Chapter 14: Lunch

Akin Ka Na Lang
Please Subscribe to read the full chapter

Sobrang bilis lumipas ng weekend na ‘to. Sa sobrang bilis, wala akong natapos na schoolwork. May essay akong due para sa Philo 1 class ko sa Wednesday pero hindi ko ‘yun nagawa. Ibang tanong kasi ‘yung hinahanapan ko ng sagot buong weekend.

 

May gusto ba talaga ako kay Karina? Kung meron, ano namang gagawin ko?

 

Tatlong araw. Simula Sabado hanggang Lunes. Iyan lang ‘yung laman ng utak ko. Lumipas tatlong araw pero hindi ko pa rin masagot nang diretso.

 

O baka naman alam ko na ‘yung sagot pero takot lang ako harapin.

 

To be honest, sa sobrang gulo ng isip ko, gusto ko na sana lapitan si Ning for advice. Kaso nga lang kapag nag-kwento ako dun, tutuksuhin niya lang ako. Feeling ko pa naman eh nadadala lang ako ng pang-aasar nila kaya ako naguguluhan nang ganito ngayon. Kaya nag-decide ako na sarilihin na lang muna. Ayoko muna ng external factors.

 

Sinasabi sakin ng logic ko na hindi ko naman siguro i-ooverthink ‘to nang ganito kung wala lang talaga, diba? Pero overthinker naman talaga ako so posible rin na hindi ko naman talaga siya crush at napapraning lang ako. So let’s say, hypothetically, na may crush ako kay Karina, ano namang next action ko?

 

Ang ty ko naman kung bigla kong sasabihin na “Jun, ayoko na maging wingwoman, crush ko din pala ‘yung crush mo.” Kaibigan na rin turing ko kay Yeonjun, at ayoko naman masira ‘yung friendship namin.

 

At tsaka more importantly, kahit pa naman mag-back out ako sa pagiging wingwoman, hindi nun mababago ‘yung fact na I have little to no chance. Sa pagkakaalam ko, straight si Karina. Hindi naman siguro worth sacrificing ‘yung friendship ko sa kanilang dalawa ni Yeonjun para sa bagay na wala namang chance.

 

So anong solusyon? Naaalala ko ‘yung sinasabi nilang “out of sight, out of mind.” ‘Yan nga dapat i-aapply ko during the whole Ryujin and Yeji situation, pero hindi ko na ‘yun problema ngayon. Iba na.

 

Mahirap i-apply ‘tong out of sight, out of mind na ‘to pagdating kay Karina. Una sa lahat, classmate ko siya sa lahat ng klase ko except Philo and PE, so wala akong choice kung hindi makita siya mula Tuesday hanggang Friday. Kami pa laging lab partners, at kagrupo ko rin siya sa lahat ng subjects naming may groupings.

 

Pangalawa, I really really like hanging out with Karina. Bakit kasi sa lahat ng posibleng magustuhan, ‘yung bagong close friend ko pa? Plus, kaya nga ayokong aksyunan ‘yung hypothetical feelings ko dahil ayaw kong masira ‘yung friendship namin. Mahahalata agad ni Karina kapag iniwasan ko siya.

 

Again, hypothetically, emphasize ko lang na hypothetical, kung may crush man ako kay Karina, madali pa naman siguro akong makaka-get over. Mababaw na crush pa lang naman ‘to, if ever na meron talaga, so maybe a little distance would do. 

 

Kailangan ko lang siguro dumistansya nang onti, hindi ‘yung total iwas. Hindi naman siguro ako mahihirapan dumistansya dahil nandiyan naman na si Yeonjun. Sure naman akong first of many lunch dates nila ‘yung mamaya.

 

“Bunso, gising-,” katok ni ate Taeyeon sa kwarto ko dahil gigisingin niya sana ako. “Gising ka na pala. Akala namin nag-oversleep ka. Bakit hindi ka pa bumababa?”

 

“Bababa na rin. Wait lang,” bumangon na ako sa kama. Tinatamad talaga akong tumayo ngayon dahil antok na antok ako. Magcocommute na lang siguro ako papasok ngayon. Wala ako sa wisyo mag-drive.

 

“May almusal na dun. Alis na ako ha?”

 

“Ingat,” sabi ko sa ate kong sinusundan ko pababa ng hagdan.

 

“Next week ko na bigay allowance mo.” Simula nag-college ako, si ate Taeyeon na nagbibigay ng allowance sakin para daw bawas gastusin na kay mama. Si ate Seulgi naman kaka-start lang rin mag-work pagpasok ko sa UP, pero minsan binibigyan niya ako ng extra na pera. Ang saya maging bunso, diba? Pangit lang naman sa pagiging youngest eh ‘yung sandamakmak na utos.









