Chapter 18: Double Date

Akin Ka Na Lang
Please Subscribe to read the full chapter

Kakatapos ko lang magsagot ng huling exam ko. Sa wakas, patapos na rin ako sa school year na ‘to. Kailangan ko na lang gawin ‘yung mga final reqs na hindi ko pa natatapos, at lalaya na rin ako. 

 

Tapos na nga dapat ako sa exams kung hindi lang ako nagkasakit nitong linggo. Ang hassle lang na finals week pa talaga bumigay ‘yung katawan ko pero buti na lang understanding din ‘yung prof namin.

 

Pero nakakainis, ‘no? Most of the time, wala ka talagang say sa takbo ng mundo. Minsan hindi ka man lang nabibigyan ng choice, kailangan mo talagang sumabay. Imagine may sakit ka na, kailangan mo pa rin mag-alala sa pag-aaral.

 

Napaisip tuloy ako sa mga nangyari this sem. Natatawa na lang ako pag naaalala kong naisip kong mag-transfer sa UPM dahil lang kanila Ryujin at Yeji. Para pala akong tanga. Ang babaw ko lang.

 

Nakakagulat nga at ang bilis kong naka-get over sa feelings ko kay Yeji. Wala na. Hindi na siya masakit ngayon. Kahit kagat ng langgam, wala na. Balik na ako sa normal pagdating sa kanya. Hindi na ako naiilang na kausapin siya sa mga klase namin. Ganun na rin kay RJ. No hard feelings na. If anything, I’m rooting for their relationship. Kita ko naman gaano sila kasaya sa isa’t isa.

 

Karina. Siya siguro ‘yung pinakaspecial na nangyari sakin this sem. Sobrang unexpected ng friendship namin. Oo nandun na tayo sa magka-course at magka-batch kami, at meron din kaming mutual friends, pero kung sabihin ko siguro sa last sem self ko na magiging ganito kami ka-close, baka tawanan ko lang sarili ko. Mas malala pa siguro reaksyon ko kapag sinabi niya sakin na magkakafeelings ako kay Karina.

 

Sa totoo lang, hindi ko alam kailan nag-umpisa. Noong gig lang ba na nakita ko silang magkasama ni Yeonjun? Siguro hindi kasi kaya nga hindi ko sila kinayang makita na masayang magkausap eh dahil malamang sa malamang, may nararamdaman na ako para kay Karina nun.

 

Baka naman nung birthday ni Karina na nag-overnight kami sa kanila. Baka nung niyakap niya ako nung matutulog na kami, o baka nung pinili niya ako na pinakajowable at kiniss niya ako sa pisngi.

 

Pero bakit pakiramdam ko mas maaga pa? Noong nag-usap kami sa Sunken Garden. Noong shinare ko sa kanya ‘yung balak kong mag-transfer sa UPM. Baka kaya ako naging desidido na wag lumipat eh dahil ayokong lumayo kay Karina. Dahil nasanay na ako sa presence niya. Dahil gusto ko siyang makita araw-araw.

 

Siguro nung Valentine’s Day. Noong una kaming nag-deep conversation. Noong mas nakilala ko si Karina, at nalaman kong napaka-soft niya pala as a person. Baka nagsimula akong mahulog sa kanya noong nanood kami ng UP Fair mula sa tuktok ng Sunken Garden habang kumakain ng kwek-kwek. Baka habang pinapanood ko siya na ineenjoy ‘yung performances ng mga artists. Ang ganda lang ng ngiti niya nung gabing ‘yun.

 

O baka noong una kaming nag-lunch na kasama pa namin si Giselle. Nung tumambay kami sa labas ng main lib, at nakita ko gaano siya ka-affectionate sa mga pusa.

 

Natatawa na lang ako sa mga naaalala ko. Parang binalikan ko lang lahat ng memories ko kay Karina. Ngayon ko lang napansin na nakasentro lang ‘yung memories ko ng sem na ‘to sa unti-unti pero mabilisan kong pagkahulog kay Karina.

 

Nandun lahat ng signs simula umpisa. Bakit hindi ko napansin? O sinadya ko bang hindi pansinin? Siguro nga aware talaga ako pero in denial lang ako dahil ayokong masaktan ulit.

