Chapter 22

Sweet Memory [SeBy/TamagoVerse]

Faith's POV 

Matapos ang ilang taong paghihintay at pagbuo ng lakas ng loob, kinausap ko na rin siya sa wakas at nagyayang makipagkita. Salamat na rin kay Sayaka mukhang alam ko na ang tunay kong nararamdaman. Mahal ko si Sela, matagal na. Bakit kasi ngayon ko lang nalaman? Bakit hindi pa noon? Edi sana hindi na ako nagka-boyfriend pa. Nasira pa tuloy friendship namin. Hayz kaya pala nauna BB Cream sa CC cream dahil nasa huli talaga ang pagsi-CC (pagsisisi). Nagawa pang magbiro eh ahahahaha pero seryoso kinakabahan na ako. 

Andito ako ngayon sa cafe na gaya rin kila Sela pero ibang branch. Hindi rin ito yung sa pinagkitaan namin ni Abby. Sila Dana at Jem ang may-ari naman nito.  Masyado yata akong maaga kasi 10 am usapan namin pero 8 palang ngayon. Ganito na ba ako ka-excited makausap siya ulit? Yung level ba ng excitement niya same din sa akin? Hala paano kung napilitan lang siyang kitain ako? 

Ding! 

Napatingin ako sa entrance ng cafe at hindi ko inaasahang makita si Sela roon. 

"Oh, akala ko wala ka pa. Mag-order na muna tayo." Aya niya sa akin. 

Time Skip 

Habang kumakain ay hindi maiiwasan ang ilangan. Syempre ano nga ba pag-uusapan namin? Ay Feito parang ewan lang? Ikaw nag-aya hindi mo alam convo niyo? Ikaw magsimula baliw ka. Pero how can I start a conversation with her? Hmmmm....

"Uhhmm Sela...." At sa pagbanggit ko ng pangalan niya'y napatingin ang magaganda niyang mata sa akin. Buntong-hininga ko at saka nagpatuloy. 

"Galit ka pa rin ba sa akin?" Mukhang napabuga siya ng kape. Buti nasalo rin ng baso niyang hawak. 

"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan?" Hala oo nga pala, akala niya sa kanya ako nagalit dahil doon. Lesheng lalaking iyon kasi eh!

"Ok linawin ko lang. Never akong nagalit sa'yo." Nagulat naman siya sa sabi ko. 

"Pero.. paanong hindi nagalit? Uhhhmm.. hindi ba noong gabing iyon.."

"Nalito ako sa sarili ko noon Sela. Hindi ko talaga intensyong saktan ka. Totoong nagalit ako noon pero hindi sa'yo. Kay Yohan. Pero that night I haven't realized it immediately. Saka ko lang napagtanto noong sumunod na araw. Kaya yung pagblock ko sa'yo, hindi dahil galit ako. Binlock kita at hindi na nagpakita pa kasi alam kong wala na akong mukhang ipapakita." Kita namang pino-process pa niya ang lahat ng sinabi ko. At naramdaman ko na rin after 5 years ang pag-gaan ng dibdib ko. Ganito pala feeling kapag nalabas mo na lahat. 

Matapos ang ilang minuto ay mukhang na-gets na niya ang lahat-lahat. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"So after all this time hindi ka galit? Samantalang sa loob ng 5 taon lagi kong iniisip mapa-araw o gabi kung may pag-asa pa bang magkabati tayo?" Nakikita ko sa tagiliran ng mga mata niya ang luhang malapit nang mahulog. Sa totoo lang parang sa akin din eh. 

"Faith.... teka hindi ko alam kung anong masasabi ko rito." Sabay punas ng luhang nahulog na nga. Hindi na rin napigilan ng luha kong bumagsak. I missed this so much. Yung iyakang magmumukha kaming tanga ahahahahaha. Nag-iyakan pa kami hanggang sa nagyakapan nalang kami bigla. Lesheng luha 'to ahahahah ayaw tumigil. 

Time Skip 

So kaka-check lang namin ng oras hapon na pala. Napahaba kwentuhan namin ni Sela. Lahat-lahat ng nangyari sa loob ng 5 taong hindi kami nagkita. Napakarami palang nangyari noh. 

"So ayun nga, pagkatapos ng isang taon sinagot ko na rin siya." Pero itong usapan na ito, hayz. Btw nasabi na rin niya ang tungkol kay Abby saka sa pagiging non-straight niya. She wasn't into boys at all pala ever since. I'm fine with it hindi rin naman ako straight eh. Oh speaking of which, should I confess already? Pero hindi ko naman pwedeng sabihin out of the blue....

"Tamago curious lang. Before Abby ba may nagustuhan ka nang babae?" Nanlaki mata niya roon. 

"Ahh.. bakit mo naman natanong?"

"Kasi eto Sela.... hindi rin ako straight." Nanlaki ulit mata niya.

"Hah?? Eh... paano yung dati?"

"But I'm not fully into girls naman. Bi siguro ganun. Pero kasi before kay Yohan, or actually habang kami, may nagugustuhan ako kaso nasa indenial stage ako noon."

"Hala?? Teka sino ba yang babaeng nahakot ng mata mo?"

"Hindi lang mata humakot eh. Pati puso ko nakuha niya...." 

"Ay iba pala level ng ka-cheesy-han mo pre. Pero sino nga siya?"

"Ikaw......."Natigilan naman siya sa pwesto niya. 

"....sino sa palagay mo mahal ko?" Tuloy ko. Hayzz hanggang dito na muna. 

_________________

BATI NA TAMAGOVERSE YAAAAAYYY

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kopi_Pengu
Mamayang umaga or hapon ko na itutuloy kasi inaantok na ako. Isang bagsakan nalang din 'to since nililipat ko nalang naman na.

Comments

You must be logged in to comment
Dreanicseby_ #1
HAHAHAHA nice