King's Cup

Pag May Alak, May Balak

Nasa beach na ang tropa. May matinding pagpapaalam na ginawa si Wendy kay Irene para lang makapag-water activities siya. Pinayagan naman basta may life vest. So ang tropa ay nagaantay ngayon ng banana boat.

"Hindi ako pwede sa dulo ah. Tangina lilipad agad ako pag bumiglang liko" sabi ni Chaeyoung.

"Gitna ka na lang mehn. Una si Wendy, tapos ako, tapos ikaw then si Jisoo tapos si Jeongyeon" sabi naman ni Seulgi.

"Bakit di sumama si Lisa?" tanong naman ni Jeongyeon.

"Ewan ko dun. Tinotopak na naman ata" sagot na lang ni Jisoo.

Dumating na yung kuyang nagpapasakay sa banana boat kaya pumwesto na sila.

"O matira matibay ah" sabi ni Wendy.

"G!" sagot nung apat.

******************************
Yung iba naman ay piniling mag-jetski kaya naman ay magkakasama sina Rosè, Jennie, Yeri, Saeron, Sana at Momo. Habang sina Yeji, Lia, Dahyun, Yuna, at Chaeryoung naman ay magkakasama para sa flying fish.

Naiwan sa may beachfront sina tl Irene, Tzuyu, Nayeon, Jihyo, Lisa, Mina, Joy at Ryujin.

"Wala nga surfing pero super lumawak ang water activities" sabi ni Nayeon habang nagpapahangin hawak ang isang hand fan.

"Naka.life vest naman silang lahat" sabi ni Mina.

Yung wala yung unang outing eh na-curious. "Bakit anong meron nung ng-La Union kayo?" tanong ni Jihyo.

Napa-eye roll na lang si Irene habang inalala yung ganap. Kinewento ang nangyare.

"May lahi atang pusa si Wendy hindi hamster eh. Nakaka-ilang aksidente na siya ha" sabi na lang ni Jihyo.

"Ayoko nga talaga payagan kanina kaso hindi ako maka-hindi nung lumuhad na tapos nag-pout with matching pleading eyes. Ang cute cute niyang tignan kaya sinigurado ko na lang na mahigpit ang life vest" sagot ni tl.

"Minake-sure ko din boss na hindi mawawalay sa paningin ni Seulgi ang bespren niya" sabi ni Joy.

Napansin na may tropang hindi sumali.

"Oh eh Lisa bakit di ka pala gumora dun?" tanong ni Tzuyu.

"Ayoko lang" tipid yung sagot. Siyempre papalagpasin yung ganun lang.

"Weh? Di nga?" pang-asar na tanong naman ni Ryujin.

Siniko na lang ni Lisa. "Oo nga. Eh bakit ikaw di ka sumama kina Chaeryoung?"

"Ayoko lang din" sabi ni Ryujin sabay tawa.

"Tignan mo ito. Para kayong ewan" sabi ni Nayeon.

Matapos ang isang oras, nakabalik na ang mga nag-water activities kaya pinili na lang magswimming ng iba habang ang mga chef ng grupo ay nagsimula ng maghanda ng panghapunan at pulutan nila.

******************************
"Pakihiwa naman yung bawang at sibuyas Ryujin" sabi ni Irene sabay labas ng bahay para icheck yung iniihaw ni Wendy.

Kinuha naman agad yung mga pinapahiwa. Maramihan na para sa iba't ibang putahe na gagawin. Nasa panlimang sibuyas na si Ryujin. Medyo naluluha na talaga siya pero pilit pading tinatapos ang task niya.

"Kaya ba red onion tawag jan?" tanong ni Lia na lumapit sa mga naghihiwa.

Teary eyed namang tumingin kay Lia at sumagot si Ryujin. "Huh?"

"Red Onion?"

Tumingin ulit sa hinihiwa at nabitawan naman bigla ni Ryujin ang kutsilyo. "Ah !" Masyadong focused sa pagpigil ng luha dahil sa pesteng sibuyas na hindi namalayan na daliri na pala yung nahiwa niya. Agad-agad namang dinala ni Lia si Ryujin sa cr. Hinugasan at nilagyan ng alcohol tsaka betadine tapos nilagyan ng band aid. Sandali lang sila sa loob tapos lumabas na din pero sakto din yung pagpasok ni Chaeryoung ng kusina na may hawak na isa pang kutsilya kasi kulang yung nasa bahay.

