Chapter 4

Sweet Memory [SeBy/TamagoVerse]

"Ay may pinaghuhugutan talaga si Sela natin dito...." Sabi ni Sheki habang hawak hawak yung lyrics na nagawa ko kagabi.

"Wait not like I'm doubting your lyric writing skills pero paano mo nakuha yan in one seat?" Ask ni Ash.

"Hindi ko nga alam eh, parang nag pop nalang bigla sa utak ko."

"Dahil kasabay niya siya umuwi kagabi nakaisip siguro ng isusulat." Banggit ni Ecka.

"Kaya naman pala..... sige ano Ash try na nating pag-isipan yung possible melody ng song and Sela ipagpatuloy mo lang yan." Inannounce ni Ate Alice and ayun back to work kami.

Time Skip

"Guys may mga bago akong nadagdag. Check niyo kung pwede."

Hey
How long
Have you been making me feel like this
We understand each other
It burns so much that it is unbearable

Your figure when you talk happily
I stare at you quietly
A love story that cannot come true

"Isa kang makata Binibining Marsela! Ate Alice ituloy na natin yung tono." Pag-aya ni Ash at sinundan naman siya nito.

"Dahil nakakarami na si Sela baka gawan ko na rin ng chords." Kinuha na ni Ecka yung gitara niya.

"Hihintayin ko yung main tune para magawan ko ng beats sa drums." Ika ni Gabb.

"Magvo-vocalize na ako. Mamaya Sela sama ka na rin." Aba bakit? I mean vocalist kaming lahat pero si Sheki naman yung main at dapat mag vocalize nang super ayos.

"Dahil kay Sela galing yung lyrics, I think mas maihahayag niya yung mood ng song. Alice, okay lang bang kami yung magl-lead sa vocals for this song?"

"Oo naman maganda yang inisip mo kagaya  mo." Sagot naman ni Alice na ikinamula ni Sheki. Buti pa Shelice paano na TamagoVerse lol.

"Sige sige back to work na tayo."

"By the way Ate Alice, kailan natin map-perform ito?" Tanong ni Gabb.

"Around February and March I think. February kasi Heart's Day Program and March End of School Year." Tumango naman kami lahat.

Ding!

Dahil tumunog phone ko kinuha ko muna ito saglit at pinagsisihan kong gawin ito.

Faith Shanrae Santiago is with Yohan Kim at X48 Arcade

5 secs ago

Napabuntong-hininga nalang ako at itinago ulit sa bulsa yung phone ko.

—————————————-
Another thing, setting is in the Philippines around November.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kopi_Pengu
Mamayang umaga or hapon ko na itutuloy kasi inaantok na ako. Isang bagsakan nalang din 'to since nililipat ko nalang naman na.

Comments

You must be logged in to comment
Dreanicseby_ #1
HAHAHAHA nice