Chapter 8

Sweet Memory [SeBy/TamagoVerse]

"Ate Sela ang galing niyo po!"

"Stan 48G!"

"Si Sela Kami-Oshi ko!"

Ayan ayan yung mga naririnig ko sa mga nadadaan ko. Too late mga pre magc-college na kami charot. Balak kong kumuha ng music major payag naman sila mama at papa eh. Tapos ayun try kong mag-audition sa mga entertainment companies or indie artist nalang ako. Matagal ko nang pangarap yun. Naaalala ko na naman tuloy yung pinag-uusapan namin yung dreams namin.

-Flashback-

"So music major ka tapos magiging artist ka?! Yaassss uy dapat andun ako ah. Ako yung magiging no. 1 fan mo."

"Oo naman. Sa important events ng buhay natin dapat andun tayo."

-End of Flashback-

"Tamago! Dito oh!" Tawag sakin nung iniisip ko. Umupo ako sa naka reserve na table para sa amin. Unfortunately sila kasama ko.

"Uy ang galing niyo kanina! Sign na ba 'to? Basta ako no. 1 fan mo ah!" Hayz pina-alala pa niya.

"Let me call on all partners to go at the center. It's dance time!" And obviously inaya ni Yohan si Faith. Bale ako nalang mag-isa rito sa table kasi puro magjowa kasama ko. Ay joke may natira pang isa.

Nakasuot siya ng black gown tapos may suot pa na mask. Siya yung absent nung Christmas Party. By the way naka-suit ako ngayon. Aayain ko ba siya? Or nah? Nahihiya ako eh. Hindi naman kami ganun ka close.

Hindi ko alam pero bigla kong naisipang bumalik sa back stage kung saan nandun gamit namin. Medyo kinabahan ako kasi baka na-offend yung isa roon. For unknown reasons kinakabahan ako. So ayun nga pumasok na ako rito. Nakita ko naman yung gitara kong niregalo niya. Kinuha ko iyon at nagsimulang magpatugtog ng kung ano-ano.

Ilang sandali pa may naramdaman akong nagbukas ng pinto. Napalingon ako. Akala ko sila ate Alice. Ayun pala si......

Yohan.

"Oh Yohan. Bakit mo iniwan si Feito roon?" Medyo pabiro kong tanong. Tuwing dates naman nila medyo nakakasundo ko rin siya eh so no problem.

"Ahhh ano, nagpaalam muna siya mag CR. So sinamaan ko siya. At napag-isipan kong dumaan dito. Congrats nga pala ah." Bati niya. Tumango naman ako in response. Pero teka bakit ang weird niya?

Lunapit siya sa akin nang lumapit. Hanggang sa ma-corner ako sa isang sulok. Hinawakan niya yung balikat ko at..... 
 

hinalikan niya ako...? TANGINA GAGO KA YOHAN!! ANONG GUSTO MONG MANGYARI?? SINASAKTAN MO SI FAITH!

Tinry kong lumaban pero malakas siya eh. Ilang segundo rin ito tumagal hanggang sa binitiwan na niya ako. 

"ANO 'TO?" May narinig kaming isang boses na may halong lungkot, galit, gulat. 

Oh ... si Faith. Hala hindi ito yung inaasahan kong mangyari. Yung masisira ang lahat dahil baka akalain niyang inaagaw ko si Yohan sa kanya.

"Babe, let me explain..." Hindi na natuloy ni Yohan yung sasabihin niya dahil sinampal siya ni Faith.

"Lumabas ka rito!" At dali-dali naman itong sinunod ni Yohan. Nang mawala siya humarap si Faith sa akin. Kita ko yung disappointment at galit sa mukha niya. Magpapaliwanag na sana ako nang sampalin niya rin ako. Hindi na ako nagulat.

"Sela naman! Pinagkatiwalaan kita! Paano mo nagawa 'yon?!" Pasigaw niyang tanong habang naluluha. Hindi ako makasagot.

"Sabihin mo nga sa akin, gusto mo ba si Yohan?!" Hindi. Ikaw yung gusto ko. Gusto kong sabihin 'yun kaso naduduwag ako.

"Sino bang gusto mo?! Si Yohan ba?! Matagal mo na ba siyang gusto?! Kaya ba pumapayag kang sumama para makita mo siya?!" Hindi..... 
Putsa hindi ako makasagot. Bakit hindi ko masabing siya yung mahal ko?

"Sumagot ka naman! Sino bang gusto mo? Siya?!" Tanong niya ulit....

"Gusto ko....."

Nagulat nalang ako nang sipain niya yung gitarang nasa lapag at nasira ito. Mas lalo kong naramdaman yung mga luha sa mata ko nang marinig ang mga sinabi ni Faith.

"Tapos na tayo. Tandaan mo yan." At dali-daling umalis nang padabog.

Ikaw lang mahal ko. Hindi si Yohan, at wala nang iba.

Hindi ko nasabi yung mga gusto kong sabihin, tapos nadagdagan pa nang pagkasira ng pagkakaibigan nating kinaiingat-ingatan ko.

Ilang segundo ang lumipas at bigla namang sumakit ulo ko and everything turned black.

——————————
Awts:(( Ano na mangyayari sa kanila?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kopi_Pengu
Mamayang umaga or hapon ko na itutuloy kasi inaantok na ako. Isang bagsakan nalang din 'to since nililipat ko nalang naman na.

Comments

You must be logged in to comment
Dreanicseby_ #1
HAHAHAHA nice