Could Not Ask For More

Pag May Alak, May Balak

A/N: I know it's been a while since I last updated. A lot of things happened as well, personal and work stuff. But now I'm back. Thank you for everyone who has read my works and for those people who left their comments as well. Let me know what you think of this, okay? Any comment or thought is much appreciated.

********************
Balikan natin ang kaganapan bago ang kasal....
********************
"I need to barf die" bulong ni Rosè sa asawa niya.

Naka.upo na silang lahat sa eroplano at inaantay na lang mag.take off. Halata ang panic sa mukha ni Lisa dahil naka.on na ang seat belt sign kaya di na pwedeng tumayo. So no choice at gamitin na lang talaga ang barf bag na nasa harap niya.

Nag.announce na magststart ng mg take off at nakatakip na sa buong mukha ni Rosè ang bag na inabot ni Lisa. Pabilis na ng pabilis ang takbo at ilang segundo nga lang ay nakalipad na ang eroplano. At sa bawat nginig ng eroplano sa pressure paakyat ng himpapawid ay sya ding paglabas ng mga ininom ni Rosè bago sila sumakay. After a few minutes, naging okay na ang lipad at tiyan ni buntis.

"Okay ka na mie?" bulong ni Lisa. Tumango naman si Rosè at inabot na ang bag. Napangiwi naman si Lisa pero di na niya masyadong pinahalata. Inantay lang niya na ma.turn off na sign at pumunta na siya sa restroom para i.dispose ang bag.

********************
"Babe?" tanong ni Tzuyu sa katabi niyang si Sana.

"Yes babe?" sagot naman ni Sana with her shiba inu expression.

Natawa naman si Tzuyu dahil ang cute ni Sana pag ginagawa niya yun.

"Uhm. Since pupunta na din naman tayong Taiwan. Okay lang ba sayo na...i.meet ang parents ko?"

Panandaliang hindi naka.react agad si Sana. Hindi rin naman niya ineexpect talaga yung tanong ni Tzuyu. May isang taon nadin naman silang magkarelasyon and napakilala na din niya si Tzuyu sa parents niya at botong boto sila sa kanya.

"I would love to babe"

Nanlaki ang mata ni Tzuyu. Matagal na din niyang binabalak gawin iyon. Medyo nagaalangan lang siya noon dahil hindi pa talaga fully tanggap ng parents niya yung pagiging lesbian niya. Pero slowly, mas naging accepting sila lalo ng lumantad nadin ang kanyang nakakatandang kapatid na si Lay. So naisip niya na time na din para officially ipakilala niya si Sana.

*******************
"Uy Seulgi pumirmi ka nga sa upuan mo. Akala mo first time makasakay ng eroplano" iritang sabi ni Joy na nagseselfie.

Nakakailang adjust na kasi si Seulgi sa seatbelt niya.

"First time ko nga kasi" mahinang sagot nito.

Natigil sa ginagawa si Joy at humarap sa katabi. Lumapit sa tenga at bumulong. "Di nga?"

Tumango na lang si Seulgi. "Sinisigurado ko lang na mahigpit yung seat belt  Ayokong ma.final destination"

Naka.earn tuloy siya ng batok mula sa nakaupo sa likod na si Jisoo. "Gago ka mehn. Wag ka ngang ganyan"

Tinanggal ulit ni Seulgi ang seat belt at sumilip sa likod. Ganun din ang ginagawa ni Jisoo habang ang katabi niyang si Jennie ay nakasandal lang. Tulog na ata pero di din siya sigurado dahil natatakpan ng shades ang mata.

********************
"May kasama bang food yung ticket natin? Nagugutom na ako" sabi naman ni Momo na nasa kabilang side. Napailing na lang ang katabi.

"Dalawang oras mahigit lang ang flight babe. Kaen na lang tayo pagdating" sagot ni Dahyun sabay abot ng nagiisang chocolate na tinago niya sa bulsa niya. Reserba sana niya iyon pero mukhang mas kailangan ng kanyang jowa.

Lumaki naman ang ngiti ni Momo at binuksan agad.

