Fight or Flight

Pag May Alak, May Balak

Nakapagmessage na si Irene kay Ate Marie na umorder na ng mga pagkaen at ihanda na ang mga tables sa labas at papasukin kung may dumating na sa team nila. On the way sila ni Wendy para sunduin naman ang dalawa pa nilang tropa at ang kambal. Nag.text na din si Rosé na nakahanda na at inaantay na lang na dumating sila. Inabot din sila ng thirty minutes bago nila nasundo dahil siyempre sa EDSA sila dumaan. Pagdating nila ay nakaabang naman si Lisa na nagyoyosi sa labas ng apartment nila. Bumaba silang dalawa at bumati bago pumasok sa loob si TL Irene habang sinamahan ni Wendy si Lisa na magyosi.

"Uy tol congrats ah. Tuwang tuwa na naman siguro si TL sa dagdag award ng team" sabi ni Lisa.

"Hindi rin namin ineexpect kasi tol kasali sila TL Sungjin, unofficial band na yun ng company. Pero ang sarap sa feeling manalo"

"I bet. Sayang di ako nakasali"

"Next time tol"

Sa loob naman ng bahay, dinodouble check ni Rosé ang mga gamit ng kambal. Naayos na niya talaga iyon kanina pero she wants to check again. Mahirap ng may maiwan na gamit.

"Diapers. Check. Bibs. Check. Baby wipes check. Extra clothes. Check. Changing mats. Check" sabi ni Rosé habang pinapasok ulit sa mga baby bags ang gamit.

"Ano ba usually dala niyo pag lumalabas kayo?" Tanong naman ni Irene na pinapanuod lang ang kanyang agent.

"Ugh. Depends on the weather po. I feel like I'm forgetting something"

Ang kaninang ayos na ayos na si Rosé ay gulo gulo na ang buhok. Kaya naman ay hindi rin napigilan ni Irene na medyo matawa.

"You're forgetting to breathe Roseanne. The twins will be fine. Just bring the necessities and if ever may nakalimutan, si Wendy papatakbuhin kong bumalik dito"

A sigh of relief came next from Rosé. Si Lisa ang madalas na nagpapakalma sa kanya at minsan naiinis ito dahil masyadong chill sa mga anak nila tapos siya ang panic mode pag hindi nila mapatahan pag sabay na silang umiyak. Kaya naman hearing it from another person made her realize na pwede naman talaga maging kalmado paminsan minsan. Marami din pwede magalaga sa kambal today kaya dapat at peace siya. With one final sweep, sinara na niya ang mga bag just in time din para pumasok ang mga asawa nila.

"Hi Rosé" bati ni Wendy pagpasok. Tumango naman ang kinausap. "Nagtext na si Jeongyeon. Andun na daw sila sa bahay. Let's go?"

With that, sumakay na sila sa sasakyan. Sa harap sina Wendy at Lisa habang tig isang kargang bata si Rosé at Irene sa likod. Compared kanina mas mabilis ang byahe nila. Nasa may Ayala na sila at habang naka.red light, nagtama ng tingin si Wendy at Irene sa rear view mirror at parehong nangiti. Pareho ng inimagine once na simulan na din nila ang kanilang pamilya. Irene would be a great mom, Wendy thought.

Nakarating na din sila sa kanilang bahay at lahat ng tropa ay nasa backyard nila. Saktong dating na din kasi ng pagkaen kaya nauna na sina Seulgi, Jeongyeon at Momo.

Si Wendy at Lisa naman ang kumarga sa mga bata habang dumiretso na sa tropa si Rosé na matagal tagal din nilang hindi nakasama dahil naka.maternity leave pa ito.

"Rosang!" Maligayang bati nila Joy at Nayeon. Tamang beso sa lahat bago kumuha nadin ng plato.

Baliktad ang blockings dahil lahat ng top ay nasa loob at ineentertain sina Caius at Luna habang ang mga bottom ang nasa labas.

