Let's Not Bring The Past Back Anymore

Pag May Alak, May Balak

Last week ng September, may scheduled group lakad ang mga team leaders kaya naman ay nagaayos na ng sarili si Irene. Si Wendy naman ay pinapanuod lang siya.

"If looks could kill, I'd probably be dead by now" sabi ni Irene pagkatapos niyang maglagay ng light make up.

"Nie, if that was true, matagal na din akong namatay sa mga tingin mo" sagot naman ni Wendy pagkatayo niya sa kama. Lumapit kay Irene na nasa harap ng dresser at nag.backhug.

"Are you going out with Seulgi and Joy today?" tanong ni Irene.

"Yep. I'll pick 'em up after I drop you off" sagot ni Wendy sabay halik sa ulo ni Irene.

Pagkatapos ng ilang minuto, tumayo na si Irene at yumakap na ng maayos kay Wendy.

"This day next month, I get to call you my wife Wannie" sabi ni Irene. Kinilig naman ang isa at di napigilang mamula.

"Just one more month nie. One more month"

********************
Nahatid na ni Wendy si Irene kung saan ang meeting place ng mga team leaders pero bago pa siya umalis ay nakareceive siya ng tawag.

"I'm on my way" sagot ni Wendy at binaba din agad ang call. Huminga ng malalim, tumingin sa direksyon ng restaurant kung saan kita niya si Irene na binabati ang ibang team leaders at tsaka nagsimula na ulit magmaneho.

Magkikita naman sila nila Seulgi at Joy pero mamaya pa talagang hapon yun, but she didn't let Irene know about that. A few days ago kasi, she was contacted again by that unknown number at dahil available na sila, they set the date for them to meet, nasakto lang din talaga na may lakad si Irene. She already feels bad about not telling Irene about her other lakad but those people wanted to meet in a public place so medyo nabawasan ang kaba niya.

Pagkadating niya sa harap ng restaurant, humarap muna siya sa rear view mirror at kinausap ang sarili.

"Whatever happens when you go inside, always remember that Irene loves you. You're gonna marry her in a month and no one can ever stop you two"

Ilang beses pang inulit ni Wendy ang mga salitang yun sa sarili niya bago siya bumaba ng kotse. Isa pang malalim na hinga bago siya tuluyang pumasok ng restaurant.

Binanggit ang pangalan na sinabi sa kanya ng kausap at hinatid si Wendy sa isang private room.

Pagkatapos niyang kumatok ay bumukas ang pinto at hinila na siya papasok ng isang lalaki at pinaupo sa harap ng isang babae at lalaki. May isa namang lalaki na humawak sa balikat niya and all she can do was gulped...real hard.

"There's no need for that Jihoon" sabi nung lalaking kaharap niya at agad namang bumitaw si kuya sa likod.

Nabilang na ni Wendy kung ilang bodyguard ang meron sa loob. Inisip din niya kung kaya ba niya labanan ang mga iyon kung sakali. Sabay sabay ngcross ng arms at naflex ang mga muscles. Di pala niya kaya.

"Please do not mind these guys" sabi naman ng babaeng kaharap niya.

Awkward na ngumiti na lang si Wendy. Nagsimula ng tumulo ang pawis niya at ramdam na niya ang nagsisimulang waterfalls sa kilikili niya.

"Buti na lang naka.black shirt ako" Sabi niya sa sarili.

"We weren't able to introduce ourselves the first time we met Wendy" sabi ulit nung lalaki. "My name is Yong Joon and this is my wife, Jiwoo and we are Joohyun's parents"

"Pleasure to meet you sir, ma'am...well, I'm Son Seungwan or just Wendy" sabi na lang niya. Nagpakilala naman din kasi eh so matik na ganun din gagawin niya.

"As I've mentioned on our first call, this is about Joohyun. We're pretty sure you are meeting us without her knowledge, right?"

Napalunok ulit si Wendy pero wala din siyang nagawa kundi tumango.

"Is that how it's always going to be Wendy? Are you going to keep things from our daughter?" sabi naman ni Jiwoo with matching taas ng kilay.

