Biyaheng Norte

Pag May Alak, May Balak

"Unting bilis naman jan o. Ang init init eh" reklamong sabi ni Jennie sa mga kasama na naglalagay pa ng gamit sa sasakyan.

"Eh kung tumutulong ka kaya noh?" sagot naman ni Jisoo na inaayos ang mga gamit para magkasya ang mga dalang bag.

"Bakit kasi may maletang dala?" tanong naman ni Lisa na inaantay si Jisoo matapos sa paguusog.

"Para namang hindi niyo kilala si Jennie. Kailangan maraming options na damit" sabi naman ni Rosè.

Nagapiran silang dalawa ni Jennie.

"May kasama daw si Yuna ah. Kilala niyo ba kung sino?" tanong naman ni Chaeyoung na nakatambay at waiting na lang din sa ibang kasama.

"Di nga po eh. Hindi na masyadong nagkukwento yung isang yun" sagot naman ni Yeji.

"Where are the others?" tanong naman ni Wendy habang tumitingin sa kanyang relos. Nagkibit balikat lang ang ilan.

Maya-maya pa ay may pumaradang Honda Yaris sa harap nilang lahat. Mga nagtataka ang itsura dahil hindi familiar sa kotse.

"Sorry po at na.late kami. Sinundo pa po kasi namin yung kasama ni Yuna eh" bati naman ni Ryujin paglabas nsa driver's side at isa isa na ngang bumaba ang mga kasama nito.

Nacurious ang lahat sa babaeng kahawak kamay ni Yuna kaya naman inunahan na niya ang lahat bago makapagtanong.

"Hello po. Si Ayaka po pala" sabi ni Yuna. "Girlfriend ko po" sabay ngiting malaki.

Lumapit naman ang kasama ni Yuna at nagbow sa kanilang lahat. "Hajimemae. Ayaka Arai po"

"Ooh another Japanese" sabi naman ni Mina kina Sana at Momo.

Binati ng lahat ang bagong kasama at nang dumating na ang huling tropa ay nagsimula na din silang lumarga. Sa Pagudpod ang lakad nila ngayon. Nangunguna sa convoy si Wendy na kasama sina Irene, Seulgi, Joy, Yeri at Saeron. Sunod naman sina Jisoo, Jennie, Rosè at Lisa. Tapos sina Jeongyeon, Nayeon, Sana, Tzuyu, Momo at Dahyun na kasunod naman sina Ryujin, Lia, Yuna at Ayaka at panghuli sina Yeji, Chaeryoung, Mina at Chaeyoung. Hindi nakasama on the last minute si Jihyo dahil sa tatamang family event sa dates ng lakad.

*********************
Jeongyeon's car...

"Kaya pala medyo secretive si Yuna lately, may pasabog pala siya" sabi ni Sana. 

"Pero in fairness ah, maganda si Ayaka" sabi naman ni Dahyun.

"Baka nakakalimutan mong Japanese din ang jowa mo ha. Maganda talaga ang may lahing hapon" sabi ni Momo at nagapiran sila ni Sana.

Nakita ni Nayeon na natatawa si Jeongyeon. "Subukan mong um.oo!"

Nagtikom na lang ng bibig si Jeongyeon pero halata pading nagpipigil ng tawa.

"Walang chaka sa team. Diyosa ang tl natin so it only reflects sa mga ahente niya" sabi naman ni Tzuyu.

Nagpangabot ng tingin si Tzuyu at Jeongyeon sa rear view mirror at nag.mouth ng thank you si Jeongyeon dahil minsan may pagka.insecure ang kanyang girlfriend.

********************
Yeji's car...

"Akala ko si Yuna na lang ang magiging straight sa team. I was so wrong" sabi ni Chaeyoung.

"Ako din nga po eh. My gaydar failed me" sabi naman ni Chaeryoung.

"Seems like Jihyo will remain the only straight one in the team" sabi naman ni Mina.

