Chapter 13: Gig

Akin Ka Na Lang
Please Subscribe to read the full chapter

Nung isang araw lang ako pumayag na maging “wingwoman” kuno ni Yeonjun. Sa ngayon, taga-abot lang naman ako ng mga binibili niyang pagkain para kay Karina. Dinadamay na rin ako ni Yeonjun sa free food. At tsaka kahapon, habang nakatambay ako sa tambayan ng org namin, chinika na rin ako ni Yeonjun tungkol kay Karina. Binigyan ko lang siya ng basic likes and dislikes ni Karina para naman ready siya kapag nag-usap sila. 

 

Kinwento niya lang rin sakin na 1st year pa kami nung nagka-crush siya kay Karina sa PE. Dalawang beses pa lang daw sila nag-uusap. Una, nung pinahiram niya ng ballpen si Karina, at pangalawa, nung binalik sa kanya ‘yung ballpen. Hindi niya raw kasi alam if counted na as pangatlong interaction nila ‘yung pinasa sa kanya ni Karina ‘yung papel ng attendance.

 

Mabilis ko rin naman nakasundo si Yeonjun. Napapaisip nga ako bakit hindi ko ba siya naging ka-close kaagad. Baka dahil judgmental lang talaga ako pagdating sa mga lalaki. 

 

Pero para lang siyang ‘yung mga kaibigan naming lalaki nila Ning. Mas open nga lang ‘tong si Yeonjun pagdating sa mga emotional na bagay. ‘Yung mga kaibigan kasi naming lalaki, ang hirap kausapin tungkol sa mga crush crush nila. Iniiwasan nila ‘yung mga ganung topic. Nakakausap lang namin sila nang masinsinan tungkol sa mga ganung bagay kapag nag-iinuman kami o kaya desperate sila for advice.

 

Itong si Yeonjun parang rare breed ng lalaki. Siya pa nga unang nag-approach sa akin sa tambayan kahapon para pag-usapan ‘yung pagkaka-crush niya kay Karina. Ewan ko ba kung ako lang pero diba bihira ka lang makakakita ng lalaking ganyan ka-open sa ibang tao tungkol sa feelings nila. So far mukhang tama naman ‘yung judgment ko sa kanya, at mukhang tama rin desisyon ko na mag-wingwoman para sa kanila ni Karina.

 

Biyernes na ngayon, at mamaya na ‘yung gig sa Jess & Pat’s. So mamaya na rin magpapakilala formally si Yeonjun kay Karina. Binilin na rin ni Yeonjun na sa akin na lang sumabay si Karina papunta sa gig mamaya.

 

Pupunta rin ‘yung mga kaibigan ko sa gig. Doon na lang kami magkikita-kita since may mga pasok sila, at didiretso na lang sila after class. Sabi ko kay Chaeryeong, pumunta na lang siya sa UP after ng class niya at isasabay ko na lang siya papunta sa Jess & Pat’s since sa Ateneo lang naman siya galing.

 

Kasabay na rin namin mamaya papunta si Ryujin. Miracle actually. Simula nag-away kami, hindi pa kami nakakapag-hang out ulit na buong barkada talaga. It’s either wala ako or si Ryujin. Nagulat nga ako nung nag-respond siya sa GC na pupunta rin daw siya. Ako na lang nag-offer na sumabay siya dahil awkward naman kung hindi diba? Same school kami tapos kami pa hindi magkasama pupunta?

 

In other news, napansin kong bihis na bihis si Karina ngayon. Styled din ‘yung buhok niya ngayon. Medyo wavy, and mas bagay sa kanya ‘yung ganito.

 

“Excited ka mamaya?” Panloloko kong bati kay Karina pagpasok ko sa classroom.

 

“What?”

 

“Sa gig,” sagot ko. “Makikita mo na secret admirer mo.”

 

“Shut up,” napansin kong namumula na tenga ni Karina.