Kita niya na hawak ni Lia yung kamay ni Ryujin. Nung mapansin ng dalawa eh bigla din nagbitaw. Suspicious ang tingin nung isa.

Umalis na ulit si Lia. Nagtuloy lang sa ginagawa niya si Ryujin dahil di na nagsalita si Chaeryoung. Biglang lumamig ang paligid.

******************************
"Gawa tayo ng music video parody ng Dance The Night Away" tamang aya ni Sana kina Tzuyu, Momo at Dahyun na tamang nagsusun-bathing lang.

"Paano naman yung iba?" tanong naman ni Tzuyu.

"Sila boss pwede nila gawin yung Umpah Umpah tapos sila Lisa mamayang gabi sa bonfire gawin naman nila yung Playing With Fire tapos sila Yeji gawin naman nila yung Nobody Like You"

"Kahit walang dance step yun? Eh si Saeron?"

"Eh di tamang angas angas lang tas si Saeron? Uhm. Taga.video?"

"Ay wow. Unfair mo dun" 

******************************
Nakahain na ang mga pagkaen sa lamesa. Yung mga piniling matulog eh ginising na. Tamang group picture kasi nakalimutan nila kanina pagdating.

"Ay bakit may cake?" tanong ni Yuna na kagigising lang.

"Binili ni Wendy. Hindi namin alam kung saan.  Early celebration daw ng birthday ni boss" sagot naman no Chaeryoung.

"Super early ah. Mga 2 weeks advance" sagot naman ni Yeji.

Nang makumpleto ay nagsimula na sila umatake. Tag-gutom lang lahat. Busy lahat sa pagkaen kaya ang tanging ingay lang ay yung music na pinapatugtog ni Chaeyoung. May nalutong adobong manok (siyempre di mawawala sa outing yun), meron ding liempo, ginising hotdog, pansit at kilawin na speciality ni Ryujin.

"Panalo yung kilawin mo Ryujin!" sabi ni Lisa pagkatapos magburp ng malakas.

"Ay salamat po. Request po kasi ni Chaeryoung eh"

Ayiiiieeeee. Tamang asar ng tropa. Medyo pilit naman ang ngiti nung nagrequest.

"Shot na tayo after one hour ah. May challenge pa tayong gagawin" sabi ni Joy.

"Tangina ano ba yang challenge na yan? May lagay ba?" sabi naman ni Momo.

"Dapat may magjujudge. Pero hindi pwede yung partner nung kasali" sabi ni Mina.

"Hala bakit?" reklamo naman ni Rosè.

"Tanga lang teh? Bias yun" sagot naman ni Jihyo.

Nagpout naman yung isa. Napagdesisyunan ng mga natira na magbunutan kung sino ang mapipiling mga judge.

Tumayo si Joy. "So bibigyan namin kayo ng five minutes para aralin yung video tapos gagayahin niyo lang. Pagaling lang ang challenge. May easy round at may hard round"

Kinuha ang phone at hinanap yung video. Tapos pinakita sa mga alay na sina Seulgi, Lisa, Momo, Yeji at tl Irene.

"Ay easy lang pala" sabi ni Momo na pasimpleng ginagaya na yung sayaw.

"Five minutes starts now" Sabi ni Saeron na nagbukas ng timer sa phone niya. Kanya-kanyang aral nung Nunu Nana Dance.

Kanya-kanyang happy place sa pagpraktis. Taga document na lang si Yuna.

"Hi guys. This is your host Hussey! We're currently letting our contestants practice the dance challenge on their own and in about two minutes they'll be presenting it to everyone here. We also don't know who the judges are. So this should be fun!" Hinarap ang camera sa mga nagpapractice.

"Time's Up!" sigaw ni Saeron.

Bumalik sa table ang lahat. Nagdraw.lots din kung sino mauuna.

Naunang sumalang si Momo, pumwesto sa harap ng lahat at pinatugtog na ni Joy ang music.

"Yes babe! Wooohh! I love you" sigaw ng kanyang supportive na jowang si Dahyun.

Sumunod naman si Seulgi.

"Shet na malupet! Nakaka-wet!" Malakas na sigaw naman ni Joy.

Sumunod si Yeji.

"Easyihan mo lang please!" tamang pagchcheer naman ni Lia.

Sumunod si tl Irene.

