Chapter 27: I Hate You, I Like You

Akin Ka Na Lang
Please Subscribe to read the full chapter

winter [5:52 p.m.]: nakauwi na po ako :>

 

Ngayong binasa ko ulit ‘yung message ko, parang masyado pala akong pa-cute. Kaso napindot ko na ‘yung send. Bahala na siguro.

 

Kakauwi ko lang galing kanila Karina, at dumiretso ako ng higa sa kama ko. Pinatong ko muna sa tiyan ko ‘yung phone ko habang naghihintay ng reply niya.

 

Kung hindi pa nangalay ‘yung panga ko, hindi ko marerealize na magdamag akong nakangiti. Simula yata umalis ako sa kanila hanggang makarating ako dito sa bahay, nakangiti lang ako.

 

Paano ba namang hindi? Ito na yata ‘yung pinakamasayang moment ng buhay ko simula pumasok ako sa impyernong tinatawag nila na UP.

 

Aligaga kong binuksan ‘yung phone ko after kong maramdaman itong mag-vibrate. Muntik pa akong mahulugan sa mukha.

 

karina [5:54 p.m.]: okay

 

Bakit parang ang sungit pa rin? Akala ko okay na kami kanina?

 

May nag-pop up na bagong message.

 

karina [5:54 p.m.]: good to know you got home safely. babawi ka pa sakin

 

Taympers po. Akala ko quota na sa kilig kanina. Para na yata akong ewan. Wala naman masyadong special sa sinabi niya pero ang lawak na naman ng ngiti ko dito.

 

winter [5:54 p.m.]: yes ma’am 😎

karina [5:55 p.m.]: since you’re home na, i’ll take a nap muna. i’m sleepy :(

winter [5:55 p.m.]: okay po. sleep well po :>

 

Nag-send si Karina ng GIF ng inaantok na pusa, at sinabi ko na lang na mag-chat na lang siya ulit paggising niya.

 

Guni-guni ko lang ba ‘to dahil high pa ako sa kilig na nararamdaman ko, o talagang nag-shift ‘yung energy or dynamics namin kahit sa chat lang after naming mag-usap ngayong hapon? Nababaliw na yata ako dahil simpleng way ng pagchachat ni Karina naging cute na sa paningin ko.

 

To clarify, hindi pa kami official. Emphasis sa pa. So, ayun nga wala kaming official label, sa ngayon.

 

Natural lang naman ‘yun gawa nga ng kasalanan ko. Ang mahalaga nakapag-usap na kami. Nakapag-sorry ako, at nailabas ko na rin ‘yung feelings kong matagal ko nang kinikimkim.



 

“I hate you,” nanginginig ‘yung boses niya, at may namumuong luha sa gilid ng mata niya.

 

Nag-panic ako noong nakita kong paiyak na si Karina at nasiko ko pa ‘yung busina, at napagtinginan pa tuloy ng mga nandito sa labas ng McDo ‘yung sasakyan ko. Mabuti na nga lang, at hindi na kami nilapitan ni kuya guard. Gets naman yata niyang aksidente lang napindot ‘yung busina.

 

I turned sa backseat para abutin ‘yung box ng tissue. Humila ako ng tatlong piraso, at inoffer ko kay Karina, but she swat my hand away. Tinignan niya ako with a serious expression.

 

“Sorry,” maliit kong sambit. Para akong nanliliit sa pagtingin niya sakin ngayon.

 

“Winter.” Ngayon niya lang tinawag ‘yung pangalan ko sa ganitong tono. “I waited. Araw-araw. Because I trust you a lot. I know that you’re not the kind of person to pull something like that. Alam kong you’ll eventually come around, and we’ll get to talk about things between us.”

 

Ito nga ‘yung sinabi sakin ni Yeonjun kanina, but hearing it from Karina herself, na-disappoint ako lalo sa sarili ko. Lalo akong na-guilty.