"Ah siya po yung kasama nung Galera tama?" tanong naman ni Yeji at tumango ang MiChaeng.

********************
Jisoo's car...

"Oy Lalisa, di ba nakuha mo na lisensya mo?" tanong ni Jisoo.

"Oo, bakit?" sagot ni Lisa.

"Baka naman pauwi pwedeng ikaw na magmaneho Maexperience ko man lang maging pasahero kahit minsan"

"You know I can drive right?" sabi naman ni Jennie.

"Yep we know kaso gusto pa namin mabuhay" sagot naman ni Rosè.

"Wow. Nahiya naman ako sa driving skills mo Roseanne. Di ko pa din makakalimutan yung trauma ko nung muntik na tayo mahulog sa bangin"

"Pang.timezone lang pwede yung ganung driving Rosè" sapaw naman ni Jisoo.

"Pinagtutulungan nila ako dy!"

Pigil na lang sa pagtawa ang asawa. "Hayaan mo my. Pag nakuha ko na yung kotseng ni.loan ko tuturuan kita ng maayos na pagdrive"

May malakas na hampas na natanggap si Lisa.

********************
Wendy's car...

"Mehn. Baka naman pwede na nating binyagan yung bagong bahay niyo ni boss" sabi ni Seulgi.

"Hindi pa nga namin nakikita inuman agad ang gagawin?" sagot naman ni Wendy.

"Teka anong bagong bahay?" takang tanong naman ni Yeri.

"Wannie's parents gave us a house as a pre wedding gift" sagot na lang ni Irene.

Nanlaki ang mata ni Yeri. "Ay sosyal. San itey?"

"Forbes Park" sagot ni Wendy.

"Hala siya. Yayamanin ka pala sister in law"

"Oo kaso bawal pumasok dun ang may record sa presinto" asar ni Irene sa kapatid.

Nag.middle finger na lang si Yeri.

"Wait. Does that mean maiiwan si Seulgi sa apartment?" tanong naman ni Joy.

Tumango si Wendy. "Ah yes. We talked about it and Seulgi said she's fine with it as long as you stay with her"

May bumatok kay Wendy buti na lang at mahigpit ang kapit sa manibela. "Tangina naman eh. Wala na yung surprise!" sabi ni Seulgi sabay nag.pout at nag cross ng kamay. Napangiti naman ang girlfriend.

"Awww my sulking bear!" sabi ni Joy yakap at halik kay Seulgi.

"Ako na lang rep samin ni Yeri ate" sabi naman ni Saeron.

"Isa ka pa!"

********************
Ryujin's car...

"Yuna, nawarningan mo na ba yang si Ayaka about sa group?" tanong ni Lia.

"She offered but I refused. It's better na makilala ko sila with my own experience" sagot naman ni Ayaka.

"Sige. Goodluck na lang ha" sabi naman ni Ryujin.

"Wag niyo inuunderestimate ang baby ko" sabi ni Yuna sabay yakap sa girlfriend.

********************
Makalipas ang tatlong oras ng pagbibiyahe, napagusapang magstop over muna somewhere sa NLEX. Kanya-kanyang trip ng bibilhan ng snacks ang mga gutom at nag.cr na ang mga may kailangan. Naiwan ang tropang nagyoyosi.

"Mga tol papatulong sana ako sa inyo maglipat ng gamit sa end ng month" sabi ni Wendy.

"Pinalayas ka ba ni boss? Mukhang okay naman kayo ah" malungkot na sabi naman ni Jeongyeon.

Natawa si Wendy at Seulgi.

"Kapag maglilipat ng gamit pinalayas agad?" sabi naman ni Jisoo.

"Hindi mehn. Self eviction" sabi na lang ni Seulgi na may halong sarcasm.

"Di nga. Anong meron?" tanong naman ni Lisa.