*******************
"Feeling ko may naiwan ako sa bahay" sambit ni Nayeon habang tinitignan ang laman ng kanyang bag.

"Ano na naman iyon?" medyo iritang sagot ng katabi na si Jeongyeon na binabasa ang magazine na available sa upuan.

"I'm not sure pero feeling ko lang" sagot ni Nayeon habang  nilalabas na paunti unti ang laman ng kanyang carry on. Hindi pa nakuntento sa space na meron siya at binuksan na din ang portable table sa harap ni Jeongyeon. Nang nakasigurado na siyang nalabas na niya ang lahat ng gamit ay tsaka siya napasinghap.

Napatingin na si Jeongyeon at kumunot lang ang noo nito dahil parang paiyak na ang kanyang katabi.

"Bakit?"

Sumimangot na si Nayeon at tumulo na ang luha sabay sabing, "Yung gift natin...naiwan ko sa bahay"

Napa.face palm na lang si Jeongyeon pati nadin ang nasa likod nilang sila Jihyo at Daniel dahil sa narinig nila.

********************
Para namang may sariling mundo ang MiChaeng habang abala sila sa pagdedesign ng bagong ipapa.tattoo ni Chaeyoung. Nakaka.ilan na siya at lahat ng ipinamarka niya sa katawan niya ay approved by Mina. Usapan na nila yun simula pa ng unang beses na magpatattoo siya.

"Mas okay bang kung black ink lang or gawin kong colorful?"

"I think mas maganda kung simple lang yung color"

Tinitigan ulit ni Chaeyoung ang drawing nila at tumango tango.

"Pero pwede bang huwag ka na dun sa dati mong tattoo artist? Di ko talaga gusto yung mga tinginan nun sa tuwing andun tayo eh" sabi ulit ni Mina.

"No problem po. Marami namang pong ibang artist eh"

"Good. I love you"

"I love you more"

********************
"Si Saeron ba daw susundo sa atin o silang dalawa ni Ate Wendy?" tanong ni Yuna sa mga kalinya ng seat.

"Di ko lang sure" sagot naman ni Ryujin.

"Teka anong oras nga ulit ang wedding?" tanong ni Ayaka.

"3pm daw. Dadating naman tayo dun ng mga 8am so may oras pa para makapag.prep" sagot ni Lia.

"Luh. Parang gusot na yung susuotin ko. Di ko ata na.pack ng maayos" sabi naman ni Yeji.

"Ako po nagpack nun. I made sure maayos yung pagkakalagay ko" sagot naman ni Chaeryoung.

*********************
They arrived at Taiwan Taoyuan International Airport at exactly 7:45 AM. At pagkatapos dumaan sa customs at makuha ang mga gamit ay naglakad na sila papunta sa arrival area kung saan nagiintay si Yeri at Saeron. Nag.rent ng van ang tatay ni Wendy at nang makasakay na ang lahat ay dumiretso na sa hotel kung saan sila magsstay. Magkatabing hotel lang din naman kung saan naka.book sila Wendy, Irene, Yeri, Saeron at ang parents nila. Magkasama si Wendy at Saeron habang si Irene at Yeri naman ang magkashare sa room. Tamang strategy para hindi mabuking ang surprise para kay Irene kaya naman nairaos ang lahat at eto na nga at nasa venue na ang lahat.

Si Dahyun ay nakaupo na sa may piano at mahinang nagppraktis sila ni Rosè para sa last minute change sa entrance song ni Irene. Idea ni Wendy dahil pinaubaya na din sa kanya ni Irene ang part na yun.  Lahat ay naghihintay na lang ng oras para magsimula ang ceremony.

"Mehn. Ikakasal ka na" sabi ni Seulgi kay Wendy habang nakaupo sila sa may harapan.

"Yes mehn. Eto na talaga. Ang tagal kong hinintay ito. Kahit andito na tayo sa venue, for some reason, hindi pa din ako makapaniwala" sagot naman ni Wendy. Medyo nagpipigil na ng luha hindi pa nagsisimula ang ceremony. Inabutan naman siya kaagad ng bestfriend niya ng panyo.