Matapos makakaen ang lahat ay naglabas na ng alak si Jisoo na kinuha sa liquor cabinet ni Wendy. Hindi padin makakainom si Rosé at nagpapabreast feed pa ito pero masaya itong namumulutan lang.

******************************
Nakareceive ng email ang lahat sa paganunsyo ng upcoming inter company battle at nagulat sila ng makita ang pangalan ng tropa nila sa mga participants kaya naman ay kinumog ito ng tropa pagdating ng lunch.

"Uy Chaeng. Paano mo napapayag si Mina na sumali ka dun?" Tanong ni Jisoo.

Hindi naman nakasagot si Chaeyoung dahil hindi niya talaga pinaalam sa girlfriend na nakapagdesisyon na siyang sumali. Kaya naman hindi siya iniimik pagkakita nila ng email. Usually sabay sila ni Mina kumaen pero this time, sa iba sumabay si Mina at nauna ng lumabas kasama sina Jennie, Momo, Sana at Nayeon.

"Hindi niya alam na um.oo ako" mahinang sagot nito sabay yuko.

Buti na lang na sa may elevator area na sila ng isa isa siyang batukan ng tropa.

”#sofachaeng" asar naman ni Dahyun.

Kanya-kanyang kantyaw naman ang iba hanggang makababa sila.

Pagdating ng uwian ay agad naman nilapitan ni Chaeyoung si Mina.

"What do you want?" Tanong ni Mina habang inaayos ang kanyang bag.

"Love, sorry po"

"Let's just talk later"

"Okay po"

Bumaba na sila at inaantay na lang ang binook na Grab ni Mina.

Pagdating nila sa kanilang apartment ay dire diretso lang pumasok si Mina sa kwarto at ni lock ang pinto. Nauntog pa si Chaeyoung dahil biglaan ang pagsara nito at nakayuko lang siyang sumunod. Gets naman nung isa kung bakit ganun ang kanyang girlfriend. Siya ang may mali kaya naman ay sa sala na lang muna siya pumwesto. Gusto sana niya magbihis ng pambahay kaso alam din niya na hindi niya pwedeng salubungin ang mood ni Mina. Kaya no choice talaga siya.

Di na namalayan ni Chaeyoung na nakatulog siya sa sofa. Nagising na lang siya ng makaamoy ng pagkaen. Nagluto na pala si Mina ng lunch nila. Obviously nauna ng kumaen ang girlfriend at nakatakip na lang sa lamesa ang kanya. Di pa niya ulit nakikita si Mina kaya naman kahit wala siyang gana ay kumaen na lang din siya. Baka makadagdag pa sa bad trip pag hindi niya kinaen yung niluto.

Saktong pagkatapos niyang hugasan ang mga pinagkainan, lumabas ng kwarto si Mina. Poker face lang ito at umupo sa sala. Mabilisan ding nagbihis si Chaeyoung at tinabihan na si Mina.

Walang umimik at nagaantayan kung sino ang mauunang magsalita pero alam ni Chaeyoung na siya dapat mauuna.

"Love?"

"Hmm?"

"I'm really sorry"

"For?"

one word answers. Masama nga talaga loob niya. Sabi ni Chaeyoung sa sarili.

"Kasi hindi ko sinabi sayo na I agreed to join the competition"

"Okay?"

"Na hindi kita kinausap ulit about it"

"Okay?"

"Love minsan lang kasi yung ganung opportunities eh"

"Hmm"

"Love please say something"

Tinignan siya ni Mina at napalunok ng laway si Chaeyoung. Iba ang aura ni Mina at kinatakot niya talaga ito.

"What do you want me to say? That I don't want you to join? You already said it, it's a rare opportunity" may pagka-sarcastic ang sagot ni Mina.

"Pero bakit galit ka?"

Napabuntong hininga si Mina. "You should already know why" sabi nito sabay tayo at pumasok na ulit ng kwarto.

******************************
Tambay naman sa apartment nila Jeongyeon at Nayeon sina Dahyun, Momo, Sana at Tzuyu, tamang usap at chillnuman lang sila.

