Chapter 28

Sweet Memory [SeBy/TamagoVerse]

Abby's POV

Few days later, back to normal na kami dahil andito na ulit si Sela at kasalukuyan kaming nagt-trabaho. Oh right dahil magpapasko na in-advance na niya yung bonus ng mga employees dito.

"O eto Jan, Kay, Thea, Ruth. Wag masyadong magastos ah."

"Yaasss naman best boss ka talaga namin. Oo naman po sa bahay lang naman po kami tatambay eh."

"Ay grabe hindi ba kayo uuwi sa mga magulang niyo?" By the way sila yung mga lead employees namin. Nakatira sila sa iisang shared apartment na malaki malapit lang dito sa café. Naging malapit na sila sa amin kaya parang pamilya na turing namin.

"Ahh hindi po eh. Alam niyo naman po kung bakit." Another thing, umalis din sila sa bahay ng parents nila coz of gender issues. Hindi naman daw sila pinalayas pero dahil hindi rin nila tanggap sila kaya ano pa raw point sa pagstay? Hayz naaawa ako sa kanila.

"Hay nako. Hindi pwede yan. O siya ich-check ko sched natin. Mag-outing tayong lahat."

"Woaah boss totoo ba yan?"

"Teh mukha ba akong nagj-joke? Maghanda na kayo ah." Actually hindi na ako nagulat sa announcement niyang iyon.

"Babe, sama ka rin syempre. Magready ka na." Lapit sa akin ni Sela at sabay hinalikan ako sa noo.

Oo nga pala. May napansin ako kay Sela. Bakit parang naging extra sweet siya? I mean lahat ng ginagawa niya ganun parin naman pero bakit may iba akong naramdaman? Hmm.. something's up.

Nakarinig ako ng bukas ng pinto at napatingin ako. Oh, si Faith pala. Tatawagan ko na sana si Sela kaso sinenyasan niya ako na huwag na. Bakit naman?

"Hi Abby. Kumusta naman café?" Okay kalma ka kang Abby. Kahit medyo nagseselos maintan the civilness.

"Ayos naman. Si Sela ba hanap mo?"

"Ahhh oo sana. Nakabalik na ba siya?" Huh bakit naman hindi niya alam? Hindi ba sila nagc-chat ni Sela? Parang bago kang umalis madalas niya hawak phone niya.

"Oo, pero nagpapahinga muna sa ngayon."

"Oh sige. Order nalang muna ako ah." Tumango nalang ako. Bakit kaya nagkaka-ganun si Sela? Bati naman na sila. Awkward parin ba?

Time Skip

Naka-alis na si Faith after uminom at kumain sa amin at saka lumabas na si Sela habang nagbuntong hininga? Ano 'to matinding pagsubok? What's happening to her?

"Ahhhmm Babe okay ka lang ba? Ano nangyayari sa'yo?"

"Nothing Babe. Don't worry." Smile plus akbay. Dati naman simpleng "nothing babe" lang naman.

"Oh by the way ask mo rin pala sila Rans, Coco, and others. Sama sila outing para mas marami." Bilin niya na sinunod ko naman. Wait.. si Faith kaya isama namin?

"Babe, invite ko rin ba si Faith?" Napatigil naman siya sa ginagawa niya.

"Well... ikaw bahala. Okay lang naman sa akin." Seryoso okay na ba talaga sila? She seemed quite lifeless pag si Faith na pinag-uusapan. O sadyang time of the month lang si Sela ngayon? Huwag na nga nating itanong pa mamaya uminit pa ulo ng babe ko.

Coleen's POV

"Baby Coco, gusto mo ba mag-outing tayo kasama ng SeBy?" Mommy Rans asked me.

"Woahh oo naman. Kailan ba yan?"

"Most probably next week. Magsama ka rin ah. The more the merrier daw." Sabi niya at bumalik sa counter para tulungan employees niya. Hayzz kahit kailan talaga napakasipag niya. Ang ganda pa. Sa kanya ako nagmana syempre kaya dapat lang.

"By the way Coco, bukas baka mag-meet kami ni Abby. Baka mamaya hanapin mo ako rito." Na naman?! Parang napapadalas na ah!...
Wait dati pa naman silang nagm-meet up madalas ah. Anong nangyayari sa'yo Coleen sabaw ka ba?

Incoming Call.

Marikoi 💖

"Hi love💖"

"Hi love Coco. Sabi sa akin ni Ate Sela may outing daw tayo. Alam kong nakarating na rin sa'yo. Magready ka na ah para hindi ka na mapagalitan ulit ni ate Rans. Magf-flashback na naman nangyari sa'yo eh ahahaha." Aigoo bully talaga 'to. Ayun talaga role niya sa mariserye eh ahahaha.

"Yes yes love. Ikaw rin. By the way enjoy kayo diyan nila Dian. Isama mo na rin." Yes may sleep over sila ulit and I have no issues regarding that.

"Love sayang baka may aasikasuhin daw si Dian next week eh. Pero check parin daw niya. Thanks pala and we'll enjoy promise. Love you."

"Love you too."

Lol pinaalala niya sa akin yung nangyari mga 3 years ago?? Yung aalis na tapos ako tulog pa halos wala pang handa. Haggard na haggard si mommy Rans noon eh. Hindi ako pinansin buong biyahe kaya wala along ka-holding hands or kapatong ng ulo manlanh.:(( Nahawa kasi ako kay Amanda hayz.

——————————

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kopi_Pengu
Mamayang umaga or hapon ko na itutuloy kasi inaantok na ako. Isang bagsakan nalang din 'to since nililipat ko nalang naman na.

Comments

You must be logged in to comment
Dreanicseby_ #1
HAHAHAHA nice