
#6
Chapter 29: 💖
Kannakobayashi09 #7
Hi? Author?
bigboy123
138 streak #8
Chapter 29: hello? tao po? 🥹🥹
heartwaves
#9
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story
heartwaves
#10
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story