"Sira talaga si Chaeng. Feeling ko bonggang away nung dalawang iyon" sabi ni Nayeon pagkatapos maikwento ni Jeongyeon yung nangyare nung QCR nila.

" sana di naman maging cause ng break up iyon" concerned na sabi naman ni Sana.

"Let's really hope it doesn't come to that. Pwede naman nila pagusapan" sabi ni Dahyun.

"Pagusapan? Eh hindi nga kinausap ni Chaeng si Mina nung nagdesisyon siya. Malamang magagalit talaga yung isa" sabi ni Momo.

"O kalma lang guys. Baka magaway away din tayo dito. Adults na pareho si Mina at Chaeyoung. Yes the issue of not talking about it is there, but we both know hindi din papayag yung dalawang iyon na maghihiwalay sila dahil lang sa ganun" entry naman ni Tzuyu. Agree din naman sila sa sinabi nito.

******************************
Sina Wendy, Irene, Joy at Seulgi naman are having a double breakfast date sa may MOA at pareho lang ng pinaguusapan.

"So this girl comes up, tells Chaeyoung about the group and what for and asks for her number then she gives it right away?" Paglinaw ni Irene pagkatapos maikwento ang ganap.

Nagtanguan sina Wendy at Seulgi.

"Eh mali nga naman talaga siya dun. Tapos hindi niya pa sinabi kay Mina na nagdecide na pala siyang sumali" sabi naman ni Joy.

Nilunok muna ni Seulgi ang kinakaen niyang pancakes bago sumagot. "Winarningan na namin siya about it. Ewan ko ba dun kung bakit hindi nakinig"

"I mean, we get it na Chaeyoung is really a great asset to that group but the thing is, she made the decision by herself and didn't think about what her girlfriend would feel about" sabi naman ni Wendy.

"This girl better not be making any moves on our cub. That would be real chaos"

"Tama si TL. Sana maayos nilang dalawa yung issue" sabi naman ni Joy.

*****************************
Kinagabihan, lahat lowkey na nagaabang kung paano iyong dalawang tropa nila. Wala namang usapan pero lahat sila unusually maagang pumasok ng office. Dumating si Mina at Chaeyoung ng sabay pero walang imik sa isa't isa at umupo sa mga station nila. Nagkatinginan ang lahat at nagaantay ng something. Nang walang nangyare, nagaya na si Wendy sa mga yosi buddies para bumaba. Sabay sabay naman nagtayuan sina Seulgi, Lisa, Jisoo, Jeongyeon, Ryujin at Yeji. Habang inaya naman na pumunta ng pantry nina Nayeon, Jennie, Joy, Sana at Momo si Mina.

Pagdating sa smoking area ay hindi na nakapagantay si Jeongyeon at nagtanong.

"Balita tol?"

Umiling lang si Chaeyoung. Di alam kung good or bad ito.

Bago may sumunod na magtanong ay may lumapit sa kanila.

"Oh hey Chaengie, it's good that I saw you here. I added you to our group chat for the team. All the details of the practice will be there"

"Luh gago may pa-nickname na si ate" bulong ni Jisoo kay Jeongyeon.

"Sure sure. I'll check it later"

Satisfied with her answer, umalis na din ang babae at bumalik sa nga kasama nito.

Nakita na ni Chaeyoung ang itsurahan ng tropa kaya inunahan na niyo ito.

"Please don't say anything about that guys. Mina and I talked already"

At wala na ngang nagtanong pa.

Sa pantry naman, katatapos lang bumili ng pagkaen ang mga girls at umupo na sa isang table.

"Minari?" Tawag ni Momo sa kaibigan.

"Yes?"

"Okay ka lang ba?" Si Sana naman ang nagtanong.

Nagkitbit balikat lang ito. Hindi naman malaman ng iba kung good or bad.

Bago may nakapagsalita ulit, may lumapit na isang lalaki at nakatingin kay Mina.