"Irene and I will be moving in to our new house"

"Hala aalis na kayo sa apartment? Sayang naman. Dami pa naman natin memories sa rooftop" sabi ni Chaeyoung.

Nagkamot ng ulo ang magbestfriend.

"Nak ng tokwa. Niregaluhan kami ng bahay ng parents ko. Pre wedding gift. Okay na?" sagot na lang ni Wendy.

Naghiyawan ang tropa. "Pota bigtime pa lang itong tropa natin eh. Sana all nireregaluhan ng bahay ng parents" sabi ni Jisoo.

"Propose ka din kay Jennie, dali!" asar naman ni Lisa.

Natapos magyosi at nakabalik na din ang iba kaya nagtuloy na sila sa biyahe.

*******************
Madilim na ng makarating sila sa bahay na pagtutuluyan. Nakailang stop over din kasi sila. Pagpark ng mga sasakyan ay nagbabaan na din para makapagstretch ng legs.

"Hotaena! Lisa ikaw talaga magdrive pabalik" sabi ni Jisoo habang shina.shake ang katawan.

Pilit na ngumiti na lang ang sinabihan.

"Pasok muna natin mga gamit" sabi ni tl at sumunod naman lahat.

May apat na kwarto at tatlong bunk beds sa bawat room kaya bunutan ulit sila kung sino sino magkakasama.

Room 1: Jeongyeon, Nayeon, Yeji, Chaeryoung, Jisoo, Jennie
Room 2: Wendy, Irene, Yeri, Saeron, Rosè, Lisa
Room 3: Seulgi, Joy, Sana, Tzuyu, Ryujin, Lia
Room 4: Dahyun, Momo, Yuna, Ayaka, Mina, Chaeyoung

Paglabas ng mga kwarto ay may nakahain ng pagkaen sa dining table.

"Hala san galing ito?" gulat na tanong ni Irene dahil ready na siyang lumabas para maghanap ng makakainan nila.

"I anticipated na gagabihin tayo so I asked the caretaker na magprep ng food" sagot naman ni Wendy na nakapangbahay lang.

Hindi makahinga si Wendy nang bigla siyang kuyugin ng tropang gutom na gutom na din.

"You're our savior Wendy!' sabi ni Momo, Jeongyeon at Rosè.

*******************
Nang mabusog na ang lahat, nilatag na ang mga alak at puwesto na paikot ang grupo. Tanggero si Ryujin at Yeji.

"San pala tayo unang pupunta bukas?" tanong ni Seulgi sa grupo.

Nakalabas ang cellphone ni Chaeyoung. Ang resident taga tingin ng popular places to visit kung saan sila mapadpad. "La Paz Sand Dunes is an hour and a half away from here. While Bangui WindMills is about 30 minutes away. Kabigan Falls is about 10 minutes away while the longest zipline is close by"

 

"Dati ka bang tour guide Chaeyoung? Alam na alam mo ah" tamang asar naman ni Jeongyeon.

"I think it's hot how you really researched before we went here love" sabi naman ni Mina. Napangiti na lang sa kilig yung sinabihan, kita ang lalim ng dimples.

"Ayieeee di pa nakakainom namumula na agad o" dagdag na asar naman ni Lisa.

"Pero san nga tayo unang pupunta?" tanong ulit ni Seulgi.

"Lahat ng pwede nating mapuntahan para masaya" sagot na lang ni Wendy.

*******************
Nakaubos na ng dalawang bote ng tequila at nagbubukas na ng bagong set. Breaktime muna ulit.

"So paano kayo nagkakilala ni Yuna?" tanong ni Sana. Naiwan sa loob ang mga hindi magyoyosi.

"We actually met online. Sparked interest at first swipe. Then ayun nagusap na" sagot naman ni Ayaka.

"Uso pa pala ang online dating ngayon" sabi naman ni Irene.

"Yes boss. Maraming dating apps ngayon. Bet mo ba?"

"Eh?" sabi ni Irene.