"Proud fiance here!" sigaw ni Wendy.

At ang panghuli naman ay si Lisa.

"Waaahhh! Tangina! Asawa ko yan!" proud na proud na sigaw naman ni Rosè.

Nagtinginan ang mga judge. Ang hirap pumili ng winner. Kaya naisipan na after na lang nung isang challenge i-aannounce yung winner.

******************************
Nakaubos na ulit ng ilang bote pero wala pa namang nababangenge. Nasa kundisyon ata lahat. Nagpalit ng tanggero at si Yeri at Saeron naman ang nagpaikot ng mga tagay.

"Wala ba kayong ibang pa-games jan?" tanong ni Jihyo.

Nagtaas ng kamay si Chaeryoung. Recitation na naman ba?

"May dala po akong playing cards. Laro tayo ng Kings Cup"

Ay hala naexcite ang tropa.

"Standard rules ba o gagawan natin ng changes?" tanong naman ni Nayeon.

"Yung standard na lang baka makalimutan natin mid game pag may binago tayo" sabi naman ni Seulgi.

Tumayo si Wendy may kinuha sandali sa sasakyan at pagbalik may dala mg whiteboard at marker.

"O isulat mo jan Joy para may reference tayo" utos nito sa kaibigan. Ginawa naman.

"Bakit ka may whiteboard nie?" tanong naman ni Irene.

"Di ko din alam bakit ko binili kanina. Hahaha"

Nang maisulat ang mga rules ay pinaikot na ni Chaeryoung ang cards sa gitna ng isang malaking baso.

"Una ng bubunot so boss ah" sabi ni Jeongyeon na nasa kabilang dulo ng table.

Bumunot ng card. Nakakuha ng 8. Tinignan ulit ang nasa board.

"I choose Wannie as may mate" sabi nito sabay pakita ng card sa iba. Hindi mo naman maintindihan yung ngiting ginawa ni Wendy pero technically they're gonna be mates for life na din. And ever since nakasama sa inuman ang kanilang tl eh siya na din ang taga salo nito so wala naman masyadong difference.

Inabutan sila ng shot at sabay ininom.

Sumunod na bumunot si Wendy. Nakakuha ng 2. Tinuro si Lisa sa kabilang side. According to the rules, Point at someone, say "you," that person must drink. Binigyan ng tagay, shot agad. Sunod naman si Ryujin. Nakabunot ng 6. Since walang boys around ang usapan eh yung mga 'top' ang iinom pag 5 and yung kabaligtaran sa 6. Binigyan ng shot sina Irene, Joy, Rosè, Jennie, Momo, Sana, Nayeon, Mina, Yeri, Lia, Chaeryoung at Yuna (nagbato-bato pick na lang sila ni Jihyo).

Sumunod na bumunot si Chaeryoung. Nakabunot ng 10 - Categories.

"States in the US - California" panimula ni Chaeryoung.

Yuna: Florida

Jihyo: New York

Mina: Texas

Chaeyoung: Maine

Jennie: Minnesotta

Jisoo: Tennessee

Momo: South Dakota

Dahyun: North Dakota

Yeji: Oklahoma

Lia: Pennsylvania

Sana: Nevada

Tzuyu: Arkansas

Yeri: Indiana

Saeron: Wisconsin

Nayeon: New Hampshire

Jeongyeon: New Jersey

Rosè: Georgia

Lisa: Alabama

Joy: Illinois

Seulgi: ....

"Oi Seulgi! Singkwenta yun. Wala pa tayo kalahati. Ba yan!" tamang asar naman ni Wendy.

Tumagay na lang. Medyo slow kasi eh. Sunod na bumunot si Yuna. Nakabunot ng Ace. Nag.pour ng Emperador dun sa basong pinaikutan ng mga cards. Napalunok ng laway lahat kasi kalahati agad yung nalagay.

"Okay goodluck sa iinom nito mamaya" sabi ni Chaeyoung.

Next na bumunot si Jihyo, nakakuha ng King. Nagisip ng bagong rule.

"EOP until the next King is drawn"

"Luh! Wala tayo sa office uy!" Reklamo naman ni Jisoo.

Wala ng sinabi si Jeongyeon nagabot na lang ng tagay sa tropa. Start na kasi nung rule. Wala din naman nagawa yung isa.