 

Pinakamasaklap na yata sa lahat ng bagay eh mahulog for someone straight. Instant olats ka dyan. Noong una, may part pa saking umaasa na baka naman pwede. Alam kong mababa ang posibilidad pero may part kong umaasa dahil minsan kapag nagtatama mata namin ni Karina, parang nakikita kong may pag-asa. Baka naman pareho kami ng nararamdaman. Nadadagdagan pa ‘yung pag-asang ‘yun tuwing nagiging clingy siya sakin. Pero pag-iilusyon ko lang pala yun. Ako lang naglalagay ng kahulugan sa mga moments na ‘yun.

 

Bakit ngayong na-realize at tanggap ko nang may feelings ako para kay Karina, tsaka ko naman maririnig directly sa kanya na straight siya?

 

Buti na lang advanced akong mag-isip, at tinulungan ko si Yeonjun na i-pursue si Karina. Siguro kapag naging sila na, matatauhan ako at mababaon ko na sa limot ‘tong feelings ko.

 

Sometimes, stopping is the step forward, at dito ‘yun applicable. Wala naman akong ibang choice kung hindi tumigil. Wala namang patutunguhan eh.

 

Pinipilit kong hindi kiligin. Dedma lang sana pero ang hirap. Tulad na lang nung overnight sa bahay namin. Magkayakap na naman kami ni Karina matulog, at nahuli pa nga kami ni ate Taeyeon. Wala namang problema ‘yun sa pamilya namin. Out naman ako simula SHS, at tanggap naman nila ako. Inaasar pa ako ni ate Taeyeon at kinwento niya pa talaga kay ate Seulgi. 

 

Si ate Taeyeon kasi ‘yung gumising sakin nung umagang ‘yun at nadatnan niyang nakaunan si Karina sa braso ko habang magkayakap kami. Buti na lang at hindi nagising si Karina sa pang-aasar ng ate ko. Pagkababa ni Karina, lalo pa akong pinag-tripan ni ate Taeyeon, at tinanong pa niya si Karina kung malambot ba ‘yung unan. Mamaya makahalata pa si Karina at mailang sakin.

 

Napansin ko rin na ang tahimik ni Karina nung araw na ‘yun. Nasa ganung stage na siguro sila ni Yeonjun. ‘Yung stage na nalulungkot sila pag hindi nila kausap isa’t isa.

 

Buti na nga lang rin at nandiyan si Somi. At least maliban sa orgmates ko may iba akong nakakasama kapag lunch. Tuloy-tuloy pa rin kasi ‘yung lunch dates nila Yeonjun at Karina. Mas maigi na rin siguro dahil pag nalimit interactions namin, mas mabilis din akong makaka-get over.

 

Speaking of Somi, napag-usapan naming mag-samgyup ngayon. After ko kasing magkasakit, lagi niya kong pinapakain ng gulay. Binabaunan niya pa talaga ako ng mga sandwich at salad. Hindi ako mahilig sa gulay kaya para mapilit ako sabi niya hanggang Friday, kainin ko yung mga binabaon niya tapos ililibre niya ako ng samgyup.

 

Sinong tatanggi sa libreng samgyup? Syempre hindi ako. Kaya pinilit kong ubusin ‘yung mga gulay na dinadala niya kahit umay na umay na ako.

 

Nagpapasalamat talaga ako dito kay Somi. Nagkataon lang kasi na nung may sakit ako eh nag-yaya din siya na mag-breakfast muna bago pumasok. Nung nalaman niya na may sakit ako, pinuntahan niya agad ako sa bahay. Napaabsent pa tuloy siya sa first class niya. Buti na lang at wala pa siyang exam sa subject niyang ‘yun.



 

Maliligo na dapat ako para mag-ready pumasok, pero pinabalik ako ni mama sa kwarto after magdugo ng ilong ko. Hindi naman ako makakatakas para pumasok kasi ibinilin niya na ako sa mama ni Ning.

 

Ayoko sanang umabsent. Ang hirap kayang umabsent pag may exam. Maghahanap pa kayo ng prof mo ng sched na fit sa inyong dalawa para lang makapag-special exam ka. Depende pa ‘yan kung papayag ‘yung prof mo na bigyan ka ng special exam. Papayagan naman siguro ako dahil medical reason naman. Napaka-inhumane naman kung hindi ‘no. 

 

No choice na ako kung hindi magstay na lang dito sa bahay. Parang mabibiyak na rin ‘yung ulo ko sa sakit. Sana pala hindi na ako nagpuyat kagabi kaka-review.