"Hi Mina. Pinapabigay pala ni Mook" sabi nung lalaki at tinanggap naman ni Mina ang hawak nitong chocolates na nasa clear bag.

"Pakisabi thank you"

Tumango ang lalaki at umalis na din.

"Luh. Di ba sa Team JB iyon? And sino si Mook?" Tanong ni Jennie.

"That was Yugyeom. And Mook is Bambam" sagot naman ni Mina.

"Bambam? Yung tropa ni Jackson?" Si Sana naman nagtanong.

Tumango naman si Mina.

"Bakit may pa-chocolates?" Tanong ni Momo.

"Nagkasabay kami sa elevator one time and confessed na gusto niya daw ako at kung pwede ba daw manligaw. Sabi ko no. As for the chocolates, may pagawaan sila ng chocolates kaya paminsan minsan namimigay"

Hinawakan ni Momo ang laman ng bag at may napagtanto. "Hala ! Ito yung palagi mong give away na chocolate pag nagugutom ako sa shift"

Tumango naman ulit si Mina.

"Teka teka. Alam ba ito ni Chaeyoung?" Tanong ni Nayeon.

Tinignan ni Mina ang mga kaibigan. Seryoso ang itsura. Nakakatakot. "Yes. She knows about Bam's attempt to court me and that I said no. She also knows that he gives me chocolates from time to time. Cause unlike her, I tell her things" sabi nito sabay tayo. "Tara na baka ma.late pa tayo"

Medyo natulala ang iba sa mga sinabi ni Mina pero sumunod naman ang mga kaibigan.

*****************************
Hindi queueing today kaya medyo nakakapahinga ang team in between their calls. Pagdating ng lunch ay agad agad nilapitan ni Chaeyoung si Mina ay inaya na lumabas. Sumunod naman ito at ang nga naiwan sa mga stations ay hopeful na magkaayos na ang dalawa.

*****************************
Friday payday came at nagaantayan na lang sa parking area ang tropa. Sa bahay nila Ryujin ang venue ngayon at wala ang mga magulang nito at umuwi ng Baguio. Nang makumpleto ay nagsimula na silang bumiyahe papuntang QC. Inabot din ng halos dalawang oras dahil may ilang road constructions kaya traffic at ng makarating sila ay nagsibabaan na ng sasakyan.

Agad agad pumasok si Lia sa kwarto ni Ryujin at paglabas ay nakapangbahay na ito.

"Ay wow. Bahay mo te?" Asar na tanong ni Yuna.

"Got some of my clothes here na naman" sagot naman ni Lia, natawa na lang si Ryujin.

Sa garden sa likod sila lahat pumwesto. May mga long tables at enough chairs para sa kanila dahil dito sinostock ang ibang mga ginagamit nila sa business ng kanylang pamilya. Nailabas na ang mga alak at nakabili na din sila ng pagkaen on the way, kaya nagsimula na silang maginuman.

Tanggero si Jisoo at Jeongyeon at sabay na nagpaikot sa tropa. Nakaconnect din sa speakers ang tablet ni Ryujin na nagpapatugtog ng chill na playlist. As always per partner ang blockings at kahit nakikita namang hindi naguusap ang dalawa sa kanila, hindi na nila masyadong pinakialaman. Magsasabi naman sila pag kailangan ng tulong. Napaparami na ang inom nila at may ibang naka.head down na sa lamesa. As usual, lumayo ng slight ang mga standing strong sa alak. Kakabukas lang din ng bagong bote.

Paikot sa mesa sina Wendy, Irene, Seulgi, Jisoo, Jeongyeon, Momo, Sana, Ryujin, Yeji, Yuna, Chaeyoung at Mina.

"Guys, inimbitahan tayo nila TL Sungjin dun sa bar na tinutugtugan nila. May gig daw sila in two weeks, g ba tayo?" Tanong ni Wendy pagkatapos basahin ang text na nareceive.

"Ay yun ba yung sa BGC?" Tanong naman ni Jisoo. Tumango naman si Wendy.

