Chapter 31

Sweet Memory [SeBy/TamagoVerse]

3rd person POV

"Uyyy vaks tara bonfire na!" Alam na nating lahat kung sino yan.

Lumipas ang ilang oras at sumapit na ang gabi. Umidlio naman silang lahat kahit paano para manating gising. Nakahanda na ang apoy, mga pulutan, at mga beverages (A/N: legal po silang lahat dito sa story).

"Yes naman may apoy na. Kanina pa ako nilalamig eh." Ika ni Jan.

"Hala edi sinabi mo kanina pa para mayakap kita.." Naghiyawan lahat ng nasa area sa sinabi ni Thea.

"Agik ka nanginginig ka rin eh." Sinalubong ito ng tawanan kaya napa-pout nalang si Thea.
(A/N: Ship ko po sila)

"O siya tama na guys. Magsimula na tayo. Sino mga unang kakanta?" Tanong ni Alice. Nagtaas naman ng kamay si Sheki. Pero bago siya kumanta...

"Guys ganito para walang daya mag spin the bottle tayo para lahat kakanta!" She received lots of groans.

"Ano ba yan Chokinah!"

"Ano ba guys be confident! Tayo tayo lang din naman. Saka para naman 'di lang puro harutan gagawin ng iba diyan..." Sabay tingin sa mga mag-jowa.

Sheki: Time After Time

"Naks naman mars birit talaga oh!"

"Small but terrible talaga bonitah!"

"Pahingi vocal chords sis!"

"Okay okay next! Spin the bottle!" Suway ni Sela. Pinaikot ang bote at napunta ito kay....

Dian.

"Uyy eto ang gusto kong marinig kumanta."

"Go Yandi!!!" Cheer ni Mari. Nagsmile nalang ito.

Dian: Binalewala

"Ohhh gurl who hurt you?"

"Sakit nun ah."

"Mars may pinagdadaanan ka ba?"

Napansin nila Ash, Sela, at Sayaka ang ibang tingin ng mata ni Dian. Siguro dahil sila ang nakakaalam sa nararamdaman niya kay Mari. But they stayed silent about it nalang.

"Okay Next!" Tumapat ito kay Abby.

"Oiii huwag mong sabihing ayun parin kakantahin mo ah! 'Di ka ba magsasawa niyan?" Ani ni Rans.

"Bakit naman ako magsasawa eh napakahalaga nito. It's for you Babe." Tingin kay Sela at naghiyawan ang lahat. Well maliban sa isa. Si Sela naman hindi natago ang kilig.

Abby: Harana

"Keleg na keleg Marsela??"

"Yiieeehh Ate ahahahaha."

"Dapat nakabarong ka rin mars."

"Next!" Tumapat na ito kay Gabb.

Gabb: Sana Dalawa Ang Puso Ko

Ito lang ang walang loud reaction aside sa palakpak. Medyo awkward kasi andyan si Ella pati si Ash. Ano raw kaya gutso ipakita ni Gabb?

"Ermm... next!" Tumapat ito kay Coleen.

Bago tumayo si Coco ay hinalikan muna nito ang noo ni Mari. Lalong nalungkot ang katabi nila.

Coleen: Fly Me To The Moon

Dahil medyo chill lang ang melody ng song tahimik lang din maliban sa kaunting hiyaw at palakpakan. Pang background music din ito sa magj-jowa kaya lumabas ang sweetness ng mga couples sa bonfire.

Matapos ang song ay niyakap nito si Mari, nakaramdam ng kirot ng puso ang dalawa. Yung isa pinigilan niyang ipakita ito samantalang yung isa medyo umaapaw na. Tumayo naman si Ash at nagpaalam kaya naisipan na rin ni Dian na sumunod.

"Gusto niyo ba last na para kwentuhan na tayo?" Tanong ni Alice at napatango na sila.

"Next is.....

Faith!" Nagulat ang nananahimik na si Faith sa pagtawag ng kanyang pangalan. Hindi niya 'to inaasahan kaya hindi siya nakapaghanda. Ilang segundo rin ang lumipas bago siga nakaisip ng kanta dahil....

nakakita siya ng lanterns na lumilipad.

Faith: I See The Light

Nagulat si Sela sa kinanta niya. Bigla niya tuloy naalala yung una nilang pagkikita kung saan nag-start pagkakaibigan nila. Kasabay ng paglipad ng mga lanterns na kita sa background na para bang nasa isang music video, lahat ng memories nila'y naglaro ulit sa isipan.

Ganun din si Faith. Kasabay ng pagbalik ng mga ala-ala, nakaramdam siya ng pagsisisi, paghihinayang, galit sa sarili, lungkot, dahil sa nangyari sa kanya ng mahal niya. Bakit daw kasi ngayon lang niya tinanggap na may feelings siya sa kanya? Bakit hinayaan pa niyang mag pumasok na iba sa buhay niya?

"Ayos pa ba tayo diyan? Chikahan na tayo!" Saktong dumating na rin sila Dian at Ash kaya sinimulan na nila kwentuhan session. Marami silang nashare sa isa't isa. Mula sa love life, career, throwback, etc. Pero...

"Guys, namaramdam naba kayo ng pagsisisi?" Napatanong si Faith. Marami nagulantang sa tanong niya. Maliban nalang siguro sa mga hindi nakakaalam.

"Ermm.. to be honest medyo." Nasabi ni Coco. Hindi na ito nagawang matanong ni Mari.

"Yung gusto mong bumalik sa dati, tapos lahat ng katangahang nagawa mo gustong-gusto mong baguhin. Kasi ako, tangina oo." Halatang medyo umeepekto na ang alak sa kanya.

"Kung hindi ko lang sana hinayaang may ibang pumasok sa buhay ko, edi sana ayos lahat. Kung sinunod ko lang puso ko, konsensya ko, pati isip ko, wala along nasaktan! Tanginang buhay 'to!" Inalalayan na nila Sayaka si Faith dahil sa kalasingan.

Hindi naman nakagalaw si Sela sa puwesto niya. Kahit hindi banggitin ni Faith pangalan niya, halatang siya ang tinutukoy niya.

"Pero alam niyo, ayos lang yun! Kasi napunta siya sa taong mas deserve niyang makasama. Yung hindi siya sasaktan, nakakasundo niya, andyan sa hirap at ginhawa. Kahit na masya na ako para sa kanya masakit parin dito eh." Sabay turo niya sa dibidb. Umagos na rin ang mga luha sa mata niya. Ganun din si Sela. Ilang sandali pa nagwalk-out siya na sinundan ng iika-ikang si Faith. Inawat ito nila Sayaka pero nagpilit bumitaw.

"Hayaan niyo muna ako please." Sabi niya.

Sa kabilang dako naman, isang namumulang Dian ang nakakubang upo habang pinapanood ang nangyayari. Nang makita si Sayaka...

"Sayaka-chan! Hayaan mo muna sila! Masakit pero kakayanin! Ako nga nagpapakatanga pa rito sa katabi ko eh!" Dito na nagulat lahat ng nakakaintindi ng Hapon.

———————————

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kopi_Pengu
Mamayang umaga or hapon ko na itutuloy kasi inaantok na ako. Isang bagsakan nalang din 'to since nililipat ko nalang naman na.

Comments

You must be logged in to comment
Dreanicseby_ #1
HAHAHAHA nice