Pumikit sandali si Wendy. Mukhang interrigation na talaga ito.

"No ma'am. If I told Irene about this meeting, I would not be here in the first place" Nag-mental back pat siya sa sarili. "Hindi ka pwedeng ma-intimidate sa kanila Wendy" sabi ulit niya sa sarili.

Nagtinginan ang magasawa. Serious mode pa din so sinabayan na ni Wendy.

"What are your intentions with our daughter?" tanong ni Yong Joon.

Ipaglalaban niya si Irene at ang kanilang relasyon sa kahit sino, kahit pa magulang niya ito. "I love your daughter and I will marry her no matter what happens. I'd do anything for her to keep her happy. I'd die for her over and over again just to keep her safe. I know where you stand in our relationship and to be honest I wish you'd just open your eyes and really see that our relationship is no different from others" She may come off rude sa sinabi niya pero isa lang goal niya sa araw na iyon. Hindi siya papayag na paghiwalayan sila.

Pareho lang nakatitig ang parents ni Irene sa kanya kaya yumuko na lang si Wendy.  Walang nagsalita for the next few minutes.

Ngumiti yung matandang babae. "We came off on the wrong foot Wendy. The real reason we wanted to meet you was to ask if you would allow us to be at our daughter's wedding" sabi ni Jiwoo.

Nanlaki agad ang mata ni Wendy sa narinig niya. Tamang pisil sa sarili sa ilalim ng lamesa para malaman kung legit ba yung narinig niya. Nagmarka agad ang kurot na ginawa niya at naprove na hindi guni guni yung sinabi ng nanay ni Irene.

"W...wait. So you a...accept our relationship?"

Ngumiti na na ng sabay ang magasawa. "After what you did to save our daughter's life? How can we not?" sabi ni Yong Joon.

Nakahinga ng maluwag si Wendy dahil hindi niya inaasahan ito. Naluha na lang siya bigla at inabutan siya agad ng tissue ni Jiwoo.

"We actually reached out to your parents and they told us to talk to you first"

Nagpunas ng luha si Wendy. Happy tears dahil sa turn of events. Alam niya kahit hindi sabihin ni Irene na gusto niya din sanang kumpleto ang pamilya niya sa pagiisang dibdib nila ni Wendy. And finally it's going to happen.

"You don't know how happy I am to hear that from you Mr. and Mrs. Bae. I know Irene will be thrilled as well" sabi na lang ni Wendy.

"We understand that you plan to do it in Europe?" tanong ni Yong Joon. Tumango si Wendy ng nakangiti. "That's not the case anymore" at ganun din kabilis sumimangot si Wendy.

"What?"

May pumasok ulit sa room at mas lalong nanlaki ang mata ni Wendy nang makita ang mga magulang niya.

"What the hell is going on mom?"

Ngumiti ang parents niya at umupo sa magkabilang tabi ni Wendy.

********************
"Do you have any idea where the girls will take you?" tanong ni Wendy kay Irene na naghahanap ng masusuot para sa bachelorette party niya mamaya.

"They were very vague with the details. Just told me to wear something nice and comfortable" sagot naman ni Irene habang naglalabas ng mga damit sa closet.

"Nice and comfortable? So pwede na tshirt and jeans?"

"Wannie!"

"What? You look nice with whatever you wear" pag.eexplain naman ni Wendy with matching kindat.

"Can you just help me pick what I should wear?" nakasimangot na tanong ni Irene. Mukhang stressed na kakahanap na ng susuotin.

Lumapit na si Wendy at inisa.isa ang mga options na napili na kanina ni Irene.

Mga dalawang oras din sila nag.mimix n match ng pantaas at pambaba. Ang ending, nag.dress din siya. Not too revealing at hindi rin maikli para iwas temptation sa kung saan man dadalhin si Irene ng mga kaibigan. Pero kahit pa ganun ang suot eh sa mukha pa lang talaga eh nakakabighani na.

Irene was checking herself out sa harap ng full size mirror at nakasimangot si Wendy.

