Chapter 36

Sweet Memory [SeBy/TamagoVerse]

Faith's POV

"Feito sigurado kang ayos ka lang? I mean your head and your heart? Pwede namang magpahinga ka muna sa room natin." Tanong sa akin ni Sayaka.

"Nah I'm fine. Ako na bahala kung sakaling I might not feel well."

"Okie sige sabi mo. Kapag may kailangan ka lapitan mo lang ako ah." Tumango nalang ako at lumayo papunta sa beach.

Hanggang ngayon sumasakit parin ulo ko dahil sa nangyari kagabi. Noong pagkagising ko wala akong matandaan eh pero noong breakfast na at nakita ko sila Sela at Abby saka ko lang naaalala lahat. Umamin ako sa kanya... pati siya umamin sa akin. Minahal niya raw ako at hanggang ngayon nalilito parin siya kung may nararamdaman parin siya sa akin. Pagkatapos nun.... hayz ang sakit. Napahawak nalang ako sa labi ko na kung saan dumampi yung kanya. Mas lalo akong nanghinayang. Kung hindi ko lang pinigilan nararamdaman ko noon edi sana masaya kami ngayon.

Nakita ko sila bigla sa beach na naguusap nang masinsinan. It hurts seeing it pero wala naman na akong magagawa. Kailangan ko nang pigilan kung anong pagtingin ko kay Sela. Masaya na siya sa piling ng iba at ayokong sirain yun. Ayaw ko nang saktan ulit siya gaya noon.

Paalis na ako nang...

"Faith, can we talk?" Napalingon ako at nakita si Abby. Yes siya nga yung girlfriend ni Sela. Ano kaya gusto niyang sabihin sa akin? Layuan ko si Sela? Andaming pumapasok sa isip ko pero hinila nalang ako ni Abelaine papunta sa isang bar malapit sa beach. Nag-order siya ng drinks para sa amin at nagsimulang magsalita.

"Faith, I know na nagkaaminan na kayo. Don't worry we talked about it already. Sa ngayon I'm giving her space para makapagisip-isip siya kung sinong pipiliin niya between us." Nagulat ako sa sinabi niya. Paano na 4 years relationship nila?

"Pero to be honest kahit na wala nang space, it's obvious na mas matimbang ka sa puso niya." I don't know how to react.

"Hindi ko nga alam kung bakit may pa-ganun pa ako eh. Siguro kahit paano umaasa ako kahit konti na baka may pag-asa pa ako. Pero kung sa'yo siya pupunta I won't be surprised anymore." She sighed bago tumuloy.

"Kaya kung mangyari man 'yon, sana maipangako mong aalagaan mo't mamahalin mo siya nang buong-buo. Huwag mo nang ulitin ginawa mo noon. Sa totoo lang nagalit ako sa'yo dahil doon pero pinalampas ko iyon dahil alam kong in denial ka pa at pati siya tinatago pang mahal ka niya.

Pero ngayong sigurado ka na at siya nalang ang hinihintay, there's no more excuse para mangyari ulit 'yon. Trust me, once na nasaktan ulit siya dahil sa'yo hindi ko na siya pakakawalan pa." Napalunok ako sa mga sinabi niya. Ganito niya kamahal si Sela. Hiyang-hiya tuloy ako.

————————————

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kopi_Pengu
Mamayang umaga or hapon ko na itutuloy kasi inaantok na ako. Isang bagsakan nalang din 'to since nililipat ko nalang naman na.

Comments

You must be logged in to comment
Dreanicseby_ #1
HAHAHAHA nice