"Game ako jan" sagot naman ni Ryujin, Seulgi at Jeongyeon.

Inaantay ang sagot ng isa pang kabanda kaya nakatingin lahat sa kanya.

"Di ako pwede. May praktis ng araw na iyon eh" sabi ni Chaeyoung pagka.double check ng group chat ng rap team.

Hindi masyadong obvious pero may nakahuli pa din ng pag.ikot ng mata ni Mina kaya naman may magsalita na.

"Are you two okay?" Tanong ni TL Irene.

Mina and Chaeyoung both just shrugged their shoulders.

Nagshot muna si TL bago nagsalita ulit.

"May balak ba kayong ayusin ito? Kasi the more na patagalin niyo ang issue mas lalaki ang problema"

Walang nakaimik sa grupo. Lahat nagaabang na lang ng susunod na mangyayare at pasimpleng pinapaikot ang shot.

"Nagsorry na naman po kasi ako TL eh. Alam ko naman na dapat sinabi ko sa kanya agad na pumayag na ako sumali" sagot ni Chaeyoung.

"And what do you think about it Mina?"

"I get it na gusto niya yun TL pero bakit kailangan sa email ko pa malaman? Alam naman niya yung concerns ko pag may ibang grupo siyang makakasama. And kilala ko yung babaeng iyon Chaeng. Hindi maganda naririnig ko about her. I don't in' trust her"

Natigil mid air ang pagshot dapat ni Sana ng marinig niyang magmura ang kaibigan.

"Regardless kung alam mo iyong reputation niya and you don't trust her, hindi ba pwedeng magtiwala ka sa akin?"

"I don't know Chaeng. I'm not at peace at all that you will spend time with her"

Parang nanunuod na naman ng drama ang tropa.

"Kaming dalawa lang ba magkasama dun? Di ba marami kami? And alam ko sa sarili ko na hinding hindi ko magagawang saktan ka ng ganun"

"You could've said no Chaeng. You could've talked to me about it before you decided on your own. You don't know how I've been feeling and what I’ve been thinking because you refuse to acknowledge the fact that I don't want you being exposed to es like her"

Hindi malaman ng tropa kung san bigla nanggaling ang popcorn na pinapagpasa-pasahan nila ngayon.

"Alam kong mali ko iyon. Na hindi ko nga sinabi sayo, na I was already decided to join because I didn't think any differently. Despite the fact na ibang grupo iyon at hindi mo sila masyadong kilala. I was gonna tell you, really. I had no idea the list was already complete. Kaya nagulat din ako na na-finalize na ang mga kasama. Pero love naman, can't you trust me on this one?"

Hindi nakasagot agad si Mina. She trusts Chaeyoung naman. Pero hindi rin niya kasi maalis sa isipan niya ang mga pwedeng mangyare. Dun siya natatakot.

"I trust you, I just don't the trust the people you'll be with"

Chaeyoung scoffed. It wasn't the ideal time or place for her to say it. And maybe it was also because of the amount of alcohol already in her system.

"Yeah. Doesn't feel that you trust me at all. You don't trust me enough to tell me what's been going on in your head. You accuse me of not saying anything about my decision, when you have not been telling me something from the start and you damn know what I'm talking about"

Napasinghap si Mina pati nadin ang mga kasama nilang hindi na nila pinapansin. Hindi ineexpect na magsasalita si Chaeyoung about it. Hindi rin naman kasi madali sa kanya ang kanyang pinagdadaanan. At sa ngayon ay hindi pa talaga siya handang ipagsabi ito.

Hindi na sumagot si Mina kaya naman ay tumayo at hinablot ni Chaeyoung ang alak na napabayaan at tinungga ang naiwang laman bago nagwalk out. Walang nakasunod at inaabsorb pa ang mga nangyare. Maya maya lang ay nagbreakdown na si Mina kaya naman ay inalalayan na siya nina Momo at Sana. Tsaka lang din may nakaisip na sumunod kay Chaeyoung pero nabigo ito ng nalamang lumabas na ito ng bahay.

