Chapter 6

Sweet Memory [SeBy/TamagoVerse]

"I like you...." Sabi sa'kin ni Faith...

"Hindi pa maayos feito."

"Ehhh nakaka-ilang sabi na ako ng I like you eh ano pa ba kulang?" Kung curious kayo kung nasaan kami, nasa CR kami ngayon at kasalukuyang nagp-practice ng confession. Hayzzz bakit ko ba ginagawa 'to?

"Dagdagan mo pa ng feelings."

"Eh ikaw kaya mag-try." What? Gaga ikaw yung sasabihan ko so... Go Sela kaya mo 'to.

"I like you so much....." Sabi ko habang nakatitig lang sa kanya. Nakatakip naman ng bibig si Faith. Hala nahalata na kaya niya?

"Uyyu Sela!! Nayswan ulitin mo pa!!" Seryoso ba?

"I like you so much....."

Time Skip

Andito ako ngayon sa ice skating rink, kasama sila Faith at Yohan. Pero syempre nasa malayo ako noh. Nasaan naba sila Ecka? Inaya ko na rin sila hehez.

"Oiii Marsela kanina ka pa nakatingin sa kanila ah?" Speaking of the devil.

"Wala lang 'to. Gusto kong pagmasdan kung gaano kasaya si Faith. Kasi kahit na nasasaktan ako at least panatag pa rin akong happiness niya ang mananaig."

"Ang lalim nun pre ah. Saan mo nakuha 'yan?" Sipot naman ni Sheki.

"Sa puso ko. Saka isa pa, ito na rin ang huling sandaling pwede ko siyang mapagmasdan nang walang paga-alinlangan.

Hindi ko na siya pwedeng matitigan nang ganito kapag sila na ni Yohan."

"Uyyy takte ka Sela ang sakit nun. Magkaibigan parin naman kayo ah? Ano yung pinagsasasabi mong hindi na pwede?"

"Syempre respeto rin sa relasyon nila yun Gabb."

"Alam mo drop the sad mood. Mag-skate nalang tayo Sela." Sabi ni Alice at sinunod naman namin.

Habang nags-skate hindi ko pa rin maalis yung tingin ko sa kanilang dalawa. Minsan iniisip ko paano kung ako siya? Paano kaya kung ako yung kahawak niya ng kamay at kasama niyang tumatawa sa kung ano-anong pwedeng pagka-tuwaan? Paano kung ako yung nakaka-share niya ng magagandang memories? Hayzzz hanggang what if's nalang talaga ako.

Boogsh!

"Awwww!" Napasigaw ako nang slight. Syempre kahit nasaktan tinry ko parin i-control yung boses ko.

"Sorry miss. Let me help you." At tinulungan naman ako ng babaeng nakabangga sa akin.

"Nope it's okay. Ako rin naman yung hindi tumitingin sa daanan." Sabi ko nang nakatayo na ako. 

"Masakit ba? Saan?" Sa puso taena. Ok tama na mukha kang tanga sa harap ng stranger.

"I'm okay. O siya thank you po." Saka sabay punta sa gilid para makapagpahinga nang slight. Ilang sandali pa nakarinig ako nang isang malakas na sigaw sa isang lalaking pinapangarap kong maging ako sana.

"SHE SAID YES!!!" Nakita ko naman sila Ecka na papalapit sa akin. Kita ko sa mukha nila ang pag-aalala. Ngumiti nalang ako as assurance na okay lang ako kahit hindi.

"OMG YOHAN IBABA MO AKO!" Nakita ko naman si Yohan na buhat buhat si Faith habang umiikot sa skating rink.

Hindi ko na namalayang may tumutulo na mula sa mga mata ko.

"Congrats."

——————————-

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kopi_Pengu
Mamayang umaga or hapon ko na itutuloy kasi inaantok na ako. Isang bagsakan nalang din 'to since nililipat ko nalang naman na.

Comments

You must be logged in to comment
Dreanicseby_ #1
HAHAHAHA nice