Chapter 24

Sweet Memory [SeBy/TamagoVerse]

Note: It's not Tamagoverse nor SeBy's part for now. Sa ibang ships muna tayo mag-focus (syempre hindi na SheLice and PikaBabe kasi matibay na talaga sila eh). Doon tayo sa ships na medyo connected sa magiging endgame ng story hehe... 

________________

Sela's POV

Sa wakas makakabalik na rin ako sa isa naming bahay, bahay ng grandparents ko. Dahil wala na akong masyadong pagkaka-abalahan pinagpasyahan kong pumasyal kila lolo't lola since medyo matagal na rin nang nagkasama kami. Btw hindi issue sa pamilya namin ang pagkakaroon ng girlfriend at tinanggap nila kami. Legal nga kami ni Abby both sides eh. 

Pagkabukas ko ng gate nakita ko si Dian, best friend yata ito ni Mari eh. Nag-hi kami sa isa't isa muna. 

"Oh Dian medyo late na ah bakit hindi ka pa nakakauwi?"

"Hinatid ko po muna si Mari delikado na kasi kapag siya na lang mag-isa eh. Sige po una na ako." At umalis din siya. Medyo nahahalata kong gusto niya pinsan ko. Kaso wala eh, may jowa na si Mari. Speaking of which, need ko siyang makausap about this. Hindi manlang nagkwento eh. 

Time Skip 

"So, paano naging kayo ni Coco?" Tanong ko habang nagb-basketball kami. Yeah may court kami rito at dahil trip naming maglaro ay nagpunta kami rito. Nasa loob lang naman ito ng lupa nila lolo't lola so safe kami. 

"Well sabihin nating hindi siya naging madali rin. Hanggang ngayon actually." Huh? Nagbuntong-hininga muna siya bago nagpatuloy. 

"Naging kami 2 weeks after sila maghiwalay ni Ate Rans. Bago pa iyon magkakilala na kami dahil same course lang naman kinukuha namin. Noong una hindi kami ganung ka-close pero nang nalaman kong pinsan siya ni Ate Abby at nalaman din niyang pinsan mo ako nagstart na kaming magkwentuhan. Maliit lang naman mundo namin eh. Nagkagusto ako sa kanya at aware din akong may gf siya kaya itinago ko nalang. Patuloy lang kami naging close hanggang sa nalaman ko nalang na break na sila. Kahit na ganun hindi muna ako kumilos. Pero nagulat ako noong niyaya niya akong makipag-date. Turns out gusto rin niya raw ako at hiniwalayan muna niya si ate Rans bago ako ayain." Well maayos naman pala hiwalayan nila ni Rans. Explains why friends parin sila. 

"Pero ate alam mo, hindi ko rin maiwasang magduda minsan eh. Kahit sinasabi niyang ako na raw parang hindi parin. Kasi sa tuwing papasok si Ate Rans sa usapan iba yung ikinikilos ni Coleen eh. I mean siguro hindi mawawala yung pag-care nila sa isa't isa pero ewan. Ako lang yata yung mali." Bakit parang tinamaan yata ako rito? Hindi kaya ganito rin nararamdaman ni Abby sa tuwing magiging topic namin si Faith? 

"Pero hindi ko na palalalain pagdududa ko. Gusto kong buuin tiwala ko kay Coco. Saka kung sinabi niyang tapos na sila edi tapos." Hayzzz kawawa naman itong pinsan ko. 

"By the way ate bukas okay lang po bang mag-sleep over ako kila Dian?" Owww... 

"Ok lang naman. Kila lolo ka magpaalam Mari." Tumango nalang siya at shinoot ang bola gamit ang isang kamay. Varsity ito ng basketball skl. 

"Hindi niyo naman siguro pinag-aawayan sila Rans at Dian noh?" Oof.. bakit ko natanong?

"Hindi naman. We understand each other sa sitwasyong ito. Kahit naman kami na may mga kaibigan parin kaming nalalapitan kapag wala kami sa piling ng isa't isa. Ako kay Dian saka siya kay Ate Rans." Naiintindihan ko naman si Mari pero ewan naaawa rin ako kila Dian at Rans. Pero kung okay naman sila ay sino ba naman ako para mangialam pa. 

___________________________

So....??? CocoRans+MarIan or CocoMari??

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kopi_Pengu
Mamayang umaga or hapon ko na itutuloy kasi inaantok na ako. Isang bagsakan nalang din 'to since nililipat ko nalang naman na.

Comments

You must be logged in to comment
Dreanicseby_ #1
HAHAHAHA nice