Chapter 19

Sweet Memory [SeBy/TamagoVerse]

Sela's POV

"Oh babe ang galing mong magpose kanina ah. Paano ba yun?? Ganito?" Pabirong sakit-tiyan pose ko tas natawa siya. Tawa siya ih.

"Hindi ko naman magagawa yun kapag wala ka roon eh."

"Jusko po, ke wala man ako o andito, hindi maitatangging magaling ka."

"Ok sabi mo yan eh. Tara na, may pupuntahan tayo." Okay medyo nawi-weirdohan ako sa kanya ngayon.

"Saan naman yan babe?"

"Ayaw mo sa first anniversary location natin?" Teka surprise ba dapat ito?

"Surprise ba dapat yan babe? Sorry nasira ko."

"Babe hindi ah duh. Tara na atat na me." Sabay hila sa akin papuntang kotse.

Time Skip

"Yeaaah andito na tayo." Napabuntong-hininga nalang ako pagdating sa QC Circle. Dito namin cinelebrate first anniversary namin. Dapat talaga sa EK kaso naudlot. Since gusto pa rin namin ng rides ganun napag-desisyunan nalang naming dito magcelebrate. Masaya naman siya. In fact na enjoy naming pagtripan ang isa't isa dahil yung jowa ko naman grabe sumigaw sa rides lol. Tapos siya pa malakas loob mag-aya. Maaya nga ulit.

"Babe tara sa rides. Kailangan kitang mapag-tripan ulit."

"Heh Marsela subukan mo akong pagtripan."

"Kahit naman mapagtripan kita mahal mo parin ako diba?" Sabay hampas sakin.

"Bahala ka diyan. Kain nalang tayo sa ikot dali na." Sabay pa-cute sa'kin. Kahit naman bully ako softie din ako inside noh. Hindi ko talaga matanggihan 'tong babaeng 'to.

"Sige na nga. Ice cream tayo?"

Faith's POV

Abby Santiago is with Marsela Mari Guia at QC Circle

"Uyyy loveskie bakit ka sad?" Tanong sa akin ni Sayaka.

"Ahh wala.."

"Si Sela ba?" Oh right paano niya nalaman?

"Kahit hindi mo ikwento nakakahalata ka. Don't worry I'm not straight too. Tell me more." Parang gumaan loob ko.

Time Skip

"So you mean to say, naging in denial ka sa nararamdaman mo noon?"

"Ewan hindi ko talaga alam Sayaka!"

"Well base sa kwento ko it seems to be like that." Totoo nga ba? Na nagustuhan ko talaga si Sela? Ang gulo ko noh? Bakit pa ako nagpaligaw kay Yohan noon?

"Alam mo nvm the past, yung present nalang. Anong nararamdaman mo kapag magkasama sila Sela at Abby?" Ano nga ba....

"Masakit...."

"Edi mahal mo nga siya. Nako naman po Feito. Ano na gagawin mo niyan ngayon? I mean ang tagal na rin nila. Hindi ka naman pwedeng maging kontrabida. How will you deal with your feelings?" I just let out a sigh.

"I'll just let them be."

"Wehh di nga??"

"Totoo nga. Nasira ko na siya noon, at hindi ko na iyong gugustuhing mangyari pa." Few moments of silence bago ako magpatuloy.

"Siguro gusto ko nalang siya makausap tungkol sa friendship namin. Ayun ay kung papayag siyang magkaayos ulit. Miss na miss ko na siya sa totoo lang."

———————————

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kopi_Pengu
Mamayang umaga or hapon ko na itutuloy kasi inaantok na ako. Isang bagsakan nalang din 'to since nililipat ko nalang naman na.

Comments

You must be logged in to comment
Dreanicseby_ #1
HAHAHAHA nice