"If it weren't because it's tradition to do this, you know I would rather stay with you here Wannie" sabi ni Irene, basa na niya kasi ang iniisip ni Wendy. Lumapit ito, kumandong at yumakap.

"Dito ka na lang nie. Pwede naman dito tayo magparty" sabi ni Wendy.

"I know. But...since the team won't be with us on the wedding day itself, we can give this to them"

Napangiti si Wendy. Inalala ang ganap nung nagkita sila ng parents nila.

"Basta don't drink too much ha" sabi na lang ni Wendy.

"Can't promise that though. I love you so much Wannie. Just a few more weeks"

"I get to call you my wife" sagot ni Wendy sabay halik sa lips...napatagal then bumaba sa leeg hanggang mahubad ulit ang kakasuot lang na dress.

********************

Nakahiga na lang ulit sila, parehong hinihingal. May nag.ring na phone. Kinapa ni Irene at sinagot ang tawag.

"We're outside the gate tl" si Jennie pala.

Napabangon bigla si Irene pagkatingin ng oras.

"! The girls are here!" at nagmadali na siyang magdamit ulit at mabilisan ayos ulit ng sarili.

Nagsuot na lang ng undies at robe si Wendy at bumaba na para pagbuksan ng gate ang mga kaibigan.

********************
"Hi guys!" bati ni Wendy at isa isa ng pumasok ng bahay ang tropa.

Inofferan niya ang mga ito ng maiinom pero mukhang di na kailangan at mukhang nag.pre.game na ang iba except kay Rosè na tanging tumanggap ng offer.

"Anong klaseng damit ba sinusuot ni ate at ang tagal?" reklamo ni Yeri.

"Pababa na din yun" sabi ni Wendy.

At right after niyang sinabi yun ay narinig na nila ang tunog ng takong na bumababa ng hagdanan. Sanay na silang makita ang tl nila. At kahit pa gaano kasimple ang make up at wala masyadong design na dress ang suot nito, napanganga pa din sila. The Bae Irene effect.

"I'm ready!" sabi ni Irene at mukhang di pa nakakrecover ang mga kasama.

"Teka, sino pala magddrive sa inyo dahil panigurado magiinom kayo, except Rosè" tanong ni Wendy.

At sakto din pumasok ng bahay ang ilang tropa with Jihyo and a new person.

"What's up everyone? Sorry na.late ng very light" bati ni Jihyo pagpasok ng bahay.

"Yo Jihyo in the house!" bati naman ni Wendy sabay fist bump sa kaibigan.

"Everyone, this is Daniel, my boyfriend" pakilala naman ni Jihyo sa kasama niyang lalaki. Nag.bow naman ang pinakilala.

"Nagyoyosi pa sa labas sila Seulgi" sabi ulit ni Jihyo at tumango na lang si Wendy.

"Gora na tayo!" excited na sabi ni Jennie, ang punong abala sa ganap ngayong gabi at naglabasan na sila ng bahay.  Sakto din namang katatapos lang magyosi ng mga partners nila. Paglabas ng gate ay bumungad sa kanila ang isang limousine.

"Ay wow!" wika nilang lahat.

"Good evening ladies, my name is Jihoon, your chauffeur for tonight" bati nung lalaking naka.tayo sa tabi ng limo. Pinagbuksan niya sila ng pinto at isa isa ng pumasok ang mga girls pagkatapos mag.goodbye kiss sa mga partners.

"Hey Wendy" sabi ni Daniel. "I heard it's your turn next week. Let me know if you guys need a lift, ayt?" sabay bigay ng business card nito bago sumakay sa front seat.

Bumukas ang bintana sa pinakalikod na part at nakadungaw si Irene.

"I love you Wannie!" sigaw nito sabay flying kiss. Bago pa makasagot si Wendy ay sinara nadin ang bintana.

"Alright! No jowa tonight. Anong trip natin mga tsong?" tanong ni Jeongyeon sa naiwang partners pag alis ng sasakyan.

"Chillnuman?" tanong naman ni Chaeyoung.

"Sige. Set up niyo na lang. Maliligo lang ako" sagot naman ni Wendy ng maalalang naka.bathrobe lang siya.

