Chapter 33

Sweet Memory [SeBy/TamagoVerse]

3rd Person POV

"Selaaaaa oiiii tamago!!" Sigaw ng isang lasing na si Faith habang hinahabol si Sela. Dahil pagod na rin yung hinahabol na maglakad ay nagpasya na itong huminto at abangan ang mga susunod na pangyayari sa kanila.

"Ayun tumigil ka rin!" Lumapit ito kay Sela at tinitigan ito sa mata sa abot ng makakaya. Hinawakan din siya sa mga balikat gamit ang dalawang kamay. Nakita ni Sela ang halo-halong nadarama ni Faith mula sa kanyang mga mata. Kahit siya hindi alam gagawin. Hindi parin magsink-in sa utak niya lahat ng narinig niya. Tama ba yung iniisip niya?

"Sela naman... ba.. bakit mo naman ako inii.. wasan?" Paunti-unti nang tumulo ang mga luha mula sa kanyang mata. Pati siya rin ay naluluha na.

"Alam kong mahal mo si Abby pero... bakit kailangang umabot sa ganito..?"

"Bakit kailangan mo akong iwasan Sela ko.... galit ka parin ba dahil sa nangyari noon...?" Hindi nakapagsalita si Sela.

"Galit ka parin ba?!" Nagulantang na siya nang pasigaw na siyang tanungin. Naalala niya ulit yung panahong tinatanong siya at hindi nakasagot. That was 5 years ago. Ayaw na niya ulit mangyari yun.

"Faith hindi na ako galit..."

"Pero parang hindi eh! Galit ka parin! Hindi mo naman ako iiwasan kung hindi!" Umagos ang mga luha sa mata ni Faith.

"Kung alam mo lang kung gaano kasakit na may iba ka na! Kaso hindi naman kita masisi eh. Sinaktan din kita dahil lang sa letseng lalaking yun na hindi ko minahal ng todo gaya ng...." naudlot mang kaunti bago ito ituloy ni Faith.

"Sela, tamago ko. Mahal kita pero tangina ngayon-ngayon ko lang na realize pambihirang puso 'to oh." Napatigil ang mundo niya kasabay nang mabilis na pagtibok ng puso nito gaya pa noong dati. Hindi niya ito naramdaman kay Abby ni isang beses. Halatang-halata na ang pawis sa mukha nito animo'y kinakabahan.

"Sela... alam kong masaya ka na sa iba pero sana naman huwag mo akong iwasan. Ang sakit eh!" Hindi na napigilan ni Sela.

"Sa tingin mo ba madali lang para sa'king iwasan ka?! Faith punyemas naman oh. Tutal inamin mo na rin pwes ako aaminin ko na. Minahal kita Faith noon pa! Simula nang una tayong nagkita. Ikaw lang ang tangi kong minahal noong high school ako. Kahit na ang sakit noong nalaman kong nagkagusto ka kay Yohan sinuportahan kita kasi mahal kita at kaibigan kita! Kahit noong nag-away tayo gustong-gusto kong sabihing ikaw lang ang mahal ko pero hindi ko nagawa dahil takot ako Faith!" Lumabas na rin sa wakas ang katotohanang matagal din niyang tinago. Napabitaw si Faith sa gulat. So all this time...

"Pero alam mo, gulong-gulo ako. Kasi hindi ko alam kung hanggang ngayon mahal parin kita o si Abby na talaga. Kasi ayaw ko rin siyang mawala sa buhay ko. Pero iba nararamdaman ko sa'yo eh. Hindi ko naranasan sa kahit sino kahit kay Abby. 

Sa'yo ko lang naramdaman ang sakit at kasiyahan nang sabay sa pagmamahal."

At lahat ng tinatagong damdamin nila Faith at Sela ay tuluyang nailabas sa gabing ito.

Next Day

Alice's POV

What's up po! Dahil gulo-gulo isipan nila Sela, Faith, Abby, Coco, Mari, Dian, ah basta karamihan sa kanila ako muna ang may point of view ah?

So bale sabay kami nagising ni Sheki at lumabas para maghanda ng breakfast kasama ng ibang gising na rin. According to my observation,

Awkward sila Coco at Rans, Dian at Mari na hindi talaga nagpapansinan, Ash at Gabb, at higit sa lagat sila Sela at Faith. Si Abby nakakusap parin kahit papano eh. Si Sayaka ang nilalapitan ni Feito.

Speaking of, hindi na ako magugulat kung nilabas na ni Sela ang tunay niyang naramdaman kay Faith.

——————————

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kopi_Pengu
Mamayang umaga or hapon ko na itutuloy kasi inaantok na ako. Isang bagsakan nalang din 'to since nililipat ko nalang naman na.

Comments

You must be logged in to comment
Dreanicseby_ #1
HAHAHAHA nice