Sumunod naman si Mi...Oh sorry I need to take my shot first. The next one to draw a card was Mina who got a 5. So all the 'top' took some shots. Then came Chaeyoung who drew a 9 - freaking rhymes!

Chaeyoung: mine

Jennie: nine

Jisoo: fine

Momo: dine

Dahyun: wine

Yeji: thine

Lia: line

Sana: sign

Tzuyu: syne

Yeri: vine

Saeron: pine

Nayeon: intertwine

Jeongyeon: combine

Rosè: divine

Lisa: benign

Joy: incline

Seulgi: design

Irene: shrine

Wendy: resign

Ryujin: …

"Here's your shot Ryujin" Yeri said as she passed the shotglass. Ryujin then took it and drank it right away. Jennie drew the next card and got a 3 so she took the shot. Then came Jisoo who drew a Jack.

"Never have I ever been lost even with a map"

Everyone waited who will take shots and just another minute passed, Mina, Irene, Momo, Tzuyu and Lia drained their glasses. It was now Momo's turn and she got an 8. Knowing that her girlfriend is a weakling when it comes to drinking, she pointed at Sana and they both took shots. Next to draw was Dahyun and she got a 7. She then raised her hand and the last one who did it was Lisa who was busy staring at her wife.

Jeongyeon then gave her the penalty shot. Next to draw a card was Yeji who got a queen. Even did it with the crown hand gesture. Rule was to order the person some dare.

She faced Lia and asked. "By order of the queen, you must hug the person who became your first friend here"

Lia was hesitant to do it but was already being pressured to do so. She stood up, approached Ryujin and back hugged her. A faint scoff was heard from Chaeryoung that didn't get unnoticed by some but chose not to say anything. Lia returned to her seat and drew the next card. A freaking King ladies and gentlemen.

"Next Rule: body shot on all the mates later"

Since pwede na ulit magtagalog....

Si Wendy, Irene, Momo at Sana pa lang naman ang may mga mates so abangan na lang kung sino ang apat pa na susunod sa rule. Sumunod na bumunot si Sana at nakakuha naman ng isa pang Ace. Kinuha ang bote ng penalty drink at nagtagay ng unti sa baso. Bumunot na si Tzuyu at nakakuha ng 4 at paunahan umupo sa sahig. Nauntog pa sa mesa yung mga matatangkad pero nahuli pa din si Yuna. Binigyan ng shot. Sunod so Yeri na nakabunot ng 3 so siya din ang uminom ng tagay. Bumunot si Saeron at nakakuha ng Jack.

Nagisip sandali. "Never have I ever watched "

Lahat sila except siya, si Yeri at Yuna ay uminom.

"Ay ang lilibog amputa" sabi naman ni Yeri.

Nagreact naman agad ang kapatid. "Nahiya naman ako sayo Yeri. Liar ka. Uminom ka din"

"Excuse me, I don't watch but I read stories. Magkaiba yun!"

Tawanan na lang lahat. Sumunod na bumunot si Nayeon na nakakuha ng 8 at siyempre dahil may pa.body shot mamaya eh pinili niya si Jeongyeon. Sabay tumagay. Bumunot na si Jeongyeon at nakakuha ng Ace. Napa.smirk at kinuha ang penalty alak at naglagay sa penalty glass. Kumuha ng card si Rosè at nakakuha ng Queen (coz she's my queen. ay sorry. bias eh). Naghanap ng mauutusan.

Tinuro si Jihyo.  "By the order of the queen, tumakbo ka sa may beach tapos sumigaw nung famous line ni Basha sa One More Chance"

"Ay teka vivideohan ko ito" sabi naman ni Jeongyeon.

Tumayo si Jihyo na kasunod si Jeongyeon. Tumakbo sa may beach. Sumigaw.

"Ako na lang! Ako na lang ulit!" with matching pag.reach out ng kamay.

Napatigil sa paglakad yung magjowa na saktong dumadaan. Tumaas yung kilay ni ate gurl. Hinila agad yung lalake. Mukhang nagaway bigla kasi narinig nila ang malakas na pagtanong kay kuya na "Putangina! Sino yun?!"

Pagbalik sa grupo, halos di na makahinga sa kakatawa.

"Iba talaga si god Jihyo!" sabi ni Sana nung makarecover sa pagkakatawa.