"You deserve everything you have right now Wendy. Hindi biro ang mga pinagdaanan mo. You and Boss Irene are really meant to be together"

"Thanks bestfriend"

*********************
"Yerim, d'you really think you're sister will be happy to see us here?" tanong ng tatay ni Yeri.

Humarap si Yeri sa mga magulang niya. "Appa, Eomma, Joohyun unnie will be so thrilled to see you here. At this wedding she really wants to happen. She didn't need to tell me but I know deep inside, she really want us to be complete on this day"

Niyakap ni Yeri ang kanyang mga magulang at nabasag lang ang family moment ng may marinig at makita silang flash galing sa cellphone ni Saeron.

"Ay shet! Sorry po" pagpapaumanhin ni Saeron sa mga Bae's habang nag.b.bow ng ilang beses. Ikinagulat din naman niya ng palapitin siya ng nanay ng girlfriend niya.

"Saeron, thank you ha" panimula nito.

Hindi naman malaman ni Saeron at Yeri bakit biglang nagpapasalamat ang nanay nito.

"Thank you for keeping my daughter happy. Thank you for taking care of her. Thank you for loving her"

Napasinghap ang mag.jowa. Hindi kasi inaasahan na pasasalamatan si Saeron.

"Mrs. Bae, you don't need thank me naman po. I am simply doing those because I love your daughter" tumingin si Saeron kay Yeri bago ibinalik ang tingin sa magulang nito. "And when the time is right, I would be asking for your daughter's hand in marriage. I hope you give us your blessing as well"

Hindi na napigilan ni Yeri na tumulo ang mga luha niya. Pangalawang surprise of the day in just a matter of minutes. Niyakap naman siya agad ni Saeron.

Nagtinginan ang mag-asawa, ngumiti at nagkaintindihan.

"Saeron, you have our blessing" sabi naman ng tatay ni Yeri at nagkamayan sila ni Saeron.

"Thank you Mr. and Mrs. Bae. Thank you so much!"

*******************
Nasa likod naman ng venue ang ibang tropa at nagyoyosi.

"Init na init na ako sa suot ko" tamang reklamo no Jisoo na slight na niluluwagan ang suot niyang necktie.

"Sino ba kasi nagsabi sayong mag.coat and tie ka?" asar naman ni Jeongyeon.

"Eh si Jennie kasi sabi niya para daw match kami sa OOTD" sagot naman ni Jisoo.

"Bagay naman sayo Soo. Pag may prize para sa best dressed mamaya, panalo ka na" gatong naman ni Chaeyoung.

Babatukan na sana ni Jisoo si Chaeyoung ng dumating ang iba pang tropa.

"Bakit nga ba ang aga nating pumunta dito?" tanong ng kakarating lang na si Yeji.

"Ewan ko din kay Wendy. Alas tres pa ang simula pero kailangan ala.una andito na din tayo. Nabitin tuloy yung lunch kanina. Buti na lang wala sa mood kumaen ng marami si Rosè dahil kakanta pa siya" sagot naman ni Lisa na kumukuha na ng yosi.

"Excited na ako makita yung reaction nila Wendy at Boss Irene dun sa regalo natin" sabi naman ni Ryujin habang humihithit sa yosi.

Napalunok naman si Jeongyeon at hindi na naka.react ng magsingayunan ang tropa.

Mags.step back na sana siya ng pigilan siya ni Seulgi na nasa likuran na niya.

"O san ka punta Jeong?"

Nasisimula ng pagpawisan si Jeongyeon at nakaka.ilang lunok na siya. In good spirit lahat at ayaw niyang masira ang araw dahil sa naiwang regalo na muntik na nilang pagawayan nung pinaguusapan nila iyon.

"Ah eh naiihi ako" mabilis na sagot ni Jeongyeon sabay lakad papasok ng venue.

Nagtuloy lang ang tropa sa pagyosi at pumasok na din ulit ng tuluyan na silang mainitan.

