Chapter 9

Sweet Memory [SeBy/TamagoVerse]

Third POV 

 

5 years later... 

 

"Uyyy Ate Abby parating na siya!" Pagtawag ni Coleen kay Abby at bigla itong naghanda sa kinakatayuan.

"Ok guys you know what to do." Sabi nito sa mga tao sa venue at nagbuntong-hininga bago makapasok yung inaabangan nilang naka-blinfold pa. Inalalayan ito ng isa nilang kaibigan hanggang sa makarating sa isang bench. Yung kaninang umalalay sa kanya ay sinenyasan ni Abby na tanggaling yung blindfold.

"Uso pa ba ang harana~~" Bungad nito sa babaeng may nakikita na ngayon. Kita niyang nakasuot ng barong inspired na damit na nakalagay nga sa kanta gaya noong mga araw na nililigawan palang siya nito. Marami-rami rin palang kalokohang nakatago sa gagitang 'to. Ika niya noong nakaraan.

Natapos ang pagkanta ni Abby nang naghihiyawan lahat ng nasa paligid (which is yung mga kaibigan lang nila with some event organizers). Sobra namang natuwa yung kinantahan sa naging performance niya. Medyo naging sintonado siya kasi halatang kinakabahan sa hindi malamang dahilan.

"HAPPY ANNIVERSARY SA PINAKAMAMAHAL KONG ITLOG TO THE MOON AND BACK!" She exclaimed habang may hawak hawak na banner ng "SeBy". Binitawan niya rin ito pagkatapos at kinuha ang mic na gamit kanina nung kumanta siya.

"Alam kong ang cheesy nito pero sa haba ng pinagsamahan natin, lagi parin ako nakakaramdam ng kaba tuwing anniversary natin. Paano kasi ikaw yung laging nagpapatibok sa puso ko eh. Seeing you always is like the first time I've laid my eyes on you all over again. I kept on feeling butterflies inside my stomach. Saka ang bilis na rin pala ng panahon simula noong niligawan kita at natanggap ko ang pinakamatamis mong "oo". About doon, salamat kasi binigyan mo ako ng pagkakataong ipakita kung gaano kita kamahal. So ayun lang. Happy 4th Anniversary Babe! More anniversaries to come na rin. Thank you and I love you."

Matapos ang mahabang speech niya para kay Sela ay agad niya itong nilapitan para yakapin at halikan ang noo nito. Hiyawan na naman yung narinig nila sa paligid.

"Wooohh SeBy lang walang titibag!"

"SeBy! SeBy! SeBy!"

"Pakasal na kayo ako ninang!"

"I love you too Babe! Thank you talaga rito!" Sabi ng isa habang kayakap pa niya si Abby.

"Pero akala mo ikaw lang ah. Syempre ako rin may gift para sa'yo." Sabay abot ng isang kahong nakabalot at malugod namang tinanggap ni Abelaine. Binuksan niya ito at nakita ang marami-raming pictures nilang naka-polaroid at may mga nakasulat pa sa likuran. Gaya nung sa kanya, ang cheesy rin ng mga sinulat ni Sela kaya namumula pisngi ng lola niyo.

"Happy 4th Anniversary Babe ko. Thank you and I love you soooo mucccchhh!"

Nagulat naman ang marami nang bigla silang naghalikan sa labi. It was innocently passionate. Napatakip ng mata yung medyo bata-bata at napatili yung iba.

This is how 5 years have passed....

Meanwhile

"Uyyy ang cute ng magjowa roon oh." Sabi ng isang babae sa kasama pa niyang babae habang naglalakad-lakad sa park.

"Jusko po basta magjowa na naman bukambibig mo. Itigil mo nga." Sambit nito.

"Ang bitter amp.... OMG NAGHAHALIKAN NA SILA." Napatingin nalang din ito sa magjowang naghahalikan. Hayz sabi nito sa sarili.

"4th anniversary pala nila sis! Buti may tumatagal pang relasyon!"

Matapos ang medyo mahaba-habang paghahalikan nila ay nakita na rin nila ang mukha ng dalawa.

"OMG! Ang ganda pa nila!"

"Sayaka ang ingay naman...." Sabi nito habang pinapanood sila. Aalis na sana sila kaso....

"Teka... si Sela ba yun?"

———————————
SeBy is in the haussssssss!!!

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kopi_Pengu
Mamayang umaga or hapon ko na itutuloy kasi inaantok na ako. Isang bagsakan nalang din 'to since nililipat ko nalang naman na.

Comments

You must be logged in to comment
Dreanicseby_ #1
HAHAHAHA nice