Chapter 20

Sweet Memory [SeBy/TamagoVerse]

Sela's POV

Ang saya ng kahapon grabe. Ngayon lang ulit ako nakapag-enjoy ng rides kasi laging busy. As of now nag-aayos na ako dito sa kotse para makapunta na sa cafe. 

After a few minutes natapos din tapos nagsimula nang paandarin itong kotse. Paalis na sana ako kaso nakita ko sa may kalayuan si Faith na naghihintay ng masasakyan sa kanto. Sa kabilang banda may nakita akong lalaking mukhang creepy na halatang binabastos na si Faith sa isipan. Jusko naka simpleng t-shirt saka pantalon na nga suot minamanyak parin tsk. Sa hindi malamang dahilan uminit bigla ulo ko parang gusto kong banggain si kuyang manyak kaso mas inisip ko siya. Pinaandar ko yung kotse papalapit kay Faith at binaba ang bintana. 

"Uhhmm.. saan ka pupunta? Hatid na kita baka may mangyari pa sa'yo." Halata sa itsurang nagulat sa asta ko. Kinakabahan din yata. 

"Ahh ehh.. Ayos lang ako."

"May manyak sa kabila. Pasok na hatid nalang kita." Naghesitate pa yata siya bago mapagpasiyahang sumakay sa shotgun seat. Tinanong ko kung saan ito pupunta at nalaman kong sa cafe namin. Pansin ko medyo napapadalas na siya roon. Well wala namang problema doon diba?

This is a long ride as expected kahit iilang metro palang nalakbay namin. Ang awkward mga teh saka tahimik pa. Buksan ko kaya itong radyo na 'to? 

"Ermm.. buksan ko radyo ok lang ba?" Tanong ko sa katabi ko. Malay mo naman ayaw niya? O baka naman gusto mo lang makausap?....

"Okay lang sige." Matipid niyang sagot. Binuksan ko na ang radyo at....

Now Playing: I See The Light from Tangled 

Kung minalas ka nga naman...... Flashback na naman ba ito?? Using my peripheral view chineck ko reaction ni Faith. Kaso hindi ko siya mabasa eh. Mas naging awkward kayang nagpatugtog pa ako sa kotse?

Next playing: Sweet Memory by MACO 

ANO BA?? Takteng yan lalong umawkward. Parang alam yata ng DJ kung ano nangyayari sa amin sa kasalukuyan. Parang ewan naman eh. Pinatugtog yung song na nagpalapit sa amin saka yung song na ginawa ko para sa kanya at higit sa lahat ang huli kong nakanta sa period of friendship namin. 

Buti nalang konting drive nalang nasa cafe na kami. Sana matapos na ito. 

Time Skip 

Sa wakas nakarating din. Para akong nanggaling sa giyera ah. Lalabas na sana ako nang...

 

"Sela, kailan kita pwedeng maka-usap?"

 

_________________________

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kopi_Pengu
Mamayang umaga or hapon ko na itutuloy kasi inaantok na ako. Isang bagsakan nalang din 'to since nililipat ko nalang naman na.

Comments

You must be logged in to comment
Dreanicseby_ #1
HAHAHAHA nice