********************
Somewhere in BGC...

"Are we too early?" tanong ni Rosè pagpasok nila sa isang bar. Tatlong table pa lang kasi ang may mga customers.

"Late talaga dumadami tao dito" sagot naman ni Jennie.

Umupo na sila sa assigned table nila at nilapitan na sila agad ng waitress at nagbigay ng menu.

"Teka, nasaan na ba yung sach?" tanong naman ni Jihyo. May dinukot naman sa bag niya si Yeri at inabot kay Jihyo. Isinuot ang 'bride to be' na sach kay Irene, may kasama pang crown.

"Is this really necessary" sabi naman ni Irene. Hindi naman kailangan i.announce sa ibang tao na ikakasal siya.

"Ano ka ba boss? Kailangan yan. Iwas na din sa ibang magtatangkang lumapit" sagot naman ni Joy. May point naman siya.

Dumating na ang unang batch of drinks na inorder nila. May kanya-kanyang baso ng alak except sa buntis.

"For the first of the many drinks we will have tonight. Cheers everyone!" sabi ni Yeri at nagtaasan sila ng mga hawak na baso.

********************

And just like that, lumipas ang ilang oras, full pack na talaga ang bar kung nasaan sila at halos di na sila magkarinigan sa lakas ng music na pinapatugtog ng dj.

"AYOS TALAGA MGA BEATS NI DJ HYOYEON!" sigaw ni Momo sa mga kaibigan habang nagsasayaw sa pwesto nila. Hindi na sila nakipagsiksikan sa dance floor since malaki naman yung pwesto nila.

"BUTI NA LANG SAKTO SIYA YUNG DJ NGAYON!" sagot naman ni Sana.

Nagpalit ng music at nagsimula na ang mga oldies but goodies na music.

"LUH! LAKAS MAKATHROWBACK!" sigaw naman ni Irene nang mag.play ang 'Always by Erasure'. Nagtayuan ang magkakaibigan at sumabay sa choreo pagdating ng chorus.

Always, I wanna be with you
And make believe with you
And live in harmony, harmony oh love
(Always) I wanna be with you
And make believe with you
And live in harmony, harmony oh love


Sinundan pa ito nang ilan pang sikat na kanta at kahit ang mga kaibigang hindi pinanganak ng 90's eh alam ang mga dance steps.

Nagscreech ang music at nagsalita ang DJ. "Yo wassup everyone! This is your DJ Hyoyeon and tonight we will be having a dance battle. There's gonna be a prize waiting for the ultimate winner so gather your best dancers!"

Pagka.announce nun ay naclear ang dance floor at may ilang table na nagtutulak ng mga kaibigan nila. Siyempre hindi magpapatalo ang team BVTI kaya naman ay nanguna na si Momo na tumayo. Hatak hatak din si Jennie, Chaeryoung, at siyempre si Irene. Ang iba naman ay tamang taga.video sa mga kaibigan.

********************
"Uy naka.fb live si Rosè!" pag.announce ni Lisa sa gitna ng paglalaro nila ng bilyar. Kinonnect ang cellphone sa tv para mapanuod ng lahat.

********************
"Alright everyone! Just go to the center if you know the steps to the song!" sabi ng DJ at nag.play ang unang music.

Sa bawat kpop song na pinatugtog ay hindi nagpatalo sina Momo, Jennie, Chaeryoung at Irene hanggang last three teams na lang ang naiwan sa dance floor.

"From ten teams we're now down to our last three. Let's keep this exciting then. I'm gonna play an instrumental version of the songs and anyone who guesses the dance to it, will get a point"

Nag.stretching na ulit ang apat na rep at nagshot muna para mas pampagana at nagsimula na ngang magpatugtog ng instrumental version ang dj.

