Chapter 1

Sweet Memory [SeBy/TamagoVerse]

Note: Most parts will be Sela's POV + Sabihin nating magkaka-edad lang silang lahat dito. 

---------------------------------------

"Sela!!! Hintayin mo ako!" Tawag sa akin ng isa kong pinakamamahal ko jowa.. este kaibigan lang pala. 

"Oh Feito ano na namang nangyari't napakasigla mo?" Tanong ko sa kanya. Kanina pa 'to ngingiti-ngiti eh. 

"Eh... ano kasi eh...." Hala mulang-mula si ate daig pa kamatis. Mukha siyang weirdo sa totoo lang kung hindi ko lang mahal 'to matagal ko nang tinakwil eh. Kaso wala I love her more than as a friend and she doesn't know. 

"Nililigawan na ako ni Yohan!!! Kyyaaaahhh OMG!!" (A/N: Yes si Yohan nga, X1 member. Wala na akong ibang maisip na male character dito eh sowwy po) Halos tumigil ang mundo ko nang marinig ko iyon. Tanggap ko namang straight si Faith, kaya I've always tried to be unaffected sa pagkakaroon niya ng feelings kay Yohan. But my stupid heart can't cooperate with my mind. 

"Tamago promise ipapakilala ko kayo sa isa't isa para maging close tayong lahat. Ikaw ba baka naman may nanliligaw na sayo or jowa ah. Magsabi ka lang." Kamanhidan at its finest. Ikaw yung mahal ko wala nang iba. 

"Wala ah. O siya sige uwi na ako at baka hinahanap na ako ni mama."

"Okie tamago. Pakisabi kay tita "hi". Alis na rin ako love you!" Masiglang sabi niya sa akin. That's what I loved about her. She has everything I want from a person. Bonus pa yung friendship namin since grade 7 until grade 12. Hayzz pero mas importante pagkakaibigan namin kaya kailangan kong isantabi yung feelings ko para walang masirang relasyon. 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kopi_Pengu
Mamayang umaga or hapon ko na itutuloy kasi inaantok na ako. Isang bagsakan nalang din 'to since nililipat ko nalang naman na.

Comments

You must be logged in to comment
Dreanicseby_ #1
HAHAHAHA nice