Chapter 37

Sweet Memory [SeBy/TamagoVerse]

Coco's POV

"Dian pwede ba tayong mag-usap?" Sigurado na ba ako sa gagawin ko? Sa totoo lang hindi. Maaaring may mawala sa akin pero alam kong nakakabuting mapag-usapan namin 'to.

Dinala ko siya sa bar where we also saw Ate Abby and Ate Faith na nag-uusap nang masinsinan. Maybe pinag-uusapn yung tungkol kay Sela. Kami naman tungkol kay Mari. Nag-order muna kami ng drinks na hindi alcoholic bago ako magsalita.

"Do you remember yung nangyari kagabi?" She remained mum for a few seconds before she nodded hesitatingly. Nagpatuloy nalang ako.

"You spoke in Japanese right?" Doon na siya napatingin sa akin.

"Oo... bakit naintindihan mo ba mga sinasabi ko?" Halata na kabado siya.

"Honestly yes. No worries, I'm not here para sabihan kita na layuan mo si Mari or anything similar to that."

"First, sorry kasi hindi ko alam na matagal mo nang mahal si Mari. Kung narealize ko lang edi sana hindi ko siya niligawan..."

"Wala namang dapat ika-sorry doon. After all si Mari rin naman ang may dessiyon na mahalin ka so it's fine."

"Pero aminin mo rin, nadisappoint ka rin? Sa tagal mo ring nakasama siya umaasa ka rin.."

"Mahal ko siya Coleen, pero never ako naghihintay ng kapalit."

"Eh noong nalaman mong kaka-break ko lang sa ex ko. Tapos after 2 weeks naging kami ni Mari?"

"Gusto mo nang totohanan? Nainis ako sa'yo noon. Protektado ko si Mari. Isipin mo nalang kung mangyayari rin sa kanya yun. Tapos isa pa, sa tagal ng pagsasama niyo ni ate Rans hindi malabong may natitira pa siyang puwang sa puso mo." Napatahimik nalang ako bigla. Ate Rans..

"Kaya ito nalang mabibilin ko sa'yo Coleen. Mahal ka ni Mari kaya huwag mo siyang paiiyakin. Sa oras na malaman kong nasaktan siya nang dahil sa'yo, hindi ako magdadalawang-isip na lumipad galing Japan." Oh... Oo nga aalis na siya.

"Oo nga pala Dian, sure ka na bang pupunta ka ng Japan?"

"Oo. Pero wag mo isiping dahil lang ito sa inyo ni Mari. After all maganda rin naman ang opportunity sa Japan. Makes sense kung doon ako magt-trabaho."

"Hindi na kayo mag-uusap ni Mari?" Napaguntong-hininga nalang siya.

"Yun ay kung gusto niya pa akong makausap. Awkward pa kami ngayon eh. Pero promise bago ako aalis kakausapin ko siya nang masinsinan."

"Want me to set up a date?"

"Nako Coco hindi na. Ako na bahala roon. And no offense na rin pero it's between us na yung problem so ako na gagawa ng paraan. Salamat nalang sa alok."

Abby's POV

"Faith ito oh." I gave her the key to get what has been ruined na naayos din.

"Anong pinapakuha mo sa akin?"

"Basta malalaman niyo. Make sure na dapat kasama si Sela sa pagkuha ah."

————————

Ano kaya yun...?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kopi_Pengu
Mamayang umaga or hapon ko na itutuloy kasi inaantok na ako. Isang bagsakan nalang din 'to since nililipat ko nalang naman na.

Comments

You must be logged in to comment
Dreanicseby_ #1
HAHAHAHA nice