 

“When I confessed, I prepared myself sa possibility na you might reject me, and I braced myself even more for that pain when you did not reply. I’m going to be completely honest with you. It hurt me. So much.” Judging by the fact na paputol-putol si Karina magsalita, alam kong nilalabanan niya ‘yung luha niya.

 

“I’m sorry.”

 

“Let me finish muna.” Tumango ako to urge her to go on.

 

“But then, I thought na napaka-out of the blue ng confession ko. Maybe you found it overwhelming. Especially when Somi also kind of confessed to you the night before. I thought you needed some time to process it. So, I waited. I fought the urge na mag-message sayo ulit.”

 

“I know you, and I trust you. I thought na kahit unreciprocated man feelings ko, I know that you’re not the kind of person who would just avoid and ignore me forever. Kaya I decided to wait until you’re ready to talk to me,” pinunasan niya ‘yung gilid ng mata niya gamit ‘yung likod ng kamay niya.

 

“And then we bumped into each other sa UPTC kanina. You approached me, and I was pissed, Winter. Really pissed,” madiin ‘yung pagkakasabi ni Karina. “You were trying to act like nothing happened. Naisip ko na maybe mali pagkakakilala ko sayo. I thought to myself, ganito na lang ba ako kay Winter? Do my feelings not matter at all sa kanya? We sat there for almost 2 hours. You talked about the most random things except what happened between us. Naisip ko na you must not really care at all kaya I didn’t bring it up myself.”

 

That was not my intention at all. It’s actually the exact opposite. Pero hindi ako umimik dahil hindi ko naman masisisi si Karina kung ganun ang naisip niya.

 

“I hate you,” her voice softened.

 

Late na nga yata ako, but I still want to make it up to her. Kahit na gusto niya pa ako or hindi na. Gusto ko pa rin ipakita ‘yung remorse ko.

 

“What took you this long? Bakit ngayon lang, Winter?” Ito na yata cue kong magsalita.

 

“Takot. Duda,” parang na-stuck sa lalamunan ko ‘yung boses ko. Magiging honest na rin ako. Deserve niya ng explanation after being patient with me. “Natakot ako, Karina. I read your confession again and again, tapos nagkaroon ako ng duda. Dahil sa sinabi mong maybe. Hindi ka pa sigurado, at ayokong itaya ‘yung pagkakaibigan natin sa hindi sigurado.”

 

Magsasalita dapat si Karina pero pinigilan ko muna siya. Hindi pa ako tapos.

 

“Pinagdaanan ko na ‘yun dati. High school. I lost an important person dahil nag-try kami, but it turned out na hindi niya naman pala talaga ako gusto. Ayokong magkaganun tayo. Pero narealize ko ngang you’re different from her. At gusto kong subukan with you. After all, kahit gaano pa tayo ka-confused o kasigurado ngayon, we still don’t know what the future holds for us. Gustong gusto kita, Karina. Willing akong mag-try, basta ikaw.”

 

Para akong nabunutan ng malaking tinik, pero bitbit ko pa rin ‘yung guilt dahil nasaktan ko si Karina. May pagka-self-centered ako sa part na sariling damdamin ko lang inintindi ko. This is not all about me. Parte rin si Karina nito. Dapat inisip ko rin kung anong mararamdaman niya. I could have handled this a lot better.

 

Totoo ngang communication is key. Kahit gaano mo pa kakilala ‘yung isang tao, hindi all the time eh tama ‘yung basa or assumption mo sa kanila. Hindi tayo manghuhula. Mahalagang mailagay sa salita at ma-convey natin sa parties involved ‘yung mga dapat nilang malaman. ‘Yan siguro natutunan ko dito.

 

Hindi ko matignan si Karina habang hinihintay ko ang isasagot niya sa sinabi ko.

 

“Winter, look at me.” I reluctantly did as she said. “I like you. Gusto kita. I’m sure.”