Sunod na bumunot si Lisa. Nakakuha ng 6. Tumagay ang mga 'bottom'. Kumuha ng sunod na card si Joy at nakuha ang 2 at tinuro si Chaeryoung kaya inabutan ng tagay. Bumunot si Seulgi at nakuha ang pangatlong King.

"Next Rule: Hanggang mabunot ang susunod na king, palitan ng jowa at iholding hands"

Nagreact agad si Joy. "Ayaw mo na ba sa akin love?"

Kumiss muna tapos may binulong. Tumango naman yung isa. 

Nagtayuan sa mga pwesto at hanapan ng bagong 'jowa until the next king is drawn'. Di ko din alam kung sadya nilang gumawa ng issue pero sumunod na lang yung iba.

New Partners for this round:

SeulRene (Seulgi at Irene)
WenJoy (Wendy at Joy)
JenLisa (Jennie at Lisa)
ChaeSoo (Rosè at Jisoo)
JeongMi (Jeongyeon at Mina)
MoChaeng (Momo at Chaeyoung)
SaHyo (Sana at Jihyo)
DahTzu (Dahyun at Tzuyu)
ChaeJi (Chaeryoung at Yeji)
SaeNa (Saeron at Nayeon)
YeYu (Yeri at Yuna -and korni potek)
JinLia (Ryujin at Lia) 

Game naman yung iba sa rule kaso may iba (ehem.ehem) na naging awkward.

Nagtuloy ang laro.

Nakuha naman ang panghuling King after ng three rounds at nagbalikan agad sa mga kanya-kanyang partners. May dalawa nga lang sa kanila na hindi muna nagbitiw ng mga 5 more seconds.

******************************
Dalawa na lang ang card na natira at dahil nakarami na ng inom eh hindi na alam kung anong mga card iyon. Si Seulgi ang bumunot ng second to the last card. Nakuha ang panghuling Ace at pinuno na ng Emperador ang penalty glass. Kanya-kanyang dasal na sana hindi malasin. Binunot ni Irene ang huling card at lumabas na ang 3.

Kumurap kurap muna dahil tinitignan ulit kung ano ung nakasulat na gagawin. Nagpipigil naman ng tawa yung iba. At si Wendy eh parang gusto ng lang mawala na parang bula.

Nung mabasa na eh napalunok siya ng laway.

"WHAT THE ?" malakas na sabi ni Irene.

"Yes nie. What the talaga" sabi na lang ni Wendy.

Dahan-dahan inabot ni Chaeyoung ang penalty glass na puno ng Emperador. Nilapag sa harap nila tl Irene at Wendy.

Nagsign of the cross si Wendy.

******************************
Breaktime muna sa inom. Dahil mukhang unti na lang eh bibigay na ang WenRene. Humiwalay ang original yosi tropa at naupo sa may beach front. Tamang alalay naman si Seulgi kay Wendy.

"Ano mehn kaya pa?" tanong ni Jisoo.

Nag-angat ng ulo si Wendy at nag.okay sign na lang.

"Bakit kasi ikaw umubos?" tanong naman ni Lisa.

"I shtill want to shee her do the shallenge layyer" ay umeenglish na siya o.

"Ay onga pala. Tangina meron pa palang isa noh?" sabi naman ni Jeongyeon.

Pinagsindihan na lang ni Seulgi si Wendy ng yosi.

"Wag ka na muna uminom pagbalik Wendy" concerned na sabi naman ni Chaeyoung.

"I'll be okay guyshhh. Don't worry" sagot ni Wendy na bumabagsak-bagsak na yung ulo habang nakaipit pa din sa mga labi ang yosi. Deadma na mabagsakan ng upos ang shorts na suot.

Tumingin-tingin sa paligid si Jisoo. Lumapit ng kunti sa tropa.

"Eto mga tol wag na lang kayong maingay ha"

"ANO YUN?" napalakas na sabi ni Wendy. Naalimpungatan ata. Babatukan na sana ni Jisoo kaso baka may matrigger.

"Si Ryujin at Lia"

"HA? KAKAEN TAYO NG LUMPIA?" sabi ulit ni Wendy.

Tamang pigil lang ng tawa ang mga kasama. Nakatulog na ulit si Wendy.

"Tangina nitong si Wendy eh. Anyway, feeling ko bet pa din nila ang isa't isa"

"SINONG MUKHANG ISDA?"

Tinulak na talaga ni Jisoo para makahiga si Wendy. Humilik na nga.