Narecognize agad ni Irene ang unang kanta at agad siyang pumagitna at sinayaw ang choreo ng Into The New World by Girls Generation. Hindi nagpatalo ang isang kalaban nila at pumunta na din sa gitna at sumabay sa ginagawang moves ni Irene. Nagtransition sa next song, pinatugtog ang Clap Your Hands ng 2ne1 at sabay pumagitna si Jennie at ang rep ng dalawa pa nilang kalaban. Pin.lay na ang susunod na kanta at 2 seconds in, gumitna na si Momo. Di siya magkakamaling Breathe yun ng Miss A dahil minsan na niya itong sinayaw nung high school siya. Di rin nagpatalo yung rep nung isang team na sumabay kay Irene nung una.

********************
"Oh my god! Is that ---?" sabi ni Wendy ng makita ang sumabay kay Irene sa first song.

Tinitigang mabuti ni Seulgi at suminghap din siya. "! Siya nga!"

Nagets naman ng iba kung ano yung tinutukoy ng mag bestfriend.

"Ohhh the past and the present battle it out on the dance floor!" asar naman ni Jeongyeon.


********************
Na.eliminate ang isa pa nilang kalaban ng wala silang natulak na rep para sa kantang Shock by B2st. Break time daw muna sabi ng DJ para makapagpahinga ang mga huling magbabattle kaya bumalik muna sa table nila ang tropa. Sakto din na dumating ang bago nilang order na alak kaya nag.shots muna sila.

Nag.excuse para mag.cr sina Rosè at Joy at habang nasa loob ng mga cubicles ay narinig nilang may mga pumasok.

"That group is really good. We better step up our game" sabi nung isang ate.

"I got my eyes on that bride to be. She's going down" sabi naman nung isang ate.

"That's the spirit Shuhua! We better win this last round" sabi ng isa pang ate.

Sa loob ng mga cubicles ay kahit tapos na with their business ang dalawa ay tamang antay lang sila na makaalis ang mga ateng pumasok. Nang makasigurong sila na lang ang tao sa cr ay dali daling lumabas ang dalawa.

"Narinig mo yung pangalan na sinabi nung isang ate? Shuhua daw. Di ba yun yung pangalan ng ex ni Wendy?" sabi ni Rosè habang naghuhugas ng kamay.

"Oo nga eh. Di kaya?" sabi naman ni Joy.

"! What are we gonna do?" slight na nag.panic na si Rosè.

"Sabihan na natin ang iba para kung may mangyare man, resbak agad tayo" sabi ni Joy sabay patunog ng knuckles.

Bumalik na ang dalawa sa table nila at nagannounce na magsstart na ang final battle in a few. Pasimpleng namang sinabihan nina Rosè at Joy ang ibang kasama ang narinig nila sa cr.

"LET THE FINAL BATTLE BEGIN!" sabi ng dj at lumapit na ulit sa dance floor ang mga kalahok.

"For this final round, a certain dance style will be displayed on the screen and I will play a certain song and you must dance accordingly"

Nakuha agad ng dalawang teams ang mechanics at nagsimula na nga ang battle.

Napaskil sa screen ang dance style na popping at pumagitna si Chaeryoung at ang isang ate sa kabilang team. Pinatugtog ang Latata ng (G) I-dle. Iba't ibang klaseng popping ang ginawa nilang dalawa. Next dance style was krump at pumunta na sa gitna si Momo at ang rep ng kalaban. Nagplay ang Hit The Drum ng Red Velvet at parehong kumunot ang noo ng magsasayaw, tamang tawanan naman ang audience dahil parang di naman bagay sa krumping ang kanta. Awkward ang steps sa verse pero pagdating sa chorus ay tinodo na ni Momo at lalong naghiyawan ang crowd. Lumabas ang next dance style sa screen at lyrical naman at si Jennie ang rep ng tropa. Inantay nila ng kalaban niya ang music at pinatugtog ang Precious Love ng Twice. Naghead bop muna silang dalawa at kanya kanyang gawa ng lyrical moves sa kanta.

"Alright. Here's the final style and song"

Gumitna na si Irene at ang last rep ng kabilang team na si Shuhua. Naka.abang ang tropa. Tango ang style at ang kanta ay D4 ng Blackpink. Nagharap silang dalawa at nang magsimula ang music ay mabilis ding pumitik ang leeg na sabay sa music. Hype na hype ang crowd dahil sa dalawang nagsasayaw sa gitna. Naghalong sharp at smooth ang mga movements nila at kahit walang partner sa pagsayaw ay kanya kanyang lagay na lang ng flavor.