*******************
Tinawag ng isa pang coordinator si Wendy para sa last minute meeting sa mga mangyayare kaya nasa isang room sila ngayon. Pumasok din ang kanyang ama at ang ama ni Irene. Matapos ang paguusap with the coordinator, naiwan sa loob ang tatlo. Naglabas ng isang flask ang tatay ni Irene at nagbuhos ng alak sa tatlong baso. Inabot ang isa kay Wendy at isa sa tatay niya.

"Before we start the ceremony, I just want to thank you Wendy for taking care of my daughter. You well know that Joohyun and I didn't really have the best father - daughter relationship. But by allowing us to be here, despite what happened in the past, only proves to me that you really are meant to be with my daughter"

Nagangat sila ng mga baso at nagtoast. Nagpigil din si Wendy ng kanyang mga luha kaya nakailang beses siyang lumunok ng laway at tumingala.

Lumapit naman ang kanyang ama at niyakap siya.

"Your mother and I want at least two grandkids, okay?"

Nagtawanan silang tatlo. May kumatok sa pinto at nagsabing nakarating na si Irene sa venue. Inubos nilang tatlo ang shot at humarap si Wendy sa salamin para ayusin ang kanyang suot.

"This is it Wendy. It's the day you two have been waiting for. I hope you don't have any doubts in that head of yours"

"There was never a doubt to begin with. I'm 100% all in"

"I know she's in good hands. You take care of her"

"I will...Mr. Bae" nakangiting sagot ni Wendy at nagkamayan na sila at lumabas ng kwarto.

*******************
Nasa isang kwarto naman sina Irene, Yeri at ang nanay ni Wendy.

Nakaharap din sa salamin para sa last minute make up check.

Napansin ni Mrs. Son ang kakaiba sa mukha ni Irene kaya nilapitan niya ito.

"How are you feeling?"

"I don't know if there's any word to describe how I feel right now. All I know is that I...I love her so much!"

"And we all know how much she loves you too" sagot naman ni Mrs. Son.

Yumakap ito sa nanay ni Wendy at lumabas na din ng kwarto at naiwan ang magkapatid.

Napansin na din ni Yeri ang kakaibang expression ni Irene.

"Do you wish they're here today?" tanong nito sa ate niya.

Humarap si Irene sa kapatid at tumango. "I do. I miss them you know. I wish they'd open their eyes to the fact that we're both adults now and can make our own decisions. I wish they'd be happy for us as well"

Yeri had to put up an act for the surprise not to be ruined and just sympathized with her sister. After one more hug, naunang lumabas si Yeri at pagkatapos lang ng ilang minuto at sinundo na ng coordinator si Irene.

********************
Kabadong nakatayo si Irene sa labas ng main door ng venue. May rumadyo sa kasama niyang coordinator at dahan dahan ng binuksan ang pinto. Automatic na si Wendy ang hinanap ng kanyang mga mata at hindi agad napansin na ang buong team at ang kanyang mga magulang ay kabilang sa mga nakaupo. Hindi rin dumapi sa isip ni Irene ang pagtataka kung bakit amg daming tao.

Narinig niyang may kumakanta. Kilala niya yung boses pero hindi rin niya muna inisip yun. Ang focus lang niya ay ang maitawid niya ang paglalakad sa ilang metrong layo niya kay Wendy.

May biglang humarang sa view niya at nanlaki ang mata at ngiti niya ng makitang ang mga magulang niya ito. Pigil na pigil na siya sa mga luha niya kaya mamaya na siya magtatanong. Tsaka lang din niya napansin talaga ang mga tao sa paligid. Padami ng padami ang mga tanong sa isip niya ngayon pero mas gusto na niyang masagot ang itatanong ng officiant mamaya na seselyado sa pagiisang dibdib nila ni Wendy.

********************
Right after ng final blessing, pinapirma na muna sila Wendy at Irene sa mga ilang papeles para sa Wedding Certificate. Nang tawagin na ang mga guests ay per group sila lumapit sa gitna para makapag.picture sa bagong kasal.

Nauna siyempre ang families ng brides at sinundan ng mga friends. Then they had a group photo of everyone there. Matapos ang photo op, lumabas na ang mga bisita at naiwan sa loob ang bagong kasal para sa ilan pang pictorial.