 

“Sige. Secret lang natin,” nag-gesture ako na zinipper ko bibig ko. Nag-pout lang si Karina, at tinawanan ko lang siya.








 

Mabilis lang lumipas ‘yung araw ngayon. Himala nga dahil hindi kami sobrang busy ngayon. Sakto lang ‘yung mga activities namin kanina, at napaaga rin ng mga 15 minutes ‘yung dismissal namin.

 

[dogshowerz nation]

 

wintot [4:47 p.m.]: kakatapos lang ng class ko punta na lang kayo AS parking doon ako nakapark

ryujin [4:48 p.m.]: sige kasama ko na rin si chaer



 

“Karina, ready to go ka na ba?” Tanong ko sa katabi kong kakatapos lang magligpit ng gamit niya.

 

“Yeah.”

 

“Tara na, baka mauna pa sila sa parking.”

 

“Who are we going with?” Tanong niya habang naglalakad kami.

 

“Si Chaeryeong, isa sa friends ko,” nag-pause muna ako. “Tsaka si Ryujin.”

 

“Will you be okay?” 

 

“Bakit naman hindi?” Lumingon ako sa kasama ko at kita ko ‘yung worry sa mukha niya. “Okay naman na ako… Actually, natauhan ako nung birthday mo.”

 

“What do you mean?”

 

“Na wala naman talaga akong chance noong una pa lang… Tsaka doon ko napagtanto na gusto ko na makausap ulit si RJ.” Tumango lang sakin si Karina.

 

Kahit hindi pa ako fully okay sa ginawa ni Ryujin, gusto ko na maging civil man lang sa kanya dahil ayokong maapektuhan ‘yung friendship namin sa ibang tao. Marami kaming mutual friends. Ayokong ma-awkward sila katulad na lang nung birthday ni Karina. Tsaka napipilitan din si RJ na umiwas sa barkada namin dahil sakin. Kaibigan niya rin naman sila. Ayokong mabuwag ‘yung barkadahan namin dahil lang sa away naming dalawa.



 

 

 

“Kami na lang ni Chaer sa likod,” sabi ni Ryujin nung pasakay na kami sa sasakyan. Tumango na lang ako. Mas comfortable rin naman siguro si Karina kung ako katabi niya since ako ‘yung pinakaclose niya.

 

Tahimik lang ‘yung trip namin papuntang Jess & Pat’s. May music lang na nagplaplay pero walang nagsasalita sa amin.

 

“Gusto mo ba sa bahay na lang mag-park?” Alok ni Ryujin sakin. Malapit lang kasi sa Maginhawa ‘yung bahay ni Ryujin. Mahirap din maghanap ng parking na maayos kaya naisipan kong tanggapin na lang ‘yung offer.

 

“Okay lang ba?” Tumango sakin si Ryujin. “Sige dun na lang sa inyo. Thanks.”

 

Nakita ko naman na nginitian ako ni Karina. Parang encouraging smile ba na sinasabing good progress ‘tong short exchange namin ni Ryujin.







 

winter [5:48 p.m.]: jun, san ka? naglalakad na kami papunta malapit na

 

Nag-text na ako kay Yeonjun para i-inform siya na malapit na kami. Nakalimutan ko kasi siya i-message bago kami umalis sa campus.

 

jun [5:50 p.m.]: Nandito na ako. Ingat kayo.

jun [5:51 p.m.]: Kinakabahan ako.

 

Natawa naman ako pagkabasa ko ng message niya.

 

“Why are you laughing?” Tanong ni Karina.

 

“‘Yung secret admirer mo kasi. Kinakabahan daw,” sagot ko. 

 

Nahiya naman kaagad si Karina, at tinulak niya ako nang mahina bago niya tinuck ‘yung buhok niya sa likod ng tenga niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Ganito ba kiligin si Karina?

