Chapter 3

Sweet Memory [SeBy/TamagoVerse]

"And we're done for today! Bukas ulit mag rehearse tayo. If possible naman pwede kayong magsulat ng lyrics." Sabi ni Ate Alice bago kami magpaalam sa isa't isa.

"Uy Sela diritso uwi ka na ba?" Tanong sa akin ni Ecka. Medyo malapit lang bahay niya sa amin kaya nakikisabay siya minsan sa amin ni Faith.

"Ah oo wala naman nang gagawin eh."

"TAMAGO!!" Nagulat naman ako sa tumawag sa akin. Bakit andito pa siya?

"O andito ka pa? Gabi na ah." Usisa ko sa kanya.

"Eh gusto kita kasabay umuwi eh. Hi rin pala Ecka." Bati niya naman sa isa kong kasama na binalik naman.

"Ano sabay na ba tayong tatlo? Nasaan pala si Yohan nauna na?" Tanong ko kunwari hindi affected.

"Ah oo. Dapat nga mags-stay pa siya kasama ko kaso pinauwi ko na malayo pa bahay niya eh. Eto o binigyan pa ako ng pepper spray protection daw." Nagtanong lang naman ako kung nauna na. Yes or No lang sagot hayz. Pero may pa- pepper spray pa siya ah. He doesn't seem to be bad after all.

"Ay iba! Bakit hindi mo pa sagutin yang manliligaw mo Feito?" Nagtanong naman si Ecka pero ramdam kong hinahawakan niya braso ko. Alam ko na ibig niyang sabihin.

"Syempre hindi dapat minamadali yun. Mas masarap makatanggap ng "oo" pag pinaghirapan mo." May point siya.

"O siya alis na tayo baka magsara na yung gate." Sinabi ko na kaagad uwing-uwi na ako eh.

Time Skip

"Ingat ka po pauwi Feito!" Sigaw ni Ecka kasi andito na kami sa lugar namin.

"Thank you Ecka! Good night Tamago!! Love you!!" Love you too. Oh right as a friend lang pala.

"Heh! Mag-ingat ka nalang!" Sigaw ko naman. Tsundere Sela iz here lol. Pero wala namang meaning yun kasi minsan ganun talaga ako.

"Hmph. O siya bye na nga." At umalis na siya nang maligalig. Kung hindi mo 'to kilala baka mapagkamalan mo siyang bata eh.

"Ayos ka lang Sela?" Tanong ni Ecka sakin at tumango nalang ako. Nagpaalam na rin kami sa isa't isa at pumasok sa kani-kanyang bahay.

Time Skip

Hmmm.... song? Teka wala pa akong maisip na lyrics sandali lang po.

Although, I love you so much that it feels like I am breaking
From now on the two of us, we will be just friends
Somehow, I wish we had not met
I cannot say.... I like you, my baby
A sweet memory filled with tears

Oh..... ano 'to eureka? Gaya nang paano makaisip ng pun sila Faith at Jamie?

———————————

Another note po pala. I suggest you guys listen to Sweet Memory by MACO while reading. Thanks.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kopi_Pengu
Mamayang umaga or hapon ko na itutuloy kasi inaantok na ako. Isang bagsakan nalang din 'to since nililipat ko nalang naman na.

Comments

You must be logged in to comment
Dreanicseby_ #1
HAHAHAHA nice