Chapter 10

Sweet Memory [SeBy/TamagoVerse]

Back to Sela's POV

"Uyyy Congrats sa anniversary niyo. Sorry hindi ako nakapunta that time." Sabi ni Ate Alice habang kumakain kami malapit sa hospital.

"Nahh okay lang yun pre. Kumusta nga pala duty? Nakaka-haggard ba?" Btw, registered nurse na si Ate Alice since last year pa. Kaya siguro sa aming nasa 48G siya yung madalas di makasama pag may reunion ganun. Pero okay lang kasi understandable naman eh. Saka uy buti staying strong parin sila ni Sheki.

"Well yeah pero masaya naman. Ang sarap kaya sa pakiramdam na nakakatulong ka. Ikaw naman. Kumusta franchising business mo?" If you're wondering kung anong pinagkaka-abalahan ko ngayon, well manager lang naman ako ng branch ng isang sikat na cafè. I took business management right after graduating. Nagtraining nang slight tapos ito na, Manager Guia.

"Ayun going well. Sa tulong na rin ni batas naaayos naman yung pagpapatakbo ng cafè."

"Hulog talaga ng langit si Abelaine noh?"

"Hay nako sinabi mo pa Ate. God gave me you ika nga."

"Yiieee pumapag-ibig talaga Sela namin. Wait kumusta naman puso mo?"

"Syempre okay na okay bakit mo naman natanong?"

"Hayz. Sela tinatanong ko kung okay na puso mo hindi pakiramdam mo." Oh right. I get it.

"Ate, it's been five years. Saka diba dapat huwag na natin pag-usapan yun?"

"Ahhh onga pala. Sorry."

"It's okay. Besides masaya na ako kay Abby. Siguro kung hindi rin nangyari yun hindi rin ako sasaya nang ganito sa piling niya." Napatango naman siya. Mahal ko si Abby. Ayan tama 'yan Sela.

"Pero ganito ah. Hindi sa pinapaalala ko. Kasi posibleng darating ka rin diyan. Paano kung nagkita kayo ulit? Pwede pa bang ma-rekindle friendship niyo?" Napabuntong hininga nalang ako sa natanong niya.

"Kung ako lang, gusto ko. Gusto ko ring mabalik lahat ng pinagsamahan namin. Pero ang tanong, okay lang ba sa kanya? Nasaktan din siya. Sino ba namang hindi magagalit kapag nakita mo yung kaibigan mong kahalikan jowa mo?" Tumigil muna ako bago ituloy.

"At this point imposibleng mapag-usapan pa namin yan. Naka-block nga ako sa social media eh. I don't think gugustuhin niya rin akong makita."

"Alam mo Sela, it's been five years. Yes, siguro may part parin sa kanyang nasaktan because she thought you betrayed her. Pero kilala mo naman siya diba? Hindi siya nagkikimkim ng galit."

"Pero pwedeng magbago ang ihip ng hangin."

"Yes tama ka diyan. At ok nga pala, hindi ba ikaw na rin ang nagsabi na masaya ka na sa piling ng iba? How if pag nagconfront ulit kayo, sabihin mo nalang sa kanya ang totoo?"

"Totoong ano?"

"Na minahal mo siya. Hindi mo ginustong halikan ka ni Yohan."

"Eh paano kung ano...."

"What if's na naman teh? Eh akala ko ba past na yun? Kung talagang nakapag-move on ka na lalakas na dapat loob mong umamin ng past feelings mo."

Oo tama Sela. Si Abby na mahal mo. Naka move on ka na kay Faith. Kaya huwag ka nang kabahan.

Pero ewan nakakakaba pa rin.

—————————-

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kopi_Pengu
Mamayang umaga or hapon ko na itutuloy kasi inaantok na ako. Isang bagsakan nalang din 'to since nililipat ko nalang naman na.

Comments

You must be logged in to comment
Dreanicseby_ #1
HAHAHAHA nice