"Biro lang boss. Malagot pa ako kay Wendy"

"Kay Wendy ka talaga natakot? Mas scary kaya si boss" sabi ni Momo ng nakapeace sign sa tl nila.

Tawanan naman ang iba.

********************
"Kamusta naman kayong dalawa?" tanong ni Jisoo kay Ryujin at Yeji habang nagsisindi ng yosi.

Nagtinginan ang dalawang tinanong. "Maayos naman po boss. Nakapagusap na naman po kaming apat and goods nadin. No hard feelings"

"Yes po. Nagkasagutan at some point pero we all decided na ayusin na din talaga yung gulo namin"

"Mabuti naman kung ganun. May mga edad nadin naman kayo" sabi naman ni Jeongyeon.

Tumingin sa phone si Wendy. Minessage si Irene kung ready na sila sa loob. Isang minuto sumagot na game na. Kaya inaya na pumasok ulit sa loob ang tropa. Pagpasok nila ay biglang namatay ang mga ilaw.

"Hala pota!" biglang sigaw naman ni Chaeyoung na huling pumasok. Maya maya pa't may umilaw na kandila. At ng lumiwanag na ulit ang sala nakapalibot na kay Chaeyoung. Nasa pinakagitna si Mina na may hawak na cake.

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday to you!" kanta ng lahat.

Hindi iyaking tao si Chaeyoung pero bigla siyang naluha sa ganap kaya naman agad na pinahawak ni Mina ang cake sa katabi niyang si Rosè para yakaping ang girlfriend.

"Why are you crying love?" tanong ni Mina.

Suminghot muna bago sumagot. "Kasi hindi..naman ako nageexpect ng ganito. Okay na sa akin yung kasama natin lahat ng tropa"

Tamang taga capture the moment lang si Lisa at nagpipigil ng tawa para hindi rinig sa video. Pero nagngingisian silang tropa. Ang cute kasi ng kaibigan pag umiyak parang baby.

Pagkatapos  magwish at magblow ng candle, nagbigay ng regalo si Mina kay Chaeyoung sa loob ng kwarto, wala ng nagquestion kung bakit, nagtuloy na lang ng inuman ang tropa.

********************
Alas syete, nagising ng maaga si Irene at Wendy gaya ng nakasanayan pag may outing sila at nagluto ng breakfast para sa lahat. Sakto pagtapos maluto eh nagsilabasan na ng mga kwarto ang mga kasama at kanya-kanyang kuha ng kanin at ulam. Huling lumabas ng kwarto ang unang nagkulong sa kwarto na sina Mina at Chaeyoung.

"Good Morning everyone!" bati nila ng sabay at parehong nakangiti.

Bakas sa kanila ang glow kaya tamang asar lang ang tropa.

"Birthday gift na naming apat yung hindi kayo ginulo kagabi. Buti na lang pala nilabas namin yung essentials sa kwarto" sabi ni Dahyun.

"Aww maraming salamat Dahyunnie" sagot na lang ni Chaeyoung habang naghahain ng fried rice sa shared plate nila ni Mina.

Lumapit si Momo at Sana kay Mina. "Ang lakas pala ng boses mo Mina ah"

"Wag niyo na pagtripan si Mina guys" sabi naman ni Chaeyoung.

"So where do we go first after breakfast?" change topic na lang ni tl para hindi na matuloy ang pangaasar sa dalawa.

At hindi na naman sila magkasundo sa gustong unahin na pupuntahan.

*******************
Una nilang pinuntahan ang Bangui Windmills at tamang pictorial lang ang ginawa nila. May kalahating oras din silang nagtagal dahil siniguradong may mga solo at group picture ang lahat.

Nakasakay na sa mga 4x4 ang team at nagsimula na din magmaneho ang mga driver nila para tahakin ang sand dunes. Matindi ang pagkakakapit ni Irene na nasa passenger seat dahil ayaw tumayo sa likod. Iba naman ang tuwa ng mga kasama nito na nasa likod.

