Chapter 25

Sweet Memory [SeBy/TamagoVerse]

Faith's POV

Currently andito ako sa isang cosplaying event kasi wala lang trip ko lang. Matagal-tagal na rin since noong last time na naka-attend ako sa mga ganito. Kasama ko ngayon yung kambal ko hehez.

"Ate punta muna ako sa Pokèmon area." Paalam sa akin ni Shaina. Si Shaira naman kanina pa may pinuntahan. Hayz mag-isa na naman ako. Nagdecide akong umikot-ikot sa mga booths hanggang sa nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na tao. Kasama pa nga ni Shaira eh. Nilapitan ko naman silang dalawa na napansin nila kaagad.

"Oh ate Faith nasaan si Shaina?"

"Nagpunta sa Pokémon area. Hi pala Ate Ash." Pagbati ko na pinalitan ng simpleng tango. Sanay naman na ako sa ganitong gesture niya. Cold queen siya ng batch noon pero mabait naman.

"Ate andaming nagpapa-Cheki sa inyo ah. Iba na talaga kapag sikat na." Patuloy kong sinabi para hindi mapa-*kroo-kroo* yung paligid.

"Nako hindi naman. Karamihan sa mga nagpa-cheki same faces parin."

"At least may loyal fans. Big time ka na siguro. Kumusta na pala yung scholarship mo sa Japan?" Sorry na curious na curious ako sa kaganapan ng mga tao ahahahahah.

"Huli ka na sa balita mamser. 3 months ago natapos na ako. Hindi pa ako nakakapagtrabaho sa embassy tho. Sa ngayon parttime cosplayer, youtuber, saka Japanese language tutor ako." Grabe idol ko talaga itong si ate! Andami niyang pinagkaka-abalahan. Mukha na yata akong ewan sa itsura ko ngayon dahil sa sobrang pagka-amaze ko.

"Hindi rin ganung kaganda ang maraming trabaho Faith. Mas okay parin kung may iisa kang stable na trabaho with stable income na rin." May point naman siya.

"Congrats pala bati na kayo ni Sela. Antagal pa ng inabot niyo bago magkita't mag-usap ulit."

"Salamat." Ayun nalang nasabi ko. Oh teka kumusta naman lablyf nito? Hindi ba may naging gf siya noon? Si Gabo?

"Kung si Gabo ang tinatanong mo, hindi naman naging kami." Oops sorry. Bumalik nang konti cold demeanor niya.

"Sorry..."

"No need. Wait kailangan na ako roon. Gusto mo bang mag-meet up para catch up na rin?" Nag-aaya ba siya?

"Uhhmm yes ok lang. Bukas ba?"

"Errmm no may gagawin ako tomorrow. The day after ok lang?"

"Sige lang Ate Ash. See yah!" Kaway namin sa isa't isa.

Time Skip (Next Day)

Napadalaw ako sa café nila Sela para sana kitain siya at mabigay na yung pinapagawa ni Abby. Sa kasamaang palad nagbakasyon pala si Sela kaya ayun so sadt. Pero okay na rin para hindi ko na kailangang kitain si Abby nang patago. Nasa harapan ko na nga siya ngayon eh. Pinapanood niya yung gawa ko.

"Wooaaahhh now I know kung bakit ikaw ang kinukuhang video editor ni Sayaka. You're a talented editor Faith. By the way ito na yung cheque." Abot niya sa akin na lugod kong tinanggap.

May bumukas naman ng pintuan ng café which I checked for no reason. And I saw....

"Oh Ash napadaan ka bigla ah." Sabi ni Abby. Well nalaman ko kay Sela na naging close siya sa 48G.

"Well I have a meeting here. And Hi Faith." Ngiting pagbati sa akin.

"Hi rin. Sino namang ka-meeting mo?"

"Yung magpapatutor ng Japanese. Doon daw kasi siya magwo-work after graduation." Pagkatapos ng sinabi niyang iyon ay may bumukas ng pinto. Nilingon naman ito ni Ash at kinawayan.

"wait..." napansin ko naman ang pagkagulat ni Abby.

"Sunshine right?" Tanong ni Ash dito.

"Yes that's my pen name po. My real name is Dian."

"I'm Teacher Cloud but my real name is Ash." Nag-handshake naman sila pagkatapos. Humarap na si Dian sa amin at nag-hi.

"Wait mag-CR po muna ako Teacher Cloud."

"Sige lang." Sabay alis.

Abby's POV

Pupuntang Japan for work? Alam na kaya nila Mari ito?

——————————
So.... pagulo na yata nang pagulo ang ships sa story na 'to.. ahahahahahaha pero may role sila para sa endgame ship dito.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kopi_Pengu
Mamayang umaga or hapon ko na itutuloy kasi inaantok na ako. Isang bagsakan nalang din 'to since nililipat ko nalang naman na.

Comments

You must be logged in to comment
Dreanicseby_ #1
HAHAHAHA nice