*****************************
Walang destination in mind si Chaeyoung ng umalis siya ng bahay nila Ryujin. Buti na lang dala niya ang cellphone at wallet niya kaya pwede siyang sumakay ng bus, jeep or cab. Medyo malayo din ito sa kanilang apartment na sa ngayon ay ayaw niyang uwian. Hindi niya alam kung bakit umabot sa ganun ang pagaaway nila ni Mina. Gusto niyang bumalik, magsorry ng magsorry para maayos na pero hindi rin maalis sa isipan niya na baka nga wala talagang tiwala sa kanya ang kanyang girlfriend. And that hurt her so much. Habang naglalakad lakad siya sa kahabaan ng Commonwealth at sa ilalim ng tirik ng araw, hindi na niya pinansin ang pagtagaktak ng pawis niya at paminsan minsang double vision dahil sa nainom niyang alak. Ramdam niya ang pagvibrate ng kanyang phone pero hindi rin niya ito pinansin at eventually ay pinatay na niya din. Gusto niyang mapagisa ngayon. Gusto niyang magisip. Gusto niyang umiyak pero naisip pa din niya na nakakahiya pag may makakita sa kanyang strangers.

Umabot siya sa QC Circle at tumambay muna sa isang bench. Pinagmamasdan lang ang mga taong kanya kanya ng activities ngayong sabado. May mga nagbibike, may mga nagpapraktis ng sayaw at may mga nagffood trip. Sa isip isip niya, kahit alam niyang nasaktan niya si Mina sa ginawa niya at sa pag.taunt sa bagay na alam niyang hindi pa siya handang sabihin ay nasasaktan din talaga siya. She's not regretting everything she did for her girlfriend, for always being the one to compromise pag may ayaw ito, or sa hindi masyadong pagpost sa social media para iwas daw sa mga magpapapansin na itchies, sa hindi pagsabi agad sa tropa na sila na at ibang bagay pa. Hindi niya maintindihan bakit kahit sabihin ni Mina na nagtitiwala siya sa kanya ay parang hindi naman talaga. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi masabi ni Mina yung mga bagay na nahihirapan siya. Ano pa't naging partners sila di ba? Ngayon lang siya nagdesisyon para sa sarili niya, mukhang napasama pa.

Ilang oras din siyang tumambay hanggang sabihan siya ng guard na magsasara na ang park kaya naman ay naglakad na ulit ito palabas. Medyo padilim na din at kahit antok at gutom na siya ay ayaw pa niyang umuwi sa apartment nila. Alam niyang nagaalala sila sa kanya, alam din niyang hindi papabayaan ng tropa si Mina. Sa kanyang paglalakad ay nakakita siya ng pares stand at tsaka lang ginanahang kumaen. Naka.tatlong order din siya ng kanin sa gutom niya at halos maubos na ang laman ng malamig na tubig sa uhaw niya. Nang mabusog ay nagbayad na siya at nagyosi muna sa tagong lugar.

******************************
Pagkaalis ni Chaeyoung ay nagising na ang iba sa commotion sa garden, nagtipon ulit ang lahat. Hindi malaman kung ano ba dapat nilang gawin. Nagpresenta na sila Wendy at Jisoo na hanapin si Chaeyoung at hinayaan na lang silang umalis. Ilang oras ding paikot ikot sa area ang dalawa at nabigo ng hindi nila mahanap ang tropa. Nakatulog na sa kakaiyak si Mina kaya binuhat na ni Jeongyeon papunta sa kwarto ni Ryujin para makaayos ng higa. Sinamahan naman siya nina Nayeon, Momo at Sana. Nagligpit na lang ng gamit ang iba at walang nagbalak na umuwi. Enough naman ang space kung sakaling lahat sila ay matutulog dun.

Tulala ang tropa sa garden. Gabi na at wala padin makacontact kay Chaeyoung. Hindi nila alam kung san pa ito hahanapin sa kalakihan ng Quezon City.