"Wooohooo! Bilisan mo pa magmaneho kuya!" sigaw ni Wendy na may kasama pang pagwawagayway ng isang kamay. Nang dumaan sila sa isang pababang daan, lalong naghiyawan ang mga nasa likod, akala mo nasa rollercoaster lang. Di na malaman ni Irene kung saan pa siya hahawak kahit nakaseatbelt naman ito. Sayang saya naman sina Wendy, Seulgi, Joy, Yeri at Saeron sa kakaibang roadtrip. Ilang minuto pa silang bumibiyahe at unti na lang mabibingi na si kuya driver sa tili galing sa katabi niya. Nang mapadaan sa isang biglang pababang daan ay napalakas lalo ang tili at hindi na napigilan ni kuya na biglang magbreak na nagcause naman ng human collision sa mga nasa likod. Na.out of balance pa si Yeri at kamuntok ng mahulog sa sasakyan buti na lang nahawakan ni Saeron.

"Aray! Pota!" sabay sabay na sigaw ng mga nasa likod.

"Ayos lang po ba kayo jan sa likod?!" malakas na tanong ni kuya. Medyo may nagriring pa sa tenga niya.

"Okay lang kami kuya. Ikaw ba okay ka lang?" nakangiting pilit na sagot naman ni Wendy kahit pasimpleng minamasahe ang tagiliran na sumalo ng impact. Alam niyang si Irene ang dahilan bakit biglang prumeno ang driver kaya naman ay bumaba siya ng sasakyan at pinuntahan ang fiancè sa harap. Sumenyas naman kay Yeri at Saeron kung pwedeng isa sa kanila ang umupo sa harap. Nakuha naman agad ni Saeron at siya na ang nagpresinta kaya naman ay tinanggal na ni Wendy ang seatbelt ni Irene at kahit nakapout ito ay tinulungan na lang umakyat sa likod.

*******************
Nakarating ng maayos ang grupo sa lugar kung saan sila pwedeng mag sand surfing. Pila-pila per pair ang pagbaba sa sand at nakailang ulit din sila para sulit naman ang bayad. Nagpustahan pa ang mga tropa sa kung sino makakapag.surf ng hindi natutumba hanggang dulo. Unang salang sina Lisa at Jisoo. Magaling magbalance at tama ang mga porma pero na nagkamali ng hawi ng board at nagkabanggan sa gitna, gumulong hanggang sa dulo. Sunod naman sina Ryujin at Yeji. Okay na sana kaso nung na.out of balance si Ryujin, nilingon pa ni Yeji kaya gumulong na din siya. Sumunod naman si Jeongyeon at Chaeyoung. Mabilis ang pagsurf ni Jeongyeon pero na-out of balance din habang si Chaeyoung, chill na chill na nakatayo hanggang sa dulo. Lamang na siya. Sunod naman si Saeron at Ayaka na nagkabanggan din bago dumating sa dulo. Huling sumalang ang magbestfriend. Wala pa sa kalahati pareho na silang gumugulong.

"Pakiabot na lang ang mga bayad sa pusta pagdating sa taas mga pards" nakangiting sabi ni Chaeyoung habang pinapanuod na nagpapagpag ng buhangin ang tropa.

Nagpahinga muna ang lahat bago gumora sa susunod na destination. Nagabot ng mga tubig ang kani-kanilang mga partners para naman mapawi ang pagod sa kalokohang ginawa nila.

"Pwede bang direcho sa beach na tayo? Tangina nangangati na ako. May buhangin pa ata sa loob ng underwear ko" sabi ni Jeongyeon na kanina pa hindi mapakali at maya't mayang pinapasok ang kamay sa shorts.

"Gags! Kadiri ka!" sabi naman ni Jisoo na pasimple ding ginagawa, natawa na lang ang jowa dahil siya lang nakakita.