 

World stop. Tama ba ako nang naririnig?

 

“Now that I heard your side, I realized na I had my own shortcomings too. I’m not gonna lie, I’m still mad,” she paused. “But that doesn’t change the fact that I still like you.”

 

Tumuloy na ‘yung pagtulo ng luha ni Karina. Teka. Ano na bang gagawin ko?

 

Ni-rub ko ‘yung likod ni Karina. Bakit ba ako ganito? Hindi ko rin alam. Gusto kong punasan ‘yung luha niya, pero pwede ko bang gawin ‘yun? Hindi ba ako weird?

 

Tinignan ako nang masama ni Karina, at kinabahan ako lalo. Pero tinilt niya katawan niya, at mabilis siyang sumubsob sa balikat ko. Naiwan sa ere ‘yung kamay ko, at hindi ko ‘to maigalaw.

 

“You at this,” she spoke without removing ‘yung mukha niya sa balikat ko. Nararamdaman kong medyo basa na ‘yung shirt ko pero okay lang. “Aren’t you even going to hug me?”

 

Hindi ko naman alam na pwede ko palang gawin ‘yun. Niyakap ko na kaagad si Karina, habang hinahagod ko ‘yung likod niya. She also wrapped her hands around my waist.

 

“Wag ka na umiyak.” Actually nafeel ko nang tumigil na si Karina, pero gusto ko lang manigurado. Tumango lang siya sa balikat ko.

 

“We’re both terrible at this.” Inangat niya na ‘yung ulo niya pero magka-hug pa rin kami. “But we’ll figure it out together.”

 

“Okay. We’ll figure it out together,” sagot ko. Bumitaw na siya sakin kaya nabreak na ‘yung yakap namin.

 

Pinunasan ko ‘yung traces ng luha ni Karina.

 

“Ang ganda mo pa rin,” I blurted out. Hinampas niya naman ako sa braso.

 

“Shut up.”

 

Ganito ka pala kiligin, ha. Ang cute lalo.

 

Pinanliitan niya naman ako bigla ng mata. “You’re not yet fully forgiven for ignoring me. One month ‘yun. May nalalaman ka pa before na not speaking to each other for a month won’t happen satin. You also told me na lalabas tayo ngayong vacation.”

 

Mukhang bonggang pagbawi ang kailangan kong gawin.

 

“Counted na ba ‘yung labas natin ngayon?” Pabiro kong tanong, pero I regretted it immediately dahil mas malakas na ‘yung pagpalo ni Karina sa arm ko ngayon. “Ouch,” I pouted.

 

“You asked for it.”

 

“I’ll make it up to you,” seryoso kong sabi.

 

“As you should.”

 

Ang cute cute talaga ni Karina.

 

“Malamig na yata ‘yung fries at nuggets,” kinuha ko sa likod ‘yung paper bag. Dumukot ako ng fries, at nandiri na ako sa lasa. Malamig na nga. Nananaig na ‘yung mantika.

 

“Don’t force yourself to eat that. Baka sumakit tiyan mo,” sabi ng katabi ko.

 

Wala na talaga akong balak ubusin ‘yung fries. Nilabas ko na lang ‘

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yjmnyz
Happy 100 upvotes! I appreciate you all!

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Chapter 29: 😕
bigboy123
138 streak #2
Chapter 29: Re-reading this chapter cause… 👀👀🤭🤭
taexx_ss
#3
Chapter 29: re-reading, happy new year siguro 🤧
fanficethusiast #4
Chapter 29: hello author still waiting for next ud 🥺
xoxosonekpop
#5
Chapter 29: Hello author-sshi great storyline 👏👏👏
kwinterrr_
#6
Chapter 29: 💖
Kannakobayashi09 #7
Hi? Author?
bigboy123
138 streak #8
Chapter 29: hello? tao po? 🥹🥹
heartwaves
#9
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story
heartwaves
#10
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story