Chapter 23

Sweet Memory [SeBy/TamagoVerse]

Sela's POV

Words can't explain what I just felt a while ago. I've longed for that for almost 5 years mga pre!! Sa 5 taon din na iyon andami na rin palang nangyari. Nagkabukingan din kami ng ilang secrets. Nalaman kong hindi pala talaga straight si Feito. Tapos may nagustuhan pala siyang babae bago maging sila ni Yohan. Pero sino kaya?? Maliban sa'kin ka-close din niya sila Alyssa, Ash, Shaina, Shaira, Jamie..... marami rin pala paano ko malalaman??!!

Ikaw lang yun...

Huh?? Hakdogz asa naman. Pero paano kaya kung ako? Nakakahinayang to be honest. Paano kung nakapag-confess ako noon? Edi sana naging kami?

Okay Marsela bakit ka nag-iisip ng ganyan? Tandaan mo may gf ka na. At papunta ka na nga sa kanya ngayon para magkuwento.

Time Skip

"Babe!! How was it?" After asking nakita niya ang ngiti sa aking mukha. Alam na niya ang sagot.

"OMG I'M SO HAPPY FOR YOU!" Sabay yakap ulit.

"How did it go pala. Magkuwento ka na."

"Teka lang ahahahah maupo muna tayo."

"Ay ok." Naghanap kami ng puwesto sa cafe sa medyo sulok tapos nagsiupuan na.

Kinuwento ko lahat. Mula sa nag-order kami, nag-iyakan, at nagkuwentuhan. Pero parang hindi satisfied si Abby. May hindi pa ba siya naririnig?

"Nag-confess ka ba?" Ay eto na nga.

"Hindi pa babe. And I don't think may point pa kung sasabihin ko."

"No point?? Bakit naman?"

"Past na iyon. Dapat nang malimot. Move on na."

"Pero paano makakapag-move one kung nakatago parin sa'yo? Parang sa water bottle lang. Paano mo malalagyan ng panibagong laman kung may laman pa?" Oof... may point siya tho. Pero ewan basta 'di ko magagawa iyon.

"Kung sabihin ko ba sa kanya? Magseselos ka?"

"Bakit naman? Kaibigan mo naman iyon ah. Besides, may tiwala ako sa'yo." May tiwala ako sa'yo... Sana mapatunayan ko 'to hanggang sa huli.

"Hindi ka ba talaga nagseselos kahit konti?" Curious na tanong ko sa kanya. I know bibihira ang ganung jowa. Pero nagbabaka-sakali lang ako.

"Well aaminin ko, partially yes. Pero sa tuwing naaalala ko lahat ng pinagsamahan natin at kung anong klase kang tao, nawawala rin. Actually gusto ko ring itanong iyan sa'yo." Malaki talaga tiwala sa akin ni Abby. Ayokong sirain iyon. At itatanong ang alin? Kung nagseselos ba ako sa mga nakakasama niya sa shoot?

"Nagseselos ka ba sa amin ni Rans?" Huh si Rans? Bakit naman ako magseselos sa may jowa?

"May Coco na siya bakit ko siya pagseselosan?" Kahit na ganun ka-close sila Rans at Abby hindi ko inisipan ng malisya. After all, matagal din silang nagkasama. Ang hindi ko maintindihan, bakit parang iba itsura ni Abby?

"Hindi mo pa rin pala alam?" Hindi alam ang ano?

"Wala na sila ni Coco." Weh??? Ang lakas nila ah paanong nawala? Kahit pa minsan hindi sila nagkakaintindihan lalo na noong last year na pinakamalala sa lahat, naaayos parin.

"Babe kailan pa iyon?"

"Recently lang, pero last year medyo pa-off na sila. Actually it seemed like break na sila last year kaso kamakailan lang nagka-closure. Don't worry they're still friends." How come I didn't know about it?

"Nakikita mo naman siguro mga rant si Rans sa twitter diba?" Owww... hindi na pala ako masyadong nakakapag-bukas ng twitter. Dala na siguro ng ka-busy-han.

"Hindi mo ba nakikita mga post din ni Coco?" Well ayun nakikita ko pa paminsan-minsan. Lately nakikita ko yung pinsan ko kasama siya sa pics. Wait don't tell me.....

"Sila na ba ni Coco at Mari?" At tumango si Abby. Shookt ako doon ah?! Wait pero ang point ni babe ay kung nagseselos ako.

"Kung tinatanong mo kung nagseselos ako, hindi naman. Gaya mo, may tiwala rin ako sa'yo." I said while giving an assuring smile.

————————————

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kopi_Pengu
Mamayang umaga or hapon ko na itutuloy kasi inaantok na ako. Isang bagsakan nalang din 'to since nililipat ko nalang naman na.

Comments

You must be logged in to comment
Dreanicseby_ #1
HAHAHAHA nice