*********************
Nakasakay na sila sa mga kotseng dala at papunta na din sa isang resort na maraming activities. Dun na din kakaen ng tanghalian kaya pagdating na pagdating ay nanguna na sa kainan ang iba para na din makakuha ng pwesto. Habang nagaantay ng mga inorder ay nagtitingin na din ng mga activities na available.

"Bet ko magzipline. Longest daw ito eh" sabi ni Chaeyoung na sinangayunan naman ng iba pero may ilan na umiling.

"Uy may ATV. G ako jan" sabi naman ni Ayaka.

"O sige after kumaen, activities tayo tapos kita kita na lang ulit mga bandang 3 para makapagswimming din" sabi naman ni Wendy at nag-agree ang lahat.

*********************

"Ay haba pala talaga nito" sabi ni Lisa ng maisabit na siya nung kuya at rumadyo sa kabilang side. Magkakasama sina Lisa, Rosè, Mina, Chaeyoung, Wendy, Seulgi, Joy, Jeongyeon, Momo, Sana, Tzuyu at Lia na magzizipline haban sina Irene, Jennie, Jisoo, Nayeon, Yeji, Chaeryoung, Yuna, Ayaka, Dahyun, Yeri, Saeron at Ryujin naman sa ATV.

"Boss di ba pwedeng magkasabay?" tanong naman ni Joy.

"Isa isa lang po talaga maam eh" sagot naman ni kuya.

"Paabot naman nung camera ko. Salamat" sabi ni Lisa bago lumarga. Inayos ang hawak sa monopod kung saan nakalagay ang go pro.

Pinanuod ng lahat na lumipad si Lisa at sunod sunod na sila. Lahat adventurous kaya walang naging problema.

Sa kabilang side naman ay katatapos lang din mabigyan ng instructions ang mga mag.a.ATV.

"Alternate na lang tayo ng driving" suggestion ni Jennie.

"Oo pwede naman. Sayang lang sa bayad kung tig.i.isa tayo" pagsangayon naman ni Irene.

Nag-pompyang ang apat na hindi kasama ang partner para malaman kung sino ang magkashare. Sumakay na sila sa mga respective ATV's nila at sinundan ang guide nila.

********************
"Sila itong may mga motor pero sila pa talaga yung wala" pagrereklamo ni Momo na naiinip na dahil usapan nga naman ay alas tres magkikita kita pero 3:20 na at wala pa ang mga nag.ATV.

"FASTERRRRR GOOO FAAAASSTERRRR!" (wag tayong green)

"TANGINA BILISAN MO!"

"WOOHOOOO!!!!"

"BYE ES!"

"SABI NA DAPAT AKO NA LANG NAGDRIVE EH!"

"ANG BAGAL MOOOOO!"

May narinig silang mga nagsisisigaw na papalapit at nakita na nga nila ang kalahati ng grupo na parang nagraracing papunta sa kanila. Unang nakarating sina Ryujin at Irene na nag.mala.tokyo drift sa pagtigil sa harapan nila. Sunod naman sina Jennie at Jisoo na nagtutulakan for some reason. Kasunod sina Yeji at Chaeryoung tapos sina Yeri at Saeron tapos sina Yuna at Ayaka at panghuli na sina Nayeon at Dahyun.

"Pay up girls!" sabi naman ni tl na nakalahad pa ang palad.

Yung mga audience ay naka. "Ehh?" expression na lang sa ganap. Isa isa namang nagbigay ng tigbebente ang kasama nila.

Nang makapagpahinga na saglit ay nagtungo na sila sa may beachfront at nagswimming na.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 63: Author, one question. WHERE ARE YOU NOW?

You still need to continue this story. Hope you'll come back.
winrina__09 #2
❤️❤️❤️
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #4
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#5
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
90 streak #6
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1694 streak #7
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#8
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
90 streak #9
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#10
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