 

Pagod na si Chaeyoung sa kakalakad niya. Tumingin siya sa relos at nakitang 10 PM na. Napadaan siya sa isang convenience store at pumasok muna dito. Tamang pampalamig din pero siyempre may mga binili din siyang drinks. Tsaka na lang din niya binuksan ang phone niya. Sakto sa tabi ng charging station siya nakaupo kaya sinaksak niya ito habang inaantay pumasok lahat ng messages.

 

Nang sigurado na siyang wala ng pahabol na messages ay isa isa niya itong binasa. Mostly galing sa tropa na tinatanong kung nasaan siya at saan siya pwedeng sunduin na lang. Meron din galing kay TL na nagsosorry dahil siya din ang nagprovoke ng sagutan nila kanina. At meron din isang message galing kay Mina. Ito yung pinaka.latest na dumating.

Love, I'm really sorry. It's not that I don't trust you with other people but the thing is, I've been dealing with anxiety for a couple of years now. I don't remember how it started but since then, every time I'm with new people, I get scared. I've been taking medications to help me with it and that was what the reminder that you saw was for. Even before we met, I keep over thinking about certain things. I have a lot of thoughts and questions in my head. These things that I'm scared to even tell others, heck even my parents. I started writing goodbye letters to everyone I care about but I can't seem to write them for you. I can't even fathom the idea of saying those words to you, love. I want to say thank you. For literally everything you've done for me, for us. I am so grateful that we met and I really wouldn't have any other way. My mind's always a mess but knowing I have you helps me clear it up little by little. I know I hurt you as well. You walking out earlier made me realize that you're all I need to face everything. No matter how messed up my mind can be, as long as you're with me, I can be better. I promise to be more understanding and place 100% trust in you, love. I know how difficult it is to deal with me but I assure you that I love you. Please come back.


Tumulo na ang luha ni Chaeyoung na kanina niya pa pinipigilan. Wala na siyang paki ngayon kung may makakita sa kanya. She knows na may pinagdadaanan si Mina pero hindi niya alam na ganun pala kabigat iyon. Nagpakalma muna siya at nagayos ng sarili bago hatakin ang phone at lumabas na ng store para pumara ng cab pabalik sa bahay nila Ryujin.

******************************
Naisip na lang na maginom na ulit ang ibang tropa dahil wala naman silang ibang magagawa kundi antayin na may mareceive silang update mula sa tropa. May mga umuwi para kumuha ng damit at bumalik din. Balak na hanggang linggo na din sila magsstay dun. Wala namang problema sa mayari ng bahay.

Nakapalibot ulit sila sa lamesa at ramdam ang bigat ng paligid. Naggigitara si Wendy at sinasabayan ito ng pagkanta ng tropa. Paminsan minsan ding sumasabay si Mina.

Tumugtog ng isang random na Bieber song si Wendy at naiyak na naman si Mina dahil paboritong artista ito ni Chaeyoung. Saktong pa-chorus na ng itigil ni Wendy ang pagkanta pero meron pa ding nagtuloy.

Yeah, is it too late now to say sorry?

Nang marinig nila ito ay tumakbo si Mina sa taong kumanta. Mahigpit ang pagkakayakap niya kay Chaeyoung na nabitawan pa ang dala niyang boquet ng bulaklak. Matapos ang ilang minutong yakapan ay sinunggaban ni Mina si Chaeyoung ng isang malalim na halik. Ang tropang nanunuod sa madramang reunion nilang dalawa ay nag-alis ng mga tingin nang magkiss ito.

"Tuloy ang ikot!" Sigaw ni Jeongyeon at sinimulan na ulit ang pagikot ng shot. Lumapit na din ulit ang dalawa after nila magmoment at masayang nagending ang gabi nila.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 63: Author, one question. WHERE ARE YOU NOW?

You still need to continue this story. Hope you'll come back.
winrina__09 #2
❤️❤️❤️
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #4
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#5
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
93 streak #6
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1700 streak #7
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#8
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
93 streak #9
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#10
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