Chapter 29

Sweet Memory [SeBy/TamagoVerse]

Sela's POV

The day has come. Outing na naming lahat. Nakakaawa rin naman kasi sila Jan noh kulong lang sa apartment nila. Tutal mga best employee ko sila parang regalo ko na rin ito sa kanila.

Syempre kasama si Abby, Mari, Coco, Rans, Alice, Sheki, and actually buong 48G. And oh kasama si Sayaka and Faith. Oo nga pala naalala ko na naman. Mangilang beses na rin noong tinry kong iwasan siya. Ewan ko ba. Noong narinig ko yung side ni Mari about kila Coco at Rans napaisip ako bigla. Ayun din kaya nararamdaman ni Abby?

"Wait lang po!!" Uyy humabol din si Dian.

"Oiii gague ka buti nakarating ka pa. Saan ka ba dapat pupunta?" Sita ng pinsan ko sa kanya. Bagay sila... Charot sila na bahala diyan.

"May kikitain dapat ako kaso sabi huwag nalang." Nakita ko naman si Mari na nagtaka. Inoobserbahan ko rin 'tong si Dian parang may kakaibang kilos eh. Tumitingin siya kay Ash at tumatango siya slightly. Magkakilala ba sila?

Time Skip

"MGA VAKLA MAGSWIMMING NA!!"

"Ewan ko sayo napaka-loud mo talaga Chokinah." Btw, close si Rans kay Sheki and Alice. Tatlogs sila. Paano? High School days syempre. Tumatambay din yan noong nagrerehearse banda namin eh.

"O basta huwag makalat ah. Enjoy natin ito but be responsible."

"Okay Babe/Tamago/Boss/Mars/Pre..." Huh? Hakdog! Nagsipuntahan naman na sila sa kani-kanilang gawain.

"Wow naman babe boss na boss ang datingan sa outing ah."

"Aba syempre naman para 'di maging makalat dito oh. Tara na let's enjoy this day." Sabi ko sabay hila sa kanya papuntang beach.

Faith's POV

These past days pansin ko lang na iniiwasan yata ako ni Sela? O sadyang busy siya? Hindi eh bakasyon nga ngayon kaso ni pagbati ng "Hi" hindi niya nagawa. Akala ko okay na kami? Bago naman siya umuwi sa kanila nagkausap pa kami. Hayz sino ba naman ako para magreklamo eh ako nga sumira noong una eh.

"Tulala ka diyan ah. By the way bakit hindi pa yata kayo nag-uusap ni Sela roon." Turo ni Sayaka sa beach. Nakita ko naman siya kasama si Abby na nagb-bae time. Bakit ang sakit aa dibdib?

"Ooiii Feito saan ka punta!?" Bigla akong napaalis sa pwesto ko nang patakbo. Ang hirap palang makita yung mahal mo na may kasamang iba. Oo masaya ako para sa kanya pero masakit talaga eh. Hindi ko na namalayan kung saan ako dinadala ng paa ko.

"Miss off-limits na po banda rito." Sabi sa akin ng babaeng nakasalubong komg nagt-trabaho rito as a lifeguard. Mukha siyang foreigner pero pang-local ang pagbigkas ng Tagalog.

"Ah ganun ba. Sige salamat nalang." Grabe nakakahiya. Dapat talaga matuto na akong kumontrol sa actions ko kapag may nararamdamang kung ano-ano. Kung hindi lang ako ganito hindi ko nasaktan si Sela eh.

—————————

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kopi_Pengu
Mamayang umaga or hapon ko na itutuloy kasi inaantok na ako. Isang bagsakan nalang din 'to since nililipat ko nalang naman na.

Comments

You must be logged in to comment
Dreanicseby_ #1
HAHAHAHA nice