Chapter 26

Sweet Memory [SeBy/TamagoVerse]

A/N: Medyo trigger warning..? 

Rans's POV 

"Mommy!! Alis na ako ah." Ani ni Coleen, ex ko. 

"Okay baby byeeee." Sabay beso at labas sa cafe. 

Akala mo talaga hindi nag-break noh? Pero don't get us wrong we just demoted our relationship to best friends nalang. Halos lahat ng gawain namin noong kami pa nagagawa pa rin naman namin. Ang pagkakaiba, iba na laman ng puso niya. Saka no more intimate "I love you's" malamang may jowa na siya eh. Hindi ako galit kay Mari ah. Basta mahalin niya nang tunay at hindi niya sasaktan si Coco okay lang ako. 

So paano nga ba kami naghiwalay ni Coleen? Grabe namang tanong iyan hindi ba pwedeng "Paano ba naging kami?" muna? Ahahahahaha. Pero medyo cliche naman kasi una naming pagkikita eh. Nagkasalubong tapos nagkabanggaan. Tinulungan niya akong mag-ayos ng gamit. Tapos na-love at first sight pa yata ako noon kasi sino ba namang hindi? Yung akala kong una at huli naming pagkikita ay nasundan pa noong nalaman kong pinsan niya si Abby. Yes close na kami matagal na. Madalas siyang napasama sa gala naming dalawa hanggang sa naging close kami. Kahit magkaiba kami ng grade levels hindi siya naging hadlang para umabot kami sa point na naging kami na. Syempre typical confessions pinagmulan ng lahat at sa tulong na rin ni Abelaine nalamang gusto na namin ang isa't isa. 

Ilang taon din ang tinagal nito. Syempre may mga konting misunderstanding din pero naaayos din kaagad. So kailan ko naman naramdaman that something's off na? Actually never as in. Kahit noong gumraduate kami never nagkaroon ng away about sa office works, school works, time sa isa't isa. Parehas kaming naging super busy pero kapag may oras we'll chat and if pwede meet-up. I still remembered noong 5th anniversary namin kasabay niya pagbukas ng branch ng isang cafe na ako ang magma-manage. I thought hindi na siya darating kasi sabi niya busy sila sa school pero I saw her there sa mismong cafe na may hawak na bouquet. She really likes surprising me talaga. Hindi lang iyon inaya pa akong mag-star city pagkatapos. Nag-alala rin ako sa kanya kasi baka mamaya mag-cram siya. Tapos sinabi niyang tinapos niya talaga lahat bago ang araw na iyon dahil special ito para sa aming dalawa. Hayzz napaka-sweet ng baby namin. Iba siya mag-effort din. That's why I believe na as long as parehas kayong nage-effort para sa relationship niyo hindi kayo mapaghihiwalay ng kahit anong pagsubok. Only a change of heart does. And that's exactly why it ended between us. 

Malapit na 6th anniversary namin noon. I'm preparing a lot na sa cafe para sa pagdating ng araw na iyon free na ako. Bigla naman akong nakatanggap ng message kay Coleen. "Let's meet up sa garden malapit sa school." At first akala ko wala lang ito. Like nami-miss niya lang ako. Hindi ko pa napansin that time na wala siyang nilagay na "Baby" sa text kasi never niyang nakakalimutang ilagay iyon. Syempre bilang excited na gf pumunta ako kaagad. Nadatnan ko si Coleen na nakaupo sa isang bench. Oh right dito pala yung exact place kung saan naging kami. Hindi ko naintindihan noong time na iyon kung bakit seryoso itsura niya. She looked anxious, quite sad and I dunno parang halo ng negative emotions mukha niya ngayon. Lumapit siya at hinalikan ako sa noo. Pagkatapos ay....

"Ate Rans, lagi mong tatandaan na sa loob ng anim na taon na pinagsamahan natin, minahal kita nang totoo at todo. Sorry, pero may nararamdaman na ako para sa iba at sigurado na ako roon. Ayoko nang magsinungaling pa. Ayoko na ring patagalin ito kasi hindi ring magandang tayo pa habang may mahal na akong iba. Pinag-isipan ko ito nang mabuti at matagal. Narealize kong gusto ko na si Mari gaya noong nagustuhan kita noon. Narealize ko rin na parang hindi na girl friend ang nagiging tingin ko sa'yo. You're turning into a special friend who I can rely with. Pero yung lahat ng sinabi ko sa'yo noon, yung mga ginawa ko noon para sa'yo, totoo lahat ng iyon. I loved you Ate as a girl friend whom i shared my heart with, but I'll always love you as a special friend whom I shared and will share memories with.  Again sorry, sana makahanap ka ng mas deserve mo, someone better. Hanggang dito nalang." 

Tumigil mundo ko noon promise. Like halos isang minuto ako hindi nakagalaw sa pwesto ko. Pero as that ate na marunong umintindi, I said that it's fine. I'm fine. I put her into an embrace where she responded back. We both agreed na magiging best friends nalang kami and also I asked kung pwede kong makilala nang lubusan si Mari and okay lang sa kanya. Sinabi rin niyang I will always have a special place in her heart. So do I. 

Noong pauwi na ako sa bahay biglang nagsink-in ulit lahat ng sinabi niya. Doon na ako nagsimulang lumuha hanggang sa nag-breakdown na ako. Ang sakit pala ng break-up noh? Parang dati lang natatawa ako sa mga umiiyak kapag nakipag-break jowa nila. Pero syempre hindi ko pa naranasan noon eh. Ngayon alam na alam ko na. Kahit na maayos ang pakikipag-break ni Coco sa akin wala eh nakakakirot parin ng puso. Noong mga araw na iyon madalas akong dalawin ni Abby. Sinabi ko na rin na huwag nang ipaalam kay Coleen na nag-wala ako habang umiiyak kasi ayokong iparamdam na dapat siyang ma-guilty. Nagpakatotoo lang din naman siya hindi kasalanan ang magmahal at matino naman ang hiwalayan namin. 

At dito nagtatapos ang story-telling ng CocoRans ahahahaha. Haba noh? 

"Uyy Ransoy kanina ka pa tulala diyan ano na namang iniisip mo?" Pagsabi ni Abby na kanina pa pala nandiyan. 

"Oh Abby napadalaw ka."

"Well gusto lang kitang dalawin. Kakaalis lang pala ni Coco. Kumusta na puso mo?" Ito napipilitang sumaya para sa kanila. Hindi ito pagiging plastik mga mamser. It's maturity as far as  I know. 

__________________

So sadt:(( So may pagagawa ako if oks lang ahahah. I-comment niyo kung anong mas preferred endgame ship niyo rito ang explain why. 

1) Tamagoverse or SeBy

2) CocoRans or CocoMari

3) SunCloud or Fash 

4) MarIan or CocoMari 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kopi_Pengu
Mamayang umaga or hapon ko na itutuloy kasi inaantok na ako. Isang bagsakan nalang din 'to since nililipat ko nalang naman na.

Comments

You must be logged in to comment
Dreanicseby_ #1
HAHAHAHA nice