Chapter 15

Sweet Memory [SeBy/TamagoVerse]

Sela's POV

Today is the day! Ngayon na magsisimulang mag-film sila Sayaka sa cafe. Teka nga bakit ba ako kinakabahan? Dahil kay Feito este Faith? Tama na stop na 'to. Tandaan mo may Abby ka na.

"Hello mga Loveskieee!!! I'm here your happy pill!!"

At eto na nga nags-start na sila. Naka-upo si Sayaka tapos nasa tapat niya si Faith na kumukuha ng video. Kami naman ni Abby ay nakikinood din muna. Kasi may part kami sa video. Yown oh magiging artista na lola niyoooo!! Well that has always been my dream.

"Babe, mag ready kana kasi later on haharap kana sa camera." Sinabihan ako ni Abby at tumango nalang ako.

"At eto na po tayo kasama ang nagm-manage ng branch na ito si Ms. Sela Guia. Magandang Araw po! Pwede lang bang malaman kung ano ang sikreto niyo sa lumalago niyong business?" Tinanong ako. Napatingin ako sa camera na hawak-hawak ni Faith. Hala paano 'to! Hindi na nga ako magkakape sa umaga nakaka-kaba eh.

"Well ang sikreto namin ay....." Ok ito sinabi ko lang kailangan kong sabihin habang tinitingnan ang camera. Pero minsan hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero pag nagkakatitigan kami parang may something. Hayz hayaan niyo na nga. Syempre ako kinukunan eh natural lang na ako tingnan niya. Pero ewan may something talaga.

Time Skip

"Uyy salamat po talaga." Sabi ni Sayaka habang nagh-handshake kami.

"Wala yun. Ang saya-saya mo nga mag-vlog eh no wonder ang dami mong fans. Loveskie ba tawag doon?"

"Oh opo. Saka ang sarap ng foods and drinks niyo ah no wonder dinudumog 'to ng marami. O siya mag-aayos na ako ng gamit." Saka bumalik siya sa table kanina.

"By the way Sayaka si Faith?" Bigla kong tanong. Hala andito pala si Abby. Napatingin ako sa kanya. Nakita kong hindi naman siya galit parang sinusuportahan pa nga ako eh. Naaalala ko dati nung kinukwento ko si Faith sa kanya sinasabj niyang gusto niya kaming magka-ayos.

"Ah sabi raw may iba pa siyang pupuntahan. Kaya mauna ba ako. Ewan ko ba sa batang yun. O siya alis na po ako. Salamat." Saka nagpaalam na. Bigla naman akong nakaramdam ng ihi kaya nag-paalam din muna ako kay Abby para mag-CR.

Pagkadating ko roon nakita ko si Faith na medyo nahihirapang mag-ayos ng gamit. Hayz anong gagawin ko? Hindi ko siya kayang lapitan pero alangan namang hayaan ko lang siya diba?

"Uhmmm.. need help?" Tinanong ko siya. Napatigil naman siya sa pag-aayos ng gamit at lumingon sa'kin. Hindi na ako naghintay pa ng sagot dahil dali-dali na rin akong lumapit para ayusin yung iba niyang gamit. Ang awkward takteng 'to.

"Uhhmm Thank you." Sambit naman niya nang matapos nang maayos gamit niya.

————————-

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kopi_Pengu
Mamayang umaga or hapon ko na itutuloy kasi inaantok na ako. Isang bagsakan nalang din 'to since nililipat ko nalang naman na.

Comments

You must be logged in to comment
Dreanicseby_ #1
HAHAHAHA nice