********************
"Tangina tol ang hot ni boss!" pagchcheer naman ni Jisoo na sinangayunan naman ng tropa. Nag.fb live kasi ulit si Rosè at yun na lang ang inabangan nila. Nakalimutan ng may iniwan silang laro sa labas.

"Ayaw din magpatalo nung isa o" sabi naman ni Yeji.


********************
Malapit na matapos ang kanta at inextend ni Shuahua ang right leg niya at saktong paikot na si Irene at di ito nakita.

Bumagsak si Irene at naghiyawan ang grupo ng kalaban. Kitang kita din nila Rosè at Joy ang pagsmirk ni Shuhua pagkatapos niyang gawin move na iyon. Lumapit na agad si Lia at Yeri para tulungan tumayo si Irene na nanlilisik ang mata sa nangyare at nilayo na sa kalaban.

Humina ang music at nagsalita na ulit ang dj. "We have a winner everyone!" At tumapat ang spotlight sa kabilang team na nagtatalunan na sa saya.

Bumalik na sa table nila ang tropa pagkatapos i.congratulate ang naging kalaban. Kahit medyo nadaya sila sa ginawa nung kalaban hindi na nila ginawang issue. Paguusapan na lang nila within the group.

"Parang nadaya talaga tayo dun" malungkot na sabi ni Momo na g na g sa battle sa simula pa lang.

"Oo nga eh. Sinakto talaga nung ate na mag.half split nung paikot si ate" sabi naman ni Yeri.

"Guys. Kalma lang. Ayokong natatalo but meh. Let's just enjoy and drink the rest of the night" sabi na lang ni Irene.

Hindi nakapagpigil si Joy. "Hindi boss. Igaganti ka naman. Foul yung ginawa ni Shuhua sayo!" pagkalabas sa bibig ni Joy ang mga sinabi niya ay bigla din niya itong tinakpan sa gulat.

Painom na sana si Irene ng shot niya at nang marinig niya ang sinabi ni Joy at nabagsak niya sa lamesa ang baso. "What did you just say?"

Umiling na lang ang ibang mga kasama na nasabihan kanina.

"That...was Shuhua? As... in... Wendy's... ex?" sabi ni Irene while gritting her teeth.

Napalunok na lang si Joy at Rosè at sabay na tumango. With that, tumayo si Irene at hinila na lang si Yeri na tanging nagyoyosi din sa grupo at lumabas papunta sa smoking area.

"!" sabi na lang ng mga naiwan.

********************
Nagsindi ng yosi si Irene at inabot kay Yeri ang kaha.

"You okay ate?" alam ni Yeri na hindi pero she just had to ask pa din.

Nag.puff ng usok. "I will be in a few. I just can't believe we lost tonight"

"Weh? Dahil lang talaga natalo tayo?" tanong ng kapatid with matching taas ng isang kilay.

Umikot ang mata ni Irene at bumuntong hininga. "If I had known that was her, I would have at least done something more for us to win. Shove it to her face or something"

"Thought so. I don't think she recognizes you anyway. I think she just sees you as a threat sa dance floor kanina"

Magsisindi na sana si Irene ng second stick niya ng may dalawang babaeng lumabas mula sa bar at papunta din sa smoking area. Si Shuhua and friend.

"Oh hey! You were the one I danced with earlier, right?" sabi ni Shuhua kay Irene paglapit nila. Wala na din kasi masyadong space kaya sa tabi na lang talaga nila pwedeng pmuwesto. Pilit na ngumiti si Irene to answer.

Napansin ang sash na nakasabit, tinanggal kasi ni Irene kanina nung magsasayaw na sila. "Wow! You're getting married? That's so great!"

"Yep. Her fiance's the best as well" entry naman ni Yeri.

"Where are you guys planning to do it, if you don't mind me asking"

"In Europe. In two weeks time" sagot ni Irene.