"Kasi kanina pa sila sumisimpleng tanaw" tumingin muna so Jisoo kay Wendy baka may sasabihin na naman eh. "Ayoko naman mag-assume pero iba yung tinginan nila eh"

Napaisip ang tropa.

"Ay teka kanina di ba yung isang rule ni Seulgi parang awkward naman sila?" sabi ni Lisa.

"Pero nakita niyo ba yung hindi nila pagbitaw agad ng kamay?" sabi ni Jisoo.

Umiling ang tropa. Natahimik sila lahat.

"Ryujin does love Chaeryoung but as they say, your first love will always have a special place in your heart. Hence there is still a slight kind of love that Ryujin has for Lia"

Nagulat ang tropa sa biglang pagsasalita ni Wendy.

"Luh pota" sabi naman ni Seulgi na humawak bigla sa dibdib sa pagkashock niya.

Bumangon si Wendy. Parang walang amats. Diretso naglakad pabalik sa table. Sumunod na lang ang tropa.

Pagkatapos ng breaktime, oras na para sa mga body shots. Sa loob ginawa dahil medyo may hiya sila sa others sa labas.

Unang humiga si Irene sa couch. Naka-angat ang damit mid-tummy. Naglagay ng salt si Wendy sa tiyan ni Irene. Naglagay ng shot ng tequila sa baso. Ininom ang alak, dinilaan ang asin at kinuha ang lime wedge sa bibig ni Irene. Humabol na din ng halik. Tumayo naman agad si Irene sa couch at yumakap kay Wendy. Sunod na humiga so Sana at si Momo ang gumawa ng shot. Sadyang mahalay lang silang dalawa pero g lang sa mga jowa nila. Humiga na din si Nayeon. Excited masyado kaya pagkahiga eh hinila din so Jeongyeon. Nagmoment sandali. Kung di pa pinigilan ni Jihyo eh baka magka.live show pa bigla. At ang panghuling pair ay si Mina at Chaeyoung. 

Mabilisang ginawa ang body shot dahil hindi sanay na nageexpose ng skin si Mina except pag siyempre sila lang ni Chaeyoung.

Natapos ang body shots at sumunod ang WAP Challenge. Binagyan ulit ng payb minutes para aralin. Lumabas at ginawang stage ang veranda ng bahay. Nakahilera ang mga challengers. Tamang spacing sa bawat isa. Naka-ready na ang video at music.

Medyo kinakabahan si Seulgi dahil hindi siya magaling mag-i.split pero dahil nakainom eh bahala na.

Tumugtog ang music at nagsimula na nilang gawin ang challenge. (imaginin niyo na lang. yun din ginawa ko eh. hehehe)

"O pak! Sino may barya jan? Sasabuyan ko sila" sabi naman ni Yeri. Laughtrip naman ang iba.

Nagtipon naman ang mga judge na sina Saeron, Jihyo at Ryujin at Tzuyu.

"Di ako makapagdecide kung si Lisa ba o Momo" sabi ni Tzuyu.

"Ako top 2 ko si Ate Irene and Ate Seulgi" sabi naman ni Saeron.

". Ako si Yeji at Momo" sabi ni Jihyo.

"I'm torn between tl and Lisa" sabi naman no Ryujin.

After ten more minutes bumalik ma sa grupo ang judgers ay judges pala.

"Teka anong price pala nito?" tanong ni Jihyo sa grupo.

"Cge bawas tayong 1k sa budget natin" sabi naman ni Irene.

"Yun o!" sabi naman ni Momo at Seulgi.

"Okay game! Ang pinalang manalo ng tumataginting na isang libo ay si.........Lalisa Manoban!"

Mas nauna pang magreact yung asawa. Nakatulala na naman kasi sa kagandahang taglay.

"Daddie! Nanalo ka!" sigaw ni Rosè. Nagulantang na naman si Lisa nung hampasin siya. Kaya tumayo na lang siya agad at inabot ang naka-abang na premyo.

Hindi na pinansin ng iba ang endearment. Pagbigyan na - mag.asawa eh.

Nagtuloy ang inuman.
 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 63: Author, one question. WHERE ARE YOU NOW?

You still need to continue this story. Hope you'll come back.
winrina__09 #2
❤️❤️❤️
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #4
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#5
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
93 streak #6
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1701 streak #7
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#8
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
93 streak #9
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#10
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