Hindi naghiwalay ng kamay sina Wendy at Irene at bakas sa kanilang mga mukha ang sobrang kaligayahan.

"I have so many questions right now Wannie" sabi ni Irene pagkatapos ng kalahating oras din na pictorial.

Humalik muna ulit si Wendy sa asawa niya. "I know and I promise to answer all of that later. But for now, let's eat cause I'm really hungry"

Natawa naman si Irene at hinampas na lang ng slight ang braso ni Wendy. Naglakad na sila papunta sa reception area kung saan inaabangan na sila ng mga pamilya at mga kaibigan nila.

********************
Palalim na ang gabi at katatapos lang ng program sa reception. Since sila sila lang din naman ang bisita eh nagending sa inuman ang party.

Nauna ng bumalik ng hotel ang mga magulang nila at nakaupo na lang ang tropa sa isang mahabang lamesa.

May kanya kanyang mga basong hawal na may laman ng alak except kay Rosè. Tumayo si Seulgi at natuon ang atensyon sa kanya. Namumula na din siya, mukhang nakarami na kanina.

"Hindi ko nasabi kanina pero bestfriend, mahal na mahal kita" paluha na si Seulgi. "I'm so happy na nahanap mo na yung taong para sayo. Basta pag nagka.anak na kayo ninang kaming lahat ah"

Tawanan na lang ang tropa.

"I love you too best friend. Don't worry, tuloy pa din ang soccer team kaya matik na may tig isa kayong inaanak" sagot naman ni Wendy. Nahampas na naman siya ni Irene.

"Basta ikaw magdadala ng at least kalahati nun" sabi naman ni Irene at nanlaki ang mata ni Wendy.

"Malay niyo naman puro twins or triplets maging anak niyo. Mas mabilis umabot ng 11" biro naman ni Yeri.

Ganun lang nagtuloy ang gabi hanggang lahat sila ay may tama na at nagdecide ng bumalik ng hotel. Kanya kanyang suporta sa partner na mas nakarami ng inom.

********************
Nasa hallway na ng floor kung saan sila nagstay sina Wendy, Irene, Yeri at Saeron.

"Pahinga na kayo Yeri, Saeron, maraming salamat sa lahat ng tulong lalo na sa hindi pag spill ng surprise" sabi ni Wendy.

Yumakap ang dalawa. "Anytime sis in law. Just seeing ate's reaction kanina made it all worth it. Pasiyahin mo lang ng pasiyahin si ate, goods tayo" sabi naman ni Yeri.

Pumasok na ang dalawang nakababata sa kanilang kwarto at lumakad nadin papunta sa suite nila ang magasawa. Sa harap ng pinto ay sinuksok ni Wendy ay keycard at bago tuluyang pumasok ay binuhat muna niya si Irene. May matinis pero mahinang tili galing kay Irene at mukhang immune na si Wendy at unti na lang pag.iwi ng mukha niya

Pagkasara ng pinto ay sumunggab agad ng halik si Irene at hindi rin naman nagpatalo si Wendy at sumabay na din sa intensity ng paghalik ni Irene.

"Dammit. Too many layers" reklamo ni Wendy habang tinatanggal ang kanyang suot.

"! I can't find the zipper" reklamo naman ni Irene.

Natigil ang momentum ng parehong nairita sa mga damit nila at napaupo na lang pareho sa kama.

"Shower na lang tayo?" tanong ni Wendy. Halata din ang pagod sa mukha.

Tumingin sa kanya si Irene. "First shower as wives"

Wendy's smiled so big when she heard Irene say it. They're officially married. Beside her is the one she will be spending the rest of her life with. The person whom she will be starting a family with. The person she had been praying for, for a long time. After everything that has happened, at the end of it all, she now get to call Irene her wife. And she could not ask for more.

 

 

 

 

A/N: Fast forward tayo ng unti on the next chapters.
 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 63: Author, one question. WHERE ARE YOU NOW?

You still need to continue this story. Hope you'll come back.
winrina__09 #2
❤️❤️❤️
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #4
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#5
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
93 streak #6
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1700 streak #7
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#8
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
93 streak #9
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#10
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