Chapter 5

Sweet Memory [SeBy/TamagoVerse]

Few weeks, or pwede na ring isang month ang lumipas Christmas Party na namin. Syempre sino namang hindi mae-excite andami mong makukuhang regalo. Swerte mo nalang kapag puro cash nilagay mo sa wish list mo lol. Pero hindi ako ganoon ah. 

Tungkol naman kay Faith at Yohan, ganun parin. Nililigawan parin yung kaibigan ko. Pero kung hindi mo lang sila kilala mapagkakamalan mo na silang mag-jowa eh. Kailan ba balak sagutin ni Feito yun? 

"Excited na ba kayo sa gift exchanging?" Tanong ng teacher namin. Jusko ang tagal naman kating-kati na akong magbukas ng regalo eh ahahahahaha.

"Okay edi magsipalitan na kayo para makalayas na kayo rito!" Sigaw niya at nag-exhange na nga kami ng mga regalo. Sayang hindi si Faith yung nabunot ko. Another thing absent din yung nabunot ko hay buhay nga naman. 

"Tamago! Here!" Binigyan niya ako ng isang gift wrapper designed into a small pouch. Hmmm ano kaya laman nito? Nangangamoy unrequited love pero syempre charot lang yun noh. 

"Para naman sa nabunot ng puso ko..." singit ni epal.. este Yohan pala. Binigyan niya ng isang aesthetic notebook. 

"Awww thank you Yohan. Buti andyan kayo kasi kahit wala yung nakabunot sa akin may gifts parin ako." Ang cute niya sheeyyttt. 

"At eto naman sa totoo kong nabunot." Saka nagbigay si Yohan ng angpao. Ano siya ninong ko? Saka hindi naman ako naghiling ng pera ah grabe 'to oh. 

"Thank you Yohan." Pilit lang iyan hindi ko nalang pinahalata. 

"Wait lang, meron din ako para sa nabunot ng puso ko. Akala mo ikaw lang ah." Saka naglabas siya ng box wrapped with a gift wrapper of course. Bakit pakiramdam ko mamahalin 'tong nireregalo nila para sa isa't isa? Samantalang yung sa akin parang last-minute binili or sa case ni Yohan pinag-isipan. 

"Awww thank you so much Feito." Yikes bakit ba ako nandito. 

"Ahhh love birds alis muna ako tingnan ko mga regalo ng iba ah." Sabi ko at umalis na ako papunta kanila Ecka. 

"Ano nakuha mo pre?" Tanong niya noong pagdating ko sa pwesto nila. 

"Eto oh." Pinakita ko yung new set of guitar strings and pick. Ayos naman siya tho. 

"Pero bakit parang ang mahal ng regalo niya kay Yohan? Tinipid ka ba niya para sa kanya?"

"Grabe hindi naman siguro. Saka hindi naman ako humihingi ng malaki-laking regalo eh. Ang importante niregaluhan ka at alam niya kung anong magugustuhan mo." Pangangaral ko kay Ecka. Totoo naman. I love what she gave me and hindi ako naghahabol ng mamahaling regalo basta magkasama kami okay na yun.

"Well pag-ibig nga naman hayz. Ano nga pala balak mo mamaya? Sama ka gala?" 

"Ewan? Trip ko matulog ngayon eh."

"Sige ikaw bahala. Basta text nalang pag nagbago isip mo." Ako naman 'tong tumango. 

Time Skip 

Makakatulog na sana ako nang biglang may tumawag sa phone ko. 

"Tamagoooooo sama ka pls....." 

"Aba bakit naman?"

"Eh kesa naman sa naka-hilata ka lang diyan noh. Tara dali sa ice skating ring" 

"Bakit ba parang sobrang excited ka? Miss mo ko noh?" Hindi naman masamang makipagbiruan noh. Saka malay mo moment na naming dalawa 'to. 

"Eh kasi ngayon ko na balak sagutin si Yohan..." Ay.... nagbabalak pa man din ako ng mga romantic churvaness tapos hindi ko pala maso-solo si Faith hayz. Add the fact na ito na yung magiging first day nila pag nagkataon. 

"O siya sige punta na ako. Mahalagang bahagi ng buhay mo 'yan kaya dapat andyan ako." Sabi ko at naramdaman ko yung tuwa niya sa kabilang linya. 

Okay Sela ihanda mo na ang sarili mo. Simula mamaya......

 

wala ka nang pag-asa sa kanya. She'll be someone else's girl so you have to move on from these stupid feelings. 

 

-----------------------------

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kopi_Pengu
Mamayang umaga or hapon ko na itutuloy kasi inaantok na ako. Isang bagsakan nalang din 'to since nililipat ko nalang naman na.

Comments

You must be logged in to comment
Dreanicseby_ #1
HAHAHAHA nice