"Your fiance's really lucky to marry you. You're so beautiful. I bet he's handsome as well"

"Yes SHE is handsome" sagot ni Irene with emphasis.

"Wanna see a picture of how perfect they are?" sabi ni Yeri habang dinudukot ang cellphone sa bulsa. Naexcite naman ang dalawang ateng kausap habang nagsisindi din ng mga yosi nila.

"Oh please. I am actually THE lucky one to marry her" sabi naman ni Irene at kita mo na kinilig ang dalawang kausap.

Nilagay ni Yeri ang passcode sa phone at pumunta sa gallery at hinanap ang isang favorite photo ng ate niya at ni Wendy. Nasa harap ng bahay nila at tamang photo op nung araw ng house blessing. Hinarap ni Yeri ang phone, zinoom ng slight para mas kita ang itsura ng mga nasa picture at kita nilang dalawa ni Irene ang paglaki ng mata ni Shuhua and her friend.

"Holy ! Y...you're m...marrying W...endy?" utal na sabi ni ShuHua pagtingin niya kay Irene na nakangiting malaki.

"Yes. I am marrying Wendy" sagot ni Irene sabay puff ng yosi gamit ang right hand kung saan suot niya ang engagement ring, tamang pigil na lang ng tawa si Yeri sa reaksyon nung mga kausap.

Izozoom pa sana ulit nung kaibigan ang picture pero napa.swipe left instead and another picture was shown. Re.enacted photo nung birthday ni Wendy nung lumuhod ulit siya kay Irene para magproprose. Captured ang malalaking ngiti sa kanilang dalawa and their eyes won't lie either na mahal na mahal nila ang isa't isa.

Hindi na nakapagsalita ulit ang magkaibigan at nabaling na din ang atensyon ng may tumawag ng pangalan nila.

"We'll go ahead" sabi na lang ni Irene at pumasok na ulit sila ni Yeri.

Pagpasok sa loob ay nag fist bump ang magkapatid.

"IN YOUR FACE SHUHUA!" sigaw ni Yeri pagkasara ng pinto nung bouncer, kumunot din ang noo sa pagduro ni Yeri.

Pagbalik nila sa table nila ay kiniwento na agad sa mga kaibigan ang nangyare sa smoking area at nagtuloy lang ang masayang inuman nila.

********************
Madaling araw na ng maihatid ulit sila sa bahay nila Wendy.  Mga bagong gising ang mga top dahil tinamad na maginom kaya tinulog na lang. Nagising na lang sa sunod sunod na pagdodoorbell sa gate.

Si Lisa ang nagbukas ng gate dahil hindi siya makatulog ng wala pa si Rosè. Bumungad naman sa kanya ang hug attack ni Irene na inakalang si Wendy ang magbubukas ng gate.

"Imisshoooowannie!" sabi nito in her drunken state. Hahalik pa dapat si Irene ng hilain siya ni Jennie.

"Boss hindi si Wendy yan" sabi ni Jennie pero hindi ata nagregister kay Irene at nagdikit na nga ng labi kay Lisa. Saktong kakapasok lang ni Rosè dahil siya ang nasa pinakaloob ng limo.

"What the ?!" sabi ni Rosè at ni Wendy na kakalabas lang.

Nang marinig ni Irene ang isa pang boses ay nanlaki ang mata niya dahil hindi si Wendy ang hinahalikan nito. Para namang naging estatwa si Lisa.

Tumingin sa likod ni Lisa at tsaka nakita si Wendy na nanlaki din ang mata. Agad siyang sumuray na maglakad papunta sa fiance niya.

Si Wendy na lang ang humingi ng pasensya kay Rosè na nakakapit na kay Lisa. Binuhat na si Irene at pinapasok na silang lahat sa loob.



******************** 

 

 

 

 

A/N: Hi guys, tell me what you think. :)

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 63: Author, one question. WHERE ARE YOU NOW?

You still need to continue this story. Hope you'll come back.
winrina__09 #2
❤️❤️❤️
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #4
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#5
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
94 streak #6
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1702 streak #7
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#8
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
94 streak #9
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#10
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