Bata-Batuta si Jujoy 01

Ang Apo ni Lola Son
Please Subscribe to read the full chapter

Tahimik ang paligid at maaliwalas ang panahon.
Nag gagayak si Mrs. Park ng himagas na ibibigay nito sa mga kapitbahay na mabuti ang loob.

 

"Jujoy!" sigaw nito.

"Opo!!" sagot naman ng anak niya.

 

Agad namang sumunod ang batang palayaw ay 'Ju-joy' at iniwanan ang kanyang pinagkakaabalahan. Dali dali siyang bumaba patungo sa kusina kung saan naandoon ang kanyang ina.

 

"Jujoy, anak, dalhin mo nga itong leche flan kay Lola Son", utos sa kanya.
"Kay Lola Son mo iyan ha?? Pistilan kang bata ka pag nakikain ka pa pag inalok. Meron tayong leche flan dito!" panenermon nito kay Jujoy.

 

Napakalmot sa ulo si Jujoy dahil yun na nga ang plano niya sana.
Mabait si Lola Son wari niya, wala siyang magagawa pag gusto ng matandang tikman ang himagas kasama siya. 


'Sumunod sa matatanda' yan ang alala nya...
'Makikinig ako kay nanay.. pero mas matanda si Lola Son kaysa kay nanay, kaya si Lola ang masusunod'

 

Mag katabing bahay lamang ang bahay ng pamilya ni Jujoy at ang bahay ng matanda.
Pwedeng pwede ngang tumalon na lang ng bakod si Jujoy para di na siya ma-hassle ngunit bilin ng nanay niya'y huwag itong gawin dahil pusa lang ang nagawa nito.

 

Kaya nama'y kinuha niya na ang ang supot ng lecheplan at kumaripas sa pintuan.
Sinuot ang berdeng tsinelas at nagtungo sa gate ng bahay.

 

 

"Jujoy?" sabi nung isang batang babae nakatigil sa labas ng bahay ni Jujoy.

"Renren!" tuwang bati nito sa matalik na kaibigan, habang yapos ang supot ng lecheflan.

 

R: "Saan ang punta mo, Jujoy?" 

J: "Kela Lola Son"

R: "Ano gagawin mo doon? Lalaro kayo? Bat di mo ko niyaya?"

J: "Di Renren! Inutusan ako ni nanay mag deliber ng lechemplan"

R: "Bakit kami walang lechemflan?"

J: "Meron yan! Di pwedeng wala! Magtatampo si Jujoy kay nanay pag walang Lechemplan si Renren!"

 

Ngumiti ang matalik na kaibigan nitong si Ju-joy

 

R: "Antayin kita ha!"

J: "Shige!"

 

Agad namaalam si Jujoy at iniwan ang kaibigan sa bahay nila. 
At dahil katabing bahay lang naman ang bahay ni Lola Son ay ilang hakbang lamang ay nasa tapat na ng gate nito ang batang si Jujoy.

 

 

"Tao po! Mewalco pow!" natatawang panloloko nitong si Jujoy, "Mewalco, mewalco"

 

Rinig ang malakas na tawanan mula sa malaking bahay..wala pang ilang minuto ay agad siyang sinalubong ng isang matandang babae

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
redsummer0801
Isang chapter upload na muna. 🤧

Comments

You must be logged in to comment
_wendyshon_ #1
Chapter 47: Napakasakit naman neto💔💔💔
Jhmrydll_
#2
Chapter 47: :((
Jhmrydll_
#3
Chapter 25: Galing niyo po magediiitttt
Jhmrydll_
#4
Chapter 10: luh angst ba 2? hahaha 'wag pi
Jhmrydll_
#5
Chapter 9: deulgi uhugin
Jhmrydll_
#6
ang cuteee
gomdolie
#7
Chapter 10: halaaaaa bat may angst agad? huhuhu
gomdolie
#8
Chapter 3: omg ang cute naghahanap talaga aq ng wenjoy au tas nakita ko to waahhhh ang cute ni jujoy at wanwan😭
iana013
#9
Chapter 47: sa sobrang sakit ng sugat ni jujoy pati ako naiyak.. galing ni author sumulat dama ko ung hapdi 😭😭
honeyblood17
#10
Chapter 47: Grabe naman, lods! Ang galing nacapture mo yung musmos na "heartbreak". Yung bang yung atake ng angst ay less about dun nangyari but more on dun sa hirap nung mga sagot sa mga inosente nilang tanong na basically, bakit mahirap ang mundo? 🥺😭

Awawak aman Jujoy 😢😢