 

Napatingin ako kay Karina dahil naglapag siya ng 1/4 na yellow paper sa desk ko.

 

“Ano ‘to?” Confused kong tanong.

 

“Pop quiz daw,” sagot niya. “Weren’t you listening, miss University Scholar?” Pang-aasar niya sakin.

 

Tumango lang ako. Sa lahat-lahat ng araw na magpapa-surprise quiz, ngayon pa talagang hindi ako nakapag-aral buong weekend. Nag-discuss naman nang onti prof ko before quiz, pero wala talaga sa klase attention ko ngayon. Bahala na.



 

Binalik na sakin ni Karina ‘yung papel ko. First time ko yata this sem na makakuha ng mababang score. Well, hindi naman mababa na bagsak. Pumasa naman ako. Barely.

 

“Are you alright?” Rinig ko ‘yung concern sa boses ni Karina.

 

“Yeah. Bakit naman hindi?”

 

“You’re just so out of it today. You sure na okay ka lang?”

 

“Okay lang naman. Medyo masaskit lang ulo ko. Kulang lang siguro ako sa tulog.”

 

Nagulat ako sa next na ginawa ni Karina. Bigla niyang nilagay kamay niya sa noo ko. Karina, wag kang ganyan. Wag mo kong binibigla. Wag mo na ako lalong pahirapan. Nararamdaman ko nang nag-iinit ‘yung pisngi ko pero sana hindi mahalata ni Karina.

 

“Parang medyo mainit ka,” sabi niya pagkatanggal niya ng kamay niya sa forehead ko. “And you’re slightly red too.”

 

“Bawi na lang siguro ako ng tulog pag-uwi.” Tumango siya sakin, bago niya ibalik ‘yung attention niya sa lecture ng prof namin. Ako naman, lalo lang natulala at nalutang. Lalabas talaga ako ng classroom ngayon na walang natututunan.








 

Nakaabang na si Yeonjun sa labas ng building after ng class namin. Kinawayan ko lang siya, at nag-salute lang siya pabalik. Tinawanan ko lang siya. Didiretso na dapat ako ng lakad, pero natigilan ako kasi nagsalita si Karina.

 

“Winter, aren’t you joining us for lunch?” Nakakunot ‘yung noo niya.

 

“Punta pa akong lib, may tatapusin akong essay na due bukas.” Hindi naman ako nagsisinungaling. Kailangan ko talaga matapos ‘tong essay para pahinga na lang ako pag-uwi.

 

“Will you be okay alone though? You’re not feeling well.”

 

“Wala akong sakit. Sleep-deprived lang talaga,” I assured her. “Enjoy kayo sa lunch niyo.”

 

“Galingan mo dyan sa essay mo, ssob Winter,” sabi ni Yeonjun sakin.

 

“Ako pa ba?” Pabiro kong pagyayabang. “Sige, punta na ako lib ah.”









 

May hinahanap akong libro ngayon dito sa library. Sinubukan kong maghanap ng digital copy ng librong kailangan ko pero wala akong makita. Buti na lang nagcheck ako sa catalogue ng lib, at nakita kong may isang copy na available dito.

 

Nahanap ko naman agad ‘yung libro. Thank you, Dewey Decimal System. Kukuhanin ko na sana pero may kasabay akong humawak sa book. Napatingin ako sa kanya, at tama ba ‘tong nakikita ko?

 

“Winter? Ikaw ba ‘yan?” Pareho kaming shocked ng babaeng kasabay kong kumuha ng libro. Last kasi kaming nagkita nung elementary graduation pa namin.

 

“Somi?”

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yjmnyz
Happy 100 upvotes! I appreciate you all!

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Chapter 29: 😕
bigboy123
139 streak #2
Chapter 29: Re-reading this chapter cause… 👀👀🤭🤭
taexx_ss
#3
Chapter 29: re-reading, happy new year siguro 🤧
fanficethusiast #4
Chapter 29: hello author still waiting for next ud 🥺
xoxosonekpop
#5
Chapter 29: Hello author-sshi great storyline 👏👏👏
kwinterrr_
#6
Chapter 29: 💖
Kannakobayashi09 #7
Hi? Author?
bigboy123
139 streak #8
Chapter 29: hello? tao po? 🥹🥹
heartwaves
#9
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story
heartwaves
#10
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story