 

Napansin ko naman na parang gulat pareho sila Chaeryeong at Ryujin. Pero naka get over agad sila sa shock nila, at may iba ng expression ngayon sa mukha ni RJ na hindi ko ma-pinpoint.

 

“May secret admirer si Karina na org mate ko,” shinare ko sa kanila para naman makarelate sila. “Siya ‘yung nag-invite kay Karina dito ngayon.”

 

“Shut up, Winter,” nahihiyang sabi ni Karina.

 

“Taray nung may secret admirer,” sabi ni Chaeryeong, at ayun na nga, namumula na naman tenga ni Karina.




 

“Winter!” Kumaway sa amin si Yeonjun pagpasok namin. Maliit lang naman ‘tong Jess & Pat’s kaya nakita rin namin siya kaagad.

 

Nauna naman ako lumapit sa table kung saan nakapwesto si Yeonjun. Nakasunod lang sakin ‘yung mga kasama ko.

 

“Karina,” nakayuko si Karina sa likod ko. “Ito na si 'not so secret admirer mo',” natatawa kong pag-introduce sa kanilang dalawa. Nag-action pa talaga ako ng quotation marks for emphasis.

 

“Hi, Karina. Ako si Yeonjun,” nag-extend ng kamay si Yeonjun para makipag-shake hands at inaccept naman ‘yun ni Karina.

 

“Nice to meet you,” mahinang sabi ni Karina. “Thank you for the libre these past few days.”

 

“No problem.”

 

Pinapanood lang namin sila nila Chaeryeong at RJ. Para silang ewan. Makakapag-usap ba talaga sila kung pareho silang ganito ka-mahiyain?

 

“Upo na kayo,” medyo nauutal na sabi ni Yeonjun, at natatawa naman ako mentally. Usually, kalmado lang kasi 'to si Yeonjun.

 

“Jun, sila Chaeryeong at Ryujin pala, mga friends ko,” pakilala ko sa kanila pagkaupo namin at nag-hi naman sila sa isa’t isa. “Darating pa iba naming barkada mamaya.”

 

“Umorder na pala ako ng wings. Order lang kayo ng mga gusto niyo. Ako na bahala,” sabi ni Yeonjun.

 

“Uy nakakahiya naman.” Ang dami-dami naming magkakaibigan. Kahit si Karina na lang sana ilibre ni Yeonjun.

 

“Okay lang talaga. As a token of appreciation lang,” natatawa niyang sabi.

 

Umorder na lang ako. Pwede pa rin naman ako mag-abot ng ambag ko para sa friends ko mamaya eh.

 

Ang naaappreciate ko dito sa Jess & Pat’s ay ‘yung fact na hindi sila nagseserve ng alcoholic drinks. Hindi naman kasi talaga dapat requirement sa gig na may inuman. Masaya rin ‘yung ganito lang. Umorder na rin sila Ryujin at Chaeryeong ng shake nila.

 

“So, bio major ka tulad ni Winter diba?” Narinig ko yung attempt ni Yeonjun na mag-start ng conversation with Karina. Katapat ko sila sa table ngayon, at napapagitnaan namin ni Ryujin si Chaeryeong.

 

“Yeah. Ikaw ba?” Tanong sa kanya ni Karin

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yjmnyz
Happy 100 upvotes! I appreciate you all!

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Chapter 29: 😕
bigboy123
139 streak #2
Chapter 29: Re-reading this chapter cause… 👀👀🤭🤭
taexx_ss
#3
Chapter 29: re-reading, happy new year siguro 🤧
fanficethusiast #4
Chapter 29: hello author still waiting for next ud 🥺
xoxosonekpop
#5
Chapter 29: Hello author-sshi great storyline 👏👏👏
kwinterrr_
#6
Chapter 29: 💖
Kannakobayashi09 #7
Hi? Author?
bigboy123
139 streak #8
Chapter 29: hello? tao po? 🥹🥹
heartwaves
#9
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story
heartwaves
#10
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story