 

Nilabas ko na ‘yung phone ko para mag-email sa prof ko na hindi ako makakapasok. Ang sakit lalo sa ulo ng ilaw ng phone ko. Sana mag-reply agad. Nakaka-anxious kasi kapag hindi ka pinapansin ng profs mo pagdating sa mga ganitong matter.

 

Buti na lang rin pala at nag-phone ako dahil may message galing kay Somi. Baka maghintay ‘to sakin kung hindi ko nakita ‘yung message niya.

 

somi [8:09 a.m.]: winter, breakfast tayo para makapag-kape bago pumasok

winter [8:11 a.m.]: sorry somi di ako papasok. may sakit ako

somi [8:11 a.m.]: ha totoo ba

somi [8:11 a.m.]: sino kasama mo ngayon?

winter [8:12 a.m.]: wala pero okay lang binilin naman ako ni mama sa mama ni ning. nag-iwan siya ng susi ng bahay namin sa kanila

somi [8:12 a.m.]: punta ako dyan

winter [8:13 a.m.]: wag na okay lang naman ako

somi [8:13 a.m.]: dalhan lang kita ng breakfast

winter [8:13 a.m.]: baka ma-late ka

somi [8:14 a.m.]: maaga pa. sige na. wag ka na magphone. hiramin ko na lang keys ng bahay niyo kanila ning pagdating ko

 

Gusto ko pa sana mag-reply ng thanks kay Somi kaso hindi na talaga kinakaya ng ulo ko. Nilagay ko sa study table ‘yung phone ko pagkatapos ko itong ilagay sa silent mode, at natulog na lang muna ulit ako.

 

Nagising na lang ako dahil tinatapik ako ni Somi.

 

“Win,” mahina niyang tapik sakin.

 

“Hmm,” parang medyo maaligasgas pa ‘yung lalamunan ko. Hinawakan naman ni Somi ‘yung noo ko.

 

“Hala ka. Sobrang init mo,” napadilat ako sa lakas ng boses niya. Nararamdaman ko nga ‘yung singaw ng init sa katawan ko. Kitang kita ko naman ‘yung pag-aalala niya.

 

“Masakit nga ulo ko,” pati pagsasalita kinakatamaran ko na sa sobrang panghihina na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung naintindihan ba ako ng kausap ko.

 

“Kain ka para makainom ka ng gamot.” Umiling ako. “Sige na. Kailangan mo.”

 

“Nanghihina ako.” Ayokong bumangon. Ngayon pa nga lang nakahiga ako parang umiikot na ‘yung paligid ko. Paano pa kaya pag umupo ako.

 

“Lalo sasama pakiramdam mo… Paano ka mag-dodoctor kung matigas ulo mo.” Natawa naman ako nang mahina sa sinabi niya. Parang si Karina lang pag sinisita ako sa pagkain ng junk foods.

 

Ano ba ‘yan. May sakit na nga ako si Karina pa rin iniisip ko.

 

Dahan-dahan akong umupo, at inalalayan naman ako ni Somi. Nakita kong may nakapatong na bowl at baso ng tubig sa study table ko. Nilagay ni Somi ‘yung folding table sa kama, at sinerve niya na sakin ‘yung bowl ng lugaw.

 

“Kaya mo kumain?” Tumango ako kay Somi. Kinuha ko na ‘yung kutsara at susubo na dapat ako pero dahil yata sa panghihina ng mga buto-buto ko ngayon eh natapon ko sa table ‘yung laman ng kutsara ko.

 

Mabilis naman na pinunasan ‘yun ni Somi. “Di ka natapunan?” Umiling ako. “Subuan na lang kita. Wag ka na mag-reklamo.”

 

Ayoko na makipagtalo. Sumunod na lang ako kay Somi. Hinihipan niya muna

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yjmnyz
Happy 100 upvotes! I appreciate you all!

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Chapter 29: 😕
bigboy123
139 streak #2
Chapter 29: Re-reading this chapter cause… 👀👀🤭🤭
taexx_ss
#3
Chapter 29: re-reading, happy new year siguro 🤧
fanficethusiast #4
Chapter 29: hello author still waiting for next ud 🥺
xoxosonekpop
#5
Chapter 29: Hello author-sshi great storyline 👏👏👏
kwinterrr_
#6
Chapter 29: 💖
Kannakobayashi09 #7
Hi? Author?
bigboy123
139 streak #8
Chapter 29: hello? tao po? 🥹🥹
heartwaves
#9
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story
heartwaves
#10
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story